Hi mga sissies! Lapit nyo na manganak!

About sa frogsuit sis, hindi ako bumili nn, nabasa ko kasi hindi sya sulit, parang ang int daw kay baby nun tapos madaling kalakihan. Yung onesies naman may konti lang kaming binili, yung iba kasi bigay, sa ngayon nagagamit nya pag nagpapacheck up kami.

Sa breastpump, sabi ko dati bibili ko ng medela. Magandankasi review, pero plan ko nun bumili after ko malaman na my milk ako. Kaya lang dumating ang delivery date ko and kelangan ko try magpump, dahil di pa k pwede pumunta sa nursery dahil nagpapagaling pa ko.
Gabi na and kelangan ko na magpump, buti may breastpump si SIL na hindi nagamit. Yun muna ginagamit ko ngayon, Avent manual pump. I tried to pump pero failed ako palagi. Konti lang nakuha ko, pero ok na pala yun. Nung time na nagpa-pump ako, pinapa-suck ko din kay baby, para ma-stimulate pa rin ang milk supply ko, after 4 days saka pa ko nagkaroon ng milk.
Super true sis kyrie26, ang sakit sakit and nagdry nga ang nips ko, na kala mo may crack. Laking pasasalamat ko talaga sa nipple cream! Tapos ang hapdi pa pag nadidikit sa damit ko, kaya gumamit din ako ng breastpads.
Sis kyrie, sa simula lang nga masakit, masasanay ka din after a week, nagbasa din ako ng articles dahil baka mamaya mali yung paglatch sakin ni baby and oknaman. Yun pala masakit sa una dahil naninibago yung katawan mo especially yung breast area. Actually hanggang sa likod ko masakit, yung likod ng breasts, siguro dahil nga sa production ng milk.
Pero try mo pa din sis ang direct bf, mas ok yun. Sa ngayon, di na ako nagpa-pump, ang hina kasi ng suction nung avent eh. E ang lakas dumede ni baby, kaya konti lang din nakukuha ko, tapos yung time na i-pump ko, itutulog ko na lang. Hehe
Isa pa hassle kasi huhugasan mo pa lahat ng parts nun. Nakakapagod, lalo na sa first few weeks na nag aadjust ka pa. Kaya tinitiis ko na lang, sa ngayon naman sis, sa simula na lang masakit, pero pag nagtagal hindi na masakit, unless iniipit nya yung nips ko. Hehe