watch now

Author Topic: Madamot.  (Read 32386 times)

Britney

  • Guest
Madamot.
« on: June 19, 2011, 02:32:16 pm »
Isa bang kadamutan on my part kung may plano si hubby na kunin ang kanyang anak nung binata pa siya at i-migrate pag nag-aral na yung ng college para makasama namin? Kelan lang nagkaroon ng communication si hubby dun sa bata dahil hindi nakipag communicate ang mommy nung bata noon dahil sa pride. Ngayon OK na sila at pinag-uusapan ang future ng bata. Hindi naghihirap ang bata at hubby is supporting the kid financially.
Due to guilt and to make up for the lost time (financial and emotional support), hubby is doing everything para sa ikabubuti nung bata. I'm all for the financial support and the communication pero hindi ako solve sa idea na titira siya sa amin dito sa ibang bansa at mag-aaral siya dito. Aside from that, the ex ay hindi nag-asawa, dalaga pa rin hanggang ngayon.  Siguro ultimate love niya si hubby pero I can feel that hubby doesn't have feelings anymore. Talagang kid lang ang habol niya...
So may question still stands, kadamutan ba na hindi ako pumayag na dalhin dito yung bata at itira sa amin assuming pumayag yung mommy niya (which I'm sure papayag, sino ba naman ang hindi?)...

showermist

  • Guest
Re: Madamot.
« Reply #1 on: June 19, 2011, 02:44:43 pm »
Yes.  He's his son. Ang relasyon nya sa anak nya na ito is the same as his relationship to your children (kung mayroon man kayong anak na).  And your husband is after his son's welfare.

angeljolie

  • Guest
Re: Madamot.
« Reply #2 on: June 19, 2011, 02:44:50 pm »
Do you have kids? I think hindi naman sa nagdadamot ka, but there's fear na magulat yung mga anak mo (if you have) or yung mga relatives/friends mo who didn't know about his past.

Britney

  • Guest
Re: Madamot.
« Reply #3 on: June 19, 2011, 02:52:49 pm »
@showermist...Financial and emotional support, willing ko nang ibinigay...We are overseas na, gusto ni hubby dalhin dito yung bata at tumira sa amin. Well, ayaw kong makisama kami and all sa bata and sundin ni hubby lahat ng gusto niyang bata kasi nagbabayad siya ng utang...Yung lang ang ayaw ko, dalhin niya dito yung bata.

@angeljolie...May sarili kaming anak at alam na na may kapatid sa labas. Relatives on his side alam lahat na me anak siya dati nung binata pero on my side and our friends, di alam.

sofiameredith

  • Guest
Re: Madamot.
« Reply #4 on: June 19, 2011, 03:11:38 pm »
sis I understand where you're coming from..... i'm also supportive kung financial obligations pero para patirahin with us hindi ako magiging kumportable, lucky na lang for me wala naman balak na ganon yung husband ko dun sa child niya out of wedlock.

Britney

  • Guest
Re: Madamot.
« Reply #5 on: June 19, 2011, 03:15:27 pm »
@sofiameredith..Just in case in the future, humingi ng tulong yung kid sa daddy niya na tumira siya sa inyo, papayag ka ba? Just say you are also overseas...Or better yet, how would you tell to your hubby na you are not comfortable without hurting his feelings?

sofiameredith

  • Guest
Re: Madamot.
« Reply #6 on: June 19, 2011, 03:46:37 pm »
that's a difficult question sis... mahabang paliwanagan siguro yun at kelangan mag compromise. iba iba kasing sitwasyon natin. in your case yung nanay nung bata wala namang ibang family.... parang ano sila extended family ng hubby mo? andun na ko sa tinanggap mo si hubby mo and his past pero yung total acceptance na sa inyo pa nga titira yung bata is a different thing. hindi nyo pinlaki yun so hindi mo alam yung naging doktrina sa kanya ng nanay niya kahit pa dugo't laman siya ng husband mo. hindi magiging peaceful ang buhay nyo at for sure laging may tension yan at sibling rivalry pa. i'm not being mean and negative here ah... andun na ko sa nakakaawa naman kasi di naman niya ginustong lumabas sa mundo pero para sa ikakatahimik ng buhay ng lahat di ba..... but I assure you sis hindi kadamutan yan napakahirap bang intindihin na gusto mo lang ng peace of mind...

Britney

  • Guest
Re: Madamot.
« Reply #7 on: June 19, 2011, 04:36:21 pm »
I'm glad na may nagsabi na hindi kadamutan ito...Pero siguro hindi sa lahat ganyan ang sasabihin.
Tama ka, forever na magkakaroon ng tension especially super sunod ngayon si hubby sa gusto ng bata dahil kumbaga me utang na loob siya...I also don't agree na nakakaawa yung bata dahil sa tingin ko, they are OK. Yung bata, OK na siya na walang tatay dahil nagmula na rin sa bibig niya na nasanay na siya.
that's a difficult question sis... mahabang paliwanagan siguro yun at kelangan mag compromise. iba iba kasing sitwasyon natin. in your case yung nanay nung bata wala namang ibang family.... parang ano sila extended family ng hubby mo? andun na ko sa tinanggap mo si hubby mo and his past pero yung total acceptance na sa inyo pa nga titira yung bata is a different thing. hindi nyo pinlaki yun so hindi mo alam yung naging doktrina sa kanya ng nanay niya kahit pa dugo't laman siya ng husband mo. hindi magiging peaceful ang buhay nyo at for sure laging may tension yan at sibling rivalry pa. i'm not being mean and negative here ah... andun na ko sa nakakaawa naman kasi di naman niya ginustong lumabas sa mundo pero para sa ikakatahimik ng buhay ng lahat di ba..... but I assure you sis hindi kadamutan yan napakahirap bang intindihin na gusto mo lang ng peace of mind...

aquacharly

  • Guest
Re: Madamot.
« Reply #8 on: June 19, 2011, 04:57:08 pm »
BRITNEY, kadamutan yan ... But, Sis,  I WILL feel the SAME way if I were in your shoes. Humpf, ma susuya nga ako.

BUT. Tuloy natin this .."  IF I were in your shoes ...."   my love for my husband will be enough to allow me to allow him to do his PRACTICAL Best  for this illegitimate  son of his.  (May kahalong guilt, responsibility and pride as a man na kasi yang plan ni hubby eh.)    Assuming ha, kaya financially. (Kung hindi,  aba teka I will tell hubby it isn't logical  nor  practical to put ourselves and that child in danger by putting us all in a state of financial tightness. Lalo na sa USA nowadays, if that is where you are.). Pero talaga, BRITNEY, this " hmmm, puede, tignan natin, sige" will not come to me en punto. But I will soon enough realize that my husband needs to do this; and as a wife who understands him and respects him... O sige na nga! 

BUT, hindi ako magpapaka martyr because he needs to address his halo-halo of guilt, pride & responsibility.  IF that  kid is being brought over, pwes, matira sya sa relatives ng mom nya or mag dorm.  kung hindi nila ma work out financially, pwes - bring over after college, saka sya mag work dyan.  Your husband may have this halo2 going on, but tell him you gotta be the objetive one here now. You gotta stay true to your family course.  That kid belongs in  his past,  fine help him; but not at the expense of you his family now. 

Play your cards well.  Present things in a way na hindi ikaw ang negative, but the practical one.
         Aba, tama ka naman -- Oo, kadamutan, pero teka - nasa lugar!  Eh di ba may generosity that does more harm than good sabi nga, eh di the reverse may hold true for certain circumstances - the kadamutan is good!  BRITNEY, batuhin man ako, this I gotta say:  Family first, always.



« Last Edit: June 19, 2011, 05:00:27 pm by aquacharly »

vani88ty

  • Guest
Re: Madamot.
« Reply #9 on: June 20, 2011, 01:23:56 am »
sis britney, i dont think na kadamutan iyon. if i were in your shoes, hindi ako papayag. sa tingin ko, hindi din healthy iyon para sa anak ng hubby mo kasi maiilang siya sa inyo at darating padin ang pagkakataon na pagseselosan mo ang bata. baka makaapekto din sa baby ninyo ang presence nung bata. kung ako yan, sa ibang lugar ko na lang pag-aaralin at kasama niya ang nanay niya. pwede naman siya magbakasyon sa inyo kapag walang klase. mahirap na desisyon iyan. goodluck sa iyo!

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Madamot.
« Reply #10 on: June 21, 2011, 01:57:34 pm »
Britney, kung saken nangyari yan, ganyang-ganyan din ang reaction ko.

My bestfriend's dad went thru the same thing. Mas masaklap pa nga yon kase yung bata was conceived during her parents' marriage (meaning, anak sa kabit ni daddy, to put it bluntly). Masakit non for my bestfriend and her family, especially for her mom, pero in-accept nilang lahat. It wasnt smooth sailing at first though kase may ibang ugali yung kid and mejo hinde maganda magsalita kaya lageng nagccause ng conflicts amongst them.

I'm not saying na things will be tough at first then smooth din as you go along with the arrangement kase iba-iba naman ang family eh. Pero I would say na kung talagang labag sa kalooban mo na mag-stay yung bata jan sainyo, then let your husband know. After all, kayo ang pamilya nya ngayon and hinde mo din naman responsibility na tanggapin (agad) yung kid. It's something that you may do out of your love for your husband but he should understand if you don't get to that level or if it takes you time to do so.

Like what Aquacharly said, play your cards well. I know iniisip mo yung anak mo. Sa totoo lang, may ibang effect talaga kahit pa alam ng anak mo na may kapatid sya.

Britney

  • Guest
Re: Madamot.
« Reply #11 on: June 21, 2011, 03:38:17 pm »
Hi twelvth_goddess,

Thanks for the reply. Sa ngayon bata pa sila, hindi pa nga teenager eh. Pero hindi ko alam pag nag-teenager na sila. Sabihin man nating OK pa ugali nila ngayon, pag malalaki na sila, baka iba na ang takbo ng utak nila. It might cause some issues in the house. Ang hirap pa kamo, nasa ibang bansa kami, mahirap na umatras si hubby kung hindi na talaga magkasundo sa loob ng bahay. Alangan namang pauwiin na lang bigla yung bata...Ngayon pa lang sinasabi ko na kay hubby, hindi ko gusto ang ganun...

Britney, kung saken nangyari yan, ganyang-ganyan din ang reaction ko.
My bestfriend's dad went thru the same thing. Mas masaklap pa nga yon kase yung bata was conceived during her parents' marriage (meaning, anak sa kabit ni daddy, to put it bluntly). Masakit non for my bestfriend and her family, especially for her mom, pero in-accept nilang lahat. It wasnt smooth sailing at first though kase may ibang ugali yung kid and mejo hinde maganda magsalita kaya lageng nagccause ng conflicts amongst them.
I'm not saying na things will be tough at first then smooth din as you go along with the arrangement kase iba-iba naman ang family eh. Pero I would say na kung talagang labag sa kalooban mo na mag-stay yung bata jan sainyo, then let your husband know. After all, kayo ang pamilya nya ngayon and hinde mo din naman responsibility na tanggapin (agad) yung kid. It's something that you may do out of your love for your husband but he should understand if you don't get to that level or if it takes you time to do so.
Like what Aquacharly said, play your cards well. I know iniisip mo yung anak mo. Sa totoo lang, may ibang effect talaga kahit pa alam ng anak mo na may kapatid sya.

aquacharly

  • Guest
Re: Madamot.
« Reply #12 on: June 22, 2011, 12:35:55 am »
BRITNEY,  there are times when one must make a stand.  If I were in your shoes, this is gonna be one of the rare times ... non-negotiable kung baga my position on the matter.

As you astutely see now:  if things do not work out, your  husband just cannot bundle off the kid and Fed-Ex  him back to his mother.   Imagine the stress! on your marriage and family life.  Eh kung yung mismong anak mo na nga eh, they say there will be a couple of years when magkaka away talaga kayo, it is parat of growing up daw.

Did Guilt go On Sale?  Looks like your husband got an overdose of it. 
Can't you just commit to allow him to give x amount per month for the kid's education?

IF all logical approaches fail, well... pray (tulungan kita!) that the mother will not let her son live with you.  For all you know, she fears he will fall in love with you and be closer to you both eventually.

guilleanne

  • Guest
Re: Madamot.
« Reply #13 on: June 22, 2011, 01:25:03 am »
yes. pero hindi ka dapat sisihin sa desisyon mo, kasi by all means you have to protect your family.

I'm a step mom of 2, they live with us, it's not so hard naman kasi I've accepted them and I love hubby.
Kailangan nyo mapag usapan mabuti yan ni hubby kasi anak nya yun and mabuti syang tatay kung ganun ang nararamdaman nya. Baka pwede mag compromise na lang kayo like kung pwede bang magbakasyon yung bata jan for a couple of months, kaya mo namang tiisin yung few weeks.

Ms.Cacao70%

  • Guest
Re: Madamot.
« Reply #14 on: June 22, 2011, 02:33:24 am »
eto lang, alam na ba nung bata ang mga plano ninyo sa kanya?  ;) sinabi na ba ng bata na gusto niyang tumira diyan at mag-aral pag college na siya? baka hindi rin siya kompartable na titira siya sa iyo at baka natatakot or naiilang din sya lalo na kung hindi sila close ng husband mo na tatay niya.

at hindi magiging madali sa part mo at ng bata kung matuloy man siya diyan. syempre andon ang hinanakit, resentments, lalo na sa tatay niya. kaya marami kayong pagdadaanan. kung akala mo eto lang ang problem mo, baka marami pa pala. kasi ang tagal nilang hindi nagkasama.

kaya pag-usapan mabuti, alamin ninyo muna kung ano yung feelings nung bata. tao ka lang naman, normal na umayaw ka pero isipin mo din kung ang mga anak mo ang napunta sa kalagayan ng anak niya sa labas. siguro timbangin mong mabuti ang sitwasyon.

at saka ano ba itong bata, anak sa labas or unang pamilya ng asawa mo? if you dont mind me asking.

rianne_mallows

  • Guest
Re: Madamot.
« Reply #15 on: June 22, 2011, 07:51:55 am »
kung ako ikaw, ayoko din.. enough na yung financial support.. hindi naman kasi kailangan kunin eh.. may nanay naman yung bata.. kung deads na yung nanay pwede pa siguro.. pero sa situation mo, ako yan hindi ako papayag

may kids ka ba sis?.. paintindi mo sa hubby mo na huwag naman niya ilagay sa mahirap na ssituation ikaw lalo na yung kids niyo.. mahirap yang ganyan.. sobrang stress yan

sabihin mo sa hubby mo, inintindi mo siya noon.. may anak siya sa tapos sinusupport niya... ok lang sayo.. ikaw naman intindinhin niya ngayon.. na mahirap for you ang gusto niya mangyari

Britney

  • Guest
Re: Madamot.
« Reply #16 on: June 22, 2011, 11:06:37 am »
Eh ang siste, pag-aralin ang sabi niya eh...Eto lang naman eh pag malaki na yung bata. Pag nagcollege na siya or baka after niyang mag-college sa Pilipinas, dun niya papupuntahin dito. By that time, malaki na yung bata. Ang sa akin lang, nasabi na ni hubby sa bata eh, siyempre nakatanim na yun. Eh di mabuting ngayon pa lang, alam na niya ang stand ko.
yes. pero hindi ka dapat sisihin sa desisyon mo, kasi by all means you have to protect your family.
I'm a step mom of 2, they live with us, it's not so hard naman kasi I've accepted them and I love hubby.
Kailangan nyo mapag usapan mabuti yan ni hubby kasi anak nya yun and mabuti syang tatay kung ganun ang nararamdaman nya. Baka pwede mag compromise na lang kayo like kung pwede bang magbakasyon yung bata jan for a couple of months, kaya mo namang tiisin yung few weeks.

enelym

  • Guest
Re: Madamot.
« Reply #17 on: June 22, 2011, 11:18:42 am »
yes, kadamutan yun... may karapatan din naman ang anak ng hubby mo sa kung ano man at hanggang saan ang kayang ibigay ng hubby mo sa kanya... kung college naman na ang anak nya pag kinuha nya at itira dyan, ilang panahon na lang din naman ang ititira nya sa inyo kase magkakaron na rin ng sariling buhay yan pag nakagraduate nya... not to mention na anak nya na yun before pa maging kayo... di naman kasama ang mommy ng bata pag tumira sa inyo di ba? :)

mommycute46

  • Guest
Re: Madamot.
« Reply #18 on: June 22, 2011, 12:27:51 pm »
Kadamutan nga, nasa lugar naman...Hindi pare pareho pagtanggap natin sa mga bagay bagay and we are on the same side TS. Of course yong iba sasabihin madamot ka kesyo karapatan ng bata yon or ng ama but there are always side effects lalo na sa present family.

By the way, mas mahirap makasama ang teenager kesa bata dahil may sarili ng pag-iisip yan. Hindi mo agad macocorect kung may mali siya. Siyempre hindi ikaw ang nanay di ba, baka mamaya sabihin pa niya "ikaw ba nanay ko?". Well hindi naman sa pinangungunahan ko ang anak ng hubby mo, but there is a possibility di ba?

Ano ba ang stand ng mother dito? (mother of your hubby's child) Isn't it better if the child stay with her mom since wala naman palang asawa? Mas magagabayan pa niya ang kanyang anak because she is the mother. Pwede na siguro yong si hubby mo magpaaral pero yong isugal niyo ang pagsasama niyo dahil sa kanya, aba mahabang paliwanagan yan. Sabi mo nga, you are against of it so bakit ka magpapakaplastic di ba?
« Last Edit: June 22, 2011, 05:50:43 pm by mommycute46 »

Britney

  • Guest
Re: Madamot.
« Reply #19 on: June 22, 2011, 02:52:55 pm »
Thanks enelym for the reply. At least you gave a different view point. Hindi ilang panahon yun. Siyempre andito na siya, bakit pa siya uuwi sa Pinas. Magsasariling buhay na siya pero hindi niya kakayanin mag isa hanggang magkatrabaho, siyempre dito sa amin pa rin siya titira. At eto pa, siyempre walang asawa yung nanay, sino naman ang makakapigil kung kunin niya ang nanay niya di ba...And then we will be put into a situation na magkaroon kami ng ugnayan dahil siyempre, kami kami lang dito, kami kami rin lang ang magkikita. Hindi ko kakayanin na magpakaplastic...

yes, kadamutan yun... may karapatan din naman ang anak ng hubby mo sa kung ano man at hanggang saan ang kayang ibigay ng hubby mo sa kanya... kung college naman na ang anak nya pag kinuha nya at itira dyan, ilang panahon na lang din naman ang ititira nya sa inyo kase magkakaron na rin ng sariling buhay yan pag nakagraduate nya... not to mention na anak nya na yun before pa maging kayo... di naman kasama ang mommy ng bata pag tumira sa inyo di ba? :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close