Marose - super same!!! haha ako kaya youngest kaya sa inyo ko lang aaminin, spoiled brat ako. Lalo na sa Mommy ko. Bilmoko nga tawag sa akin ng mga kapatid ko. Nung lawschool ako, meron akong main allowance, meal allowance, book allowance, at xerox allowance. Pag summer, may book allowance pa din (para sa leisure reading ko). Rason ko kasi, ako na lang ginagastosan nila, might as well go all out diba? haha Nung law school lang ako nag boarding house/dorm, may dala akong food na luto na that I will just heat. Kaya alam mo yun, ako ang centro ng buhay ko hahaha. Super immature. Masyado din kasi sila strict sa amin nung ate ko (the one before me). Even when we were working na, hatid sundo kami ng driver. Pag late na ako uuwi (siempre alipin sa law office diba?) papasamahan pa ng maid ang driver. Tapos tatawag pa sa guard ng law office mommy ko to check what time ako umalis sa law office. Tina-timingan nya na dapat in 30 mins. asa bahay na kami. Kung hindi magwoworry na sya at lagot na sya sa Daddy ko. Kaya pinagtatawanan ako sa law office dati. Kasi baby daw ako. And all my life ganun, baby trato sa akin ng friends, relatives, teachers, lahat lahat na. Minsan nakakainis din though. Ang point ko, ibang iba na ako (well kinda lang naman) ngayon, ang focus ko na talaga eh yung mga bata at asawa ko (sige na nga sama na natin sya). I dont even care to shop for myself, uunahin ko talaga mga bata at asawa ko. I guess, ganun nagagawa ng motherhood. Although, sabi ng Mommy ko, mega utos pa din daw ako sa kanya hahaha. PM mo sa akin si Archi/Eng.
On the sabihan that dapat mas love ka ng boy...agree ako dyan!
Lisa - OMG! You smoke? Come on???!

Baby EB na! Kaya lang dapat ata sa lugar na hindi tayo ang magliligpit hahaha. Para destroy and annihilate to death sila, ok lang haha.
Michelle - thanks ha! Galing mo maging supply chain manager. Partner kayo ni Lisa! Winners! BTW, pinapansin ko pieces na suot mo nung EB hahaha. Ganun ako kahilig! Susme, asa dugo na talaga ng pamilya ko yan eh. Both sides pa yan haha. Yung nga lang, hirap i-fund yung "interest" na yan. But you know, it's not luho, it's investment!
Lia - kahalamutan sa imo!
MauiG - kwento mo na yung colorful LF na yan.
Nesz - basta God is good. Nauntog ka. I think ang main purpose ni Rian (tama ba nickname nya?) sa
buhay mo eh para ibigay nya sayo si G. Kaya tapos na role nya sa buhay mo other than kunin mo 2/3 ng sweldo nya na napakababa naman pala.