@ ts
agree ako sa mga sissies natin na importante ang privacy.. pero since LDR kayo (like me) kailangan din ng diplomacy

sabi mo nga, si mama mo pinatira mo sa house .. i think, in your hubby's POV, nothing wrong kung NANAY NIYA ay may access din sa house..
hindi mo kasi alam kung ano iniisip nila eh.. baka mamaya may iba na iniisip yang mga yan..
if hindi kai papayag sa initial na request madaming pwedeng isipin, both si MIL mo and your hubby.. like, baka mamaya may tinatago ka(lalake) ..o kaya madamot ka.. o kaya plain maarte ka lang..
oh well depende din kasi sa klase ng hubby na meron ka, if understanding.. madali, kausapin mo lang siya dapat gets na niya na mahirap for you yung gusto niya mangyari..
pero i reckon siya yung tipong nagdedecide and strong headed/maihirap kontrahin (kaya nga naiinis ka eh, at hindi mo masabi straight) better kung gawin mo yung advice ko (IMO LANG HA)
in that way, natest mo na IL's mo.. if hindi aabuso edi okay.. kung aabuso, may grounds ka na para icontest desicion ni hubby mo.. kung baga may bala ka..
if problem mo eh yung sandamakmak sila kung dumating eh ano? dadating sila edi okay.. PERO it doesnt mean na pagsisilbihan mo sila.. aba ano sila sinuswerte? huwag mo ipaghahanda ng food ha.. okay lang snack snack lang.. pero other than that huwag na.. magkulong ka sa kwarto mo sabihin mo papahinga ka..
again kapag nagsumbong sa hubby mo may reason ka pa din na ibabato sa kanya.. sabihin mo hirap ka magprepare kasi preggy ka.. na wala sa budget, etc.. diskarte mo na yun
para in this way hindi ka lalabas ng kontrabida like gusto na mangyri ni MIL mo

isa pa kahit sukang suka ka na sa IL's mo.. sad to say, hindi kayo pareho ng POV ni hubby mo.. hindi siya nasusuka sa family niya .. so the choice is yours..
pwede attack them head on and be aggressive yung nga lang, be warned, may magiging effect ito sa hubby mo.. OR go with the flow FOR NOW and see what happens

(if you are to follow my advice lang.. be sure not to stock up on groceries.. baka kasi yun naman ang dalihin nila since hindi mo sila ipaghahanda.. better kung sa room mo ilagay but explain mo sa mama mo why.. mahirap na baka mamiss interpret niya sabihin siya tinataguan mo ng groceries

)