watch now

Author Topic: Madamot.  (Read 32395 times)

Ms.Cacao70%

  • Guest
Re: Madamot.
« Reply #20 on: June 23, 2011, 12:24:14 am »
Hi Ms.Cacao70,

Yung bata, parang kelan lang na nagmeet at nagkakilala sila ng ama niya in person. Kaya di sila close. Bata pa siya so hindi pa siguro malinaw sa kanya ang inaalok ni hubby pero ang pagkakabasa ko noong nag-chat sila, nung inalok ni hubby na dito daw siya mag-aral sa amin, ang sabi nung bata...puwede siguro. Pero sinabi rin nung bata na may tita din siya dun sa ibang bansa na kinukuha rin daw siya.

Salamat sa storya :) So technically, hindi naman pala siya bunga ng pagtataksil or illicit affair. yung bata pala ay anak niya sa pagka-binata, noong wala ka pa sa buhay niya. Hmmm... siguro, kung ako ang nasa lugar mo, medyo bibigyan ko yon ng consideration. Kawawa naman pala ang batang ito dahil hindi nakilala ang asawa mo. Well, may mga rason ang nanay niya para itago ito sa asawa mo kaya huwag na natin pang balikan yon. Siguro ayaw niya kayong guluhin pero since ang asawa mo na ang nag-reach out kaya nagkakilala sila. Sa tingin ko may karapatan naman ang bata sa pagmamahal ng ama at medyo minalas siya dahil lumaki siya sa broken family at hindi rin niya yon ginusto. marami siguro siyang mga tanong at mga galit. be a little bit more understanding sa situatiin ng bata. I'm sure maiintindihan ito ng mga anak mo dahil mas maswerte sila sa kanya.

Ang nakikita ko din ay Acceptance, your have to find a way within you to accept na itong batang ito ay magiging parte na ng buhay ninyo. Hindi ko naman sinasabing mahalin mo siya na parang tunay mong anak, yung matanggap mo lang na una siyang anak ni mister at may karapatan din siyang magkaroon ng maayos na buhay. Hindi rin niya ginustong mapunta siya sa ganitong sitwasyon na inaayawan mo siya. sino bang gustong maging anak sa labas or anak sa pagkabinata??

kung ayaw mong maging plastik, sabihin mo ang lahat ng concern mo sa asawa mo kung valid naman. kung may selos or takot ka sabihin mo. tungkol sa bata, kung makatapos man siya at gusto niyang bumukod para kunin ang nanay niya  e wala akong nakikitang masama doon! nanay niya yon e :) basta ba hindi kayo titirang lahat sa isang bubong di ba? I say give this kid a chance. There's along way to go. YOu've got enough time to know each other better.

Britney

  • Guest
Re: Madamot.
« Reply #21 on: June 23, 2011, 04:56:52 am »
Well, hindi ko pinagbabawal na mahalin ng tatay yung kanyang anak. Ang issue ko lang, itira sa amin yung bata at si husband pa mismo ang nag-ooffer without even considering me and my kids. Nasabi na niya sa bata so malamang panghahawakan na yun ng bata. Paano kung nakatira na sa amin doon maglabasan ang mga issues tapos sa amin siya nakatira, responsibilidad namin siya dahil nasa ibang bansa siya. Naiintindihan ko yung side ni husband na sabik siya sa anak niya at gusto niyang makasama pero sana isipin din or i-consider na may sarili na siyang pamilya. Well, si husband ang issue dito, ang takbo ng utak niya. Hindi ko naman alam kung papayag yung bata at nanay sa gusto ng husband ko ha. Hindi ko na alam yun. Ilalagay niya kasi kami sa sitwasyon na ayaw kong magpakaplastic. Nasanay kaming kami kami lang so masisisi mo ba ako na mabigla ako sa ganitong sitwasyon? About dun sa maayos na buhay, masusuportahan naman namin siya financially, lahat ng kailangan binibigay ni husband sa abot ng aming makakaya.
Well, tama ka. Acceptance nga ang kailangan pero ito lang ang ayaw ko, ang tumira siya sa amin. Ni hindi ko nga alam kung accepted na rin ng bata na meron ng pamilya yung tatay niya eh.
Ang nakikita ko din ay Acceptance, your have to find a way within you to accept na itong batang ito
ay magiging parte na ng buhay ninyo. Hindi ko naman sinasabing mahalin mo siya na parang tunay mong anak, yung matanggap mo lang na una siyang anak ni mister at may karapatan din siyang magkaroon ng maayos na buhay. Hindi rin niya ginustong mapunta siya sa ganitong sitwasyon na inaayawan mo siya. sino bang gustong maging anak sa labas or anak sa pagkabinata??

rianne_mallows

  • Guest
Re: Madamot.
« Reply #22 on: June 23, 2011, 09:10:07 am »
ay naku kung ganyan asawa ko maiinis din ako.. bata pa yun kid diba? eh di sino expect niya mag-alaga nun? ikaw? asus! may nanay naman yun!

mommycute46

  • Guest
Re: Madamot.
« Reply #23 on: June 23, 2011, 10:31:22 am »
eh di sino expect niya mag-alaga nun? ikaw? asus! may nanay naman yun!

LOL natawa ako. Pero in fairness true naman, kaya nga may nanay. Ang madamot yong ayaw bigyan ng sustento kasi nga anak sa pagkabinata.

pressany

  • Guest
Re: Madamot.
« Reply #24 on: June 23, 2011, 03:04:24 pm »
Kadamutan ba na wag isama ang "anak sa pagkabinata sa tunay na pamilya?" Ang sagot ko dito, OO. Kadamutan not financially but kadamutan sa time and attention ni husband.

Sis, I can see na you are willing to financially support the kid but you want all your husband's attention. Naiintidihan kita kase like you I'm also a mom. And if I were in your position, malamang I would feel the same way.  The kid will always remind me of my husband's relationship with the kid's mom at baka pag simulan lang ng pag-aaway namin.  While you can not blame the kid (cause he came before your marriage) mahirap yung may daily reminder ka ng past ng husband mo.  Ika nga, "lagi kang nakalingon sa nakaraan".   And valid din yung fear mo na baka magkaroon ng competition ang magkakapatid pag laki nila, though, this can be remedied by open communication and fair treatment. 

Pag usapan nyong mag-asawa but advice lang, you can not argue with guilt.  Mahirap iconvince ang husband mo na wag isama ang bata with your family kase nga he's guilty.  Siguro to neutralize the guilt, pakitaan mo ng concern yung bata pero constantly iremind mo si husband ng obligations nya din sa mga anak nyo.  Hindi lang financial obligation ha, emotional din.

rianne_mallows

  • Guest
Re: Madamot.
« Reply #25 on: June 23, 2011, 03:13:04 pm »
sa nakikita ko.. ayaw naman maging madamot ni sis sa attention ng hubby biya.. siguro kung nasa pinas sila hindi naman siguro niya pipigilan yung hubby niya makipagkita sa bata o kaya isama sa mga pasyal..

pero yung itira sa house kasama niya.. ibang usapan na yun kasi.. lalo pa sa abroad sila. ano man mangyari sa bata kargo niya.. saka walang mabigat na reason... ok naman yung bata eh.. sa tingin niyo ba mas magiging healthy ang environment ng bata kung isa sa household na lilipatan niya eh ayaw sa kanya.. baka mas makasama pa.. kahit sabihing abroad yan..

yung hubby niya ang kailangan magdeal sa sarili niyang gulit.. yung asawa niya ang selfish .. gusto niya makasama yung bata, iwawalay niya sa nanay? ano yun? kung ano nanay nun mainsulto pa ko nun eh..

POV ko yan..

Britney

  • Guest
Re: Madamot.
« Reply #26 on: June 23, 2011, 03:16:33 pm »
@rianne_mallows, by that time kung pag-aaralin na dito, mga college na or after college na so hindi na siya alagain.

@mommycute46, Ang ayaw ko lang, na dito siya maglalagi mismo sa bahay namin dahil baka dito pa magkaungkatan or magkasakitan. Pag nagkikita kami, OK OK kasi walang chance na magka ungkatan. Pag kasama mo na sa bahay, hindi mo na maiiwasan ang conflict. Para yang mag-asawa, makikilala mo lang nang lubusan ang isang tao kapag nakasama mo na sa bahay...

@pressay,  Yung husband's attention, nagcha-chat naman sila mag-ama. Pag umuwi kami, binigyan ko sila ng time na magkita. My fear is mawala ang peace and calm sa bahay pag nagkasama sama kami. OK naman kaming buong pamilya kung kami lang. Pero kung itutuloy talaga ni hubby yung balak niya para maibsan ang guilt niya, well gawin niya. Pero ang isip kasi niya, well magkakasundo kami lahat, positive thinker kasi siya kahit hindi niya talaga alam ang ugali nung anak niya.  Pero ako, di ako makakapagplastic na OK, mahahalata talaga. Hindi naman tayo robot na auto switch off ang feelings, na mabait kami lahat. Magkakailangan talaga kami.

Britney

  • Guest
Re: Madamot.
« Reply #27 on: June 23, 2011, 03:21:41 pm »
rianne_mallows, you got it there...Yung ayaw ko yung mismong si hubby pa ang nag-ooffer without consulting me.  Ibang sitwasyon kasi ito. Hindi ko alam kung papayag yung bata pag laki niya ha na dito siya. Sana wag na lang...Yung side naman noong nanay, hindi ko alam ko alam sa kanya kung papayag siya, depende lahat iyan sa takbo ng utak niya...

sa nakikita ko.. ayaw naman maging madamot ni sis sa attention ng hubby biya.. siguro kung nasa pinas sila hindi naman siguro niya pipigilan yung hubby niya makipagkita sa bata o kaya isama sa mga pasyal..
pero yung itira sa house kasama niya.. ibang usapan na yun kasi.. lalo pa sa abroad sila. ano man mangyari sa bata kargo niya.. saka walang mabigat na reason... ok naman yung bata eh.. sa tingin niyo ba mas magiging healthy ang environment ng bata kung isa sa household na lilipatan niya eh ayaw sa kanya.. baka mas makasama pa.. kahit sabihing abroad yan..
yung hubby niya ang kailangan magdeal sa sarili niyang gulit.. yung asawa niya ang selfish .. gusto niya makasama yung bata, iwawalay niya sa nanay? ano yun? kung ano nanay nun mainsulto pa ko nun eh..
POV ko yan..

shoutingwind

  • Guest
Re: Madamot.
« Reply #28 on: June 23, 2011, 03:35:36 pm »
Oh, ang hirap ng ganitong situation.
Ilang beses ako dumaan dito sa thread na to at inisip ko talaga bago ako mag respond.

For me kasi, hangga't bata pa mas magandang mamulat na sya sayo at sa pamilya mo. Meaning, malaman nya na eto ang pwede at hindi pwede sa bahay namin. Welcome ka, pero you have to understand our rules. Kahit hindi ako ang nanay mo, ako ang nanay sa bahay na to. <-- something to that effect.

Now kung matanda na yan titira sa inyo, mahirap na talaga kasi may sarili na yan diskarte sa buhay at hindi mo sure kung pano sya pinalaki ng biological mom nya. [I'm not saying na hindi mabuting mom yung isa, pero diba... iba iba tayo ng style]

Mahirap talaga tong situation na to kasi never mawawala ang tension. Kung hindi man between you and the child... its gonna be between you and the "mom of the child".

Yes, its kadamutan pero nasa lugar nga. You have to take care of your family first diba. Now kung mabait na bata naman to at maganda naman ang pakitungo nyo sa isa't isa... I don't think magkakaproblema.

Just a thought, bakit di nyo subukan "hiramin" yung bata for some time... like vacation lang. Para makasama mo din. Makilala mo.

irish36

  • Guest
Re: Madamot.
« Reply #29 on: June 23, 2011, 03:37:30 pm »
rianne_mallows, you got it there...Yung ayaw ko yung mismong si hubby pa ang nag-ooffer without consulting me.  Ibang sitwasyon kasi ito. Hindi ko alam kung papayag yung bata pag laki niya ha na dito siya. Sana wag na lang...Yung side naman noong nanay, hindi ko alam ko alam sa kanya kung papayag siya, depende lahat iyan sa takbo ng utak niya...


hay naku kung ako yan..no way ayaw ko talaga...hindi naman kadamutan un kasi pumapyag ka naman na ibigay ni hubby mo pangangailangan ng bata.pero kung ako sa kalagayan mo eh ayaw ko din...

rianne_mallows

  • Guest
Re: Madamot.
« Reply #30 on: June 23, 2011, 03:57:11 pm »

Just a thought, bakit di nyo subukan "hiramin" yung bata for some time... like vacation lang. Para makasama mo din. Makilala mo.

maganda itong suggestion mo sis.. yun nga lang kung positive ang magiging relation nila.. paano kung si huby niya and kid lang ang magclick? tapos talagang  hindi feel ni sis britney? mas mahirap magiging situation niya..

shoutingwind

  • Guest
Re: Madamot.
« Reply #31 on: June 23, 2011, 04:06:06 pm »
^At least makikita nila yung real score.

Kung hindi mag click, sino ang may problema? Yung bata ba or si Britney?

Kasi kung mabait naman yung bata at sadyang di lang matanggap ni TS yung situation..ibang usapan yun.

Kung halimbawang mabait yung bata, magkasundo sila ni britney... pero yung nanay ng bata ma-epal ... hindi pa din click yun.

Kung yung bata naman may attitude kahit pinakitaan mo na ng maganda, ibang usapan yun.

At least sa temporary situation na yun, pwede ma assess ni Britney [at ng asawa nya] kung nasan ang problema at kung maayos nila.

rianne_mallows

  • Guest
Re: Madamot.
« Reply #32 on: June 23, 2011, 04:13:00 pm »
^ good point sis .. pero kung ako lang, ayoko magrisk.. sigurista ako eh.. ako lang naman yun :-X..


shoutingwind

  • Guest
Re: Madamot.
« Reply #33 on: June 23, 2011, 04:41:11 pm »
Suggestion lang naman yun. ;D

Ako papayag sa ganon na situation kasi ayokong masisi ng asawa ko if ever. Baka sumabatan ako na I never gave the kid a chance.

books_mags

  • Guest
Re: Madamot.
« Reply #34 on: June 23, 2011, 04:48:02 pm »
i think it is best na huwag makitira yung kid because it will really cause issues.

Kahit sabihin pang sobrang mabait at magalang.  Maski naman sino na laging magkasama, nagkakatampuhan or nag-aaway minsan.  Paano kayo magkakaayos lalo na pag kinampihan ng hubby mo ang anak niya in times of conflict.  And pag sinabing college pupunta sa inyo, mas mahirap yan.  May sariling isip na yan at ugali.
Depende sa palaki ng nanay, pedeng burara or sanay sa maid at ikaw pa rin ang maglilinis at mag-aasikaso.  Kung tamad pa yan, mas malaking issue. 

Andyan pa ang sibling rivalry.  Oo alam ng kids mo na may kapatid sila, pero willing ba sila to share?  Iba yung kasama na sa bahay, syempre may kahati na sila from attention to material things. 

rianne_mallows

  • Guest
Re: Madamot.
« Reply #35 on: June 23, 2011, 04:58:15 pm »
haay.. ewan ko ba.. affected ako sa thread na ito.. wala naman anak sa labas hubby ko o tatay ko. ???

ang point ko kasi.. hindi naman sa hindi binigyan ng chance ni TS yung kid.. it just that, she's not yet ready... sabi niya naman after high school para college na lang doon yung bata..

dapat maintindihan naman ng asawa niya yun.. walang pilitan

shoutingwind

  • Guest
Re: Madamot.
« Reply #36 on: June 23, 2011, 05:05:20 pm »
Sa tingin ko ang kinakainis ni TS dito is yung nag decide yung hubby nya without consulting her.

Kung ako kasi, dun ako maiinis talaga. Simula pa lang nararamdaman ko na agad na may pinapaburan. Parang ganun.

Pero pagdating sa bata, open ako mag isip pag dating jan. Wala naman kasi kinalaman yung bata sa mga nangyari and hindi ko siguro kaya na ako pa yung masisisi in the end (kesyo hindi pinagbigyan etc etc).
At least for me, I tried. I did my part and if it didn't work out, move on to plan B.

sweet.trish

  • Guest
Re: Madamot.
« Reply #37 on: June 23, 2011, 05:39:22 pm »
Mahirap nga yan on your part sis. Pero mas mahirap siguro sa part ng hubby mo kasi for sure he's torn between you and his son. Its understandable naman why he wants to make bawi, not just financially, but time and love na rin. Yung financial support nakukuha naman ng bata sa iba eh, but yung love and time from his father, siguro sa hubby mo lang makukuha, lalo na wala palang bf/hubby yung mom nya, lumaki talaga syang mom nya lang and other relatives ang kasama.

Ayokong sabihing kadamutan sis, kasi willing ka naman magbigay sa ibang bagay. And sabi mo nga mukhang ok naman yung  bata, sanay na sya na wala ang dad nya, so hindi naman talaga sya magiging kawawa. But sana, try mo din intindihin si hubby. For sure he will love you more kapag sinuportahan mo sya. Sa totoo lang saludo ako sa kanya. Ang mali lang naman eh nagdecide sya without consulting you.

Hindi mo kelangan magpaka martir or magpaka plastic sis. Konting sakripisyo lang siguro. Ready ka na rin dapat sa mga posibleng mangyari. Posibleng mabawasan ang attention nya sa inyo, magkakaron ng selosan. Kaya tama yung ibang sisters natin dito, may plan B dapat in case things didnt work out well.

Naiintindihan kita sis, ako pa na super selosa sa lahat ng bagay  :) Pero siguro if i were in your shoes, pagbibigyan ko si hubby.

Britney

  • Guest
Re: Madamot.
« Reply #38 on: June 24, 2011, 11:26:43 am »
Hey guys,

Any suggestion na plan B? Try munang pabakasyunin dito yung bata?
It will open a can of worms. OK, it might work out a little bit pero siguradong malalaman na namin ang ugali ng isa't isa, negative man or positive.  Hindi namin alam kung ano ang mga ugali namin di ba...The kid will also take the risk and we will also take the risk, in the name of kasi si hubby gusto niyang mapunan ang mga pagkukulang niya. It's all about him and his guilt feelings.
Ang sa akin lang, we can leave a peaceful life naman na as it is, walang friction...The plan B is taking a risk and a very big risk...A risk na mas marami ang masasaktan eventually.
Kung as it is, si hubby lang ang masasaktan kasi hindi niya nakasama sa iisang bubong ang kanyang anak. Yung bata, mukhang OK na siya eh.
Pag andito siya, makikita niya kung gaano kami ka-close, masasaktan siya lalo...Kung magiging special ang pagtingin ni hubby sa kanya, baka naman masaktan yung anak ko...Yung mga ganung bagay ba...

Mahirap nga yan on your part sis. Pero mas mahirap siguro sa part ng hubby mo kasi for sure he's torn between you and his son. Its understandable naman why he wants to make bawi, not just financially, but time and love na rin. Yung financial support nakukuha naman ng bata sa iba eh, but yung love and time from his father, siguro sa hubby mo lang makukuha, lalo na wala palang bf/hubby yung mom nya, lumaki talaga syang mom nya lang and other relatives ang kasama.

Ayokong sabihing kadamutan sis, kasi willing ka naman magbigay sa ibang bagay. And sabi mo nga mukhang ok naman yung  bata, sanay na sya na wala ang dad nya, so hindi naman talaga sya magiging kawawa. But sana, try mo din intindihin si hubby. For sure he will love you more kapag sinuportahan mo sya. Sa totoo lang saludo ako sa kanya. Ang mali lang naman eh nagdecide sya without consulting you.

Hindi mo kelangan magpaka martir or magpaka plastic sis. Konting sakripisyo lang siguro. Ready ka na rin dapat sa mga posibleng mangyari. Posibleng mabawasan ang attention nya sa inyo, magkakaron ng selosan. Kaya tama yung ibang sisters natin dito, may plan B dapat in case things didnt work out well.

Naiintindihan kita sis, ako pa na super selosa sa lahat ng bagay  :) Pero siguro if i were in your shoes, pagbibigyan ko si hubby.

rianne_mallows

  • Guest
Re: Madamot.
« Reply #39 on: June 24, 2011, 12:01:10 pm »
^tama.. i totally agree  :)

your hubby should just suck it up for everyone's sake :)
« Last Edit: June 24, 2011, 12:27:59 pm by rianne_mallows »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close