watch now

Author Topic: sisses, is it ok na bigyan ng duplicate ng susi ng house ang mga ILs?!!!  (Read 5146 times)

ishi_08

  • Guest
gusto ni hubby, paduplicate ko daw sila ng susi ng house namin, dahil pag gusto daw nilang pumunta ay may lakad ako at wala ako... duh! bahay nga namin yun diba! kainis talaga! tapos nasa abroad si hubby, sa kanya pa magtetext na pupunta sila eh andito naman ako! >:(

blooming

  • Guest
ok lang siguro kung may extra key na nasa inlaws mo kung ang purpose eh biglang let's say nawala yung susi mo. kung baga spare key nasa kanila. in the same way, I dont see anything wrong kapag may spare key din na nasa parents mo, baka lang sya mawala kasi yung hawak mong susi.

pero dapat respect lang sana. kapag gusto nila pumunta dyan, dapat lang naman siguro sabihin sa iyo or magdoorbell sila kung andyan ka at hindi bigla nalang nilang gagamitin yung susi at papasok.

tsaka kapag spare key, sa gate lang. hindi puede lahat ng susi sa bahay.
« Last Edit: June 11, 2011, 11:08:48 pm by blooming »

j27

  • Guest
^sis blooming, ang pangit lang kasi dun sa purpose ng pagpapa duplicate ng key, e yun nga, para anytime daw na gustuhin pumunta ng inlaws sa house nila, makakapasok sila, sa ayaw at sa gusto ni sis ishi. disagree ako dyan.

kung gusto nila makasigurado na may tao sa bahay pag dating nila dun kung sakali mang bibisita sila, magpasabi sila in advance. bahay ng may bahay yan e. kahit pa bahay ng anak mo yung pupuntahan mo, bahay ng mag asawa yun, respeto naman sana ng konti dun sa asawa. kung wala man silang datnan sa bahay, edi balik nalang sila sa ibang araw, o kaya itext nila at sabihin na andun sila kaya lang walang tao.

ishi_08

  • Guest
thanks sa advice sis blooming.... =) at least medyo naliwangana ako sa ibang side...

si j27- pak! as in super pak! yan pinag aawayn namin ni hubby ngaun! gusto nya paduplicate ako ng susi para anytime daw na gustuhin ng magulang nya, kahit walang tao eh makakapasok sila! Grrrrr! nakakadagdag sila sa stress ko! 6 mos preggy na ako pero pag sila ang topic, nakakainis na!

alam kong pamilya na sila, pero kaya nga kami lumpiat ng bahay diba? para may privacy! panu ko macoconvince si hubby na di pwede sakin yun... haaay

rianne_mallows

  • Guest
at TS:

mag-isa ka sa house sis and preggy ka? i think for now better kung may duplicate sila.. iwas away kay hubby mo, then kung may emergency, may susi sila.. kasi nga preggy ka ..

this way matest mo din kung barabara na lang sila pupunta ng walang pasabi.. and kung ganun ito gawin mo..

 after mo manganak palitan mo na lang yung lock/doorknob.. sabihin mo nasira tapos huwag mo na sila iduplicate.. at least may valid reason ka na masasabi sa hubby mo kung bakit ayaw mo ng may susi sila..


ishi_08

  • Guest
dati sis, nung di pa ako preggy kami ni baby ko lang, ngayon preggy ako, pinatira ko si mama dito sa house kasi CS ako pag manganganak... hay naku sis nakakinis ... kung pumunta pa naman sila as in sugod mga kapatid.

naiinis ako sis, ano gagawin ko? try ko iconsider yung suggestion mo... thank you! kagabi pa ako talaga naiinis, naiiyak ako sa inis ke hubby at sa nanay nyang sumbungera!

princessleia

  • Guest
sis kung i pa duplicate mo lang e yung key sa main door pero yung key sa mismong kwarto nyo wag mo i pa duplicate at least kahit nasa loob sila ng bahay e kung may sarili naman kayong room e may privacy ka pa din  ;)

j27

  • Guest
sis ishi, okay din yung sinabi nila na sige bigyan mo ng duplicate ng gate at main door/back door, for the mean time para makita mo kung abuso sila sa pagpunta sa bahay mo o meron pa namang konting respeto. pero naman, i-ready mo ang sarili mo. ang pangit kaya ng feeling na may biglang bubulaga sa muka mo na uninvited or unexpected guests sa sarili mong bahay, sa loob ng bahay ha, hindi lang sa gate. nakakasira ng buong araw yan lalo na kung maselan ka pa magbuntis.

para sakin, may duplicate man silang hawak o wala, dapat ipaalam pa rin sa may ari ng bahay kung pupunta sila o hindi. respeto, respeto, respeto. hindi yung surprise ang pagpunta. sure ba silang masusurprise at matutuwa yung dadatnan nila?


j a n i z

  • Guest
ano b yan? nagsolo n nga, pero nakikielam pa din. hay! ako yan, never! d ko sila papaduplicate. sarili kong pamamahay yun. u should talk to ur hubby and tell him n d pwede yun.

j27

  • Guest
^korek! kahit naman baligtarin natin ang pangyayari, sabihin na natin yung own parents naman ni wifey ang nagrerequest ng duplicate, iisipin mo rin naman yung hubby mo diba kung okay lang sa kanya na labas pasok nalang ba sila sa sarili niyong pamamahay ang parents mo? wala ka ng privacy diba kahit sabihin pang nasa abroad naman yung isa.

pinakamagandang gawin talaga dyan, kung gusto man nilang dumalaw, magpasabi in advance para siguradong may dadatnan silang tao.


bleucharmz22

  • Guest
for me NO! they should respect your privacy...they can come and go naman as long as nandun ka or para maiwasan na pupunta sila na wala ka sa bahay...mag-abiso sila noh!



rianne_mallows

  • Guest
@ ts

agree ako sa mga sissies natin na importante ang privacy.. pero since LDR kayo (like me) kailangan din ng diplomacy ;)

sabi mo nga, si mama mo pinatira mo sa house .. i think, in your hubby's POV, nothing wrong kung NANAY NIYA ay may access din sa house..

hindi mo kasi alam kung ano iniisip nila eh.. baka mamaya may iba na iniisip yang mga yan..

if hindi kai papayag sa initial na request madaming pwedeng isipin, both si MIL mo and your hubby.. like, baka mamaya may tinatago ka(lalake) ..o kaya madamot ka.. o kaya plain maarte ka lang..

oh well depende din kasi sa klase ng hubby na meron ka, if understanding.. madali, kausapin mo lang siya dapat gets na niya na mahirap for you yung gusto niya mangyari..
 pero i reckon siya yung tipong nagdedecide and strong headed/maihirap kontrahin (kaya nga naiinis ka eh, at hindi mo masabi straight) better kung gawin mo yung advice ko (IMO LANG HA)

in that way, natest mo na IL's mo.. if hindi aabuso edi okay.. kung aabuso, may grounds ka na para icontest desicion ni hubby mo.. kung baga may bala ka..

if problem mo eh yung sandamakmak sila kung dumating eh ano? dadating sila edi okay.. PERO it doesnt mean na pagsisilbihan mo sila.. aba ano sila sinuswerte? huwag mo ipaghahanda ng food ha.. okay lang snack snack lang.. pero other than that huwag na.. magkulong ka sa kwarto mo sabihin mo papahinga ka..

again kapag nagsumbong sa hubby mo may reason ka pa din na ibabato sa kanya.. sabihin mo hirap ka magprepare kasi preggy ka.. na wala sa budget, etc.. diskarte mo na yun

para in this way hindi ka lalabas ng kontrabida like gusto na mangyri ni MIL mo ;)

isa pa kahit sukang suka ka na sa IL's mo.. sad to say, hindi kayo pareho ng POV ni hubby mo.. hindi siya nasusuka sa family niya .. so the choice is yours..
pwede attack them head on and be aggressive yung nga lang, be warned, may magiging effect ito sa hubby mo.. OR go with the flow FOR NOW and see what happens ;)

(if you are to follow my advice lang.. be sure not to stock up on groceries.. baka kasi yun naman ang dalihin nila since hindi mo sila ipaghahanda.. better kung sa room mo ilagay but explain mo sa mama mo why.. mahirap na baka mamiss interpret niya sabihin siya tinataguan mo ng groceries ;D)
« Last Edit: June 13, 2011, 09:38:33 pm by rianne_mallows »

confusedgirl51

  • Guest
Big NO NO NO! Kahit pa ang bahay na yan eh bigay ng in laws niyo hindi pwede sa akin yan. Respeto lang yan, kapag pupunta sila sa bahay niyo dapat magpaalam, period.

vani88ty

  • Guest
sis ishi_08, kung ang reason lang ng pagbibigay ng duplicate key sa kanila ay para makapasok sila sa bahay niyo kahit wala ka doon, it's a big NO!

that is your house, not theirs. ano naman ang reason ng pagpunta nila doon kung wala ka doon? magsurveillance? hehe...

don't stress yourself too much at huwag na huwag mong aawayin si hubby about that. kahit anong mangyari, magulang pa din sila ng hubby mo at he will feel bad about it. mag-isip ka na lang ng ibang reason to turn down the request.

myfashionlife

  • Guest
magusap kayo ng hubby mo sis...downgrading yan...

goldengurl11

  • Guest
this is a big NO... nawawalan ka ng privacy. you have to talk to your husband, it seems na since abroad siya baka medjo may trust issues siya alam mo naman. at saka kaloka in-laws mo. sa anak nilang asa abroad nagsasabi, that's like coming over unannounced. talk to your husband sis, help him understand na kahit family niya yun dapat may boundaries padin.

health.gal

  • Guest
i'm living independently, and may susi ng unit ko si Future ILs and my parents as well. Its more because of safety reasons. para if ever daw na may mangyaring masama sa akin (wag naman sana) eh makakapasok sila agad sa bahay. minsan out-of-the-country parents ko for business trips, kaya pati future ILs ko binigyan ko ng key duplicate (with permission from my parents). si h2b kasi wala sa Pinas.

gusto ni hubby, paduplicate ko daw sila ng susi ng house namin, dahil pag gusto daw nilang pumunta ay may lakad ako at wala ako... duh! bahay nga namin yun diba! kainis talaga! tapos nasa abroad si hubby, sa kanya pa magtetext na pupunta sila eh andito naman ako! >:(
sa case mo naman sis, bad naman yung reason na yun. nakaka-hurt naman and nakakabastos (sorry for the term). explain mo na lang maigi yung side mo sa hub mo.

ishi_08

  • Guest
Mgs did, salamat sa pagdamay sa aking problema! i appreciate all your concerns and advices... hehe at ang resulta, I won! yahoo... nag usap na kami ni hubby... syempre ako ang commander sa bahay eh.. ok daw para wala ng issue... maapektuhan pa ang pagbubuntis ko... hay naku mga monsters in law talaga!(sorry papa god.. bad me...)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close