watch now

Author Topic: Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 13  (Read 77805 times)

MauiGS

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 13
« Reply #480 on: June 01, 2011, 11:20:29 am »
Gawi ko din yang maghubad ng ring pag mag-lotion/toothbrush at muntik ng mawala ang engagement ring ko dahil dyan hehe

Rata- may ganyan ngang BF... sobrang insecure na Dyosa ang tingin sa'yo
Pangarap ko din yung diamond stud earrings pero ang hirap maghanap ng pambili  :P Masaya na ko kahit less than 1c total!

Medyo makulay din ang aking lovelife, dapat kinasal na ko noon sa 7/8 yrs BF ko pero hindi natuloy Buti na lang!

liyapot

  • Guest
Re: Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 13
« Reply #481 on: June 01, 2011, 11:21:44 am »
natatamaan naman ako sa posts nyo...
mataba - check!
kulot - check!
buti na lang wala akong bigote at di ako nag ha-high waist  :P   joke only!

si hubby nung bf/gf lang kami never ko nakita tumubo ang bigote at balbas... ngayon tamad na mag groom! once a week na lang mag-shave! mukha tuloy goon na pandak! excuse nya kasi kasal na daw kami kaya epek na daw sa akin yon!

marcia,
ako naman ang smoker..noon... motherhood changed me. pero minsan pumupuslit.. pag may gimik lang :P
si hubby non-smoker at non-drinker ng alcohol.. hinde rin mababae at mabarkada.. selosa ako pero never ko na feel sa kanya na kailangan ko mag-selos ganun ako ka kampante sa kanya. problem ko lang sa kanya ang lakas kumain :P pati ako nahawa na

edited..
grabe atikabo na naman tayo.. pasingit!

neszreyes

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 13
« Reply #482 on: June 01, 2011, 11:28:29 am »
Gusto ko:

guwapo - winner
matangkad - winner
hindi mataba - winner
non smoker - fail
occasional drinker - fail (dahil sa isang linggo lagi siyang meron)
mabango - winner
walang bisyo - fail
bibili gusto ko - fail
family man - fail
galante - fail
atbp - fail

in short nakuha ko si good lang, yung better at best ala :)

skipper

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 13
« Reply #483 on: June 01, 2011, 11:56:00 am »
wow jewelry na at lovelife ang usapan?

Rata sama ako sa jewelry viewing tee hee!! dito lang ako sa kanto. pero window shopping lang hahaha! pwede nga tayo mag lunch yata sa Ayala Triangle e :)

Marose mura nga ang 100k na 1c. vvs na yun? maputi pa kaya and not yellowish na K color na? mahilig din ako sa jewelry pero nag preno ako for years. mas mahal na bisyo kasi to. at dahil kay alahera kaya kayo nag meet ni hubby? :) katuwa naman.

Lia ikaw nag propose? hehe mas katuwa ito.

Jen destructa? cute! hahaha!

natatawa ako sa mga checklist. actually when you meet the one sabi nga nila di na daw ma aapply to.

Nesz, ang advise sa akin make sure daw na mas mahal ng lalaki ang babae. kasi daw tayo mga babae madali lang naman karinyuhin. so pag may away madaling naaayos. pero once daw na ang babae ang mas mahal ang lalaki dyan na daw talaga magkakaron ng problema. dati sinasabi sa akin ng nanay ko yan pero di ako naniniwala parang OA pero nung yung parang second father ko na ang nagsabi naniwala na ako. isa pa ang prinsipyo nya oo lang sya ng oo sa wife nya para walang gulo lalo na the small stuffs.  gusto ko nga ipa seminar si hubby dun hahaha!




skipper

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 13
« Reply #484 on: June 01, 2011, 11:58:54 am »
POBox - sam,jai,nesz,rata,kim , lisa advise ko kayo ETA ng items natin dito pag na ship na lahat sa warehouse ng POBox. yung sa vitacost nakalagay kasi 2-7 days ata shipping. so baka next week buo na orders natin. 4-5 weeks naman padating dito sa Phils

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 13
« Reply #485 on: June 01, 2011, 12:13:14 pm »
Lia, nakakatawa ka!

Ako kay M nadala lang ako sa tiyaga. Kilala niya ang ex ko kasi may common friend sila. Ginaya ang styles na di umepekto sakin. Tawag sa kanya nga pamilya at friends ko willing victim kasi nagpapauto sakin.

Nagmeet kami sa smoking areaxsa client ko na dati niyang employer. Humiram akO lighter sa kanya. So ang bonding naman ay yosi. Dahil don kaya kami naging friends. Ayaw ko na magcomment sa  physical pero agree ako sa sabi ni michelle. Pumili ng mas mahal ka kesa sa mas mahal mo. Ayan, happy ako. At ako mismo nagkusa magbago para sa kanya. O diba.

Pag sinasabihan niya ako na sana sexy ako o malaki boobs etc, ang sinasagot ko sa kanya kung naging sexy ako di sana hindi siya ang napangasawa ko. :)

Uy. Magd-date sina destructo/a. Michelle, sama tayo. blind date natin sina f at b. Hihi. Nakita ni hubby picture ni f, ang cute daw. Hehe.

Engagement ring ko ako pumili ng design kasi gusto ko terno sa wedding ring. Si hubby at alahera na ang nagusap sa bato so di ko alam magkano inabot pero sa tingin ko mura lang. Haha.

redrose

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 13
« Reply #486 on: June 01, 2011, 12:14:25 pm »
Yes Rata and Michelle - iniisip ko na nga yang Destructa na yan! Jusmiyo, pinipikit ko mata ko! Yung 1 spare phone ko nga na iningat ingatan ko, now ang battery nawarak warak na! LOL! Maingat kase talaga ako sa gamit at sumasama loob ko pag may nakikita akong sira. Kaya kawawa si yaya maid sakin if may na-check ako na medyo nasira niya, yari siya sakin! LOL

I wonder paano si Destructo and Destructa pag nagkita sa Baby EB! Hahaha! Chaos ito! LOL!  ;D

Re usapang hubby - ay medyo mahaba ang hair ko dito (walang kokontra)! kakaiba ang aming love story! saka na lang ang kwento...busy ako today!   :P  ;D

marose17

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 13
« Reply #487 on: June 01, 2011, 12:18:12 pm »
Michelle, si alahera ay lawyer din.  Friend ko siya from SGV tapos kalaban niya sa isang court case si hubby kaya close siya to both me and hubby.  When hubby was contemplating whether to ask me out or not, ka-chica ko palagi si alahera friend that time.  So she asked me if okay for me to date M (hubby).  Eh okay na okay sa akin kasi nga I got to know him better when I moved to the government office where we both used to work (after SGV ito).  So, next time na may hearing sila ni hubby, tinimbrihan na ni alahera friend na okay with me to go out with him.  So hubby decided na nga to ask me out.  Prior to that, we usually went out with our group of friends and never na kaming 2 lang.  Pero tine-text niya ako palagi.  Naiinip na nga ako kasi alam ko na he wants to ask me out.  Mga 3 months din kaya akong naghintay.  I am a traditional girl.  I will never ask a guy out nor call him first. ;)

As for the price of the diamond, teka nga at maitanong ulit ang presyuhan.  Years ago pa iyang 100k quote ha.  Not exactly 100k, baka mas mataas pa doon, siempre depending on the quality of the stone.  Hindi naman siya magse-sell ng hindi maputi kung hindi mo gusto ang ganoon.  Pero siempre, you have to be willing to pay the cost of a better stone. :)

Maui, gusto kong malaman ang story behind the previous ex. ;)

Rata, hindi taga-law school si SM.   ;)  Pero may friends siya from law school kaya kami nagkakilala.  Naging date ko siya sa isang sorority ball.  Ang babaw ng reasons why I think meant to be kami:

1.  Pareho kaming only child
2.  Same taste in music and books
3.  Same taste in food
4.  I really wanted to marry an architect before (ever since I saw Sleepless in Seattle, di ba architect si Tom Hanks doon) at Eng'g then Archi ang inaral niya.

There you go.  Misconceptions noong bata pa ako. ;D

liyapot

  • Guest
Re: Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 13
« Reply #488 on: June 01, 2011, 12:29:11 pm »
jen..
howsawbaw ang bagong name mo kay Y eh ANN.. ANNihilator..
o bagay naman si destructo at si annihilator.. des and ann for short :P

i third the motion..
pangaral din ng nanay ko yan...yung dapat mas mahal ka ng lalaki..proven ko na yun kay laglagpanty..kaya nga ako brineyk e.
kaya eto asawa ko MACHO ... machonurin sa akin :P

simplykristine08

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 13
« Reply #489 on: June 01, 2011, 12:55:14 pm »
Usapang lovelife! Bata pa ako, so baka iba din ang thinking ko dito? Lol!

8years na kame ni hubby together. On our 7th year, nagpakasal na. Madaming trials like ayaw sakin at first ng family nya, etc. As if naman! Buti nga pinatulan ko sya. Chos! Gusto ko din dati gwapo, tisoy, matangkad, basketball player or banda, etc. Wala ata akong nakuha ni isa. Joke lang. before kay hubs, may naging 2 akong boylet. 1 1year and 1 almost 3years. Si 1st bf, inlove sakin talaga. Ako nakipagbreak. Si 2nd boylet, naku! Dito sumakit puso ko. Halos mamatay na ko neto. Yikes! Kapag naiisip ko nga, natatawa nalang ako. But I'm so thankful na si hubs ang napangasawa ko dahil family man, responsible at mabait sakin at sa pamilya ko. Mahal nya kung sino ang mahalaga sa buhay ko. Magaling din makisama kaya wala akong naririnig na negative comments about him from my friends and family. I don't know kung sino mas nagmamahal, I guess ako? All out kasi talaga ako. Kaya lugi ako parati. I'm the jealous one, sya hindi masyado unless may pagseselosan talaga. Hehe. Kahit mama's boy yun, labs ko yun :)

neszreyes

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 13
« Reply #490 on: June 01, 2011, 12:58:00 pm »

Nesz, ang advise sa akin make sure daw na mas mahal ng lalaki ang babae. kasi daw tayo mga babae madali lang naman karinyuhin. so pag may away madaling naaayos. pero once daw na ang babae ang mas mahal ang lalaki dyan na daw talaga magkakaron ng problema. dati sinasabi sa akin ng nanay ko yan pero di ako naniniwala parang OA pero nung yung parang second father ko na ang nagsabi naniwala na ako. isa pa ang prinsipyo nya oo lang sya ng oo sa wife nya para walang gulo lalo na the small stuffs.  gusto ko nga ipa seminar si hubby dun LOL!

tamaaaaaaa!!!!!!!!!!!!!

simplykristine08

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 13
« Reply #491 on: June 01, 2011, 01:00:56 pm »
Isama na din pala si K kila Destructo/a, naku super chaos ito! Si K, 2 beses na nasira yung eyeglasses ko. Ang likot, gulo at kulit! Minsan, sinisimplehan ko ng palo. Hehe.

neszreyes

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 13
« Reply #492 on: June 01, 2011, 01:02:19 pm »
tin - ako siya lang naging bf ko.. puppy love lang kasi yung 2, masabi lang na may bf.. ewan ko ba? buti nasira yung helmet ko.. :) 

pangaral din ng lahat saken na dapat mas mahal ka.. eh matigas ulo ko.. lol! pero i know, sometime, may mauuto din ako.. chos!!!

marose17

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 13
« Reply #493 on: June 01, 2011, 01:07:04 pm »
In hindsight, okay din na late akong nag-asawa kasi I was really immature and selfish when I was in my 20s.  I could not imagine being a mom and doing the sacrifices I am doing now in my 20s.

Hindi ko alam kung paano i-quantify ang love.  Noong una, I could say that my husband was more into me than I was into him.  Pero nag-equalize eventually.  Ngayon nga, I could say that I am the more giving partner.  Not that I am complaining.  Mas na-appreciate ko kasi what I have now in my life kaya naman, mas todo bigay ko.

ratacutie

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 13
« Reply #494 on: June 01, 2011, 01:27:46 pm »
Marose - super same!!! haha ako kaya youngest kaya sa inyo ko lang aaminin, spoiled brat ako.  Lalo na sa Mommy ko.  Bilmoko nga tawag sa akin ng mga kapatid ko. Nung lawschool ako, meron akong main allowance, meal allowance, book allowance, at xerox allowance.  Pag summer, may book allowance pa din (para sa leisure reading ko).  Rason ko kasi, ako na lang ginagastosan nila, might as well go all out diba? haha Nung law school lang ako nag boarding house/dorm, may dala akong food na luto na that I will just heat. Kaya alam mo yun, ako ang centro ng buhay ko hahaha.  Super immature. Masyado din kasi sila strict sa amin nung ate ko (the one before me).  Even when we were working na, hatid sundo kami ng driver.  Pag late na ako uuwi (siempre alipin sa law office diba?) papasamahan pa ng maid ang driver. Tapos tatawag pa sa guard ng law office mommy ko to check what time ako umalis sa law office.  Tina-timingan nya na dapat in 30 mins. asa bahay na kami. Kung hindi magwoworry na sya at lagot na sya sa Daddy ko. Kaya pinagtatawanan ako sa law office dati. Kasi baby daw ako.  And all my life ganun, baby trato sa akin ng friends, relatives, teachers, lahat lahat na.  Minsan nakakainis din though. Ang point ko, ibang iba na ako (well kinda lang naman) ngayon, ang focus ko na talaga eh yung mga bata at asawa ko (sige na nga sama na natin sya).  I dont even care to shop for myself, uunahin ko talaga mga bata at asawa ko.  I guess, ganun nagagawa ng motherhood.  Although, sabi ng Mommy ko, mega utos pa din daw ako sa kanya hahaha.  PM mo sa akin si Archi/Eng.

On the sabihan that dapat mas love ka ng boy...agree ako dyan!

Lisa - OMG! You smoke? Come on???!  :o

Baby EB na!  Kaya lang dapat ata sa lugar na hindi tayo ang magliligpit hahaha.  Para destroy and annihilate to death sila, ok lang haha.

Michelle - thanks ha!  Galing mo maging supply chain manager.  Partner kayo ni Lisa! Winners! BTW, pinapansin ko pieces na suot mo nung EB hahaha.  Ganun ako kahilig!  Susme, asa dugo na talaga ng pamilya ko yan eh.  Both sides pa yan haha.  Yung nga lang, hirap i-fund yung "interest" na yan.  But you know, it's not luho, it's investment!

Lia - kahalamutan sa imo!

MauiG - kwento mo na yung colorful LF na yan.

Nesz - basta God is good. Nauntog ka. I think ang main purpose ni Rian (tama ba nickname nya?) sa
buhay mo eh para ibigay nya sayo si G. Kaya tapos na role nya sa buhay mo other than kunin mo 2/3 ng sweldo nya na napakababa naman pala.

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 13
« Reply #495 on: June 01, 2011, 01:37:01 pm »
Rata, yes i used to. I started back in college, quit in 2006 when were TTC. 2 years trying pero wala so i stared to smoke again but i found out i had asthma so i quit again. Early 2010 because of pressures at work, i started again and stopped as soon as i found out i was pregnant. Pero nalaman kong bunti ako 11w6d na pala ako. So 1st trimester ko grabe ako magsmoke. :( i havent gone back to the habit at sana nga wag na. Kasi super yellow na din my teeth kadiring tingnan.

milette

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 13
« Reply #496 on: June 01, 2011, 01:46:10 pm »
hi mommies, OMG.  i'm missing a lot.  :(  super busy these days. lovelife na pala ang usapan. can't BR anymore. 

i would say na i'm lucky for hubs. first bf ko siya and were really good friends before maging kami. we're 5 years on before got married. so lahat ng tantrums and pagiging childish, alam na niya. he's my first and last bf pero i'm not his first but love to be the last one.   ;)  since hindi ako nakasama sa EB, maybe i'm the youngest here. turning 28 this year and in 2-year marriage with 10 month son. :) i agree din if the boy loves the girl more or if the boy loves his mom. 

Van - i enrolled Z in kindermusik last feb-april kay teacher jeannie sa may cubao.  he was about 6++ months that time. he enjoyed it pero there are times that he get tired since interactive siya with dancing, swaying, etc.  and the outcome is he learns how to tap the drums because there are musical instruments that they introduce during the sessions. bit pricey pero worth it naman.  we're planning to enroll him again this july pero since 1st birthday nya sa august, we're looking for the budget pa.

party planning pa lang ako, 2 months na lang.  anyone can suggest a good place. i was eyeing for fun ranch in macapagal pero mukhang nag close na.  i'm thinking of cars as the theme. been looking for a good place. sana makahanap ako.

i want to join the baby EB. sana makasama na ko this time.  :)

liyapot

  • Guest
Re: Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 13
« Reply #497 on: June 01, 2011, 01:47:50 pm »
di ako sinasagot sa text ng interpreter ko!! LOL
ano ibig sabihin nun rata??

ratacutie

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 13
« Reply #498 on: June 01, 2011, 01:51:02 pm »
Lisa - naku wala sa muka mo. ok lang sa strict daddy? ako din may stain na teeth ko dahil sa coffee. Balak ko magpabili nung Rembrandt mouth wash sa MIL ko. Sabi sa isang thread dito, nagwowork daw. Try ko. kasi yung laser whitening nakakangilo daw eh...tapos sayang lang kasi I dont intend to stop drinking coffee naman.

Lia - funny ka yun lang yun hahaha

Milette - san ka malapit?

wengerts

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 13
« Reply #499 on: June 01, 2011, 01:54:44 pm »
parang ako yung may pinaka maikling lablyf dito ah!
almost 2 years pa lang kami nung ikasal ni z. nagpropose sya, nung ika-5th month namin. oo lang ako ng oo kasi ang dami nang nagtanong sa kin wala namang natutuloy!!!!!

pero seryoso pala yung tao ;D so ayun!

nagpropose sya sa McDo dyan sa kanto ng Valero (bagong bukas pa yata ito noon). paalis ako nun for the US tapos wala pang singsing!!! tapos kinabukasan yata yun bumili kami ng chipipay rings sa ewan ko kung saang mall, pumunta ng Sta. Clara, pinabless, tapos sa kotse nagemote emote kami bwahaha!

after a few months sumunod sya sa US tapos nag drive sya ng 9hours yata? tapos pagkagising ko may suot na akong e-ring, chipangga lang to alam ko haha birthstone ko tapos white gold may mga puwet ng baso sa gilid. tapos tumerno sa wedding ring ko -- magkaiba kami ng rings haha -- yung kanya titanium.

smoking - ako din dati  :-X

nesz, naisip ko lang if you can afford it, iabuloy mo na lang sa kanya yung sustento. pero on one hand, naisip ko, dapat maghirap sya at yung gerlalu nya! ang gulo ko! basta bottomline, maganda ka, darating din ang katapat mo at lalaking mas magmamahal sa yo :D but for the meantime, hala, mag shopping na muna!!!!

baby EB - gym play kaya sa gymbo? yung time na walang class?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close