sa mga ng reply ng post ko thank you very much po. nung sunday ko pa nabasa mga replies nyo. di lang ako maka-reply kasi wala akong keyboard, kakabili ko lang kahapon. ginungting kasi ng magaling kong mister ang wire ng keyboard ko kasi type lang ako ng type di ako nakikinig sa kanya, ayon ginunting nya, ang bait nya noh? nainis naman ako kagabi kahaba-haba ng post ko mas mahaba pa kesa sa reply sakin ni sis justin eh nung i-post ko na nag-'problem loading'' so ayon nawala lahat ng tinype ko.
@sis guilleanne, sana may guts ako katulad ng mom mo, ako siguro ang babaeng walang kadiska-diskarte sa katawan. nabasa ko nga yung posts mo sis tungkol sa mom and dad mo, eh ang kaso malabong maging ganun ang husband ko baka pahihirapan pa nga ako eh.
@sis stronger_me, pwede naman akong magpatawad pero hindi ko talaga makakalimutan habang nabubuhay ako. tumawag na ako sa mama ko sinabi ko sa kanya na may kabit at sinabihan akong pabigat ni hubby (di na ako nag-elaborate siguro dahil ayaw ko na kaawaan ako o siguro dahil ayaw ko din na masirang-sira mister ko) ito sabi ng mama ko: sige uwi ka muna, palipas ka muna ng loob dito pero kung ako sayo babalik ako dyan kasi sa mga nangyayari ngayon ang kabit ang natutuwa. huwag mong bigyan ng chance ang kabit at mister mo na magpakasaya. bahay mo yan pag ikaw di bumalik pwepwestuhan yan ni kabit at ang pag-alis mo ng bahay ang maging rason kung bakit nangabit mister mo. kung gusto mo ang mister mo palayasin mo, wag kang umalis sa teritoryo mo. yan anak ay opinion ko lang, nasa sayo ang desisyon" sa mga sinabi ng mama ko parang nagdalawang isip tuloy ako na umalis.
@sis jennyg, di ko na siguro mabilang kung ilang chance na ang ibinigay ko sa husband ko. nagbabaitan na naman ngayon ang damuho kong asawa, kesyo nabigla lang daw sya, ano pa daw ang halaga ng buhay nya kung mawala kami ng mga anak, kesyo magre-retire nala daw sya kasi wala nyang gana magtrabaho kung wala kami (di ako naantig sa drama nya alam ko kasing kaplastikan lang yun) andito lang talaga ako dahil sa mga anak ko. yun pinagdadasal ko talaga na mawala na completely pagmamahal ko sa asawa ko para kahit paano di na ako masasaktan ng ganito. oo nga buo kami ngayon, buo pero wasak.
@sis justin3, nung sunday while binabasa ko mga replies sa post ko hagulgol ako sa iyak pero nung nabasa ko na yung biskwit mo as in napatawa talaga ako nasa isip ko nga hala baka nababaliw na ako, humahagolgol tapos biglang tumawa.
yun nga ang nakaka-turn off sis eh, pmar pa naman sya tapos ganyan sya magtrato ng asawa, though sa office nila nire-respeto talaga sya at ang galing magbis\gay ng advise sa mga tao nya about family matters. sabi ng ng wife ng deputy nya, idol daw ng mister nya ang mister ko, syempre nag-smile lang ako pero dito sa utak ko naya-yuck ako.
kung sakaling maghiwalay talaga kami ng mister ko, patulong talaga ako sa iyo na ma-indorse sya, yung lang ayaw ko ng discharge-discharge na yan, wala din naman akong ebidensya eh. ni minsan di nya kami itinira sa loob ng camp, ayaw nya kasi baka mahawa daw ako sa mga tsismosang mga misis dun. wala din akong ka-close na asawa ng opisyal,wala ni isa. pagmay gatherings naman sinasabihan ako ng mister ko na wag daw ako basta magtiwala sa kanila, wag daw ako basta maniniwala sa mga sinasabi nila, wag daw ako mag-open masyado about our personal lives, wag daw ako mainggit sa kanila, wag daw ako pasulsol, wag ako masyado makipag-text. yun ang lagi nya sinasabi sa akin.