Grayce – kala ko 40 DD ka hehe. Tama madadapa na nga sa bigat haha! Ano na kaya magiging itsura pag wala nang milk ano? Scary thought hehe!
Nesz - ganun ba? Sorry to hear about it kung tama pagkaintindi ko,its his loss hmpt! Girl power! Oo sana gusto ko i try 1 lang na bangus hehe punta ako sa EB though baka 1 hour lang ako kasi new yaya kami. Re: ip camera yung binili ko online na padating pa lang is $100 yata.
Marose – yes si michelle nga yun pretty na sexy pa. Mukha talaga syang girl. Thanks sa tips about the books bili na nga ako nyan
Lia – yes ako nga yung bumili sa citygen
Van – congrats kay Zoe ang lusog pala nya. Galing a, all from BF
Kim – 5k lang ang initial , tapos 1k minimum additional. Kering keri mga mommies! Kaso bawas sa funds meant for pang low EQ moments hehe
Jai – please see below input sa prulife. para easy read nilagay ko sa investing 101
Investing 101- Prulife returns tama ba that is 3 year return? You can compare it here, look for stock funds sa 3 years:
http://www.icap.com.ph/factsfignavps.aspThe highest return is Philequity at 25.14% so parang mababa vs Prulife equity fund at 10.28% ( equivalent to MF stock fund) . One year return highest is 43.62% First Metro. Di ko na naabutan yung topic about VUL.
Yes if you invest in a mutual fund they will choose where to invest your money. Kaya you can ask the different funds ( I suggest get the top 3) kung san nila usually ini invest ang funds or what they call portfolio. Meron sila mga collaterals na ganito. That is why iba iba ang returns ng MF kasi depende yan sa diskarte ng fund manager nila. Tama din that the emergency fund should be at least 6 mos of your expense or at least salary. Kasi ang thinking is what if mawalan ng work (knock on wood wag naman) then it will take siguro conservatively 6 mos before makahanap ng bago. Isang suggestion din for investing is not to put everything in one basket. Yung iba sa dollars nila nilalagay aside sa MF.
BF – ako naman minsan kahit nakasara door ng office ko pumapasok sila nung una di nila alam na nagpa pump ako kasi may nursing cover so sige lang ang chikka nililingon ko na lang sila kasi nakatalikod ako. Effort talaga, mag pump sa office, mag pump sa bahay lalo pag din a empty kasi minsan sa gabi mas konti mag nurse si F. Regarding sa support ako nagkaron ng challenge anduns a BF thread ang story ko hehe. Ngayon naman ganito
Hubby: bakit ka pa nagpa pump e konti naman napa pump mo? ( looking at the bottle).malaki naman na si F ok na siguro.
Madir : Mag 9 mos naman na si F big boy na sya mag stop ka na kaya. Try mo kaya magbigay ng formula sa gabi para naman di ka puyat?
Sister: Ate alam mo yung friend ko na nag BF naging skin na lang daw yung boobs nya after, nung wala nang milk
Natatawa na lang ako ngayon, dati super defensive ako pag naririnig ko ganyan. Now hindi na kasi I have proven na kayak o mag BF since I was the first one in the family to do it. Iniisip ko na lang kasi they are not as informed as I am tsaka siguro nakikita nila ako ng nahihirapan and they want to make it easier for me. Pasalamat talaga ako sa GT dahil most of it dun ko nalaman and like Marose who gives advises sa BF.