watch now

Author Topic: Catering thread 4  (Read 191459 times)

sweetestCORN

  • Guest
Re: Catering thread 4
« Reply #540 on: May 24, 2013, 06:25:43 pm »
Talaga sis punk? Thanks! Atleast now i know na hindi naman pala bad idea ko. May mga umeepal kasi na kamag-anak nomi hubby. Hehe

stormy

  • Guest
Re: Catering thread 4
« Reply #541 on: May 25, 2013, 01:52:15 am »
@sistah sobra naman yun talagang sabihan ka small event d sya makipag-meet :(

Akala ko ako lang naiirita sa paraan ng pagsagot sa email ng ibang suppliers.

Ako naman sa caterer ko na bago (na pag d umayos e papalitan ko) napansin ko mga dishes na napili ko nasa lower priced set menus nila. Ang nasa higher priced set menu lang e roast beef. So nagparequote ako sinabi ko yun napansin ko after ko palitan mga dishes sinagot ako ng (binawasan nga pala ng 50 pesos) "you just basically removed the salad right?"

I asked nga a GT mom na sya magdigest nun email sabi e siguro bata pa raw. Sabi ko sakto, bata pa d pa marunong makipagdeal sa matanda na tulad ko.

Nag-email pa ulit pero d ko na muna binuksan kagagaling ko lang med check up :)

 
Edited to add: nagma-maam naman sa email pero ramdam ang exasperation nya sa sagot :)

Basic fact rin naman kasi na sa catering may mas mababa na presyo na dishes at meron rin mas mataas.

Nagsimula kami sa pinakamahal na menu. Pero kinausap ko mister ko na d lahat type ang ganun food baka sya lang at friends nya mag-enjoy. Nun nagbago ako ng dishes galing sa mas mura na set menus d naman siguro unreasonable na humingi ng panibagong costing. Lalo na d ako nangungulit kahit matagal pa, for them, event namin na next month na :)
« Last Edit: May 25, 2013, 02:12:40 am by stormy »

funky f

  • Guest
Re: Catering thread 4
« Reply #542 on: May 25, 2013, 09:11:27 am »
Sarap isumbong sa owners ng mga ganyang staff (assuming staff lang sila and not the owners).  Kasi, they're losing clients because of their attitude.  Very impt pa naman ang attitude ng staff kahit 'sang biz.  Dyan ko naman super gusto si passion cooks kasi yung mga staff/AEs nila ma nakausap ko before were all nice. Kahit "small gathering" lang,ay food taste and all. Before, nagpa-cater ako for 90 pax lang pero yung food tasting, dinala pa nila sa ofc ko.  They brought good for 3 daw pero ang dami, almost 10 kaming nakakain...

bibits

  • Guest
Re: Catering thread 4
« Reply #543 on: May 27, 2013, 07:31:52 am »
had our party last week with bistro 109 as caterer. overall ok naman sila, maraming nasarapan. winner yung banana tartlet na originally hindi kasama sa menu ko pero inadd nila at no additional cost na :) madami ang waiters, and comment ng brother ko walang problema sa paghingi ng drinks, isang request lang andyan na agad mapa coke or iced tea. a bit disappointed though with the our roast beef, nakalagay kasi sa contract carved on the spot tapos when i was getting food na hinanap ko. nagulat ako nakita ko sya nakaslice na at medyo mukhang dry na:( ayun medyo tough na nga yung meat although makakakain at di bubble gum levels. sayang lang kasi mas masarap sana talaga if nasunod yung original plan na carved on the spot kasi si chef nila mismo nagsuggest nun para daw di madry. pero i let it pass and too late na naman magreklamo. pero setup wise maganda, yung tablecloth nila na pink damask bagay na bagay sa theme ko :)

pinkpunk

  • Guest
Re: Catering thread 4
« Reply #544 on: May 27, 2013, 11:36:20 am »
hi sis bibits! would you have photos of your party and set-up by bistro 109? pa-share naman pls... am also starting my party planning for daughter's birthday. thanks!

bibits

  • Guest
Re: Catering thread 4
« Reply #545 on: May 27, 2013, 05:41:57 pm »
^ hi sis i have a few pictures pero yung from official photographer wala pa e. i can email them to you if you want pm me nalang your email addy :)

khriseeee

  • Guest
Re: Catering thread 4
« Reply #546 on: May 27, 2013, 08:14:41 pm »
^sis happy to hear your party was a success! Did you give feedback to Anne or the company re: the roast beef? Ours was already sliced too (I don't think I was indicated that it would be carved on the spot) but it was still tender naman,

m0mish

  • Guest
Re: Catering thread 4
« Reply #547 on: May 28, 2013, 07:40:35 am »
Hi mga sis! Just want to share with you my very very bad experience with Magical Prince Party Perks and Catering. This serves as warning to every mom out there.. 3 weeks before my daughter's 1st birthday we contacted this magical prince party perks to inquire about their kiddie packages because we checked there websites and they offer a very good packages for a party. We chose them because they were advertised by the showbiz central and i-shine program on the gma7. We even verified with the DTI if they're a legit business.

A few days after our conversation, I decided to meet her up at the coffee shop at pasay road edsa. We talked about the party, my plans, what type of balloons that i wanted to be setup, the menu etc. She even told me that she'll be sending an e-mail regarding the design of the party. So we closed the deal with 10k as our downpayment.Later that night, Ms. Jem Manipol (owner of the catering services) texted me and informed me that she will give 10% kung magfu-full payment kami before march 27 and i replied na we'll think about it first. Kinabukasan sinearch ko ulit sila nakita ko sa
sulit.com yung catering services nila pero may bad comment na kesyo di daw ganon ang napag-usapan nila mga dugyot daw yung mga gamit at parang kinuha lang sa labahan yung mga sapin at ang food malapit ng mapanis, so i panicked and texted her about what i read sa sulit sinabi nya na one of her competitor lang daw yun na sinisiraan sya kaya nakikipagcoordinate na daw sya sa sulit para ipatanggal at tinext nya ko na "sagutin mo ma'am please mageexplain ako" so sinagot ko naman at inassure nya ko na magiging special and birthday ng baby ko. A few days later we texted and my husband and I agreed to pay the remaining balance on march 29 ata yun. After we deposited the money ok lang ang reply niya. Nagresearch ulit ako just to be sure na di sila bogus so
yun na lang ang pinanghahawkan namin na inaadvertise sila ng gma7. So I texted her on April 08 and was asking if she can send na yung details na party kasi sa April 13 na yung event pero di pa rin sila nagrereply sabi namin pagtapos nila makuha yung full amount ni di sila marunong makipag-coordinate sa client nila at nagpaplano na nga kami ipatulfo sila kuing di sila talaga sisipot. So 4 days before ng birthday kinulit namin talaga siya hanggang sa nagreply naman at isesend na daw nya pinapagawa nya pa daw kasi yung design sa tao nya, (i was referring don sa whole setup ng place). 2 days before sas sobra na naming kinulit sinend naman nya but to my suprise, it was a design for the photobooth lang! yung 3R lang ata yun tapos sabi ko di na ko makikipag-argue baka naman di niya ayusin yung setup pero tinext ko sila na kung what time sila pupunta kung alam na ba nila papunta samin walang reply di sumasagot ng tawag kaya tinext ko sya "ma'am makipagcoordinate naman kayo sa amin special tong birthday ng baby ko kasi 1st birthday niya to at special samin ang baby namin kasi after 2 miscarriages nakabuo din kami kaya please naman magreply naman kayo.." aba di man lang natamaan! Okay kinakabahan na talaga kami ng hubby ko. a day before the event tinext namin thank God at nagreply naman na pupunta daw sila ng 9am.

On the day of the event, nabunutan ako ng tinik ng nagpunta sila ng 9am ng umaga at nagsesetup, mga bandang 3pm pumunta na kami sa multi-purpose and na dismaya ako sa setup.. hindi ganon ang pinagusapan namin at wala yung mga add-ons like bubble machine, photo booth sira daw kasi gusto kong umiyak kasi ang pangit talaga ng setup at naiiyak ako tapos yung mga linen ang dudumi pati yung cotton candy na cart tinakpan lang ng tela taspos yung mga caterers sila din nagsetup ng place ok lan naman pero sana nagayos man lang sila pati ang dudumi at gusot-gusto ang mga uniforms nila.. pero di hinayaan ko na lang di ko na siya tinext kasi ayokong lalo masira ang araw ng baby ko..3pm wala yung magician na siya din ang host, maaga pa lang tinext na siya ng hubby ko about our location di nagrereply at di sumasagot yung magician. hanggang naging 4pm na tinawagan namin ayun naligaw napunta ng calamba eh taga san pedro laguna lang kami kaya asar na asar talaga kami at nakakhiya na talaga sa mga bisita kaya tinawagan ko si Ms. jem Manipol sumagot naman siya at sinabi ko na naligaw yung magician so pati daw sila tinatawagan na ang nalowbat na yung magician. 5pm na wala pa din so pinakain na namin yung mga bisita. At alam nyo mga sis na ang mga colleagues ko ang nag host ng party so kami na lang ang gumawa ng sariling programs nakakalungkot talaga ng bonggang-bongga.. Mga 6:30pm duamating yung magician eh ang event from 3pm to 7pm lang.. yung ibang bisita nag-uwian na lang..

After ng party never ko na tinext or tinawagan si ms. jem sobrang sama ng loob ko.. sabi ng nanay ko dapat daw ng jollibee na lang daw kami ang arte ko daw kasi.. sabi ko naman gusto ko lang na maging maganda yung party.. 40500 ang ginastos namin sa catering pa lang at ganon-ganon na lang ang nangyari.. sabi ko sa hubby ko bat ganon nanay din naman siya at matagal din niyang hinintay magka-baby at dapat alam nya kung gaano yun kaespesyal ang 1st birthday.. hayaan ko na lang daw at may karma naman daw sa Itaas na daw ang bahala sa kanila..Kaya mga sis sobrang dobleng ingat sa pagpili ng pagkuha ng catering services lalo na sa very special occassion niyo.. Sorry sobrang haba ng post ko just wanted to warn you po mga mommies para di niyo maranasan ang very very very bad experience ko with them.. napatunayan ko na tama pa lang yung nakita kong post sa sulit.com akala ko competitor talaga nya tapos kaya pala sa fb wala masyadong comment mga clients nila puro pictures kasi siguro di niya inaapprove or dinedelete niya mga bad feedback.. wag tayo maniwala sa mga pics lang na pinopost kasi parang kapani-paniwala talaga.. until now di ako maka-get over sa nangyari sa amin para may eveidence ako di ko dinidelete yung conversation namin sa phone.. haaayyyy....  >:( :'(
« Last Edit: May 28, 2013, 07:57:02 am by m0mish »

ceejhei

  • Guest
Re: Catering thread 4
« Reply #548 on: May 28, 2013, 12:59:33 pm »
^thanks for sharing sis. siguro kung ako yan, nag demand ako ng refund plus they will earn negative feedback from me. it was our hard earned money pinagplanuhan natin
tapos sisirain lang nila ng ganun ganun lang? mag reklamo ka sis, im sure hindi lang ikaw ang naloko niyang caterer na yan. post ka din negative feedback sakanila.

don't worry tama si hubby mo, may karma din yang mga yan. and im sure hindi sila magtatagal sa ganitong business.

m0mish

  • Guest
Re: Catering thread 4
« Reply #549 on: May 28, 2013, 01:09:54 pm »
@ceejhei    pwede pa ba ako magreklamo mga nung april 13 pa kasi yun tsaka as in di ko matanggap yungnangyari ngayon ko lang na vent out yung feelings ko sa nangyari saan ba ako pwede magreklamo at magpa refund nawalan ako ng gana itext sya after what happened.. baka pag tinext sabihin nya ang tagal tagal na ngayon lang ang nagrereklamo pa help naman po!

forumera

  • Guest
Re: Catering thread 4
« Reply #550 on: May 28, 2013, 01:25:19 pm »
May nabasa na akong ganyang reklamo dito ata sa thread na to or somewhere else then I googled, nakita ko ads nila sa Sulit.com and the bad feedback nga, ang their gallery shows they handle events ng mga networks like GMA, sis patingin naman ng party mo for sure may pics ka

m0mish

  • Guest
Re: Catering thread 4
« Reply #551 on: May 28, 2013, 01:36:26 pm »
@forumera    oo sis may pics ako, sa pics akala mo maganda yung setup pero hindi ang mali ko lang di ko na picturan yung mga linens nila paano ba magpost dito ng pics? pag dating ko ng house upload ko po dito sis nasa office kasi ako ngayon and hingin ko din sa kumare ko yung pics na yung mga colleagues ko ang naghost kakaloka talaga.. ang hirap nila kausap pag nakapag bayad ka na ng buo..
« Last Edit: May 28, 2013, 01:39:52 pm by m0mish »

funky f

  • Guest
Re: Catering thread 4
« Reply #552 on: May 29, 2013, 01:00:39 am »
Me too, i read here in GT about that same caterer/party organizer. Halos pareho kayo ng experience. Nabasa ko rin yung feedback na yun sa sulit.  I had my own share of horror stories kaya lago na na may kaba ako pag nagbibook ng supplier...

ceejhei

  • Guest
Re: Catering thread 4
« Reply #553 on: May 29, 2013, 09:15:48 am »
@ceejhei    pwede pa ba ako magreklamo mga nung april 13 pa kasi yun tsaka as in di ko matanggap yungnangyari ngayon ko lang na vent out yung feelings ko sa nangyari saan ba ako pwede magreklamo at magpa refund nawalan ako ng gana itext sya after what happened.. baka pag tinext sabihin nya ang tagal tagal na ngayon lang ang nagrereklamo pa help naman po!

i am not a pro when it comes to legal matters pero ika nga nila, takutan lang. gawa ka ng formal letter to express your disappointment with their service and ilagay mo dun na you want compensation
and it took time for you to complain as you are "consulting with your lawyers"  may ibang sis dito na makakapag bigay din ng advice sayo. last month lang pala nangyari yan. if magagawa mo ang letter send it ASAP.
do you have receipts? or yung plan man lang ng pinag usapan niyo? you can get refund sa mga services na hindi mo naman nakuha, breach of contract kagad yun.

funky f

  • Guest
Re: Catering thread 4
« Reply #554 on: May 29, 2013, 09:45:34 am »
share ko na rin sis, my experience with writing a demand letter as per my lawyer:
 
1. dapat i-specify mo what you want.  this should be realistic.  baka yung full refund, hindi mo makuha pero i think pwede mo ideduct yung magician and % of the food bill.
2. lagay mo the effect of what they did to you like embarassment, stress, etc.
3. also, bigyan mo sila ng deadline to reply.   normally, 10 days dapat. 
4. lastly, dapat i-mail mo yung letter or hand deliver kasi important na ipa-sign mo sila ng receiving copy.

ceejhei

  • Guest
Re: Catering thread 4
« Reply #555 on: May 29, 2013, 12:56:02 pm »
^ayan sis may guide ka na from sis funky f kung paano dapat gawin, they caused you too much stress and money na din.

m0mish

  • Guest
Re: Catering thread 4
« Reply #556 on: May 29, 2013, 03:26:51 pm »
@ceejhei       thank you sis ha! do i need to have a lwayer na ba agad at saan ako kukuha? oo sis nasaamin lahat nung deposit slips at contract namin..

@funkyf        thank you sis ng marami! sobrang ang tagal bago ko eto inopen ulit kasi sobrang sama ng loob ko biruin nyo ang dami naming inutangan para lang maging maganda 1st birthday party ng baby ko.. hanggang ngayon nagbabayad parin kami ng utang at di basta utang yun may interest pa yun...

please help mga sis! i want to take a legal action sa kanila ang dami nila naloloko.. kawawa naman tayong mga mommies na gusto natin maging perfect ang occassion ng mga anak natin at gagawin nila yung mga ganong bagay kaasar!!!
« Last Edit: May 29, 2013, 03:36:38 pm by m0mish »

cecil65

  • Guest
Re: Catering thread 4
« Reply #557 on: May 29, 2013, 04:10:16 pm »
@mommish - I also read a warning feedback about sa caterer mo sa kabilang forum, i think last year pa yun. Sis, di ba sabi mo DTI registered sila? bala you can ask DTI what legal action you can take against them also. Also siguro take the advices of our other sissies here. Do you know saan sila located. Maybe you can file a complaint sa barangay muna nila or something to start with. Baka dun pwede ka na makakuha ng any refund.

m0mish

  • Guest
Re: Catering thread 4
« Reply #558 on: May 29, 2013, 04:23:22 pm »
@cecil65   sige tatanungin ko sa DTI sis kung ano ang pwede kong gawin.. Oo sis may address naman sila..

funky f

  • Guest
Re: Catering thread 4
« Reply #559 on: May 29, 2013, 04:52:07 pm »
sis momish, no need for a lawyer muna sa 1st demand letter mo.  pag di pa rin kayo nag-agree, hanap ka na ng lawyer.  pero magastos kasi mag-lawyer.  actually, pa-draft ka palang ng letter sa lawyer, may bayad na.  then, if you decide to pursue a case, may accpetance fee pa ang lawyer.  baka nga ok na ipa-baranggay mo muna...

 

Latest Stories

Load More Stories
Close