Author Topic: Why Do Filipino Men Cheat?  (Read 36497 times)

akosilg

  • Guest
Re: Why Do Filipino Men Cheat?
« Reply #40 on: February 20, 2013, 08:53:20 pm »
Hindi lahat ng PINOY ay GANITO.

Alam nating maraming manloloko at onti na lang ngayon ang mga lalakeng seryoso.
WAG IDAMAY ANG IBANG PINOY  ;)

reese**

  • Guest
Re: Why Do Filipino Men Cheat?
« Reply #41 on: February 22, 2013, 07:12:57 pm »
^ sis i think most of us understand it as 'why (a) FILIPINO man cheat, ginawa lang 'men' kasi madami naman sila nag chcheat and NOT 'why (all) FILIPINO men cheat'. hehe



ice angel

  • Guest
Re: Why Do Filipino Men Cheat?
« Reply #42 on: February 22, 2013, 07:21:26 pm »
i think pilipino are born polygamous. peace..

jamila_19

  • Guest
Re: Why Do Filipino Men Cheat?
« Reply #43 on: March 13, 2013, 07:19:03 am »
natural na sa lalaki siguro magtaka na lang tayo kung babae ang gagawa

Girltalker2

  • Guest
Re: Why Do Filipino Men Cheat?
« Reply #44 on: March 13, 2013, 01:28:46 pm »

I think Filipino men in general cheat. Not all, but many of them.  Kaya nga pag Pinoy, if possible, iiwas nako kasi I know he is bound to cheat.  And it takes a lot for them not to.

Yes, maraming wives sasabihin their husbands don't cheat.  I believe meron namang matino, pero malamang kalahati lang ng mga Pinoy wives na nagsasabi na mahal sila ng asawa nila and they are not cheated on. Of course wala akong basis. Pero sa mga nakikita ko at naririnig ko, iyan ang aking paniniwala.

Now, the question... WHY. Una una, kinukunsinti kasi sila.  Ang daming mga asawa na lantarang niloloko na, ok parin.  Ang dami din willing mistresses kasi na kahit ilan sila, ok parin.

MalditaNgaAko

  • Guest
Re: Why Do Filipino Men Cheat?
« Reply #45 on: March 13, 2013, 02:04:46 pm »
According to one research study, compared to foreign guys, Pinoy guys tend to cheat more. Siguro kasi mabenta sila, in and out of the country. haha

Girltalker2

  • Guest
Re: Why Do Filipino Men Cheat?
« Reply #46 on: March 13, 2013, 02:53:28 pm »

Other reasons (of course not all are applicable, but in general)

- machismo society natin. the more girls you have, the more you are admired.

- mga politicians and artista, ganyan din naman ang practice. sila ang mga role models ng karaniwang mamamayan, so syempre sila gagayahin.

- they are taught not to be brave. They are not brave enough to face life and face the truth.  Kung hindi na nila mahal ang gf/asawa nila, sabihin nila. Kaso yung iba, hindi makapagsalita, just let things be, kahit na interested na sila sa ibang tao at pinu-pursue na nila on the side, sige parin sila sa existing relasyon, as if naman the problem will go away.

- Maraming naniniwala sa BAHALA NA, just ignore the problem na parang mabilis lang sila i-erase.  They are not disciplined enough to set things right.  Kita mo naman ang resulta sa economy natin di ba.

- Filipinos are very forgiving.  So kahit mangaliwa ok lang sa asawa.  Kahit mangaliwa ka kung lalaki ka, alam mo tatanggapin ka parin, kasi kung hindi, asawa mo pa ang masama at nagsorry ka nanga.

- Filipinos' sense of dignity and pride are screwed. Para sa mga babae who are cheated on, wala nang natitira ni katiting self-respect. Kahit binabastos na sya ng harap-harapan, ok lang.  Ang mga lalaki naman, once they see someone they LIKE (note - like lang ha), papatulan agad. Kaya once makakita ng someone better, parang aso na dun naman hahabol.

- The culture sa office/kaibigan. Sa opisina palang, pag nagkakantyawan, at hindi ka "game", ikaw lalabas na masama. Even if may asawa ka na and kinakantyawan ka with someone single.  This is plain insult to your relationship and to your partner.  Pero ang mga ka officemates, dapat game ka lagi otherwise KJ ka. Tapos another example, say ang mga magbabarkada, alam na openly involved ang friend sa extra marital, sige pa nang buyo.  For some reason, these mistresses and philandering men are NOT being looked down or ostracized in our society, in fact they are even glamorized and venerated to some extent.












jaymejorrol

  • Guest
Re: Why Do Filipino Men Cheat?
« Reply #47 on: March 15, 2013, 09:39:41 am »
2 major reasons lang nakikita ko dyan

1. may nakitang panget sa partner
2. may nakitang maganda sa ibang girls

Girltalker2

  • Guest
Re: Why Do Filipino Men Cheat?
« Reply #48 on: March 17, 2013, 01:55:56 pm »

^ so?  bakit hindi puede kausapin ang partner para magchange for the better? 
at kung feeling ni lalaki, wala nang pag asa magbago si partner at di na nya kaya, bakit hindi nalang sya makipaghiwalay dito at tsaka humanap ng iba?  the questioin iw why do mean cheat, may pangit nanga sa partner - so kelangan nya gawan ito ng paraan para hindi masira ang relasyon nila. 

as for kung may nakita syang maganda sa ibang babae, again ang sagot ko dyan - so?  kung talagang super gusto nya, eh di putulin nya relasyon nya with the current partner, and pursue yung ibang babae na may nakita syang maganda.

baket kasi kelangan nya magcheat?  ito lang naman yung question. bakit hindi puede maging honest ang isang lalaki. it is a basic trait that is being taught to us since childhood, do not lie, do not cheat. and yet pagdating ng adulthood, parang professional cheaters ang dating nila. Bakit? ????  ???




Miss Charcoal

  • Guest
Re: Why Do Filipino Men Cheat?
« Reply #49 on: March 17, 2013, 03:27:23 pm »
Applicable rin ba to sa mga Pinoy na lumaki/lumipat/nakatira abroad?

jaymejorrol

  • Guest
Re: Why Do Filipino Men Cheat?
« Reply #50 on: March 17, 2013, 08:44:47 pm »
^ so?  bakit hindi puede kausapin ang partner para magchange for the better? 
at kung feeling ni lalaki, wala nang pag asa magbago si partner at di na nya kaya, bakit hindi nalang sya makipaghiwalay dito at tsaka humanap ng iba?  the questioin iw why do mean cheat, may pangit nanga sa partner - so kelangan nya gawan ito ng paraan para hindi masira ang relasyon nila.

ang sinasabi ko lang naman dito ay yung reason why do we cheat. reason why i almost cheat based on my experience. yung 'Why' lang po sinagot ko hehe.

well since u said 'so?' i think kaylangan ko idefend yung sa akin.

nasabi ko ang dalawang bagay na yan kasi iyon mismo ang naramdaman ko kaya natukso ako magcheat but hindi ko po ginawa, muntik lang talaga. kasi kung ayaw ko na talaga, no need to cheat but to leave na lang. alam ko naman yung thought na 'If you're not happy, don't cheat, just leave.' marami kasi nagawang kasalanan si gf at nagsawa na ako sa kakapatawad sa kanya, and naatract din ako sa ibang girl. and that's my reason why i almost cheat.

what i did was, inisip ko nalang ang mga pinagsamahan namin para maging ok kami ulit. and para linawin ko, wala pa po ako ginagawang masama, nagsawa lang ako sa mga pgkakamali nya, pero ako na ang nagadjust para maging ok kami, kinausap ko din sya para maintindihan nya ang sitwasyon, alam nyo po yung hindi ikaw ang may kasalanan pero ikaw ang gumagawa ng way para maging ok kayo?

so, sa ngayon we're doing great! :)
lahat po ng sinabi mo ay ginawa ko po dati pa. kasi alam ko yun naman talaga ang tama.


Girltalker2

  • Guest
Re: Why Do Filipino Men Cheat?
« Reply #51 on: March 17, 2013, 09:12:57 pm »
'If you're not happy, don't cheat, just leave.' 

I like this statement. 

Bro, don't take it personally ha. But kasi mga lalaki ganyan lagi ang statement na may mas ok kasi o di kaya may pangit na nakita sa partner. but instead na solusyonan ang issue on hand, he entertains the thought of being with somebody else, thus the complication starts.

You did the right thing by sorting things out.  Kasi if it cannot be sorted out, then leave. Ganun lang naman kasimple di ba?  And yet, why are there so many men, yes, so many of them, ang dami dami dami dami nila, na gusto mamangka sa dalawa, tatlo or sa maraming mga ilog.

 

jaymejorrol

  • Guest
Re: Why Do Filipino Men Cheat?
« Reply #52 on: March 18, 2013, 01:02:56 am »
But kasi mga lalaki ganyan lagi ang statement na may mas ok kasi o di kaya may pangit na nakita sa partner. but instead na solusyonan ang issue on hand, he entertains the thought of being with somebody else, thus the complication starts.

exactly.. lalo lang gugulo ang sitwasyon.. yung tipong gagawa din ng kasalanan as a revenge? not a good decision.. instead na may chance pa maayos ang prob, lalo lang masisira.. honestly talagang natutukso na ako magcheat that time para makaganti.. (ganun naman karamihan eh, mas gusto pa mag-cheat as revenge kaysa umalis nalang..) pero sinubukan ko (as in ewan ko kung ano tumama sa isip ko at ito nagawa ko) i-divert utak ko sa ibang options. and now, hindi ako nag-regret sa decision ko na patawarin ulit sya for the Nth time.. and dumating yung time na narealize nya pagkakamali nya and tuluyan syang nagbago.. the power of forgiveness and acceptance nga naman..

jamila_19

  • Guest
Re: Why Do Filipino Men Cheat?
« Reply #53 on: March 18, 2013, 06:01:27 am »
exactly.. lalo lang gugulo ang sitwasyon.. yung tipong gagawa din ng kasalanan as a revenge? not a good decision.. instead na may chance pa maayos ang prob, lalo lang masisira.. honestly talagang natutukso na ako magcheat that time para makaganti.. (ganun naman karamihan eh, mas gusto pa mag-cheat as revenge kaysa umalis nalang..) pero sinubukan ko (as in ewan ko kung ano tumama sa isip ko at ito nagawa ko) i-divert utak ko sa ibang options. and now, hindi ako nag-regret sa decision ko na patawarin ulit sya for the Nth time.. and dumating yung time na narealize nya pagkakamali nya and tuluyan syang nagbago.. the power of forgiveness and acceptance nga naman..

super like ko itong sinabi mo. good luck! i'm happy at may mga iilang lalaki pa rin pala na tulad mo marunong magpatawad at tanggapin ulit ang babaeng minamahal niya.

jaymejorrol

  • Guest
Re: Why Do Filipino Men Cheat?
« Reply #54 on: March 18, 2013, 08:34:56 am »
^ thanks po.. oo nga eh.. sabi nga ng mga friends namin maswerte na raw siya sa akin.. haha.. lumaki naman tenga ko dun :D ..and sabi naman ng iba engot daw ako kasi nagtityaga pa rin ako sa kanya.. naisip ko narin yun.. kaso mahal ko sya eh.. kung di nya kaya mag-adjust, edi ako nalang.. tutal ako naman tong mas nakakaintindi.. nung una kasi pride pinapairal ko lalo na pag ako yung tama.. kaso inalis ko yun.. sinunod ko yung mga nababasa kong quotes sa cp ko.. effective pala hahaha!

siguro nga nagbago na din partner ko kasi alam nya na i'm the one na kaya syang tanggapin on her worst, depende narin talaga sa boy.. pero ako kasi yung type na hindi basta bumibitaw as long as alam kong may solusyon pa, i don't know pero i thank God kasi binigyan nya ako ng malinaw na pag-iisip para makapg-decide.. alam ko marami pa talagang better na girl sa kanya, pero sa ginawa ko, i know mas naging better person sya.. kahit iwan nya ako at least may part parin na nabago ko sya.. ok na rin nangyari ang ganito habang maaga, mas lalo kami nagkangkilala talaga.. kaysa kung kaylan kasal na kami dun pa magkaproblema.. mas sakit sa ulo yun hehe..

lonelymiss28

  • Guest
Re: Why Do Filipino Men Cheat?
« Reply #55 on: March 18, 2013, 09:24:37 am »
dito naman sa canada it's the other way around mas maraming women ang nagche-cheat kesa men, although dito hindi nila pinapatagal at inaamin din naman talaga nila sa asawa nila na may third party. in my opinion cheating is a sign of insecurity (to some) and they wanted to prove to themselves na they are still wanted or they still have the "asim"...lol!


jaymejorrol

  • Guest
Re: Why Do Filipino Men Cheat?
« Reply #56 on: March 18, 2013, 09:34:25 am »

^ talaga? inaamin nla? well at least honest sila pero paano nila hinahandle yung ganung situation lalo na dun sa mga kasal na?  :o

Girltalker2

  • Guest
Re: Why Do Filipino Men Cheat?
« Reply #57 on: March 18, 2013, 10:45:21 am »
dito naman sa canada it's the other way around mas maraming women ang nagche-cheat kesa men, although dito hindi nila pinapatagal at inaamin din naman talaga nila sa asawa nila na may third party. in my opinion cheating is a sign of insecurity (to some) and they wanted to prove to themselves na they are still wanted or they still have the "asim"...lol!

mas ok pala manirahan dyan, at least di ka prone sa panloloko ng mga lalaki. tapos nasa sarili mo na naman (which mas confident ka) na hindi mo hahayaang mangyari na mangaliwa ka.

jaymejorrol

  • Guest
Re: Why Do Filipino Men Cheat?
« Reply #58 on: March 18, 2013, 11:30:22 am »
^ hahaha! napaisip tuloy ako.. siguro taga canada ako dati in my past life.. :D
mabuti pa nga dun mas kampante mga girls.. dito kasi sa atin talamak ang tukso.. mahirap pa iwasan.. naglipana pa ang mga movies na may kinalaman sa 3rd party and affairs.. naeenganyo tuloy ang mga boys.. haha
« Last Edit: March 18, 2013, 11:39:17 am by jaymejorrol »

snowflakes

  • Guest
Re: Why Do Filipino Men Cheat?
« Reply #59 on: March 18, 2013, 11:13:26 pm »
tama yun.

nagchecheat kaming mga lalaki dahil

1. kulang ang pagmamahal ng partner namin
2. masyadong mapagmahal ang partner namin
3. may nakitang mas hot
4. may nakitang katangian sa iba na wala ang partner namin
5. hindi na maganda ang partner namin (factor talaga yun kung alam nyo lang)
6. talagang gusto lang makarami (mag-ingat sa mga ganito)


in short wala kayong contentment. mapagmahal at kulang sa pagmamahal naghahanap pa rin? wheres the logic? theres always gotta be prettier, hottier, smarter than your partner. all you have to do is ignore them and love your spouse.  ;D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close