watch now

Author Topic: Baby Due on July, August, September 2011 IV  (Read 103356 times)

jhenrheign

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #300 on: June 26, 2011, 08:28:37 am »
dokjrod&neth29-welcome mga sis...  :D

grabe, 2 days na lang 37 weeks na kami ni baby... palapit na ng palapit... yehey! malapit na din umuwe si daddy nya... pero kahit sobrang miss ko na si hubby mas excited ako makita ang little baby namin...haha!

papa BPS din ako sa tuesday... actually ang sabi ni OB pa BPS lang ako pag nag less movement si baby... pero gusto ko din kasi makita kung ano na weight nya and para mamonitor ko din AF ko kaya gamitin ko na din yung referral na binigay nya... hehe!

kyrie26

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #301 on: June 26, 2011, 09:05:03 am »
ang lapit na sis, super congrats!

rapids

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #302 on: June 26, 2011, 10:12:42 am »
welcome sises dokjrod and neth29

Sis jhenrheign -since pareho tayo  37 weeks na next week, ano na nararamdaman mo? ako may backpain na saka masakit na yung lower abdomen ko. hirap na din ako matulog sa gabi.

jhenrheign

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #303 on: June 26, 2011, 10:55:17 am »
^same here sis... ang sakit ng likod ko lalo na pag mali yung posisyon ng pagtulog ko... sobrang bigat na ng pakiramdam ko... then ang hirap pa kumilos or mag change ng position... masakit na din singit ko...pag naglalakad, parang feeling ko malalaglag na si baby, nahirapan na ko maglakad ng malayo at matagal kaya lague ako nakasapo sa ilalim ng tummy ko... ramdam ko na din head nya sa may pelvic area pag gumagalaw sya eh... halata na nandun na head nya, kasi umumbok na, eh dati flat lang yun...

purplesassy

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #304 on: June 26, 2011, 11:47:54 am »
After ng check up ko last Friday lagi na ko praning about sa issue na mababa yung tyan ko. Everytime sumasakit tyan ko pag nakatayo ako natatakot ako baka lumaglag naman si baby (praning much I know) hayayay!

amberdeler

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #305 on: June 26, 2011, 12:36:04 pm »


@sis amberdeler :
wagka magpa stress, whatever your mood or your feeling is... the baby feels it too.... if you need to unwind, GO! bago ka magresign, gauge mo muna if you really have to, baka you need a break lang... leave ka muna siguro kahit unpaid leave...

Sis thanks huh...
Siguro nga need ko lang ng break..
Ndi rin naman pwede ako magresign ndi kakayanin ang gastos... :)
Nagsosorry nga ko kay baby pag ndi ko mapigilan mag emote...
:)
Emotional lang siguro ako ngaun dahi buntis....

madhel

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #306 on: June 26, 2011, 01:11:57 pm »
same tayo sis. I was diagnosed as early as 20 weeks, and walang changes since two weeks when I had another ultrasound. Pero sabi ni OB, there's still time para tumaas yung placenta, hindi pa naman full term eh. Pero I'm bracing myself na baka ma-CS talaga ako.. I'm 27 weeks na

wala naman sinabi si OB na mga bawal.. syo ba?? ngwworry tuloy ako [textspeak!] gusto ko maglakad lakad at magpahilot..

kyrie26

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #307 on: June 26, 2011, 02:11:17 pm »
feeling ko sasabog ako, ang stress level ko thru the roof! di naman ako pagod or anything pero bwisit lang talaga! ay GOD!!! naku! help me! di ko maintindihan kung bakit bwisit na bwisit ako, bakit ba ano ba dahilan di ko na matiis!

27weeks na kami bukas, sana naman mawala na pagkabwisit ko please!

kathon

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #308 on: June 27, 2011, 12:21:47 am »
Hi mga sisses! Finally, medyo nakapag adjust na ako after delivery.
Gave birth to a healthy baby girl.. My little angel Anaiah Gabrielle.
Share ko lang my story..

June 18: After check up, found out na 1cm na ako at 37 weeks. Scheduled CS on June 22.
June 21: around 10pm ako last kumain, para maiwasan ko na din ma-enema! :)
June 22:

Admission: by 6am nasa ospital na kami, diretso ako kagad sa lab para ma-cross match yung dugo ko, need 1bag of blood, if in case kailanganin lang naman. After nun, diretso na kami sa room na pinareserve namin. Then inayos na ako, kinabitan ng dextrose, pinagsuot ng lab gown, mga questions ng nurse and check ng vital signs. Everytime may papasok na nurse, nakacross fingers ko na sana hindi yun yung mag eenema! Then I asked the nurse din kung i-enema ba ako, sabi wala naman daw advise si Doc. Super happy ako nun! (hate ko kasi talaga yun mga sis! Nadala na ako nung inoperahan ako dati due to ovarian cyst, mas kineri ko pa yung operation mismo kesa dun!) by 9am, may ininject sakin na gamot, inantok ako nun and feeling groggy! Then dinala na ako sa Operating room.

Delivery: nung nasa oR na ako, kinabitan na ako ng kung ano-ano. Then dumating na si anaesthesiologist, inexplain na sakin gagawin nya. Binigyan nya ko ng sedative then pinatagilid na para mainject na sa akin ang anes. Nung pinatagilid na nya ako at pinagawa sakin yung fetal position, dun kami nagtagal. Paano nagagawa ko naman, pero since groggy na ako and walang maramdaman e bumabalik ako kagad sa dating position, ang hirap yata isiksik ang sarili ng fetal position tapos ang laki ng tyan diba. So may 2 nurse pa na nag assist sakin para ma-maintain ko yung position, inject naman si anes.. Wala pa din.. Huling pinagawa nya sa akin is pinaupo nya ako then pinabend yung upper body ko para mainject na nya, dun pa lang ata naging ok. Narinig ko na lang buti daw at ok na. Paano 3x kaya nya ako ininjection!
Dumating na si OB, and stinanong kung ok na ako, sabi ko ok na po. Tapos black out na.. After ilang oras siguro, nararamdaman ko na nasusuka ako, tapos may nagtanong sakin na nurse kung nasusuka ako, sabi ko yes, may hinanda syang parang lalagyan ng suka ko if ever masuka man ako.. Tapos black out ulit.. Nagising na alng ako nung nararamdaman ko na may nagra-rub ng tyan ko, yun na pala yung pagplaster sa tahi ko.. Then ginising na din ako nung nurse sinabi na baby girl, etc. Tinanong ko kung Healthy ba and healthy naman daw, nasa nursery na. Pinagstay pa ko sa recovery room ng ilang minutes. Tapos dinala na din ako sa room ko, medyo groggy pa din pero natatandaan ko naman lahat.. Sinalubong ako ni hubby and kinumusta ako. Tapos tinanong ko kagad kalagayan ni baby, tinanong ko din kung ilang oras ako inoperahan, sinagot naman lahat ni hubby..

Post op: nung nasa room na ako, kinwento na sakin ngayon ni hubby ang nangyari. By the way, i had my camera pala sa loob ng Or, pinavideo ko kasi and pinakuha ko din ng pics, yun nga lang nurse din ang kumuha at hindi si hubby.
Eto na, since didelphys nga ako, medyo complicated na kagad ang operasyon ko, nasa left uterus ko si baby so yun yung hiniwa, classical cut daw ang hiwa ni doc dahil nga masikip yung space. Hinwa na ni doc ng 2x and pagkuha nya kay baby  dun nya nakita nahiwa si baby sa may pwet! Tumawag kagad ng surgeon para matahi yung hiwa. Reason why nahiwa si baby, super nipis ng uterine wall ko and si baby naman nakasiksik dun sa part na hiniwa. Natahi na yung sugat ni baby then inasikaso na sya ng pedia.
Kinausap nila after nun si hubby, si OB nga naiyak pa kay MiL (friends sila) kasi nga first time nangyari sa kanya yun. Well for me naman, alam kong wala naman may kagustuhan nun. We're blessed pa din kasi kung titingnan mo, sa may pwet nahiwa si baby dahil nakadapa sya nun. Kung nakatihaya sya pwedeng mahiwa yung abdomen nya which is mas serious. And kung hindi sya nakabreech position baka yung ulo naman nya mahiwa. God is good pa din for us! Sabi nga namin hanggang sa paglabas ni baby may pagsubok pa din. Kaya this lil angel is a fighter talaga.

June 23: nung umaga kayang kaya ko na maupo and kumilos mag isa, hindi ko masyado nararamdaman yung sakit ng tahi e, since naexperience ko na sya before, nasanay na ata ako. I went to the nursery to chexk my baby and try ko sana pa-bf, pero nakamonitor pa daw feeding nya. So nag try na lang ako magpump just to stimulate. Wala pang lumalabas na colostrum.
Kinahapunan, pagbangon ko, super sakit ng ulo ko, as in ang bigat and kala mo binibiyak! Tapos ang sakit din ng batok ko, shoulders and both arms. As in naiyak ako sa sakit! Nataranta nga si hubby eh, kasi naiiyak na ako, and alam nya na kung gano ko kinakaya ang mga simpleng sakit, kaya nung umiyak ako ibig sabihin super sakit na daw nun. Kaya kinausap nya nurse. They gave me mefenamic acid, pero walang epekto kaya they gave me hot compress na lang at nilagay sa may batok ko, dun kahit papaano medyo nabawasan yung pain.

June 24: kinakaya ko na ang pagtayo, pero everytime na tatayo ako, dun ko nararamdaman yung sakit ng ulo ko.kaya ang ending nakahiga lang ako palagi and inom ng inom ng fluids, according kasi sa mga doc, spinal headache daw yun. Hindi ko nadadalaw si baby kasi nga hindi ko pa kaya. Pero sabi ni hubby, binibigyan daw si baby ng antibiotic thru iv. Tapos nakukuha ko na lang sya makita sa pics, kinukunan sya ni hubby everytime pupunta sa nursery. Tanggal na Dextrose ko and kinabukasan pwede na ako umuwi, si baby na lang daw ang di pa sure. Ayaw naman namin iwan si baby so super pray kami na sana makasabay namin si baby pag uwi.

June 25: tinawagan kami ng surgeon early in the morning, sinabi nya na sa Monday nya daw tatanggalin yung stitches kay baby, mga 2inches din yun alam ko. Inaantay na lang namin si pedia, and papakiusapan sana na maiuwi si baby kasabay namin. By 9am, dumating si pedia (buti naman), nag explain sya, parang seminar na nga ginawa nya eh, about sa pag alaga kay baby. Feeding, bathing, sleeping, etc. Tapos she told us na maiuuwi na namin si baby, and yung antibiotic ni baby, oral na lang namin ibibigay. God is good talaga mga sis! :)
Pauwi na kami and inaatake pa din ako ng sakit ng ulo and ng shoulders/arms ko. Pero ok lang kasi kasama na namin si baby.

After 3 days, nahawakan ko din ang baby ko! :) pero dahil nga iniinda ko pa din ang sakit, hinayaan ko muna si Mama and my MIL ang mag alaga kay baby. at hinayaan din nila ako magpahinga. Pero hindi din ako makapagpahinga kapag umiiyak sya e, yun na yata yung sinasabi nilang mother's instict, na kahit anong sakit nararamdaman mo, kapag umiyak ang baby mo, kukunin at kukunin mo. Good thing na din medyo nararamdaman ko na medyo nawawala na yung spinal headache ko.
Sa ngayon, nakakapag adjust na ako. I tried to bf na din si baby, kahit na wala pa masyado lumalabas na milk, what i did is pinapasuck ko si baby sa boobs ko then pinapatakan ko ng formula, para masanay sya magsuck. So far may konti ng milk. Sana magtuloy tuloy na ito. Medyo masakit lang ang feeling, o dahil nagsisimula pa lang yung production ng milk ko. Thankful din ako kasi marunong na magsuck si baby so nakakatulong din yun ng malaki. :)

Ngayong Monday tatanggalin na yung stitches ni baby, si hubby na lang and mother ang pupunta, iwan na lang daw ako para makapahinga, dahil sa thurs, ako naman ang may check up. :)

Super true nga yung sinasabi nila mga sis na kapag nandyan na si baby, hindi ka makakatulog. Kahit anong antok ko at gustuhin kong matulog, kapag umiyak na si baby, magigising at magigising ka.
Ngayon, si hubby, pinagbabawalan kami kunin si baaby kapag umiiyak, baka daw masanay sa pagkarga.. E sa palagay ko, ganun nga si baby, hindi sya titigil sa pag iyak kapag feeling nya hindi sya niyayakap. :)

Thankful din ako kasi si Pilsen (alaga kong dog) ay very cooperative naman. :) nawiwindang lang sya pag umiiyak si baby, kasi parang feeling nya may problema. Kapag gabi, co sleep namin si baby, with Pilsen sa may paanan namin. :) yung playpen nya sa umaga ko naman nagagamit. :)

Next stop na is binyag!

Sa mga sisses na on the way pa lang, good luck and God bless! :)

kailee

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #309 on: June 27, 2011, 06:24:53 am »
^wow sis. congrats sayo! God is so good talaga. :)

hay hay, ako malapit lapit na rin.. =o= excited and nervous at the same time..

rapids

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #310 on: June 27, 2011, 06:30:18 am »
^congrats sis!

jhenrheign - halos pareho na pala tayo ng nararamdaman.

Goodluck sa ating lahat mga sis! lahat na :)

ishko

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #311 on: June 27, 2011, 09:39:59 am »
it will be my 29th week tom. di ako pumasok sa work today coz i felt its not worth risking my condition for a day's salary. good thing nag half day na rin sa office so its really a good decision.

stay safe mga sis!

ako din sis, di na ako pumasok... nahirapan nga akong umuwi last thursday dahil sobrang baha sa pasong tamo at non-moving ang mga sasakyan sa buendia.. muntik na akong di makauwi, mabuti na lang may mabait na nagpasakay sa private owner jeep nila

hirap ng preggy, hindi pwedeng sumugod sa baha dahil baka madulas or baka may bacteria yung tubig baha... nakakatakot.. pero I thank God dahil safe kaming nakauwi ni baby kahit inabot kami ng 4.5 hours sa daan  ;D

jhenrheign

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #312 on: June 27, 2011, 09:47:01 am »
kathon-congratz sis...

rapids-malapit na tayo sis... im expecting na baka next week or 3rd week ng july manganak na ko, kasi with my daughter, 38-39 weeks ako nanganak... most probably baka mga ganung date din ako manganak ngaun... pero still hoping na nandito na si hubby nun...

ishko-hay naku i remember nung nag work pa ko dyan... baha na nga ang hirap pa sumakay...

ishko

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #313 on: June 27, 2011, 09:50:36 am »
^congrats sis kathon.. ang hirap din pala ng CS..pero at least nakaraos ka na and your baby is safe...

@ sis jhenrheign, oo sis.. daming stranded kasama na ako.. mabuti na nga lang may naawang magpasakay sa isang buntis na basa sa ulan..  ;D

sa mga preggy sisses dito, ingat ingat tayo... God bless  :)

jhenrheign

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #314 on: June 27, 2011, 09:53:46 am »
^buti naman sis... at nakauwe din kayo safe...

neth29

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #315 on: June 27, 2011, 10:27:17 am »
ako din excited na rin ako, png 3rd baby ko. hirap na ko makatulog sa gabi and ang bigat na ng tummy,ang sakit na rin ng singit ko. grabe talaga

ishko

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #316 on: June 27, 2011, 10:59:30 am »
^thanks sis jhenrheign... ang hirap pala kasi ng buntis..palagi natin dapat isipin kung may effect kay baby ang gagawin natin... halos maiyak na ko nung nahirapan nga akong makauwi, nilakasan ko lang ang loob ko para kay baby..  ;D

jhenrheign

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #317 on: June 27, 2011, 11:13:21 am »
^tama ka dyan sis... minsan nga nagugulat si hubby magkachat kami umiiyak ako, lalu na yung time na medyo naging complicated pagbubuntis ko.. nakakatakot din kasi eh... ayaw natin may mangyare masama kay baby...

ishko

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #318 on: June 27, 2011, 11:48:23 am »
^nangyari din sakin yan sis.. nung may spotting ako at nahospital.. natakot talaga ako

ganun pala pag mommy ka, lahat gagawin mo para kay baby.. nawala yung arte ko that time at andun ang realization na dapat magsacrifice para kay baby

blueberrycheesecake

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #319 on: June 27, 2011, 11:57:42 am »
Hinwa na ni doc ng 2x and pagkuha nya kay baby  dun nya nakita nahiwa si baby sa may pwet! Tumawag kagad ng surgeon para matahi yung hiwa. Reason why nahiwa si baby, super nipis ng uterine wall ko and si baby naman nakasiksik dun sa part na hiniwa. Natahi na yung sugat ni baby then inasikaso na sya ng pedia.
Kinausap nila after nun si hubby, si OB nga naiyak pa kay MiL (friends sila) kasi nga first time nangyari sa kanya yun. Well for me naman, alam kong wala naman may kagustuhan nun. We're blessed pa din kasi kung titingnan mo, sa may pwet nahiwa si baby dahil nakadapa sya nun. Kung nakatihaya sya pwedeng mahiwa yung abdomen nya which is mas serious. And kung hindi sya nakabreech position baka yung ulo naman nya mahiwa. God is good pa din for us! Sabi nga namin hanggang sa paglabas ni baby may pagsubok pa din. Kaya this lil angel is a fighter talaga.


grabe nagulat ako pagkabasa ko. nakakaawa naman si baby mo. pero tama ka, God is good kasi sa pwet lang ang hiwa which is taba lang naman yun compared kung sa abdomen or sa ulo. Take care sis and may God continue to bless your baby. Hugs!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close