watch now

Author Topic: Baby Due on July, August, September 2011 IV  (Read 103166 times)

pompz

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #120 on: June 13, 2011, 09:18:50 am »
thanks mga sisses eto andito ko sa work :), July 1 pa kasi effectivity maternity leave ko , saka malapit lang, mabuti na si baby pero sabi dito sa office ipacheck up ko pa din si baby, kasi naman ob namin doppler lang nya check si baby, gusto ko sana request for ultrasound para makita ang fluids nya kung ayus pa din.

kyrie26

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #121 on: June 13, 2011, 09:27:50 am »
^ako din last checkup doppler check lang. pero kasi yung last ultrasound was 2 weeks before lang hehe i want to see din sana si baby. atat.

sis purplesassy, ako half yaya half maid. kasi my dad is retired na, my mom pumapasok sa water district every now and then. di naman lagi or strict sked. so di naman need ng full time yaya. maybe when i start working or makahanap ng hobby dad ko. pero paglabas ni baby, more on house helper talaga role instead of yaya na bantay alaga. more like laundry, dishes, yung pagsterilise, tiklop ng gamit pickup ng kalat etc.. and if i ever do start working, dun na lang sya magfulltime yaya tapos baka bukod na lang yung helper sa house. kampante ako sa kanya kasi sya din yung kasama ko nung bata pa ko  ;) she's been with us for grabeh lagpas 10 years di ko na alam bilangin! pero less than 20 naman, kaso nagpunta na sya ng riyadh 2009 kasi wala na din ginagawa dito sa bahay hehe. but kept in touch naman with my mom. yung sweldo nya, sa mommy ko pinapadala tapos mommy ko nagpapadala sa family nya sa province nila. eh ngayon, babalik sya sa july dito sa house. at least daw di na nya maaabutan ramadan na talagang strict ang practice dun sa family na iniistayan nya.

hospital bag - what hospital bag?! naku wala pa ko dyan. zero items. i got boyleg panties kasi mas comfortable. yung stretchy cotton fabric. tumingin kami ng maternity panties, di kasya masyado malaki. wala pa kong ibang gamit. but september 26 due date ko so i still have time. sa mga 35-39weeks na dito na mga sisses, weeee!!! goodluck and GODBLESS!!!

kathon

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #122 on: June 13, 2011, 11:04:20 am »
Sis kailee, ang binili ko yung pigeon. Nagmamadali na kasi si hubby kaya yun na lang kinuha nya. Gusto ko pa sana mag ikot. Late ko na nakita ang mahal nga, dapat saka na ko bumili. Hehe

Sis kyrie, ok alng yan, medyo matagal pa hintayin mo, ang gawin mo na lang i-finalize mo na list mo para alam mo na gagawin kapag malapit na due mo. :)

This thursday ang schedule ng check up ko kay ob, one week after my hospitalization. Sabi ni hubby, tanungin na daw namin si ob kung kelan yung soonest na pwede ako operahan, ayaw na nya paabutin ng due date, e ang sabi before ni ob june 28 pwede na. Baka dun na lang ischedule. Nakakakaba na nakakaexcite na ewan. :)

ana mimi

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #123 on: June 13, 2011, 11:23:15 am »
today is my 37th week na. ready na lumabas si baby anytime. super sakit ng likod ko. nakakamatay na grabe, nasusuka din ako. ewan ko ba. i have difficulty breathing din.

complete na hospital bag namin, sterilized bottles nalang ang kulang. feel ko ang dami ko bitbit. nakabili ako ng sanitex sa may drugstore malapit sa house namen, 76 pesos lang yung 12pcs ng sanitex nila samantalang samay mercury drug e 120 yung 12pcs at 82 pesos yung 8pcs. nagtataka lang ako dun sa modess na maternity pas, may pandikit kase e pero yung sanitex wala. bumili na din ako ng drapolene kahapon, may free sya na lactacyd na baby bath sa mercury.

kathon

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #124 on: June 13, 2011, 11:27:18 am »
Pareho tayo sis, ang sakit na ng likod, ng balakang and super bigat na ng pakiramdam ko. Kahit nakahiga nakakangawit na. :)

Ako sis, wala pang nabibiling maternity pads, yan na lang ipapabili ko kapag papunta na kami sa hospital for elective cs.

One week apart lang tayo sis, goodluck and God bless sa atin and sa mga babies natin. :)

ana mimi

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #125 on: June 13, 2011, 11:38:35 am »
uu nga e, ang hirap sa pakiramdam, gusto ko na manganak na ewan. naku. ngawit na ngawit na ako. buti nalang at medyo maganda ang chair sa office namen at nakaka-recline ako ng konti. 1 week apart lang pala tayo. naku, malapit na..

kathon

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #126 on: June 13, 2011, 02:04:32 pm »
Sis, ang lakas mo pa nga dahil nakukuha mo pa magbyahe eh. Ako, gustuhin ko man madali na ako mapagod. Saka ayaw ko na din i-risk dahil konting panahon na lang naman eh. Si hubby, tuwing nagrereklamo ako, palagi ako sinasabihan na konting tiis na lang.. Kaya tiisin ko na.. Nakaya ko nga ng ilang buwan e, ilang linggo na lang ito diba. :)

ana mimi

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #127 on: June 13, 2011, 02:24:27 pm »
kailangan ko pa magbyahe dahil may work pa. hanggat kaya ko pa ginagawa ko pa. ok naman si baby, mukhang sanay naman sya pero nag promise ako kay baby na magpapahinga na kami soon, alam ko sya din ang nahihirapan sa pagpupuyat at byahe namin.

blueberrycheesecake

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #128 on: June 13, 2011, 06:28:23 pm »
sumasakit tyan ko pero di ko nata-timing-an. busyng busy kasi ako kakahanap ng giveaway and invitation designs for my baby's baptism. LOL. gusto ko DIY, gawa ko. nakakaexcite.

BIRTHING KWENTO

hello mommies! naglelabor na ko nung wed night pala talaga. pero since di naman regular yung interval, di pa ko nagpupunta ng hosp. advice lang ni OB was check up kami ng Friday. so the whole day ng Thu, tinitiis ko yung labor pains, nakakatulog pa nga ako in between.

Friday morning, hubby and I decided to bring our hosp bag na. Para lang in case maadmit, pero dala ko din yung blouses ng daughter ko na papapalitan ko ng size sa SM kasi lumaki na pala sya this summer. Pagdating ko kay OB, sabi nya 1cm na ko. Kung iba yun, papauwiin muna. Pero sabi nya ibiophysical profile na nya si baby, kasi nga 40 weeks na. Worried sya na magtagal masyado, and like I shared before, grade 3 na ang placenta ko 36th week pa lang. I was admitted into the labor room ng 12 noon. Kayang kaya ko yung pain. Sabi nga ng mga nurses, makangit ka pa kaya mamaya sa delivery room?

Around 2:30 na nung mag progress to 3cm pero by 5:30pm, 3cm pa din ako. I was sad kasi gusto ko talaga manganak na ng June 10 (or 17 or 24, basta Friday para Sunday yung 1st birthday nya, pwede magparty on the exact day).

Mga 8pm na nung magprogress to 5cm, binigyan na ko ng epidural at talagang namimilipit na ko sa sakit. Grabe ang effect ng epidural sa kin this time, as in manhid ang legs ko. Natakot ako, I asked kung makakalakad pa ko (yes, napraning ako), manhid lang naman daw, pero namo-move ko pa at my own will so nothing to worry about.

Nakatulog ako, nagising at 10pm sabi ng OB, 7cm na daw. Sabi ko ang bagal naman malabo yatang June 10 pa din ako manganak. Pero by 11pm, ginising nila ko to tell me na fully dilated na ko and asked if I'm ready na. "Mukhang aabot ka sa June 10"  ;D

Ganda ng ire ko nung una, nakapwesto na yung crown nya. Unfortunately, ang lakas talaga ng effect ng epidural, by second hilab, pinapaire nila ko, i told them "di ko na nararamdaman eh" then I passed out. I was awaken and they were telling me umire uli, pero by this time, ultimo kamay ko di ko na maramdaman (hawak daw dun sa bakal while pushing eh) so I was just watching them help me push. Ayun lumabas na si baby just few minutes before midnight. Sabi ng anes, "ay! ang pogi!"  ;D

Meron lang blooper na nangyari, I asked a nurse to take a video, sabi ko sa ulunan ko sya pumwesto para maganda ang anggulo. Ewan ko ba kung di sya nakinig or talagang hindi sya artistic na tao, kumuha ng video sa bandang legs ko right side. Hello! Eh di kitang kita ang lahat? Duh? Alangan naman ipakita ko yun sa ibang tao? Hmpf!  :-\

Yun lang muna share ko. Baka matagal tagal akong hindi muna mag online. Rest muna ako.  ;)

kathon

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #129 on: June 13, 2011, 06:35:11 pm »
Sis blueberry, congrats! :) natawa naman ako sa blooper na yan! Hehe

Im planning din sana to take a video ng panganganak ko, since cs naman ako, gusto ko makita yung procedure. Sana lang pumayag si doc and sana pwede dun sa hospital na panganganakan ko. :) at kung makakahirit pa ko e, gusto ko sana si hubby ang kumuha ng video. :) kung di pwede video pics na lang siguro. Pero sasabihin ko, continuous Ang pagkuha para makita ko ginagawa. Hehe :)

ana mimi

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #130 on: June 13, 2011, 07:28:49 pm »
blueberrycheesecake : congrats sis, sana saken din pumayag yung midwife na videohan ako. hehe at ime-make sure ko na sa uluhan ko sya pupwesto. hehe.

kyrie26

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #131 on: June 13, 2011, 07:53:48 pm »
wow congrats!!! sana saken din, di ko maramdaman yung pain. bakit sa iba waepek daw epi.. sayo parang maski 12hours after manhid pa din. ang due date ko pala is september 26 according to my last ultrasound. monday sya- naku wag sana. friday din gusto ko. my brother will fly in  from cebu para dun eh may work sya monday-friday. pero aabsent naman yun ng friday [textspeak!] friday ako manganganak. ok din para andito sya that weekend

ana mimi

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #132 on: June 13, 2011, 07:57:09 pm »
naku, ayoko din makaramdam ng pain. sabi nila tatawagin mo daw talaga lahat ng santo e. haha. ako naman July 4 ang due date which is a Monday.

kailee

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #133 on: June 13, 2011, 09:44:12 pm »
@ blueberrycheesecake: congrats! :3 may napanood nga akong vid ng giving birth, dun sya sa right side, bandang uluhan nung mommy.. pinost ko sa wall ko sa fb. :)

haaays, iniisip ko kung keri ko magpa epidural.. syempre gusto ko din painless.. pero additional 10k daw.. errrr.. wala na sa budget namin.. T__T twilight kaya?

purplesassy

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #134 on: June 13, 2011, 09:56:28 pm »
Thanks sa insights mga sis, I work kase 60 hours a week talaga sa marketing business namin ni hubs eh, pero yun nga since sa bahay lang naman ako, itatabi ko na lang sa desk ko yung playpen :)

Nag chicken all you can ako kanina sa Max's, gosh naka 5 quarter chicken ako, ang bigat bigat tuloy ng tyan ko ngayon!

ana mimi

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #135 on: June 13, 2011, 10:06:44 pm »
purplesassy : hehe, ako din dapat magga-ganyan last night. kaya lang di ako ganun kagutom e, baka di ko masulit.

kailee : well, kung additional 10k e titiisin ko nalang ang pain ng labor. arrgh. wag lang sana tatagal masyado. haha

super workaholic din ako. ewan ko ba, di ako mapakali na walang ginagawa. 10am-11pm ang work ko from Monday to Friday. kapag weekends naman e 10 hrs sa work.

kathon

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #136 on: June 13, 2011, 10:38:49 pm »
Sis purplesassy, si hubby niyayaya na ako last saturday pa, kaya lang di ko masusulit since nagbabawas nga ako ng food intake.. Sabi ko sasamahan ko na lang sya. :) baka this sunday siguro. :)

About sa work, buti kayo mga sis working pa din kahit preggy. Miss ko na magtrabaho. Kaya lang dahil sa kondisyon ko e di na muna talaga pwede. Kaya after ko manganak maghahanap na muna ko kahit part time na home based para may magawa naman. :) kakalawangin kasi utak ko pag ganun eh. Hehe :)

purplesassy

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #137 on: June 13, 2011, 11:35:29 pm »
Sis ana mimi : Mabuhay ang mga workaholic hahaha minsan hirap ako hatiin oras ko kase imagine 8 companies pinagttrabahuan ko, last week 7 days ako nagwork lahat tig 10-12 hours, pag di ako nagwork kase nadedepress talaga ako eh, hinahanap talaga siya ng katawan ko :)

Sis Kathon: oo sis hanap ka kahit homebased jobs, madami naman very competitive lang talaga pero tyaga tyaga ka lang..btw nakakuha na ko ng mag mamaternity shots skin kaklase  ko nung GS na full bloaded bedan din, ayoko na ng studio kase feeling ko ang panget ng tyan ko, di pang studio ang aura nya, so mag outdoor na lang ako, bedan din yung photographer, binola ko sabi ko dapat presyong bedista ha, sabi nya hindi usapan ang presyo basta kapwa bedista..natouch naman ako ;)

snowflakes

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #138 on: June 14, 2011, 07:50:07 am »
mga hanggang ilang araw ni baby, kasya sa kanya yung NB? sabi nila mabilis daw lumaki si baby.. :D hmm.. siguro nga bili na muna ako ng 4pcs pack

nakoh sis wala pang 1 week masikip na.. chubby kase baby ko.. hehe

pompz

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #139 on: June 14, 2011, 08:06:25 am »
hi mga sis as of today 36 2/7 weeks na kami ni baby, sabi ni ob nag post alarm labor lang daw ako, kasi malapit na din lumabas si baby, gawa ng pagod kakalakad need ko daw mahinga madalas, kaso andito naman ako sa office hehe although petiks lang ang work at walang stress masyado. sis ana mimi and sis kathon tayo pala ang magkakasabay manganak.

di naman ako inultrasound ni ob balak ko pacheck kasi amniotic fluids nya kung okay pa kasi yung ka officemate ko naubusan kaya cs sya check up pa lang nya daw non, nauubos daw talaga at minsan nasabay sa wee wee natin, magkano ba sa new world ang simpleng ultrasound ? hanap ako malapit dito sa office dito kasi kami sa taguig at the fort malapit  baka may alam kayo

 

Latest Stories

Load More Stories
Close