watch now

Author Topic: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 10  (Read 74916 times)

liyapot

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 10
« Reply #240 on: May 18, 2011, 04:59:40 pm »
nag init dugo ko noon kaso nakaalis na sya sa poder ko nung nalaman ko..tsaka pinagsabihan  ko kasi na dahan dahan lang gumamit ng diaper.. ang excuse nya sa akin ang daming beses daw nag poop..
we also have a record/logbook ng activities nila.. milk, bath, vitamins, poop, sleep, tsaka alam ko na din more or less ang usage nila..kaya nga on na-alarm ako ng biglang nakita ko yung malaking pack ng mamy poko nangalahati na  ng mid week  kakabili ko lang the week before..
mega tanong ako agad... haay basta after that sinama ko na sa toiletries ang napkin kakabwiset eh!

what do you usually buy na toiletries for your yaya.. i mean brand.. and how many? by the bottle ba ang shampoo or sachet? conditioner ba provide kayo?
kasi ako sunsilk..sachets lampas 30pcs binibili ko..diffrent variants
tapos safeguard na soap yung 135gms para malaki (is that enough for 1 month?)
colgate na toothpaste (request na brand nung dati kong yaya.. i used to buy happee or close-up
modess na teens pack 28pcs yata yun
minsan bibigay ako ng bagong toothbrush.. minsan may free na cleene toothbrush yung cotton balls eh so binibigay ko yon..
2 bars ng tide taba soap for her laundry
di ako nagbibigay ng deodorant.. syeets.. baka dapat no? baka maya ginagamit nya deo ko..eeewwww... what brand ang isasama ko sa grocery?

^ang mahal ng likas ha..P80 na yon eh!! di na makaturungan!

ratacutie

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 10
« Reply #241 on: May 18, 2011, 04:59:54 pm »
Walker - yung AAP is against walkers.  YUng binili namin na chicco, yung naka buckle sa body tapos may parang strap that you can hold (parang puppet labas ng baby), para mapigilan mo sya pag madapa sya.  We used this nung medio walking by herself na talaga si G. Si Destructo, wala kaming ginamit, basta naglakad na lang sya at 9 or 10 months ata haha.

Maganda yung book ng AAP (American Academy of Pediatrics) Caring for your Baby and young Child ata ang title, referred to me by my developmental pedia friend. Very useful. Pag may mga questions ako, yun lang binabasa ko. It includes mga common ailments, symptoms and suggested treatment.

sachism

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 10
« Reply #242 on: May 18, 2011, 04:59:59 pm »
hahah,..natawa ako sa kisa.. yan kasi ang gamit ng HH at yaya.. yes i give them free toiletries.. i opt to buy then giving them the money kasi baka naman hindi nila ibili at kumuha pa din toiletries namin :)

thanks marose... try ko yan next week :) hay motherhood.. super GT na super hero pa :)


milette

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 10
« Reply #243 on: May 18, 2011, 05:03:05 pm »
yung HH namin sa kanya toiletries niya. pero naman, bumawi sa condiments. hehe. grabe naman sa catsup. parang isinasabaw sa rice. yung isang maliit na bottle parang 5 days lang sa kanya.

thanks weng for approving sa FB group. friends na tayo.  :)

kimdimatulac

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 10
« Reply #244 on: May 18, 2011, 05:07:01 pm »
weng, try ko daanan yan later. ano birthstone ng january? garnet, right?

lisa, in pesos ba yung prices dun sa brandsfever? may gusto akong sisley bag. :P bakit parang ang mahal lumalabas ng pink soda dun? di ba di naman pricey ang pink soda?

regarding toiletries of yayas/maids, salamat talaga at wala akong problema kay yaya. nung one time nag-advance siya sakin kasi daw naubusan na siya ng toiletries. she buys her own. tapos kahapon binigay ko sa kanya yung ilang gamit ni K na hindi nagamit para bigay niya sa kapatid niyang nanganak, jusko! halos ayaw tanggapin at super thankful siya. tapos nung sunday, iniwan ko sa kanya si K ng hapon because may driving lessons ako. pagbalik ko, mass ang pinapanood sa tv siguro dahil hindi nakapagsimba dahil iniwan ko si K sa kanya. nakonsensiya tuloy ako kaya lang fixed na sked ng driving lesson ko eh. si K tuloy ngayon super attached sa kanya. one time karga siya ni E, aba! nililingon ang yaya niya.

milette

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 10
« Reply #245 on: May 18, 2011, 05:11:09 pm »
kim - san ang brandsfever?  driving lesson, poject ko yan this month. san ka nag enroll?

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 10
« Reply #246 on: May 18, 2011, 05:12:13 pm »
Marose, same tayo style sa menu planning. Veggie market we do once a week or every other week. Now less kasi order from green grocer. 1/2 half kilo minimummfor some eh di naman maubos ni b yon lahat.

We bring baon also and mostly leftover from a previous meal.

Re brands ng toiletries ng maid, i give her what she asks for basta yon lang - soap, shampoo, napkin, toothpaste, deodorant. Goodwill ba. Brands:

Soap - silka
Shampoo - sunsilk
Toothpaste - colgate
Deodorant - rexona
Napkin - modess

And for merienda pag kasama ko si maid sa grocery, i let her choose. Mga hi-ro type naman gusto nila. And they have juice - yung malaking pack ng powdered juice na house brand.

And always for back up - wow ulam delata for her. 15 lang. Masarap daw.

wengerts

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 10
« Reply #247 on: May 18, 2011, 05:12:58 pm »
lia, sosyal naman colgate dapat :D si yaya ko hapee toothpaste, safeguard (yung tig 3), shampoo naka sachet lang. malakas sya sa napkin!!! grr, yung sisters na brand or charmee ang binibili ko for her. deo, rexona! mahirap na baka masira ilong ng anak ko haha! dati nga bumili ako ng dove tapos may free (BOGO yata yun), kanya yung free. toothbrush yung cleene na brand, pack of 4. so far naman hindi sya nag uuwi ng stocks nya. baka kasi bihira umuwi at mag day off? haha

milette, oo nga friends na tayo! ;D natawa ako sa post mo haha!

kim, yes, garnet :) ganda nito sa picture hehe

redrose

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 10
« Reply #248 on: May 18, 2011, 05:14:42 pm »
Re walker - ay good thing naman pala at si Y eh di umabot paa sa floor nung pina-try siya ng dad niya  ;D tipid mode yun!  :P Lampin na nga lang sa waist, mas maige pa, matiyaga naman ang yaya maid ko.

Re toilettries of yaya/maid - ay may conditioner pa pala ang yaya maid ko. Brand is bahala na ako, pero syempre wag naman na ang shampoo eh L'oreal! Noon ang toiletries namin ni hubby nasa CR, now I leave only few things like common soap/shampoo etc. Pero ang talagang gamit namin, I have this small basket and after we finished taking a bath, pinapasok ko sa room. Ito ang mahirap sa 1 T&B lang, you share with HH  :( Ang ambisyosa ko ngang yaya/maid...my gosh! ginamit ang body wash ko! LOL! todo deny pa ang bruha...haha! Eh haler, ang liit lang ng space namin noh, syempre maamoy ko at aalisangsang sa kapaligiran.  ;D As in, hinabol ko talaga sa room niya noh  >:( Confront ko kagad, and oo nga tinry daw! Kaya eversince, nasa room na namin ang toiletries namin ni hubz  ;D

Re style of planning ng menu - green leafy veggies first and fish and sometimes meat in between. And, sa main ulam sa gabi...pwede na initin for breakfast or lunch.

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 10
« Reply #249 on: May 18, 2011, 05:16:02 pm »
Kim, pesos yata. I didnt check pink soda eh pero alam ko nga di mahal yon.  :-\

redrose

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 10
« Reply #250 on: May 18, 2011, 05:19:07 pm »
Re condiments - ang yaya maid ko, ang barrio fiesta bagoong ang favorite!  ;D kayang kaya niya ubusin ang isang bote nun sa 3 araw. Inuulam ng bruha! naiinis ako! kahit may ulam basta may nakabukas na ganun, maglalagay siya sawsawan kahit di na appropriate. Kaya sinita ko na minsan  :P mahal din yun ha! Pang kare kare ko yun eh!  ;D

marose17

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 10
« Reply #251 on: May 18, 2011, 05:22:17 pm »
I don't provide toiletries to maids on a regular basis.  Minsan lang kapag naisipan ko.

RE condiments, naku, ang isang helper namin dati, favorite ang aking Pantai (a Thai brand) sweet chili sauce.  Sinita ko siya talaga when I saw her pouring heaps of it noong lumpia ang ulam namin.  SAbi ko sa kanya, UFC ang para sa inyo.  Sa akin lang ang chili sauce!

* Hindi ako matapobre ha pero kasi feeling ko sobrang oppressed na ko sa katakawan ng mga maids ko.  Ang laki-laki ng grocery bill namin dati noong may 3 maids kaming grabe kung kumain.  At, naiintindihan ko naman na sabik sila sa food.  pero naman, huwag naman kumain as if nasa death row sila.

May AAP book din ako. :D  Mas nagre-refer ako doon kesa What to Expect.

neszreyes

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 10
« Reply #252 on: May 18, 2011, 05:23:49 pm »
susme ang haba ng BR ko!

jai/milette - ayoko ng pumunta sa LC thread at mabubuhay na naman ang dugo ko.. magkano nalang ang SH, med na tree of life?

re: water, nun nag six months si G i changed from Dr. Edwards to Wilkins.. Laki ng difference eh! Nagpapadeliver din ako ng wilkins.. Kahit wilkins forever ok lang saken.. :)

re: toiletries, ala kami maid na stay in.. may HH lang kami taga linis ng house tas si mom ko ang kay G.. pero lurking for yaya ako.. san ba kau kumukuha?

re: series.. natapos ko prison break.. GG at Greys naman now.. :) I touch at personal DVD ang gamit ko kasi may baby din akong di pede manood ng TV.. Pag nasa sala kami sa kuna siya naglalaro para di nakaharap sa TV..

Tin - oo buhay na naman dugo ko sa LC di ko pa achieve mga gusto ko.. no buy make up na nga ako, LC pa kaya! ang hirap! alam mo na party planning mode na :)

maussie - gusto ko ng mga ganyang book (AAP).. ano gamit mong gadget sa ebook pala?




liyapot

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 10
« Reply #253 on: May 18, 2011, 05:29:42 pm »
^natawa ako..pero masarap naman kasi ang bagoong..bigyan mo ako ng fried talong with bagoong ayos na ako.

marose..
haha actually ganyan din ako... sa ang sarap patis ko.. ang bilis maubos!!! considering na ako lang (sa amin ni at hubby at ng mga inlaws ko) ang nagpapatis sa bahay!! ewan ko kung ano ginagawa ng mga help sa patis..

ang mga maids kasi panay pakabig eh..
nung isang araw nagrereklamo byenan ko.. kakabili nya ng ng honey the other week..hala ubos na kaagad.. umiinom kasi sila nung tibicus na mushroom..do you guys know about that? yung tibetan mushroom anyway..they drink the "juice" tapos si f-inlaw nilalagyan ng honey para mabawasan ang asim..for all naman ang tibicus juice kasi ang dami gumawa nung.. hala nahuli nung isang HH ang bagong HH na nilalagyan din nya ng honey ang tibicus juice nya!! ahaha.. soshall

redrose

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 10
« Reply #254 on: May 18, 2011, 05:32:01 pm »
^ hahaha Lia - ang sarap ng patis din brand namin! si yaya maid, type naman isawsaw dyan ang bayabas na binibigay ng mga green boys (maintenance workers) dito  ;D

sachism

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 10
« Reply #255 on: May 18, 2011, 05:35:13 pm »
LOL... re condiments: hindi ko napapansin LOL.. wala naman kasi ako expensive na condiments.. or gusto naman kasi nila yung mura.. like sa toyo.. ayaw nila kikoman.. gusto yung silver swan.. ahha kahit anong sabi ko kikoman gamitin sa pagluto.. kasi yun ang gusto ni hubs..  pero ako ok lang sakin kahit ano.. laking silver swan din ako.. kaya go ako dyan :)

sa shampoo i buy buy the bottle pero ako personally mas gusto ko ang sachet kasi natatancha ko.. i also buy them snacks.. basically kung ano nakahain at pagkain dyan pwede nila kainin.. wag lang yung sinabi kong para kay baby or kay bong.. alam naman nila.. hindi naman sila lumalabis sa kung ano ang para sa kanila :)

nesz: ARBRE DE VIE MED. SHORT HANDLE - PHP 5,500

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 10
« Reply #256 on: May 18, 2011, 05:36:05 pm »
Walang kindle edition ng AAP book. :(

Marose, ang maids ko dati gabundok kumain ng kanin. Pinaalis ko kasi tamad o aanga-anga. tapos tsinismis don sa farm na ginugutom ko daw sila! Minsan kasi 1pm lunch eh or 8pm dinner. Akala mo hindi pinapakain!

Yung maid ko ngayon wala akong problema sa ganyan. Ang request lang non knorr liquid seasoning. Pero pag may tacos kami, lagay din siya tabasco. Ok lang.

neszreyes

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 10
« Reply #257 on: May 18, 2011, 05:36:58 pm »
jai ang muraaaaaa!!!! palpitate na naman ako.. pink topaz ba yan??

yung condiments - taga malabon ako, home of the masarap na patis at bagoong.. pabili lang kau saken :)

ratacutie

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 10
« Reply #258 on: May 18, 2011, 05:38:00 pm »
Nesz - sa Fullybooked ko nabili yung American Academy of Pediatrics na book.  Sa ebook, netbook pa lang. Nagdidiscuss pa kami ni M kung ano bibilhin ko, ipad or kinlde. Kaya lang pag kindle yung sa kindle shop lang ang malalagay mo. Then I read na not all books available sa UD eh available dito...so baka ipad na lang.  Pero matagal ko pang iisipin yan kasi malaking gastos nanaman yan haha. baka masira lang ni Destructo kasi netbook ko nga lagi nya pinagdidiskitahan.

Condiments - Ay naku!  Patay, ako pa naman puro Pantai at Ang Sarap ang gusto ko. Tama naman kasi na iba condiments nila ano. Like sa ketchup, Hunt's ang gusto ko. Alangan naman Hunt's din sila?

Marose - Kainis nga bumili pa ako nung What to Expect nung buntis ako kay Destructo, kasi nung kay G, hiniram ko lang. Ayu, hindi ko naman nbinasa ulit. Pero yung sa AAP talaga, well-used haha.

Minsan talaga mga help, they also take advantage. You give them an arm, they ask for your leg too.  >:(

Nesz - what bagoong masarap sa Malabon? Pabili ako both patis and bagoong! haha. Daddy ko lahat nilalagyan ng patis. Hindi pa nga nataste timpla, lalagyan nya na patis. Grabe!

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 10
« Reply #259 on: May 18, 2011, 05:41:38 pm »
RaTa, imo dapat iba ang kanila. Sariling bigas (alangan jasmine din), water (alangan wilkins din), etc. Sa amin ganyan. Lalo na nung time na 3 ang maids ko. Ngayon 1 lang eh so same same. Di siya parang construction worker kumain sa dami so ok lang.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close