^yong sa SG mahigpit na talaga ngayon. maybe dahil marami na rin cases na may mga illegal stays na. kahit kumuha ng PR mahirap na don kasi na-achieve na ata nila yong target nila na no. of citizens din.
1st travel ko abroad, HK, wala rin tanong sa akin non.
me funny thing din na nangyari sa amin ni hubby. working ako sa KL then nong 1st xmas ko dito, hubby (bf pa non) came here, and I sent him all the documents (invitation letter, stating he will live with me, I will support his stay, etc). Nong nasa IO daw siya, hinanapan siya ng ID then pa-cute pa daw yong IO sa kanya, binola-bola lang daw niya, ayun, di naman na daw masyadong nagtanong. Pagdating dito, walang tanong sa kanya except the usual na how long are you going to stay here, etc.
Next, when he came here for training (IT), tapos umuwi kami sa pInas, OA yong IO sa clark. Di ko alam sino nauna sa amin, sabi ba naman ng IO, 'ilang years na kayo mag-gf?' 'San kayo nagkakilala?' 'Pano kayo naging mag-bf?' e naririnig na ng lahat, ginagawa na lang na biro ni hubby. ok pa yong tanong na 'bat don ka pa mag-ttraining?' e ginawa na personal interview nong IO mga tanong niya, sus, namumula ako non sa hiya kasi masyado siyang personal magtanong ke bf. Pero tuwa naman ako sa mga sagot ni bf non.
naalala ko pa, 1st time ko non sa KL, yong na sa ibang counter na Pinay (sa IO ng LCCT to), tinanong nong IO kung ano plan niya dito, etc. Then hinanapan ng pera, la ata dala yong girl, sabi niya, my boyfriend will support me. Tinanong asan BF, sabi nasa labas daw inaantay siya. Ang tagal.
Di talaga basta basta pag lumabas ka ng bansa, esp. they are all on alert sa mga illegal na nag-s-stay sa mga countries. Pasensya na ha pero pinapahirapan lang tayo nong mga kapwa natin pinoy na gumagawa ng kalokohan and who are only thinking of themselves, damay damay tuloy lahat. (Sorry napahaba post ko, heheh)