watch now

Author Topic: Congenital Anomaly Scan Thread 2  (Read 220856 times)

purplesassy

  • Guest

ana mimi

  • Guest
Re: Congenital Anomaly Scan Thread 2
« Reply #1 on: May 29, 2011, 02:50:23 pm »
na-lock na pala yung old thread. nabasa ko na yung 3d ultrasound daw is for entertainment purposes lang while 2d ultrasound is much comprehensive at mas makikita yung organs ni baby.

rome01

  • Guest
Re: Congenital Anomaly Scan Thread 2
« Reply #2 on: May 29, 2011, 05:59:46 pm »
Ilang months ba dapat magpa-CAS?
Makikita ba dito kung ok si baby?
Nagwoworry kasi ako nagpa-xray ako and antibiotics before ko malaman na buntis ako eh:(
Yun xray ayaw ako bigyan ng 2nd doc ng med cert unless magpa- xray ako maski sinabi ko na baka pregnant ako kaya na pinostpone ng unang doctor yun xray ko eh :(
Nagkaron kasi ako upper respiratory tract infection and im hoping talaga na maging ok baby ko :(
8 weeks na tummy ko.....
Yung ob na na-try ko di pa din chinecheck heartbeat nor ie or tvs wala
And folart lang pinainom sa akin kaya lilipat ako ng ob


kyrie26

  • Guest
Re: Congenital Anomaly Scan Thread 2
« Reply #3 on: May 29, 2011, 06:20:21 pm »
sis rome, may OB ka na? sabihin mo agad sa new ob mo pagkahanap mo yung history. yang mga gamot and lab tests na ginawa sayo prior to and during pregnancy sis.

ang CAS, over 20 weeks dapat ang advise ng OB ko saken. at least 21 weeks daw. sa san juan, mabait sila, 1500 ang CAS. sa new world (meron sa makati meron sa may gilid ng sm north annex) 900 daw according sa ibang sisses naten

makikita features ni baby- physical and pati organs nya. bibilangin fingers and toes. papakita chambers ng heart pati brain. yung tiny heart ni baby tumitibok sa monitor ;D kita eyes kita lips. sisiguraduhin ng sonologist na mainspect si baby mo sis.

folart lang talaga? walang iron or vitamins? anyway, if di ka kampante sa OB mo sis, feel free na magpacheckup sa iba. walang masama dun tapos right mo naman yun eh. ako din lipat lipat OB until nakahanap ng ok hehe

rome01

  • Guest
Re: Congenital Anomaly Scan Thread 2
« Reply #4 on: May 29, 2011, 07:51:09 pm »
^ hi sis isang ob pa lang na-try ko at dun ko nakuha sa ob directory hehe and di ako satisfied... Sabi nga ng friend ko lumipat na ako di daw maalaga ob ko... Yes sis folart lang...
Kung di ko pa bga sinabi na umiinom ako potencee at clusivol di niya ako iadvise mag vitamin c eh... Bsta atsaka ang bilis ng check up... Sabi nga sa akin ng iba dapat daw chinecheck na kung tama "pagkakatanim " ng bata sa ovary ko...
Sorry if wrong thread pero ano ba dapat mga dapat ko iexpect na gawin pag first prenatal check-up? 6 weeks na ako nung una nagacheck up than bumalik lang ako para pakita result ng blood at urine ko...
Pero lilipat na talaga ako ob

kyrie26

  • Guest
Re: Congenital Anomaly Scan Thread 2
« Reply #5 on: May 29, 2011, 08:14:01 pm »
hmm.. first checkup eh bubuklatan ka na ng baby book. free naman yun eh. bawat OB na bibisitahin mo bibigyan ka ng baby book hehe..

lab tests sis. blood at urine di mawawala. syempre first time client so kuhanan records mo- san ka allergic, check weight mo height mo bp mo etc. tapos syempre usap kayo ni ob one on one. kelan last period mo? tama lang ba yung flow? tapos sasabihin nya estimated due date mo. tapos tatanungin how you are feeling. may weird ba. terrible ba morning sickness mo or ok lang naman. basta mga tanong. tapos sasabihin pahinga ka, relax, wag magbuhat, no strenuous activities or exercises. light walking is ok. eat lots of vegetables and less meat. ano pa ba sinabi saken... inisaisa ko talaga ano sis? kulang na lang transcript ilagay ko eh hehe!!! ah family medical history. tinanung ako kung may genetic diseases na alam ko. buti kasama ko mommy ko. hypertension, cancer, asthma. basta mga seryosong sakit, sabihin mo. sa side ni hubby, asthma lang alam ko. sa amin, alam naman ng mommy ko so sinabi nya. dito mo din sabihin sis yung previous medications at tests na ginawa mo ha para sabihin sayo if naging risky ba or what. ako naman, sinabihan ni ob dati na if need ko i-xray, pwede naman pero di basta basta. kasi chinecheck dati na parang mahina katawan ko or what tapos namention iyon about xray. but di namin ginawa nagfade away na yung issue.

ay tapos syempre tatanungin ka naman nya if ikaw mismo may mga tanong. go ahead, lahat ng maisip mo. better if may checklist ka nga before pumunta kasi meron at meron kang makakalimutan. ako tinanung ko kung ok lang ba magpamasahe (no) magpaderma and magaccept ng treatments sa derma like injections sa pimples (no) at kung ano ano  pa. you'll be surprised na maski may mga bawal, madami ding pwede :)

tapos kapain yung tummy mo pag late ka nagpacheckup pero i think 8 weeks, baka di na kapain or baka tingnan lang and feel lang ilang seconds. di naman ultrasound or trans.V na ultrasound pero some OBgynes, nagpapa ultrasound na din after lumitaw ng urine test. tapos sa blood test mo, ichecheck kung may necessary na vaccines ata. chineck kasi saken yun eh. hepa vaccination ata yung may sinasabi sya na parang habang positive daw yung grade dun sa blood or whatnot. sila ng mommy ko nagusap. eh finish na naman ako sa hepa b when i was a kid so di na tinuloy. di naman ako inistart ng anti tetanus.

sis i think pag lumipat ka ng OB, bibigyan ka ng reseta din ng mga gamot. like iron plus vitamins plus folic acid. tapos aside from that, advise ka uminom ng milk or materna milk. ano ba weight mo sis? kasi yung ibang preggy daw na mukhang mapayat, talagang pinapainom ng milk eh.
« Last Edit: May 30, 2011, 06:30:39 am by kyrie26 »

jhenrheign

  • Guest
Re: Congenital Anomaly Scan Thread 2
« Reply #6 on: May 29, 2011, 10:05:51 pm »
ana mimi-yes sis... mas maganda ang 2D sa CAS... may ibang parts kasi na di kaya makita sa 3D specially yung mga organs nga... kaya if you'll be having CAS it's much better to have it in 2D... ang 3D kasi more on physical features lang talaga...

rome01-CAS is done during 18 weeks to 24 weeks... pero pinaka magandang time is during the 24th week/6 months... usually folart (folic acid) lang talaga ang nirereseta during the 1st trimester, pagpasok ng 2nd trimester saka lang magkakaron ng mga multivitamins... usually din IE ng Ob to make sure na preggy talaga and advice na magpa TVUs... di pa kasi talaga maririnig ng doppler ang heartbeat ng ganyang kaaga, machecheck lang kung may heartbeat through TVUs...depends din sa OB kung kelan ka pakukuhain ng lab exams kung 1st tri pa lang or 2nd tri na...

ana mimi

  • Guest
Re: Congenital Anomaly Scan Thread 2
« Reply #7 on: May 30, 2011, 11:16:21 am »
jhenrheign : kaya nga e, mostly, puro physical features. sa 2D kase nakikita na yung internal organs.

kagabi, nagpa 3D na kami ni baby pero need ko pa bumalik ng umaga dahil uncooperative si baby. yung kamay nya at paa nya nasa mukha nya.

pompz

  • Guest
Re: Congenital Anomaly Scan Thread 2
« Reply #8 on: May 30, 2011, 11:26:42 am »
sis ana mimi sa baby ultrsaound ka din ba? dami buntis nung sat nung bumalik ako for biometry, tagal ni ob kasi daw may pasyente pa sya, yung biometry namin ni baby sabi ni doc ganda daw brain, legs at heart, naku salamat talaga sa dios, sana maging maayos ang lahat hanggang paglabas nya, sabi kasi ng ob kunti na [textspeak!] daw water ko :( nalungkot naman ako opara kay baby

ana mimi

  • Guest
Re: Congenital Anomaly Scan Thread 2
« Reply #9 on: May 30, 2011, 11:43:06 am »
pompz : sa baby ultrasound company din ako sa may Robinson's Midtown. nag email ako sa website nila and tinanong ko kung til what time sila open, ang sabi naman saken e til 8pm, nung nagpunta kami dun ng 7:15pm, til 7pm lang daw sila pero still, tinaggap pa din nila ako. hehe. ako na yung last. OK naman yung facilities nila.. nakakatuwa..

nung nagpunta ako nung gabi, wala na tao, hehe, although, may isa pang mommy na andun sa room.

pompz

  • Guest
Re: Congenital Anomaly Scan Thread 2
« Reply #10 on: June 02, 2011, 03:43:57 pm »
naku okay na ba nakita kagad si baby ako 4 na salang :) then bumalik ako after a week for bometry kasi hindi nakunan ng obsono nila :)

applec16

  • Guest
Re: Congenital Anomaly Scan Thread 2
« Reply #11 on: June 14, 2011, 05:28:12 pm »
I had my CAS done at IMW - MOA.  It was a very pleasant experience with Dra. Granada as my OB/Sono/Perinatologist...

honey_ann

  • Guest
Re: Congenital Anomaly Scan Thread 2
« Reply #12 on: June 15, 2011, 05:26:20 am »
Tanung ko Lang Kung may nakapagpa-cas na ba dito sa new world sa may sm north?pinapapasok ba nila [textspeak!] daddy dun sa ultrasound area during the procedure?tyaka do they accept advance reservations?can someone also give me a feedback on this particular procedure sa diagnostic center na to?thanks!

scents01

  • Guest
Re: Congenital Anomaly Scan Thread 2
« Reply #13 on: June 15, 2011, 06:06:36 am »
^sis, anong rates ng CAS sa IMW-MOA?thanks!

howdouknowitsme

  • Guest
Re: Congenital Anomaly Scan Thread 2
« Reply #14 on: June 15, 2011, 07:26:58 am »
sis honey_ann si sis bbmack sa NW SM North nagpa CAS kaso kakapanganak niya lang kaya di masyado active sa thread ngayon...ako naman sa NW Makati pinapapasok ang mga kasama after niya mag CAS,imean kayo muna nung sono tapos tsaka ipapatawag yun hubby or kung sino ang kasama mo para ipakita din sa kanila yun U/S,ganun din yata sa SM North...not sure though...:)

sis scents01 same lang naman yata sa lahat ng branch ng IMW ang rates nila sa CAS depende nalang sa ipapagawa mo...check mo yun fb pag nila or sa mismong website yun rates nila..iba iba kase kung gusto mo ng CAS na 3d or 2d...mas ok kung sa fb pag mo sila tanungin kase sinasagot nila agad yun mga queries ng mga mommies dun...
goodluck sa mga CAS niyo mga sis:)

applec16

  • Guest
Re: Congenital Anomaly Scan Thread 2
« Reply #15 on: June 15, 2011, 09:43:04 am »
sis scents01,

CAS at IMW costs 2,500 for 2D and 3,500 for 3D.  Nice naman don, my only complaint was the waiting lounge, bakal ang mga seats.  Sana ginawa nilang malambot para comfortable mga mommies..  :)

SnowBall

  • Guest
Re: Congenital Anomaly Scan Thread 2
« Reply #16 on: June 15, 2011, 10:59:00 am »
Mga sis, schedule ko ng CAS this saturday sa IMW megamall, panatag naman ang loob ko na magiging maayos ang result, si God ang nagbigay buhay sa baby ko, inalagaan ko naman, and I believe na walang imossible kay God. =)

God bless our babies mga sis =)

ana mimi

  • Guest
Re: Congenital Anomaly Scan Thread 2
« Reply #17 on: June 15, 2011, 03:44:09 pm »
honey_ann : sis, alam ko hindi pinapapasok ang daddy sa loob ng ultrasound room sa NW.

rome01

  • Guest
Re: Congenital Anomaly Scan Thread 2
« Reply #18 on: June 15, 2011, 09:23:37 pm »
What about sa baby company ultrasound? Pwede pumasok si
Bf?

ana mimi

  • Guest
Re: Congenital Anomaly Scan Thread 2
« Reply #19 on: June 15, 2011, 10:20:20 pm »
yup pwede sya pumasok dun though medyo pricey ang CAS dun.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close