watch now

Author Topic: Congenital Anomaly Scan Thread 2  (Read 220885 times)

FayeP

  • Guest
Re: Congenital Anomaly Scan Thread 2
« Reply #460 on: September 13, 2019, 12:23:34 am »
^sis oo nga noh, parang sa mga CAS ko kasi binabanggit lang ng OB sono na "ito yung heart, ito yung ganito, yun ganyan" pero di ko din alam if ever may problem sa arteries eh makikita....

yung friend ko pala before na nagtanong sakin kung bakit ako nagpapaCAS na ano daw ba magagawa ko if may defect yun bata, yung eldest nya may heart condition na lahat ng arteries nya nasa isang side lang ng heart, di ko alam if same yun ng TGA...pero ayun nga, nagulat na lang siya nun ilang days na anak nyang panganay na di maayos huminga, they were referred to Heart Center,dun lang nila nalaman...kasi regular US lang pinapagawa nun di yun naniniwala sa CAS...

sis twelvth_goddess, I think nakikita sa CAS, meron ako nakita article online, naggoogle search lang ako ng TGA and CAS:

https://obgyn.onlinelibrary.wiley.com/doi/full/10.1002/uog.14689
« Last Edit: September 13, 2019, 12:28:17 am by FayeP »

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Congenital Anomaly Scan Thread 2
« Reply #461 on: September 13, 2019, 08:34:00 am »
^Sis, same condition yung sa anak ng friend mo. Yung dun naman sa kakilala ko, hinde tama yung pagkakakabit ng arteries or something. Hinde ko lang sure kung nagpa CAS sila.

Eto yung sinasabihan ako ni hubby na wag magbasa ng mga kung ano ano kase nagkaka anxiety ako. But iniisip ko naman, these information will help us prepare for the worst. Kumbaga, hope for the best, expect the worst. Mejo ganto din ako sa unang baby ko  ;D

FayeP

  • Guest
Re: Congenital Anomaly Scan Thread 2
« Reply #462 on: September 13, 2019, 10:03:22 am »
^sis oo totoo yan, kakabasa natin napapaisip what if mangyari sa tin or sa baby..

winkar22

  • Guest
Re: Congenital Anomaly Scan Thread 2
« Reply #463 on: September 20, 2019, 01:30:59 am »
I think most naman ng preggy paranoid. So hindi talaga maiiwasan yung magbasa tayo ng kung ano-ano. When I heard my baby cry after ko ma-deliver, sobrang relieved ko. Then iyak talaga kasi isa sa mga anxiety ko is what if hindi umiyak pagkalabas??  ;D

When I woke up, hinanap ko agad baby ko and I wanted to know kung okay ba lahat ng tests (pero 24hrs pa yung results ng newborn screening hehe). Paranoid pa din ako kahit nagpa-CAS na.  ;D

FayeP

  • Guest
Re: Congenital Anomaly Scan Thread 2
« Reply #464 on: September 20, 2019, 01:53:33 am »
Hihi ganyan din ako sis winkar22, sa last baby ko nga since gising naman ako, nakita ko na nilapag siya nun nurse sa stainless na lababo sa bandang gilid, sinabihan ko pa sila na "nurse mag isa po yun baby ko, wag nyo po iwan mag isa" paranoid ako baka kumilos or may mangyari sa kanya habang mag isa siya sa gilid...lilinisan kasi siya at may kinuha lang naman yun nurse at di naman talaga iniwan...

J.warner

  • Guest
Re: Congenital Anomaly Scan Thread 2
« Reply #465 on: September 22, 2019, 03:09:26 pm »
Wala ko CAS with my 1st, that was 7 years ago. Buti everything is normal.

For this 2nd one, required mag CAS I will have it on Oct 4.. will be 19 weeks by then. Makikita din ba dun gender? Para di na kami magbayad extra for gender test

FayeP

  • Guest
Re: Congenital Anomaly Scan Thread 2
« Reply #466 on: September 23, 2019, 01:31:40 pm »
sis J. Warner, 19 weeks pa lang po? kasi ang CAS daw maigi pag between 20 weeks to 28 weeks...

J.warner

  • Guest
Re: Congenital Anomaly Scan Thread 2
« Reply #467 on: September 24, 2019, 09:55:53 am »
^ not sure sis, nakalagay kasi sa request ko Morphology scan 18-20 weeks.
Akala ko naman morphology and CAS iisa lang. lols bahala na

FayeP

  • Guest
Re: Congenital Anomaly Scan Thread 2
« Reply #468 on: September 26, 2019, 01:40:13 am »
ginoogle ko sis J.Warner, same nga lang daw ang morphology scan sa anomaly scan heheee

Christin08

  • Guest
Re: Congenital Anomaly Scan Thread 2
« Reply #469 on: December 10, 2019, 11:05:21 am »
Mag CAS pa po ba sa New World Lab sa SM NORTH ANNEX? Magkano na po kaya sa kanila ngayon yun? Sana may makapansin. Salamat po.

Christin08

  • Guest
Re: Congenital Anomaly Scan Thread 2
« Reply #470 on: December 10, 2019, 11:13:00 am »
Saan po banda yung New World Lab? Naghahanap po kasi ako ng murang CAS. worth 1k lang po sana. Salamat

Christin08

  • Guest
Re: Congenital Anomaly Scan Thread 2
« Reply #471 on: December 10, 2019, 11:19:10 am »
Still 900 pa rin po kaya ang CAS sa New WorLd Lab, sa may SM ANNEX? thanks po.

Yal

  • Guest
Re: Congenital Anomaly Scan Thread 2
« Reply #472 on: April 13, 2023, 02:38:01 pm »
Hi, sorry, hindi ko alam saan akong topic magpopost. Hindi rin naman ako makapagpost ng new topic. Gusto ko lang ilabas itong takot at anxiety ko. I'm on my 30 weeks now, as per CAS, my baby has multiple congenital anomalies (Microcephaly, Hydrocephalus, Spina Bifida, IUGR). At ako na yata ang pinakamasamang mom to be na hinihiling na kunin na lang siya ni Lord kesa mabuhay dahil for sure hindi naman magiging maganda ang quality of life niya paglabas. Sinisisi ko ang sarili ko dahil ganito ang nangyari sa kanya. Lahat ng excitement ko as first time mom, eh nawala lahat. Hanggang ngayon, hindi ako bumibili ng gamit niya kasi nasa isip ko patay na siya dapat pag labas. Kahit nagdadasal ako, nagnonovena, alam ko sa sarili ko na empty prayers ang ginagawa ko. Sabi ng family ko at friends ko, have faith daw. Believe in the power of prayer at miracle na baka paglabas naman ni baby ay mali pala ang diagnosis, sana nga. Pero lamang na ang takot ko at hindi ko talaga nakikita ang sarili kong habang buhay mag-aalaga ng disabled. Ang prayer ko nga kunin na siya at kahit hindi na ako magkaanak kahit kailan, okay lang.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close