Suis joniele dito lang ako sa rizal nakakuha, hindi kami tumuloy sa lancaster.
Kagagaling lang ng pag ibig sa office namin. Share ko lang mga nalala ko..
Par makaloan dapat active member ka for two years, kahit putol putol basta dapat 24months nahulugan.
Regarding loan amount,may 3 criteria, yung pinakamababa sa 3, yun ang loanable amount.. Note na pag less 3M iloloan mo, 90% lang ng loanable amount ang igragrant say, pag >3M, 80% lang.
Eto yung 3 basehan, selling price, 30% gross income, yung appraised value ng property..kung ano pinakamababa, yun lang ipapaloan sayo.say selling price is 1.5M, tas gross income mo (eto yata yung may table ng capacity to pay) say papatak na sa capacity to pay mo allowed ka up to 2M, pero yung nacompute nila na appraised value ay 1M lang, 1M lang ang pwede mo iloan. So,lalabas na 900k lang total na maloloan mo.
Saka pala, may table sila yun sa monthly contribution mo, dun din nakadepende yun allowed amount na pwede iloan.
say 200 lang monthly mo,sa table nila up to 500k lang pwede mo maloan,pero papayagan ka pa rin magloan base sa 3 criteria na nabanggit, provided na once naapprove ka, lalakihan mo rin monthly hulog mo.so, say approve ka for 1M, at sa table dapat monthly contribuhtion para makaloan ng 1M ay 600. Pag approve na yun loan mo, simula non dapat yun contribution mo 600 na rin.