Hi mga sisses! Finally, medyo nakapag adjust na ako after delivery.
Gave birth to a healthy baby girl.. My little angel Anaiah Gabrielle.
Share ko lang my story..
June 18: After check up, found out na 1cm na ako at 37 weeks. Scheduled CS on June 22.
June 21: around 10pm ako last kumain, para maiwasan ko na din ma-enema!

June 22:
Admission: by 6am nasa ospital na kami, diretso ako kagad sa lab para ma-cross match yung dugo ko, need 1bag of blood, if in case kailanganin lang naman. After nun, diretso na kami sa room na pinareserve namin. Then inayos na ako, kinabitan ng dextrose, pinagsuot ng lab gown, mga questions ng nurse and check ng vital signs. Everytime may papasok na nurse, nakacross fingers ko na sana hindi yun yung mag eenema! Then I asked the nurse din kung i-enema ba ako, sabi wala naman daw advise si Doc. Super happy ako nun! (hate ko kasi talaga yun mga sis! Nadala na ako nung inoperahan ako dati due to ovarian cyst, mas kineri ko pa yung operation mismo kesa dun!) by 9am, may ininject sakin na gamot, inantok ako nun and feeling groggy! Then dinala na ako sa Operating room.
Delivery: nung nasa oR na ako, kinabitan na ako ng kung ano-ano. Then dumating na si anaesthesiologist, inexplain na sakin gagawin nya. Binigyan nya ko ng sedative then pinatagilid na para mainject na sa akin ang anes. Nung pinatagilid na nya ako at pinagawa sakin yung fetal position, dun kami nagtagal. Paano nagagawa ko naman, pero since groggy na ako and walang maramdaman e bumabalik ako kagad sa dating position, ang hirap yata isiksik ang sarili ng fetal position tapos ang laki ng tyan diba. So may 2 nurse pa na nag assist sakin para ma-maintain ko yung position, inject naman si anes.. Wala pa din.. Huling pinagawa nya sa akin is pinaupo nya ako then pinabend yung upper body ko para mainject na nya, dun pa lang ata naging ok. Narinig ko na lang buti daw at ok na. Paano 3x kaya nya ako ininjection!
Dumating na si OB, and stinanong kung ok na ako, sabi ko ok na po. Tapos black out na.. After ilang oras siguro, nararamdaman ko na nasusuka ako, tapos may nagtanong sakin na nurse kung nasusuka ako, sabi ko yes, may hinanda syang parang lalagyan ng suka ko if ever masuka man ako.. Tapos black out ulit.. Nagising na alng ako nung nararamdaman ko na may nagra-rub ng tyan ko, yun na pala yung pagplaster sa tahi ko.. Then ginising na din ako nung nurse sinabi na baby girl, etc. Tinanong ko kung Healthy ba and healthy naman daw, nasa nursery na. Pinagstay pa ko sa recovery room ng ilang minutes. Tapos dinala na din ako sa room ko, medyo groggy pa din pero natatandaan ko naman lahat.. Sinalubong ako ni hubby and kinumusta ako. Tapos tinanong ko kagad kalagayan ni baby, tinanong ko din kung ilang oras ako inoperahan, sinagot naman lahat ni hubby..
Post op: nung nasa room na ako, kinwento na sakin ngayon ni hubby ang nangyari. By the way, i had my camera pala sa loob ng Or, pinavideo ko kasi and pinakuha ko din ng pics, yun nga lang nurse din ang kumuha at hindi si hubby.
Eto na, since didelphys nga ako, medyo complicated na kagad ang operasyon ko, nasa left uterus ko si baby so yun yung hiniwa, classical cut daw ang hiwa ni doc dahil nga masikip yung space. Hinwa na ni doc ng 2x and pagkuha nya kay baby dun nya nakita nahiwa si baby sa may pwet! Tumawag kagad ng surgeon para matahi yung hiwa. Reason why nahiwa si baby, super nipis ng uterine wall ko and si baby naman nakasiksik dun sa part na hiniwa. Natahi na yung sugat ni baby then inasikaso na sya ng pedia.
Kinausap nila after nun si hubby, si OB nga naiyak pa kay MiL (friends sila) kasi nga first time nangyari sa kanya yun. Well for me naman, alam kong wala naman may kagustuhan nun. We're blessed pa din kasi kung titingnan mo, sa may pwet nahiwa si baby dahil nakadapa sya nun. Kung nakatihaya sya pwedeng mahiwa yung abdomen nya which is mas serious. And kung hindi sya nakabreech position baka yung ulo naman nya mahiwa. God is good pa din for us! Sabi nga namin hanggang sa paglabas ni baby may pagsubok pa din. Kaya this lil angel is a fighter talaga.
June 23: nung umaga kayang kaya ko na maupo and kumilos mag isa, hindi ko masyado nararamdaman yung sakit ng tahi e, since naexperience ko na sya before, nasanay na ata ako. I went to the nursery to chexk my baby and try ko sana pa-bf, pero nakamonitor pa daw feeding nya. So nag try na lang ako magpump just to stimulate. Wala pang lumalabas na colostrum.
Kinahapunan, pagbangon ko, super sakit ng ulo ko, as in ang bigat and kala mo binibiyak! Tapos ang sakit din ng batok ko, shoulders and both arms. As in naiyak ako sa sakit! Nataranta nga si hubby eh, kasi naiiyak na ako, and alam nya na kung gano ko kinakaya ang mga simpleng sakit, kaya nung umiyak ako ibig sabihin super sakit na daw nun. Kaya kinausap nya nurse. They gave me mefenamic acid, pero walang epekto kaya they gave me hot compress na lang at nilagay sa may batok ko, dun kahit papaano medyo nabawasan yung pain.
June 24: kinakaya ko na ang pagtayo, pero everytime na tatayo ako, dun ko nararamdaman yung sakit ng ulo ko.kaya ang ending nakahiga lang ako palagi and inom ng inom ng fluids, according kasi sa mga doc, spinal headache daw yun. Hindi ko nadadalaw si baby kasi nga hindi ko pa kaya. Pero sabi ni hubby, binibigyan daw si baby ng antibiotic thru iv. Tapos nakukuha ko na lang sya makita sa pics, kinukunan sya ni hubby everytime pupunta sa nursery. Tanggal na Dextrose ko and kinabukasan pwede na ako umuwi, si baby na lang daw ang di pa sure. Ayaw naman namin iwan si baby so super pray kami na sana makasabay namin si baby pag uwi.
June 25: tinawagan kami ng surgeon early in the morning, sinabi nya na sa Monday nya daw tatanggalin yung stitches kay baby, mga 2inches din yun alam ko. Inaantay na lang namin si pedia, and papakiusapan sana na maiuwi si baby kasabay namin. By 9am, dumating si pedia (buti naman), nag explain sya, parang seminar na nga ginawa nya eh, about sa pag alaga kay baby. Feeding, bathing, sleeping, etc. Tapos she told us na maiuuwi na namin si baby, and yung antibiotic ni baby, oral na lang namin ibibigay. God is good talaga mga sis!
Pauwi na kami and inaatake pa din ako ng sakit ng ulo and ng shoulders/arms ko. Pero ok lang kasi kasama na namin si baby.
After 3 days, nahawakan ko din ang baby ko!

pero dahil nga iniinda ko pa din ang sakit, hinayaan ko muna si Mama and my MIL ang mag alaga kay baby. at hinayaan din nila ako magpahinga. Pero hindi din ako makapagpahinga kapag umiiyak sya e, yun na yata yung sinasabi nilang mother's instict, na kahit anong sakit nararamdaman mo, kapag umiyak ang baby mo, kukunin at kukunin mo. Good thing na din medyo nararamdaman ko na medyo nawawala na yung spinal headache ko.
Sa ngayon, nakakapag adjust na ako. I tried to bf na din si baby, kahit na wala pa masyado lumalabas na milk, what i did is pinapasuck ko si baby sa boobs ko then pinapatakan ko ng formula, para masanay sya magsuck. So far may konti ng milk. Sana magtuloy tuloy na ito. Medyo masakit lang ang feeling, o dahil nagsisimula pa lang yung production ng milk ko. Thankful din ako kasi marunong na magsuck si baby so nakakatulong din yun ng malaki.

Ngayong Monday tatanggalin na yung stitches ni baby, si hubby na lang and mother ang pupunta, iwan na lang daw ako para makapahinga, dahil sa thurs, ako naman ang may check up.

Super true nga yung sinasabi nila mga sis na kapag nandyan na si baby, hindi ka makakatulog. Kahit anong antok ko at gustuhin kong matulog, kapag umiyak na si baby, magigising at magigising ka.
Ngayon, si hubby, pinagbabawalan kami kunin si baaby kapag umiiyak, baka daw masanay sa pagkarga.. E sa palagay ko, ganun nga si baby, hindi sya titigil sa pag iyak kapag feeling nya hindi sya niyayakap.
Thankful din ako kasi si Pilsen (alaga kong dog) ay very cooperative naman.

nawiwindang lang sya pag umiiyak si baby, kasi parang feeling nya may problema. Kapag gabi, co sleep namin si baby, with Pilsen sa may paanan namin.

yung playpen nya sa umaga ko naman nagagamit.

Next stop na is binyag!
Sa mga sisses na on the way pa lang, good luck and God bless!
