watch now

Author Topic: Baby Due on July, August, September 2011 IV  (Read 102939 times)

ana mimi

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #80 on: June 10, 2011, 04:55:05 pm »
hehe. well, bibili lang muna ako ng 1 dozen. itetesting ko muna. may pagka tamad din kase ako e.. gusto nga din ni bf ng lampin e, kala naman nya sya ang mahihirapan na maglaba at maglagay kay baby nun. tignan ko lang kung di sya mahirapan. baka nakaihi na si baby e di pa nya makabit, boy pa naman si baby. basa agad sya kapag di sya maagap

kathon

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #81 on: June 10, 2011, 04:59:07 pm »
^true sis! Yun din iniisip ko kay hubby. Sabi pa naman sakin ni hubby, kapag gabi daw lampin pa din si baby, sabi ko ikaw kaya maglampin sa gabi, hindi ka kaya magising every ihi mo! Hehe buti napilit ko bumili ng diapers.

Isa pang gusto ko sa lampin, di sya ganun kakapal so madali syang labhan at patuyuin. :) mga 1 and a half dozen lang naman ang lampin na gusto ko eh, kahit na sinasabi sakin na yun dapat ang madami. Ok na yun, labhan na lang kaagad. :)

ana mimi

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #82 on: June 10, 2011, 05:44:59 pm »
hehe. ang hirap nun kapag lampin sa gabi kase gising ng gising si baby. baka ako i-try ko ang lampin sa daytime tapos sa night time na ang diapers para presko sa pwet ni baby.

kathon

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #83 on: June 10, 2011, 05:46:14 pm »
Yun din plan ko sis, para naman mahimbing tulog nya sa gabi. :)
Saka sa umaga lampin para presko na din sya. :)

fatgirlslim

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #84 on: June 10, 2011, 09:31:33 pm »
thanks sis! takot kase ako baka kung ano lang ang laman at bakit ganun kalayo yun price nya. sana naman eh may epekto parin. thanks uli!

fatgirlslim : hi sis, ako nag generic nalang ako na products nung nag 35th week na ako. si OB kase may nirecommend na ferrous sulfate with folic acid and b-complex ata yun, 10 isa sa clinic nya, sa may generic, ganun din ang laman pero 3.50 lang ang bili namin. yung calcium ko din, 10 isa kay OB pero sa generic e 2 lang. mas tipid talaga ng bongga.


purplesassy

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #85 on: June 10, 2011, 09:40:22 pm »
Yun din plan ko, cloth diaper sa umaga , diaper sa gabi

Lumaki yung paa ko badtrip, ang dami ko shoes as in sobra, babalik pa ba yung normal size ko?? :(

Good thing hindi ako manas

ana mimi

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #86 on: June 10, 2011, 09:47:12 pm »
purplesassy : ako din hindi manas pero yung mga closed shoes ko nasisira ko. lumalaki na ng bongga yung paa ko.

fatgirlslim : feel ko naman may epekto naman sya. yung iba kase sa generic lang din bumibili e. haha. kase nakita ko naman na parehas lang itchura nila.

kailee

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #87 on: June 10, 2011, 10:20:33 pm »
^^ yan din ang katanungan ko noon pa. :)) babalik pa kaya yung size ng paa ko?

anong diaper yung binili nyo sis? anong brand ng pang NB?

ana mimi

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #88 on: June 10, 2011, 10:29:04 pm »
babalik pa naman siguro yung size ng mga paa naten sis..

huggies NB diaper ang binili ko for my baby pero my sister said na mas OK daw ang pampers. pero binili ko lang naman yung huggies kase may 4pcs/pack sya, sakto sa hospital bag namen. haha.

snowflakes

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #89 on: June 11, 2011, 02:40:34 am »
ang dami ko ring sobrang NB huggies diaper sayang lang. di ko naman pedeng ipalit sa store kase walang resibo at sobra na sa 30 days...

kailee

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #90 on: June 11, 2011, 07:53:25 am »
mga hanggang ilang araw ni baby, kasya sa kanya yung NB? sabi nila mabilis daw lumaki si baby.. :D hmm.. siguro nga bili na muna ako ng 4pcs pack

kyrie26

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #91 on: June 11, 2011, 08:15:32 am »
ako din diapers sana pagamit kay baby. goodluck na lang saken if lampin, wala tayong tulog tapos kung maulan pahirapan pa sa tuyuan ng damit. saka di nga ako expert sa labada. parang wala akong tiwala sa sarili ko na malilinis ko ng mabuti yung lampin tapos magagamit ko kay baby ng kampante akong clean na clean yun.

re: paa. kahapon binilihan ako ng mom ko ng flat na sandals. ayaw nyang nakaheels ako kapag lumalabas kami (which is once a week lang the rest nasa kama lang ako). eh sabi ng OB last checkup as long as di naman ako natatalisod or nadudulas, fine lang daw sa kanya im on heels  ;) saka wala din ako balak gumastos para sa flats lalo na if di naman pala necessary. ayun, binilihan ako ng mom ko. tapos oonga parang 'tumaba' yung paa. tama ba yun? di naman ata humaba eh. pero lumusog. haaay! di ba pwedeng si baby lang lumusog..

24weeks na kami. next month ipapacheck daw ako for GDM tapos may mga tests daw. ewan ko kung bakit di na lang this month gawin. sabi nya need ata 27weeks muna? tama ba sisses? feeling ko lagi ako pagod. at antok. or wala lang energy. batong bato na ko. kapag lumalabas maski hikab ako ng hikab ayoko pa umuwi and magsulk sa room ko...  :(

purplesassy

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #92 on: June 11, 2011, 12:48:28 pm »
Sobrang depress ko talaga most of my shoes flats kase ang porma ko lagi baby doll shoes and dress eversince, konti
Ang yung slip ons ko and more on havs ako, pag heels mga pang formal ko naman lahat matulis, sana bumalik, investments ko shoes ko..2 lang pala rubber shoes ko, isang lacoste na pang sporty look na madalang ko gamitin tapos isang Asics shoes for running na nung araw na nabili ko siya eh nalaman kong buntis ako, in short d ko pa nagagamit hahah :p

Di pwedeng di bumalik paa ko, ikakadepress ko talagang bongga yun :(

kyrie26

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #93 on: June 11, 2011, 02:07:24 pm »
^parehas tayo sis. ayoko din ng rubber shoes and have only one pair for emergencies. ewan ko kung anung emergencies kasi ang pang rugged ko, boots. na may heels or wedges. at di naman ako nag-gy-gym. pero the other year, nag tree top adventure kami ng family ko. wala akong rubber shoes so kelangan pa bumili ng sneakers kasi hiking daw at heels lang meron ako. at di naman pwede boots kasi summer na summer nun. so yan, meron na akong polo na rubber shoes! ewan ko kung di pa yun nasira kasi di nagagamit nakastock lang sya sa dustbag nya. goodluck sa kanya!

aside from that one, parang mini-babies ko mga shoes ko. ako naman, heels at wedges hilig ko. parang di ako kumpleto sa flats. kaya pinipilit ata ng mom ko na magflats ako. nung nagpunta ako sa states, nagworry ako about my shoes, walang magaalaga sa kanila tapos sure na sure ako na paguwi ko maski di pa gamit yung iba, magkakadamage. kasi november to march ako nawala. eh di ba ulan season pa din yun. nakakasira sa mga nakastock na shoes. sobrang nanghinayang ako, di ko man lang nasulit yung iba kasi daming bagong bili na di pa gamit or twice lang nagamit before i left. di kasi planned yung punta ko  dun eh.

since parang tumaba feet ko, wala akong balak to get rid of my shoes. kung pwede lang eh ivacuum pack ko sila. kasi gusto kong bumalik shape and size ng paa ko. baka mamotivate sila kapag alam nilang naghihintay yung mga sandals sa kanila hehe eng eng ko magisip. gusto ko talaga sila ivacuum seal kasi ulan season na naman. lakas makasira ng wedges nun nakakainis.

kathon

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #94 on: June 11, 2011, 02:17:45 pm »
Ako mga sis, sakto pa din naman size ng paa ko, medyo tumaba lang dahil manas, pero pag pahinga lang yung paa ko e bumabalik naman sa dati. :)

Ako din, hilig ko flats lang, bihira lang ako magheels and mas gusto ko pa wedges. Sa rubber shoes, i have one pair lang ata dahil di ko naman nagagamit. Mas hilig ko mga slippers, ipanema fan naman ako kasi malaki sizes ng havs for me. :) the rest flat shoes na, mas gusto ko peep toes para presko. :)

jhenrheign

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #95 on: June 11, 2011, 02:25:02 pm »
re diaper-i only bought 22pcs... 18pcs of drypers newborn and 2 pcs of huggies newborn... i prefer drypers kasi yan yung gamit ng panganay ko when she was a baby... i just bought huggies just in case di hiyang si baby... malapit lang naman ang mercury at puregold dito, so madali lang bumili...

re lampin-gumagamit talaga ako nito, lalu na gurls ang baby ko... pero di ako bumibili ng sobrang dami, 1-2 dozen is enough, eh since may natirang lampin pa si ate, 1 dozen lang dinagdag ko... si hubby expert na sya sa paglagay ng lampin...hehe! wala ako prob dun, tinuruan ko na sya dati, madali lang naman kasi...

re paa-i think its natural lang na medyo tumaba ang hands and feet natin... its not manas naman... pero bumabalik din naman yun... sad nga kasi hubby bought me nike rubber shoes, pero di ko naman magamit ngaun dahil di kami nakakapag jogging ngaun ... ako naman i usually wear flipflops lang talaga, bihira ako mag shoes lalu na i have a toddler, mas madali kasi kumilos... and comfortable ako sa ganun... may mga flats ako, but i seldom wear them...

amberdeler

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #96 on: June 11, 2011, 02:59:53 pm »
mga sis...
ano ano ba ang mga dapat ko iprepare sa bag ni baby
during D Day..
1st time mom kasi..
help..
:)

kathon

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #97 on: June 11, 2011, 04:07:11 pm »
^hi sis, eto mga nakalagay sa baby bag na dadalhin ko sa hospital..
Tiesides
Pajamas
Disposable diaper
Lampin/cloth diaper
Blankets
Mittens and socks/booties/bonnets
Wash cloth/burp pads
Wipes cotton balls/cotton pleats
Alcohol
Oil, baby wash and towel (in case magtagal kami)

Madami ko nilagay na tiesides na shortsleeves and longsleeves since tag ulan na baka malamigan si baby.. Hanggang ngayon, nag iisip pa din ako kung ok na yung mga yun. Hehe so far siguro pwede na yan, pero pinalabhan ko na yung ibang gamit para naman in case na kailanganin e papadala ko na lang sa hospital. :)

Sis, di pala ko naglagay ng bottles since i prefer to bf my baby. Pero pwede ka magdala. :)
« Last Edit: June 11, 2011, 04:09:52 pm by kathon »

amberdeler

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #98 on: June 11, 2011, 05:07:01 pm »
Thanks Sis kathon  ;D ;D ;D..


purplesassy

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #99 on: June 11, 2011, 05:21:55 pm »
Sis kathon yung lacoste sneakers ko binili ko lang para sa prenup pics namin na Sporty San Beda theme hahaha.. flat shoes talaga ako ever :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close