Author Topic: How to handle infedility of your partner?  (Read 76768 times)

babaengmahiwaga

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #120 on: September 29, 2011, 09:45:04 am »
For as long as he realizes it's a mistake, and that he loves me and no other, I will still forgive. (martyr lang)  ::)

That is what my mom did, and thankfully, our family was kept intact, and in the end, my dad changed his ways.

iheartb

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #121 on: September 29, 2011, 09:51:32 am »
@freeswan - ako, when i found out about my hubby's infidelity, lumalaban pa ako kahit buntis ako nung time na yon. Pero parang napagod na rin ako [textspeak!] kaya after ko manganak, i set him free. Naghiwalay kami for 3 months. Masakit lang kasi yung 2 kids ko namimiss yung dad nila and of course yung new baby namin, di man lang sya nakasama. Pero i had to be strong for them and i realized that i need to love myself for me to be a good mother to them. Nung nakikita ni hubby na i'm doing okay without him, aba nag-panic :) he was persistent to win me back so eventually, i gave in.:) We're so much happier now and kung mangati ulit yung kabit nya, well dear, hindi na ako buntis and i won't take it sitting down!

heavensent

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #122 on: September 29, 2011, 10:34:36 am »
^thats great sis, buti naman at natauhan si hubby mo.. sorry nalang si kabit..

december

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #123 on: September 29, 2011, 12:38:53 pm »
sa mga ng reply ng post ko thank you very much po.  nung sunday ko pa nabasa mga replies nyo.  di lang ako maka-reply kasi wala akong keyboard, kakabili ko lang kahapon.  ginungting kasi ng magaling kong mister ang wire ng keyboard ko kasi type lang ako ng type di ako nakikinig sa kanya, ayon ginunting nya, ang bait nya noh?  nainis naman ako kagabi kahaba-haba ng post ko mas mahaba pa kesa sa reply sakin ni sis justin eh nung i-post ko na nag-'problem loading'' so ayon nawala lahat ng tinype ko. 

@sis guilleanne, sana may guts ako katulad ng mom mo, ako siguro ang babaeng walang kadiska-diskarte sa katawan.  nabasa ko nga yung posts mo sis tungkol sa mom and dad mo, eh ang kaso malabong maging ganun ang husband ko baka pahihirapan pa nga ako eh.

@sis stronger_me, pwede naman akong magpatawad pero hindi ko talaga makakalimutan habang nabubuhay ako.  tumawag na ako sa mama ko sinabi ko sa kanya na may kabit at sinabihan akong pabigat ni hubby (di na ako nag-elaborate siguro dahil ayaw ko na kaawaan ako o siguro dahil ayaw ko din na masirang-sira mister ko)  ito sabi ng mama ko: sige uwi ka muna, palipas ka muna ng loob dito pero kung ako sayo babalik ako dyan kasi sa mga nangyayari ngayon ang kabit ang natutuwa.  huwag mong bigyan ng chance ang kabit at mister mo na magpakasaya.   bahay mo yan  pag ikaw di bumalik pwepwestuhan yan ni kabit at ang pag-alis mo ng bahay ang maging rason kung bakit nangabit mister mo.  kung gusto mo ang mister mo palayasin mo, wag kang umalis sa teritoryo mo.  yan anak ay opinion ko lang, nasa sayo ang desisyon"  sa mga sinabi ng mama ko parang nagdalawang isip tuloy ako na umalis.         

@sis jennyg, di ko na siguro mabilang kung ilang chance na ang ibinigay ko sa husband ko.   nagbabaitan na naman ngayon ang damuho kong asawa, kesyo nabigla lang daw sya, ano pa daw ang halaga ng buhay nya kung mawala kami ng mga anak, kesyo magre-retire nala daw sya kasi wala nyang gana magtrabaho kung wala kami (di ako naantig sa drama nya alam ko kasing kaplastikan lang yun) andito lang talaga ako dahil sa mga anak ko.  yun pinagdadasal ko talaga na mawala na completely pagmamahal ko sa asawa ko para kahit paano di na ako masasaktan ng ganito.   oo nga buo kami ngayon, buo pero wasak. 

@sis justin3, nung sunday while binabasa ko mga replies sa post ko hagulgol ako sa iyak pero nung nabasa ko na yung biskwit mo as in napatawa talaga ako nasa isip ko nga hala baka nababaliw na ako, humahagolgol tapos biglang tumawa.     
            yun nga ang nakaka-turn off sis eh, pmar pa naman sya tapos ganyan sya magtrato ng asawa, though sa office nila nire-respeto talaga sya at ang galing magbis\gay ng advise sa mga tao nya about family matters.  sabi ng ng wife ng deputy nya, idol daw ng mister nya ang mister ko, syempre nag-smile lang ako pero dito sa utak ko naya-yuck ako.
            kung sakaling maghiwalay talaga kami ng mister ko, patulong talaga ako sa iyo na ma-indorse sya, yung lang ayaw ko ng discharge-discharge na yan, wala din naman akong ebidensya eh.   ni minsan di nya kami itinira sa loob ng camp, ayaw nya kasi baka mahawa daw ako sa mga tsismosang mga misis dun.  wala din akong ka-close na asawa ng opisyal,wala ni isa.  pagmay gatherings naman sinasabihan ako ng mister ko na wag daw ako basta magtiwala sa kanila, wag daw ako basta maniniwala sa mga sinasabi nila, wag daw ako mag-open masyado about our personal lives, wag daw ako mainggit sa kanila, wag daw ako pasulsol, wag ako masyado makipag-text.  yun ang lagi nya sinasabi sa akin.   
           

satisfiedgirl

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #124 on: September 30, 2011, 09:28:38 pm »
@cutejotor - actually most of the kabits feeling maganda talaga, at feeling nila walang sinabi sa kanila yung mga asawa. Siyempre taas ng ego ng mga yan, imagine super pretty na si wifey tapos nagkagusto pa sa kanya si hubby. Pero hindi nila alam, laman tiyan lang sila ng mga asawa natin :)

good for you dahil na-realize ni hubby ang worth mo :) keep the fire burning!

i love this post! makakapal kasi mukha talaga ng mga yan.

shinta

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #125 on: September 30, 2011, 10:25:51 pm »
^naku minsan kasi totoo talaga na mataas ang ego nila. feeling kasi nila may kulang sa mga legal wives kaya naghahanap ng iba ang mga mister nila.

sa case naman namin, the girl is nice and mabait (i don't call her kabit kasi di naman niya alam na may asawa si hubby. she didn't even know my hubby's real name until she found out he's already married.) pero nagpanting din tengga ko minsan kasi parang pinapalabas niya na di nireregret ni hubby yung naging relationship nila.

what hubby actually said was:

"i don't regret meeting you. pero i regret yung mga maling desisyon ko at yung di ko ginawa yung tama. i shouldn't have let these things happened."

so it was clear that he regret the relationship. pero ang gusto lang ata niya marinig is yung "i don't regret meeting you".

rae

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #126 on: October 01, 2011, 12:09:37 am »
@december, shocks ang harsh ng words ni hubby. pero may napansin ako... mas concerned sya sa image nya at sa pera. sa lahat ng sinabi nya,laging sumusulpot ang words to the effect na "tingin nila sakin" at "career, negosyo, pera."

@momentum, sis, i'm so sad with what has happened. pero look at yourself. your husband KNOWS how vulnerable you are and how easy you can be manipulated. Alam nya yan and he treats you by how you are acting. Try to build yourself, otherwise, paulit ulit lang.

Itong mga fidelity stories... ang bigat sobra sa heart, lalo kong naramdaman yung bigat when I watched No Other Woman's trailer. I wouldn't watch that movie, at least not yet.

Anyway, I'm not yet married. Pero kinausap ako ng boss ko (male) out of the blue. Sabi nya, lahat daw ng lalake mambabae ganun daw talaga. Wag daw akong makipaghiwalay. Kelangan ko daw tiisin at patawarin.

I was speechless. It made me check threads here about infidelity and such.

mami violy

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #127 on: October 05, 2011, 06:10:58 pm »
how to handle infedility depende siguro sa sitwasyon at depende din sa inyong mag-asawa.

totoo lahat ng advises dito; hiwalayan mo, pahirapan mo pero patawarin mo din, mag stay put ka etc etc etc in the end kayo pa ding mag-asawa ang magdedesisyon kung ano yung sa tingin nyong tama para sa inyong 2, para sa mga anak nyo at para sa pamilya nyo.  Remember ang pag-aasawa ay di lang sa inyong 2 or sa mga anak nyo kundi para sa pamilyang binubuo nyo.

mahirap talaga magdecide kung iiwan or mag stay ka kc ang dami mo ng binigay at nakasanayan with hubby most specially kung may anak na kayo. kaya kung gusto nyo mag work out ulit dapat 2 kayo ni hubby di lang iisa. kung willing kang patawarin si hubby dapat complete heal at forgiveness kc kung iisa lang ang gagawa nun di rin yan mag work & worst parating may multo sa pagsasama nyo.

to be honest mahirap magpatawad a makalimot but if you give a 100% try & with the help of prayers kayang gawin yan.

manangjuday

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #128 on: October 07, 2011, 02:13:55 am »
hello mga sisses.. share ko lang. kahuhuli ko lang sa partner ko and his kabit. bale may bf din yun girl at yun ang nagreveal sa akin ng lahat. two months umabot relationship nila. sobrang gigil ko kasi matinik ako sa ganyan. may kutob na ako as early as a week pa lang sila nagsisimula magktrabaho. yung work ng partner ko would expose him to a lot of girls. ayun tama nga hinala ko. hindi ako makaget over. two months na since nabisto ko sila. pero eto lugmok pa din ako. inom at yosi ako gabi-gabi. pati work ko hindi ko maasikaso. feeling ko nga ang hina ng EQ ko kasi araw araw kinukulit ko siya ano nangyari. bakit nangyari. hanggang saan sila umabot. talagang tinorture ko sarili ko. wala ako masasabi sa husband ko (we are not married but we do have a kid) mabait siya sa akin. alam ko hirap na hirap na din siya dahil naiiyak na din siya sa araw araw namin pagaaway. ang hirap kasi makalimutan. btw, this is not the first time nahuli ko siya. bale, third time na ito. The first time naintindihan ko pa dahil malayo ako at nawalan ako ng time sa kanya. yun pangalawa, oo pa din kasi after mangyari yun sa una nawalan ako ng pagmamahal sa kanya at halos dalawang taon kami nagsama na sobrang lamig ko. eto pangatlo nahirapan ako kasi alam ko wala ako ginawang mali and yet natempt pa din siya. deny siya wala nangyari sa kanila pero alam ko meron at hindi yung tipo ng babae ang tatanggi. pray na nga lang ako na sana malampasan namin. nalilito na din ako sa sarili ko. kapag wala siya nagagalit ako at nappraning na may ginagwa siya mali. kapag asa tabi ko naman siya nagaaway lang kami. nalilito na din ako kung dapat ba hiwalayan ko na siya o magsama kami pero ganito para ako nasa hell sa galit.
« Last Edit: October 08, 2011, 10:14:11 pm by manangjuday »

faithful and loyal

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #129 on: October 12, 2011, 03:52:48 pm »
hmm.based on [textspeak!] im expriencing [textspeak!] n0w..klala q [textspeak!] girl and take n0te,m0re [textspeak!] a sister,lagi qx [textspeak!] sn man [textspeak!] mgpnta at kng [textspeak!] fud q shre q sknya. Lately q nlng n n0tice n iba n ang klos nya s asawa q,den boom! Nagkahulihn na..and she said sory, but 4 [textspeak!] kng p2loi pdn [textspeak!].. Dq nlng x pnpncn..cla..kc d [textspeak!] mrun0ng mgtanim ng galit e. Bhl n xng mgdala nun ' [textspeak!] girl'...kc asawa alam qng ganun n [textspeak!]. And kng gnglng tlg q nung girl dnia ggwn skn un,ate p twg skn. Dq alam nag alaga [textspeak!] ng AHAS s bahay ko. as in super close kme,kc nga wl rn naman [textspeak!] kptd.and take note since unang nkta plng nya asawa q my gs2 n pl [textspeak!]. Aagawn nia rw asawa q pagdtng ng tamang edad nia,kc 12yrs plng [textspeak!]. Kaya kau wag mxdo magtwala! BEWARE S MGA AHAS!

rae

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #130 on: October 12, 2011, 04:28:09 pm »
Sis I feel for you.

(But consider re-writing your post para hindi ma-block ng gt)

hotmommaninia

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #131 on: October 13, 2011, 07:41:44 am »
Nkakasad lang, usong uso ang pangangaliwa ng mga lalake. Tama nga, sa  isang comment ng isa dito na nabasa ko. Kapag ang babae nagloko, parang napakalaking kasamaan na ng babae un, which in fact, hindi nman magagawa ng asawang babae un, kung hindi sila nasaktan sa ginawang pambababae ng asawa nila.
Nkakarelate ako sa mga topics and comments dito.
Once na din ako nasaktan. Kaya eto ngayon, huwaran ng mga tao na matapang at matatag na babae. Pero deep inside, mahina ako. Ipinapakita ko lang na malakas ako, para hindi ako kaawaan ng mga taong nakakakilala sakin at nakaka alam ng storya ng buhay ko, ang pain na nararamdaman ko, everytime maalala ko, ang mga ginwa ng asawa ko sakin.
Kaya natututo ako dumulog sa Diyos. Na siya lang ang takbuhan ko at makakatulong, para mapagaan ang bigat na nasa puso at isip ko. Sana.. maging maayos na ang mundo naten. Wala ng lokohan, lahat ng tao, may takot sa Diyos na, para hindi na tayo lahat gumawa ng [textspeak!] sa kapwa naten. Lalo na sa mga asawang babae.

shinta

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #132 on: October 21, 2011, 05:09:59 pm »
what do you do when you find out that your hubby did things to the other woman that he didn't do to you, like give gifts on special occasions and plan for their special events?

and what do you do to the other woman's gifts to your hubby?

smoothie

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #133 on: October 21, 2011, 06:58:12 pm »
^i'm still angry about it. Kahit ba sabihin na huwag mo ng isipin because it does not matter. It matters a lot to me! I can't help but compare myself to her.

shinta

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #134 on: October 21, 2011, 07:38:58 pm »
^ako di ko alam kung may galit, basta i'm so hurt. masakit man sabihin, in our 3 years relationship as bf-gf and more than 1 year as husband and wife, wala siyang gift na binigay sakin (i'm not counting food as gift). none on my birthday, christmas, valentines and on our anniversaries. pero i learned that he gave his other woman (5 months lang sila) a teddy bear as a birthday gift. mababaw na kung mababaw, pero diba, nakakasama talaga ng loob.

sabi niya, nahihirapan daw kasi siya mag-isip ng gift for me dahil mahirap akong i-please at baka di ko magustuhan yung gift niya. reason ba yun? o ayaw lang talaga niya mag-effort. yung naiisip daw niya gift is travel dahil alam niyang mahilig ako maggala, pero eto:

nung birthday din nung girl, they went to tagaytay and he was the one who plan and arranged everything. but he never did that for me, not once talaga. ako lagi ang nagyayaya sa kanya at nagpa-plano ng mga outings/out of town namin. tapos minsan din ayaw pa niya kasi gastos daw. o kaya ako ang taya. so ano yung sinasabi niya na yun ang naiisip niyang gift for me. ang labo lang.


i told him, baka theirs was a right love at the wrong time and he should get back with her. i was willing to give him up. pero kung papalayasin ko daw siya, di din niya babalikan yung girl because it's me he loves. pero bakit ganun? ang sakit lang talaga.

smoothie

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #135 on: October 21, 2011, 09:30:44 pm »
sis, parehong pareho tayo ng iniisip. although he gave me gifts pero yung out of town din na yun never niyang ginawa sa akin. i have been asking the same questions.

nasabi ko rin sa kanya yun, na never kong pagsisiksikan ang sarili ko sa taong hindi ako mahal. (nagkabalikan na kami nun). pero defense niya ako ang mahal niya kasi ako pinili niya...but still...

shinta

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #136 on: October 21, 2011, 10:03:54 pm »
^yun nga sis, tayo daw ang mahal nila pero pano nila nagawang mag-effort ng ganun with their other women, tapos di nila magawa sa'tin?

smoothie

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #137 on: October 21, 2011, 10:12:06 pm »
this will remain a big mystery to me kasi ayaw na nyang balikan yung nangyari.

shinta

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #138 on: October 22, 2011, 08:26:34 am »
^sa case naman namin sis, i don't think nagpapapogi points si hubby para pansinin siya nung girl. ang basa ko nga dun sa girl is head over heels in love kay hubby.

she's 32 yrs old, nbsb and first boyfriend niya si hubby and she's not exactly prettier or sexier (hindi naman sa sinasabi kong maganda at sexy ako, lalo na ngayon preggy ako, hehe).

pero masakit lang talaga when you learn na nag-effort si hubby when it comes to her, esp because he admitted to me that he did have some feelings for her.

sabi ko nga, sana you were just in it for the sex kasi alam ko sa part na yun may pagkukulang talaga ako (but he swore na walang nangyari sa kanila). mas masakit kasi pag may feelings ng involved at may effort pa on his part.

smoothie

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #139 on: October 22, 2011, 11:37:57 am »
sis, baligtad naman tayo...it was all abotut the s*x naman daw.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close