Ngayon lang ako nagawi ulit dito mga sis, naging busy kasi this past few days . Anyway thanks sa inyong mga replies.
Sis Hesterliness, I've got the chance to talk with SIL na nong bday ng son ko so ok na yun. Uhm, SAHM po ako for almost a year na kasi hindi muna ako pinapayagan ni hubby mag work ulit coz he wants na habang lumalaki daw baby dapat narito ako. Maging naman mga inlaws ko ok na ok sa decision na yan, kasi need nga daw ako ni baby. so walang issue samin yan.. siguro sa kay sil's friend, meron nga. Pero hello, wala syang K dapat, hindi naman sya nagpapalamon sakin no. and I don't think na kahit may work ako maiilang sya kasi when before pa na kumikita ako on my own, ganyan na talaga ugali nya, 6 yrs na kami ni hubby, dumating ako sa bahay nila, nariyan na po sya. Everytime na nagbabalikbayan inlaws, anjan din sya 24/7. Pag wala inlaws ko sa harap ko, saka lang din naman ginaganito, in short pinaplastik nya ako. Pero lalo nga yan lumala since nagkaroon na kami anak. Maybe need ko na nga rin sya barahin next time, siguro enough na sa sobrang galang, mabait.. kasi inaabuso na 'ko. Most of the time din kasi nangyayari wala si hubby kaya malakas ang loob nya. Ay, even him (hubby) nga pala, inaasalan din ni Sil's friend dati ng ganyan, like na lang non hubby's asking if what daw makakain. And she said, wala daw kasi sabi daw ni sil mag oorder na lang sa labas. Sil's out nga pala that time, kararating lang din namin hubby non from the other house kung saan kami talaga nakatira. Tapos nong siguro gutom na yun si hubby, pumunta sya kitchen, then he found out na meron palang mga crabs and sugpo na luto na sa ref, wala pa pong bawas, bigay daw po yun ng family friend nila hubby na bilin daw ipabigay kay sil. So hubby confronted her, he said "meron pala bakit sabi mo wala? then sabi nya, "wag daw galawin dahil bilin daw nagbigay, kay sil daw ibigay" kaya sabi ni hubby "what? so ibig sabihin, hindi ako pwedeng kumain? nagugutom na 'ko hihintayin ko pa sila, ganun ba? and sabi ba naman, "meron pa naman maluluto jan luto ka na lang, ako malalagot e." nagalit si hubby dahil she insisted wag daw talaga kainin. Kaya sabi ni hubby, "naku nagugutom ako, hindi ko naman mauubos yan hindi pwedeng hindi ako kakain, sabihin mo ako kumain tingnan natin kung magagalit pa rin." ayun walk out ang lola pero nag murmur sa isang tabi 'kesyo daw sya papagalitan etc. etc. Parang engot lang talaga. She's acting ba na she has also the right sa house. Hindi sya marunong lumugar.
Sis Mai, hindi naman sya katulong talaga, ganito po yan, dati pinagkakatiwalaan sya ng husto nila SIL kaya sa pamamalengke and anything na involved ang pera, sya ang bahala jan. Pero dati po yun, habang lumaon kasi nahahalata na style nya na kinukupit lang pala nya kasi nabuking sya nong isang beses na nag grocery din si bil. na dun sa amount na pinapadala nila, marami din pala nabibili nun as opposed sa kanyang mga nabibili lang. Same lang din naman pinamili ni BIL sa pinabibili nila SIL kaya buking sya. (Meron po silang katulong talaga pero matanda na, ayaw na nila ipalabas labas ng bahay, sa loob na lang sya, maid po nila to for 35 yrs, maliliit pa sila hubby. Kaya parang inaako na nila sil kasi wala na po itong pamilya, hindi rin nakapag asawa.) Now, back to Sil's friend, everytime na nandito sila ni sil sa pinas, narito din sya. Thrice a year kung umuwi sila sil and other siblings dito. At kahit wala sila sil pumapasyal pasyal pa rin sya dito, wala nga rin pala asawa ito kaya anytime she wants, nakakapunta sya dito, nagchecheck lang daw na ewan. papapel nga kasi. Then ito pa share ko lang everytime na marami tao sa bahay like other relatives or may celebration, ewwness to the highest level talaga, gumagana pagka klepto nya. Just recently, well, last march narito mga inlaws ko. Yung isa ko pang BIL need ng cp kasi nabasa cp nya nong nag beach sila, that was 6 days after they arrived so instead na bumili pa ni-offer ni eldest SIL yung isa nya cp na bago pa daw yun, nakabox pa so nong kukunin na sa maleta, wala. so hinanap, wala talagang nakita. Kaya nagpaparinig yung isa ko pang sil na kung hindi kanya, wag kunin tapos sabi pa e pagka umaalis pala tayo, dapat nakalock mga pinto kasi kukunwa kunwari naglilinis, yun pala nanlilimas, which is sya po yung pinariringgan nga ganun. E nakonsensya siguro, kinabukasan sabi nong eldest sil ko pakihanap daw ulit baka nakaligtaan lang. Pinaalis lang sila sil, pagkabalik nila. Gulat na lang kami, naroon kami sa dining kumain, inabot nya yung phone. Tinanong sya where did she found it? sabi nya dun daw sa maleta. Oh my! e hindi nga mahanap nong hinanap dun, how come?na dun lang din pala nya makikita. minamatyagan ko po yan everytime na nasa taas po sya, may access sya sa lahat ng rooms, kunwari maglilinis daw sya. Tapos pag may magustuhan ayan, tutudasin nya yan, proven na po yan. kaya sa ngayon, totally wala ng tiwala sa kanya ang lahat.. ewan nga kung manhid lang ba para di nya ma-feel na halos hindi na sya pinapansin o talagang makapal lang ang mukha. Ayaw lang din nila sil mapahiya e kaya di na lang nila pinagsabihan. Naaawa lang din yata sila kasi wala nga din po sya trabaho, I don't know kung saan sya kumukuha panggastos. Kaya daw sila naging friend ni SIL dahil kasama sa work before.
Sis showermist, nakaka stress sya ayaw ko nga sana patulan e pero parang sumusobra na talaga, hindi pa kami nagkita kasi umuwi kami kabilang bahay. pag nagkita kami ulit susumbatan ko na, may bagong atraso. lol. sinumbong na naman daw kami kay sil last saturday na nag away daw kami ni hubby (oo nagtatalo nga kami pero di naman away yun) nagsumbong sa kin yung labandera naman nila dito, tinanong daw ni sil pano daw kami nag away? ano daw pinag awayan, tapos galit daw ako, sinabihan ko daw asawa ko na lalayas ako kasama anak ko. buti na lang e sabi nong labandera, hindi nya alam at saka away mag asawa daw yun, normal lang. Hindi dapat pang himasukan.' maigi pa itong labandera, nag-iisip! Hay naku lagot sya. lol. masyado na nga syang pakialamera. Buti na lang nakakachat ko sa FB kaninang umaga si sil, bihira lang po yun mag FB e, every monday morning lang dito kaya inabangan ko talaga so I can defend my side naman. Wala na ko pakialam kasi I have my SIL's approval na, insultuhin ko daw. LOL! Kahit kelan di naman daw sya talagang naniniwala, nacucurious lang daw sya.
Hanggang dito na lang muna mga sis. I'll let you know kung ano mangyayari pag nagkita ulit kami. lol