Share ko experience ko sa CAS sa Face2Face in SM North.
25 weeks nagpa3D scan kami and nakita na may cleft lip and palate si baby.

Sobrang sad lang nun. Tapos sinuggest nung sono na magpaCAS kami para makita kung yun lang ba problema kay baby.. So nagpasched agad kami ng CAS sakanila kinabukasan.
So pagbalik namin kinabukasan kinakabahan kami ni hubby. Hoping na sana wala na ibang problema kay baby. At least yung cleft pwede na sya maayos thru surgeries. And then nung turn ko na, iba yung sono na nandun sa nagultrasound sakin nung nagpa3d ako.. Di naman big deal sakin, importante magawa ng maayos yung CAS.. So yun na.. Ang tagal nya ko inultrasound. Tahimik lang kami lahat. Panay comment nya na ang likot daw ni baby. Happy naman ako kasi magalaw baby ko. Nung matapos na sabi nya ok naman daw over all health ni baby. Yung sa cleft nga lang daw nya. So ayun nakahinga kami lahat ng maluwag.
Tapos eto na, sa regular check ups ko sabi ng OB pa-BPS raw ako sa 35weeks ko. OB Sono sya so sya rin nagBPS sakin. So nung inuultrasound nya na ko, parang nakakunot lang noo nya habang nakatutok sa monitor so parang di sya good sign. Tapos tinanong nya na ko kung nagpaCAS na raw ba ko, sabi ko oo, dun nga sa sm north. Ok naman result nun except nga dun sa cleft. Tapos nakakunot pa rin noo nya, sabe nya marami pa raw sya nakikita na anomalies. So nabigla ako kasi ang alam ko nga ok lahat. Tapos pinakita nya sakin yung sa monitor, absent stomach si baby. Nashock ako. Sabi nya wala yung tyan nya sa right position. Parang naka align raw sa heart. Kita ko nga sa monitor na yung part na dapat andun tyan ni baby, wala nga makita. Parang ayoko pa talaga maniwala kasi di naman nakita yun sa CAS ko.
Ito yung mga nilagay ni OB sa result:
Multiple congenital anomalies, Single Umbilical Artery, Absent stomach, Bilateral cleft lip and palate.
Polyhdramnios din ako. Nakita ko ang lungkot ng OB ko sabe nya pwede raw lumabas ng buhay baby ko pero di rin daw tatagal. Nakakashock talaga. Di ako makapagreact nun. Sabe nya possible na may syndrome si baby pero di pa nya mapoint out kung anong klaseng syndrome.
Paguwi ko saka ako umiyak. Nakakainis lang kasi kung kelang malapit na lumabas baby ko saka ko malalaman yung ganun. Nakakabigla. Lalo ako nainis dun sa CAS ko sa sm north. Ang tagal tagal nya ko inultrasound pero di man lang nya nakita mga yun, kahit man lang yung SUA. Yung sa stomach imposible rin na di nya napansin yun. Nakakaasar hindi worth it yung binayad ko para sa CAS na yun. Parang inutakan lang nila ko na magpaCAS sakanila. Tapos di naman tama results na binigay.
Nakapanganak na ko and sadly stillborn ang baby boy ko..

It turns out na tama lahat ng result na nakita nung 35weeks ultrasound ko sa OB ko.
Di ko naman sinisisi yung F2F Sm north sa nangyari kasi wala naman makakaprevent nun pero kung maayos lang sana sila magCAS sana napaghandaan namin lahat yung condition ni baby ng maaga. Yun naman talaga purpose ng CAS. Para makita kalagayan ng baby, mapaghandaan emotionally and financially. I think hindi ganun kaskilled yung nagCAS sakin sa sm north kaya hindi nya nakita lahat yun. Haaay nakakadisappoint lang.
So kung magpapaCAS kayo, I suggest sa iba na lang. Iba iba naman ng experience yan. Nagkataon lang na hindi maganda experience ko dyan sa Face2Face.