watch now

Author Topic: how to deal with maepal na friend/relatives ng inlaws?  (Read 3029 times)

slovy

  • Guest
how to deal with maepal na friend/relatives ng inlaws?
« on: May 23, 2011, 05:58:19 pm »
Help po mga sis, pano ba to iapproach si sil's friend? Masyado ng pumapapel sa mga inlaws ko. Ngayon kasi she had to stay sa hauz ni sil kung san kami ngayon tumuloy pansamantala for my son's 1st bday on thursday. (dito kasi gaganapin party ni baby).  Kagabi, my sil in chicago tumawag, nagkausap sila (sil and the friend). sinumbong nya si baby ko daw may kagat ng lamok sa face na dalawa, galing daw nagkasakit, sinipon at inubo tapos nagkadiarrhea pa, baka nakuha daw sa province. ako naman na nakadinig nainsulto ako, pero hindi lang ako umimik. Galing nga kaming province, 3 wks din kami dun, last week lang kami nakabalik dito sa manila. Pero dito na sya inubo, sipon lang sya doon. Dito na rin sya nagkadiarrhea because of the antibiotics na iniinom nya, para sa ubo. Nong kinausap na daw si hubby ni sil, pinapagalitan daw sya sabi daw, bakit daw pumayag sya na magtagal kami ng 3 wks dun sa province namin, ayan nagkakasakit tuloy. So ako naman galit na galit din. Hindi na kasi ako nakapag explain dahil naputol na lang sil bigla at hindi pa nakapagtawag ulit. Talagang nagngitngit ako sa friend ni sil, dapat inalam nya muna, wag iyong talak sya ng talak.

May gap na kami nitong sis sil's friend. Dahil malikot kamay nito, nawalan ng alahas si sil dati tapos sabi ba naman, tanungin din daw ako dahil nauna na akong pumasok sa room ni sil, alam nyo pong naghubad pa talaga ako sa harapan ni sil maprove ko lang na hindi ako ang kumuha. Yun pala, sa susunod na mga araw, bigla nyang inilabas nawalis daw nya. tapos pag pinamalengke po ito hindi na binabalik ang sukli. ang kapal ng mukha. nangungupit pati. Alam ko naman na sila sil e not against me, naaasar lang ako kasi bakit ako pilit na pinagsisira ng ibang tao sa kanila na kung tutuusin wala naman akong ginawang nakakasakit ng damdamin nila. Sa tuwing narito sina sil, of course there are plenty of foods, pag ako lang nasa kusina iyong wala talagang kasama, sasabihin nya 'wag mong papakialaman iyang pagkain jan ha, magagalit sila paborito nila yan' nakakainsulto, diba? eh hello ano namang paki nya kung kakain pa rin ako, hindi naman sya bumili non,  at saka, sinabihan na ko, kain daw ako kung ano gusto ko..  Ito pa, bumili syang sansrival, yun talaga pera nya yun, kasama ko sa dining yung bil ko, pinakain nya si bil ng dala nya. Nong tumayo na si bil, iniligpit din nya iyong sansrival, nanjan pa ko sa harap ha. tapos after nya takpan, saka niya sinabi, 'gusto mo?' kaya inistrike ko sya, ' ayoko nyan hindi ako kumakain nyan dahil hindi para sa akin yan '

Pati anak ko pinagseselosan nito. jusko! nakakatawa sya talaga.. Pag makikita nya anak ko, lagi nya sinasabi 'ay di ka cute panget ka.' Tapos pag makikita nya na marami bigay na laruan sasabihin nya na ayan spoiler talaga si tita at tito. Naku mamimihasa na yan si SLOVY! bwesit talaga. lol!

Sinwerte nga ako sa inlaws, sobrang babait nila for me. anjan naman tong mga epal na to. kung hindi katiwala, mga pinsan at ibang relatives o di kaya mga friends. Sana kasi tanggapin na lang nila ng bukal sa loob na may kahalo na talaga sila sa mga pasalubong wahaha. :P  I'm aware that's the ultimate reason. Ang babaw, amp!

Hesterliness

  • Guest
Re: how to deal with maepal na friend/relatives ng inlaws?
« Reply #1 on: May 23, 2011, 09:00:56 pm »
 Naku Ms Slovy na-experience ko na yan pero bata pa ko nun ng dinaanan ko yang ganyang scenario siguro 24 lang ako nun o mas bata pa.Ganun talaga parating may kontrabida para ikaw ang bida at ikaw ang dapat maging winner!

   Tama ka ng analysis..threat ka sa attention at "pasalubong" nila sil at bil pero dapat you should know how to do politics sa ganyan kase feeling parte na yan ng pamilya kaya lalong insecure nung dumating ka.

    Kapag nagmamaldita o feeling mo nambabastos i-correct mo immediately.Act in a mature way and use a business tone.Show her that you do not like what she has said and do not ever be ashamed of your sil or bil how disappointed you are toward her attitude.Kapag na-offend ka tell her directly,don't play her game.Eh ano naman kung magalit siya sayo?mag reflect nga sya sa kalokohan nya. Huwag na huwag ka magtataas ng boses it means you are irritated at masisira na yun message mo na "Hey,m respectable and m valuable unlike you na nagpapaka salbahe para sa attention".

     un ganun sansrival scenario..if she's acting like a child,whack her like a child also pero as I said in a business tone o kaya umiling ka pero di offended..(yung iling na nakakaawa naman tong babaeng to)m sure magagalit din yun pero yun ang dapat mong gawin pag unlikely un behavior nya kase pangit ginagawa nya.

    Yun sa anak mo kapag namimintas at pa-joke joke sya,act immediately.Mag react ka at magsalita,mabuti nga dinig ng inlaws mo para mahiya naman siya sa asal niya.Swerte mo nga mabait sila eh ako mismo sil ko ang namimintas ng anak ko kung ano ano pa ang tawag dati.Kapag ganun si offender at nanlalait sa baby mo sawayin mo siya na parang bata sabihin mo sa kanya "tita/ate,not funny".
   Basta wag ka papayag na apihin nyang userfriendly,kleptomaniac nilang friend pero don't stoop down to her low level.Minsan try to reach her out din para hanap siya ng ibang ibu-bully or sisiraan,kulang sa pansin kase ganyang tao saka un sa food scenario na wag ka daw makikialam dapat sinabihan mo siya ng "anong sabi mo?,pakialamanan ba?yuck naman,m not a dog para sawayin mo!"

   Saka kapag nagsusumbong make way na gumawa ka ng communication wala ka na sa panahon ni Rizal,mag email ka,skype,ym,google,fb,magicjack.etc. explain your side without being defensive.Huwag kang papayag na maging tauhan,neng.Saka stereotype na si sil at mister mo na nakikinig sa naninira kaya ikaw ang mag educate sa kanila na "there are two sides of the story" at wag ka magpa absorb sa tumatalak sayo..ano ka bata?
      Saka girl,may work ka ba?pag may work ka WALANG makakatalak sayo ng ganyan kase may sense of independence ka at anytime kaya mo mag-isa pati si offender maiilang sayo.

Mai

  • Guest
Re: how to deal with maepal na friend/relatives ng inlaws?
« Reply #2 on: May 28, 2011, 07:02:34 am »
Teka sis, eto bang tinutukoy mong tao ang description is KATULONG FRIEND ni SIL? Bakit sya ang namamalengke? at bakit naglalagi sya sa house nyo kahit wala si SIL? At bakit sya pa nagmamanage sa mga dapat o hindi dapat kainin sa dining? Baka naman me sweldong natatanggap ito ke SIL? hahahaa
Sis, feel lucky na lang kase kamo yung Byenan mo naman nice sa yo pareho, you can't have them all ika nga

showermist

  • Guest
Re: how to deal with maepal na friend/relatives ng inlaws?
« Reply #3 on: May 28, 2011, 07:20:12 am »
LOLs

maepal nga yang friend ni SIL mo.  kung di mo talaga sya feel, maglagay ka ng boundary at make sure she knows it too.  dapat alam nya kung saan sya dapat lumagay.  hindi yung pangungunahan ka sa mga kung   ano ano .  at mas maganda pang wag kang mag ask any favor from her.

i do that lots of time. nagdala ng girlfriend yung pinsan ko sa family house. umi-epal din.  nakow, i gave her a lesson talaga. lols. (i can be a real b**** sometimes.)
« Last Edit: May 31, 2011, 06:32:01 am by showermist »

slovy

  • Guest
Re: how to deal with maepal na friend/relatives ng inlaws?
« Reply #4 on: May 31, 2011, 12:09:32 am »

Ngayon lang ako nagawi ulit dito mga sis, naging busy kasi this past few days . Anyway thanks sa inyong mga replies. :)


Sis Hesterliness, I've got the chance to talk with SIL na nong bday ng son ko so ok na yun. Uhm, SAHM po ako for almost a year na kasi hindi muna ako pinapayagan ni hubby mag work ulit coz he wants  na habang lumalaki daw baby dapat narito ako. Maging naman mga inlaws ko ok na ok sa decision na yan, kasi need nga daw ako ni baby. so walang issue samin yan.. siguro sa kay sil's friend, meron nga. Pero hello, wala syang K dapat, hindi naman sya nagpapalamon sakin no. and I don't think na kahit may work ako maiilang sya kasi when before pa na kumikita ako on my own, ganyan na talaga ugali nya, 6 yrs na kami ni hubby, dumating ako sa bahay nila, nariyan na po sya. Everytime na nagbabalikbayan inlaws, anjan din sya 24/7. Pag wala inlaws ko sa harap ko, saka lang din naman ginaganito, in short pinaplastik nya ako. Pero lalo nga yan lumala since nagkaroon na kami anak. Maybe need ko na nga rin sya barahin next time, siguro enough na sa sobrang galang, mabait.. kasi inaabuso na 'ko. Most of the time din kasi nangyayari wala si hubby kaya malakas ang loob nya. Ay, even him (hubby) nga pala, inaasalan din ni Sil's friend dati ng ganyan, like na lang non hubby's asking if what daw makakain. And she said, wala daw kasi sabi daw ni sil mag oorder na lang sa labas. Sil's out nga pala that time, kararating lang din namin hubby non from the other house kung saan kami talaga nakatira. Tapos nong siguro gutom na yun si hubby, pumunta sya kitchen, then he found out na meron palang mga crabs and sugpo na luto na sa ref, wala pa pong bawas, bigay daw po yun ng family friend nila hubby na bilin daw ipabigay kay sil. So hubby confronted her, he said "meron pala bakit sabi mo wala? then sabi nya, "wag daw galawin dahil bilin daw nagbigay, kay sil daw ibigay" kaya sabi ni hubby "what? so ibig sabihin, hindi ako pwedeng kumain? nagugutom na 'ko hihintayin ko pa sila, ganun ba? and sabi ba naman, "meron pa naman maluluto jan luto ka na lang, ako malalagot e." nagalit si hubby dahil she insisted wag daw talaga kainin. Kaya sabi ni hubby, "naku nagugutom ako, hindi ko naman mauubos yan hindi pwedeng hindi ako kakain, sabihin mo ako kumain tingnan natin kung magagalit pa rin." ayun walk out ang lola pero nag murmur sa isang tabi 'kesyo daw sya papagalitan etc. etc. Parang engot lang talaga. She's acting ba na she has also the right sa house. Hindi sya marunong lumugar. 


Sis Mai, hindi naman sya katulong talaga, ganito po yan, dati pinagkakatiwalaan sya ng husto nila SIL kaya sa pamamalengke and anything na involved ang pera, sya ang bahala jan. Pero dati po yun, habang lumaon kasi nahahalata na style nya na kinukupit lang pala nya kasi nabuking sya nong isang beses na nag grocery din si bil. na dun sa amount na pinapadala nila, marami din pala nabibili nun as opposed sa kanyang mga nabibili lang. Same lang din naman pinamili ni BIL sa pinabibili nila SIL kaya buking sya. (Meron po silang katulong talaga pero matanda na, ayaw na nila ipalabas labas ng bahay, sa loob na lang sya, maid po nila to for 35 yrs, maliliit pa sila hubby. Kaya parang inaako na nila sil kasi wala na po itong pamilya, hindi rin nakapag asawa.) Now, back to Sil's friend, everytime na nandito sila ni sil sa pinas, narito din sya. Thrice a year kung umuwi sila sil and other siblings dito. At kahit wala sila sil pumapasyal pasyal pa rin sya dito, wala nga rin pala asawa ito kaya anytime she wants, nakakapunta sya dito, nagchecheck lang daw na ewan. papapel nga kasi. Then ito pa share ko lang everytime na marami tao sa bahay like other relatives or may celebration, ewwness to the highest level talaga, gumagana pagka klepto nya. Just recently, well, last march narito mga inlaws ko. Yung isa ko pang BIL need ng cp  kasi nabasa cp nya nong nag beach sila, that was 6 days after they arrived so instead na bumili pa ni-offer ni eldest SIL yung isa nya cp na bago pa daw yun, nakabox pa so nong kukunin na sa maleta, wala. so hinanap, wala talagang nakita. Kaya nagpaparinig yung isa ko pang sil na kung hindi kanya, wag kunin tapos sabi pa e pagka umaalis pala tayo, dapat nakalock mga pinto kasi kukunwa kunwari naglilinis, yun pala nanlilimas, which is sya po yung pinariringgan nga ganun. E nakonsensya siguro, kinabukasan sabi nong eldest sil ko pakihanap daw ulit baka nakaligtaan lang. Pinaalis lang sila sil, pagkabalik nila. Gulat na lang kami, naroon kami sa dining kumain, inabot nya yung phone. Tinanong sya where did she found it? sabi nya dun daw sa maleta. Oh my! e hindi nga mahanap nong hinanap dun, how come?na dun lang din pala nya makikita. minamatyagan ko po yan everytime na nasa taas po sya, may access sya sa lahat ng rooms, kunwari maglilinis daw sya. Tapos pag may magustuhan ayan, tutudasin nya yan, proven na po yan. kaya sa ngayon, totally wala ng tiwala sa kanya ang lahat.. ewan nga kung manhid lang ba para di nya ma-feel na halos hindi na sya pinapansin o talagang makapal lang ang mukha. Ayaw lang din nila sil mapahiya e kaya di na lang nila pinagsabihan. Naaawa lang din yata sila kasi wala nga din po sya trabaho, I don't know kung saan sya kumukuha panggastos.  Kaya daw sila naging friend ni SIL dahil kasama sa work before.


Sis showermist, nakaka stress sya ayaw ko nga sana patulan e pero parang sumusobra na talaga, hindi pa kami nagkita kasi umuwi kami kabilang bahay. pag nagkita kami ulit susumbatan ko na, may bagong atraso. lol. sinumbong na naman daw kami kay sil last saturday na nag away daw kami ni hubby (oo nagtatalo nga kami pero di naman away yun) nagsumbong sa kin yung labandera naman nila dito, tinanong daw ni sil pano daw kami nag away? ano daw pinag awayan, tapos galit daw ako, sinabihan ko daw asawa ko na lalayas ako kasama anak ko. buti na lang e sabi nong labandera, hindi nya alam at saka away mag asawa daw yun, normal lang. Hindi dapat pang himasukan.' maigi pa itong labandera, nag-iisip! Hay naku lagot sya. lol. masyado na nga syang pakialamera. Buti na lang nakakachat ko sa FB kaninang umaga  si sil, bihira lang po yun mag FB e, every monday morning lang dito kaya inabangan ko talaga so I can defend my side naman. Wala na ko pakialam kasi I have my SIL's approval na, insultuhin ko daw. LOL! Kahit kelan di naman daw sya talagang naniniwala, nacucurious lang daw sya.  :)


Hanggang dito na lang muna mga sis. I'll let you know kung ano mangyayari pag nagkita ulit kami. lol

whinx

  • Guest
Re: how to deal with maepal na friend/relatives ng inlaws?
« Reply #5 on: June 11, 2011, 01:34:04 am »
meron ako maepal na aunt in law... mahilig mangutang na hindi na binabayaran and siya pa may gana sabihan ako na masama daw ugali ko behind my back... ang ginawa ko hindi ko na pinapansin kahit masalubong ko deadma

rianne_mallows

  • Guest
Re: how to deal with maepal na friend/relatives ng inlaws?
« Reply #6 on: June 12, 2011, 07:05:23 am »
haaay grabee.. ang dami talaga maeps sa mundo.. just recently hindi ko na napigil binara ko na
sabi ko..

me "close tayo?"
siya "huh?"
me"close ba tayo?"
siya"(tahimik lang)
me "hindi tayo close kaya wala karapatan biru biruin ako"

sabay walk out

haay naku!!!!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close