watch now

Author Topic: Baby Due on July, August, September 2011 IV  (Read 103013 times)

aybori

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #480 on: July 06, 2011, 11:54:23 pm »
cold pack nilagay ko noon, naku sis 07 pa yun hehe ayaw ko nga i-pump sis masakit kasi talaga
sabi ko nga sa mom ko mas masakit pa kaysa manganak hahaha

luigirrrl

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #481 on: July 07, 2011, 01:56:09 am »
hi sis luigirrl..., 34 weeks and 6 days naman ako...2nd post ko lang din to. madalas din na masakit ang back and legs ko. hirap na din bumangon. pero konti tiis na lang makikita na ntin si baby. baby girl nga pla sa kin.ikaw?

hi sis, baby boy naman for me  :)

luigirrrl

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #482 on: July 07, 2011, 01:58:39 am »
ano pa kulang mo sis? ako pansin ko dadalawa lang ang onesies ko at iisa lang ang frogsuit lol! gustong gusto ko na kumpletuhin kaso may sale sa september sa SM waaaah! ang tagal tagal di ko mahintay!! tapos wala akong kagamit gamit aside from the nailcutter at bottle brush. walang bath tub walang thermometer walang nasal aspirator or anything :(

Hi sis luigigirrl and patskie! bat di kayo nagpaparamdam hehe  ;D

hi sis, ewan ko nga eh. masyadong naaliw kaka read mode lang. ;D

kyrie26

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #483 on: July 07, 2011, 07:03:50 am »
nakakaaliw din makipagbakbakan sa chikahan  ;D saka para mashare mo din syempre kung meron kang hindi mashare dyan sa inyo

blueberrycheesecake

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #484 on: July 07, 2011, 07:38:55 am »
re frogsuit, di ako bumili. ay meron pala ako isa na pinagkalakihan ng daughter ko, unisex naman ang color kaya pwede kay son pero i doubt na gamitin namin 'to. unless punta kami baguio hehe.

re pump, like sis kathon, tamad akong gamitin kasi nga pag nilinis mo ang daming parts haha. pero i'll start to store milk next month kasi balik work na ko ng mid august so dapat magpump na ko para may imbak akong Bmilk. painful nga talaga mag BF sa start, sa kin di lang sa nipples pati sa milk ducts masakit, para bang feeling ko puputok lagi ugat ugat ko sa boobs. pero sa simula lang yan. sa susunod sanay ka na sa pain. joke!  ;D masakit nga din sa likod, sabi ko nga eh feeling ko pag may pumindot ng likod ko may sisirit na milk from boobs.

i'm looking for sterilizer din. kasi yung sterilizer ni daughter parang naiilang na ko gamitin kasi medyo yellowish na yung plastic sa luma. dumating na nga pala yung mga bottles ko i ordered online (ang tagal 'no) pero tinatamad pa din akong icheck kung swak sa pump ko. (siguro naman swak kasi pareho namang avent pero di nga lang BPA free yung pump ko kasi luma na)

di nga ako lumalabas ng room, yung food ko lagi lang inaakyat. wala kasi akong ginawa kundi magnurse ng baby. parang every hour sya kung dumede, eh mga 20 minutes yun, tapos ibu-burp mo pa. so may rest akong 30 minutes tapos ganun na naman uli.

hay kapagod pero ang sarap talaga titigan at amuyin ng baby.  ;D

rapids

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #485 on: July 07, 2011, 09:03:19 am »
punta kami na kaming hospital tonight for my operation tomorrow, sobrang excited na ako kasi makikita na din namin si baby, at the same time kinakabahan..

ishko

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #486 on: July 07, 2011, 09:21:20 am »
^shy type na mahilig sa night life ang baby ko.. sa gabi at madaling araw lalong active, siya pa ang gumigising sa akin sa morning  ;D

aside from gaano ba kahirap ang labor at ang paglabas ni baby, isa dn sa worry ko ang BF.. yung may masakit effect at kung meron bang milk na lalabas... parang ang hirap ng sitwasyon ni sis blueberrycheesecake.. talagang sacrifice ang maging mom  :)

pomelo06

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #487 on: July 07, 2011, 09:36:20 am »
good morning mga buntis ;D

sis Rapids have a safe operation ;) hours na lang pala hintayin mo para makita si baby, ka-excite naman..

sis blueberrycheesecake- sis anong site kaw nag order online?? Tia

rapids

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #488 on: July 07, 2011, 09:44:18 am »
^ thanks sis pomelo06.


ishko

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #489 on: July 07, 2011, 11:27:52 am »
^sis rapids, God bless on your operation.. surely it will be worth pag nakita mo na si baby  :)

kailee

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #490 on: July 07, 2011, 11:57:39 am »
@rapids: God bless you and your baby! :) i'll pray for your safe operation/delivery.

later this afternoon, papacheckup na din ako, today is exactly our 39th week. :3
pinagalitan ako kaninang umaga nung instructor sa aerobics, kasi nakikisawsaw ako, ayaw nya kahit mild version ang ginagawa ko. XD

rapids

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #491 on: July 07, 2011, 12:01:48 pm »
thanks sis Ishko and sis kailee

oo nga eh.. hindi rin biro ang paghihirap na dinanas natin sa loob ng 9 months pero makakalimutan nating lahat pag nakita na natin si baby.


jhenrheign

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #492 on: July 07, 2011, 01:28:00 pm »
rapids-congrats sis... CS ka ba? mauna ka na pala sa akin ha... goodluck sis...

super happy ako ngaun, may good news si hubby... mapapaaga ang uwe nya... by monday baka nandito na sya... yipee! baby hang in there lang ha, wait natin si daddy mo, wag ka muna lalabas... punta pa tayo airport...  ;D

rapids

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #493 on: July 07, 2011, 01:50:12 pm »
^salamat.. oo sis, kasi nung nagpa ultrasound ako nung 37 weeks ako, 6.6 lbs na si baby, eh hindi daw pwede na mas malaki pa si baby dun sa eldest ko na naianak ko ng normal, 7.5 lbs yung eldest ko nung ipininanganak ng 39 weeks.. tapos sabi ni OB trial labor din daw ang mangyayari if ever emergency CS din mas malaki pa ang magagastos, kaya nagdecide na ako na CS na lang atleast  nakapagprepare pa ako.

Buti sis maaga ang uwi ng hubby mo, iba pa din kasi pag nasa tabi natin ang asawa natin pag nanganganak tayo. kahit na minsan mas mahina pa ang loob nila.

ishko

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #494 on: July 07, 2011, 01:58:44 pm »

Buti sis maaga ang uwi ng hubby mo, iba pa din kasi pag nasa tabi natin ang asawa natin pag nanganganak tayo. kahit na minsan mas mahina pa ang loob nila.

^sis rapids, natawa ako sa post mo na yung hubby ay mas mahina pa ang loob kesa dun sa manganganak...

feeling ko kasi si hubby e mas ma-rattle sa akin kapag manganganak na ako..nerbyoso eh.. nag-aalala nga ako kung pano siya magdrive papunta ng hospital dahil baka sa sobrang nerbyos at taranta e baka ano ang mangyari..  ;D


ruselledazzle

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #495 on: July 07, 2011, 02:05:19 pm »
hahaha.. mag28weeks na ko..

i remembered, pinapanood ko kay boyfie yun NSD na nagccrowning.. hahaha nahilo daw sya, at wag ko na ipapanood uli. i told him pano pa sya sa loob na DR kung ano na manganganak? :)

pomelo06

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #496 on: July 07, 2011, 02:25:42 pm »
 ;D ganun din husband ko super duwag, ayaw na ayaw niya makakita ng dugo, namumutla agad, binibiro nga siya sa kanila, baka daw pag manganganak na ako si husband pa ang mawalan ng malay, baka daw 2 pa kami iconfine.. ;D


blueberrycheesecake

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #497 on: July 07, 2011, 03:17:19 pm »
sis blueberrycheesecake- sis anong site kaw nag order online?? Tia

sa drugstore.com pero i used a coupon:
http://www.retailmenot.com/view/drugstore.com
my discount was $10 (parang 'new member' coupon yata yung ginamit ko)
so i just paid $49.95 for 9 pcs of (blue) avent bottles, 1 formula dispenser (ewan ko ba bakit ko binili 'to eh plano ko mag BF/pump for the entire 1st year ni baby) and 1 bottle brush. free shipping sya basta within US. nagpadala kasi ng balikbayan box tita ko, sinabay na nya yung bottles ko.

hope this helps. ;)

rapids

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #498 on: July 07, 2011, 03:46:16 pm »
sis ishko and sis pomelo, ganun ata na talaga,  ang hubby ko pag sa aming pamilya na ang pag-uusapan nawawala ang katapangan.. pagkinukuhanan nga ako ng dugo for testing di yun tumitingin, mas siya nga ang prineprepare ko kesa sakin. yung name at bday ko nga sinulat ko sa papel baka sa nerbiyos bukas pati spelling ng pangalan ko makalimutan.. hehe.

pomelo06

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #499 on: July 07, 2011, 04:14:30 pm »
sis blueberrycheesecake salamat :)

sis rapid- naku gnun nga, nawawala pagkalalaki,, hehe.. mas nangangatal pa kesa sa atin..lol ;D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close