watch now

Author Topic: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 10  (Read 74856 times)

marose17

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 10
« Reply #220 on: May 18, 2011, 04:25:35 pm »
Maussie, regarding maramihan na bili.  Dapat may lock ka sa pantry mo or restricted ang access ng maids or may listahan ka what the pantry contains.  Kapag in bulk ka bibili, parang natataranta ang maids!  For example, kapag bibili ako ng malaking bottle ng cooking oil, mauubos siya in the same time lang na mauubos ang smaller bottle.  Parang iniinom nila ang mantika!  Ditto sa sabon, fabric con, etc.  Pati food supplies nila, hindi ako makabili in bulk kasi ang bilis maubos at parang walang bukas.

May maid kami dati nag-uuwi ng 1 or 2 bars ng sabon kapag nag-day off.  Sinumbong lang ng other helper.

Kaya hindi na ko bumibili in bulk except kapag may S & R sale, at bilang ko ang mga gamit.  At pinapaalam ko sa maids na alam ko kung ilan ang mga gamit.  Mahirap na.  I learned my lesson na.

I also conduct spot checks sa pantry at storage area. 
« Last Edit: May 18, 2011, 04:28:49 pm by marose17 »

MauiGS

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 10
« Reply #221 on: May 18, 2011, 04:28:06 pm »
Hi muna mommies... kakatapos ko lang BR nung part 9, may part10 na pala si BR mode lang ako ulit hehe

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 10
« Reply #222 on: May 18, 2011, 04:28:48 pm »
Rata, pareho tayo. Medyo may ka-OA-an sa pagbili ng maramihan. Ayaw ko ng maya't maya punta supermarket para bumili ng konti. I do the groceries once a month. At kung makabili ako ng perwoll, pril etc sa henkel sale eh box box. Pati diapers ni b. Kaya kailangan ko din storage space.

At gusto ko naman closet na tama lang ang size. Kasya gamit ko now. Pag bibili ako, i dispose some old stuff. We share a walk in closet, 3/4 of the space is mine. :)

Bili ka na ipad2. 24k thereabouts for 16gb wifi. Got mine pa at 0% interest. Hee. Dami nice apps for kids. Mura lang naman. Mostly $0.99 to $1.99. Mahal na ang $4.99.

Jai, bili ka na lang ipod shuffle and dock. Safer kesa ipad kay yaya. Mamaya nga internet pa yan, fb and compromise your privacy and security.

redrose

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 10
« Reply #223 on: May 18, 2011, 04:29:01 pm »
Re bahay pa din, noon kase nung may opportunity to buy, siguro mga 2 years married pa kame. Di naman namin alam san magse-settle. Tuliro pa talaga! And, di din namin inisip na kakainin ng panahon time namin sa trying to conceive stage.

Tama si Marose, Tama si Maussie, Tama si Lisa! Kaya Milette, halika na at kahit maliit eh, go na sa pabahay bonanza!  ;D

Lisa - halos near to your MA na ngayon pag 15 years to pay kasama na ang parking  :) Kaya paano na if saka na ang project bahay di ba? mas mataas na. Korek! yung amin na notion, gusto ko yan. I'm also thinking of Cedar Crest. Kaso ayaw ni hubby kase may earthquake fault sa Taguig. And, they'll be limited schools na naman for Y  :(

Jai - ako kaya pag naliligo, I lock our room pa noh or dalhin ko CP sa banyo! LOL!  :P Paranoid! may kwento kase si hubby one time na nung nasa room kame and bigla lumabas si hubby to drink water, medyo nahalata daw niya si yaya maid nakadikit/snooping on our room door. Nung binuksan ni hubby ang door, biglang kunwari umiinat ang loka  ::) So, I don't trust yaya maid  :P

sachism

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 10
« Reply #224 on: May 18, 2011, 04:30:43 pm »
re ipad apps for kids.. sakin din puro free

re house: agree ako na dapat malapit sa kung san ang family/work kasi si hubs, hindi ko mapapatira ng malyo sa family nya.. hahaha... dapat mga within 15 mins away lang kami sa family nya.. which i think naman he has a point kasi tuwing may kelangan kami.. like pag walang yaya, walang HH, sa kanila nagpapabantay.. or nagpapalabas, plancha.. madali for us to go there and for them to come and visit us pati ulam nga e.. hahaha mdaling mabigyan.. hahahah :)

re bulk purchases.. gusto ko yan.. ang ginagawa ko sa mga sabon.. tinatali ko sa plastic na per week consumption.. hahaha... sa pantry.. bilang ko naman ang tanchado at tiantanong ko HH ilan ba nauubos n ganto ganyan.. so kapag naubos nya ng mas mabilis.. lagot sya sakin.. hahah joke! ang mahirap controlin ang sa supplies ni baby kasi bulk din ako mamili.. good for one month lagi.. pero anything na para kay baby i guess OK lang?  :-[

kimdimatulac

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 10
« Reply #225 on: May 18, 2011, 04:32:34 pm »
weng, what floor? puntahan ko na yan mamaya. eto na naman ako... :P this is what i hate about working in makati. very accessible sa malls.

jai, enjoy talaga dito. makikipagcontest ka sa daldalan. gaya now, pa-post na ako, nakasingit ka pa. LOL joke!

ratacutie

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 10
« Reply #226 on: May 18, 2011, 04:34:33 pm »
Weng - thanks. Problema ko, pag bibili ako, pag aagawan yan tiyak ni G and Destructo. Gusto nga ni M, ibili sila nung fake na ipad, tag isa sila haha. Tapos ako naka totoo, pang ebooks ko lang naman.  Puede ba FB games sa ipad? natanong ko na ba yun dati? Sorry Mommynesia.  Plus wala pa akong tulog kasi gising ng gising si Destructo nung madaling araw.  :(

Marose - yes, we plan to lock the pantry. Yung mga lulutuin for the day, nakalagay na dapat sa ref. Even snacks for the day for the maids and the kids, asa labas na. Plus, mag C-CCTV din kami.  Destructo's yaya dati, kumukuha pala nung Ivory bath soap namin. 4 boxes kasi binili namin sa S&R noon, pang gift sa mga pinsan ni M, and for us rin. Aba, nalaman na lang namin na yinayabang nya sa kabit nya na Ivory daw soap nya. Eh san pa sya kukuha ng Ivory kundi samin? Pagka tago ko nung mga boxes, biglang bumagal consumption namin haha. Nasanay kasi ako sa house, in bulk din bumili mom ko. Chest Freezer namin, laging puno. Lagi rin kasi namamalengke sa Iloilo daddy ko so madaming stock sa house na fish, etc. Kahit nung bata pa kami, ganun na.  Family kasi namin, may mga fishing boats before so padala ng padala sa amin. Tapos Mommy ko, mag grocery before case case ng choco-VIM, juice at kung ano-ano (kasi naman ano, 5 kids kami!). Pero madami rin kaming experience na pilferage nga.  Yun ang nakasanayan ko. So kahit diaper and milk, mega hoard ako haha.  Ewan na lang nga pag naka bukod na kami.  Sabi ko naman kay M, mga 2-weeks worth lang of the mga frozen meat. Basta lahat ng storage rooms, may lock. Huwag lang mauubusan ng supplies. Hate ko yun.

Kim - ako din! dagdag tuloy ako ng dagdag.

anak ng tinapa, patay na aircon! ang init!
« Last Edit: May 18, 2011, 04:36:12 pm by ratacutie »

skipper

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 10
« Reply #227 on: May 18, 2011, 04:35:11 pm »
ay may natutunan akong bago. noon pa ko nagtataka ano difference ng blue cap sa white cap aside sa may fluoride para pala pag may teeth na. buti nakakabasa ako while puping kundi matatambakan ako ng backread

re:LC eh Long Champ pala hehe alam ko lang kasi Letter of Credit hahaha. may mga mura nito sa bazaar sa NBC tent. meron din mga RL shirts (pero Phil made) halos pareho din naman when I bought sa US muntik na ko makabili ng made in the Philippines.

re: US shopping delayed reaction but Marshalls ok din mag shop aside sa TJ Maxx and Ross at syempre ever reliable na Costco for canned goods, chocolates etc.

question mga sis, when ini-introduce ang sippy cup?

also ano pinaka ok na walker? dami kasi ako nakikita i.e. walking wings tapos meron pa sa choochoo baby na ibang variant pero di ko sure ano bibilhin ko. sabi nila syempre pinakamaganda pa din yung nakaalalay ka with lampin na naka wrap sa upper body pero osteoporosis aabutin naman ng mag a-assist kay Francis sa kakayuko.

pa add naman sa FB  ;) ano FB names nyo or meron group?

liyapot

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 10
« Reply #228 on: May 18, 2011, 04:38:58 pm »
michelis ba yung pangalan ng jewelry store?

wala kaming ipad.. ipod touch lang kami..meron kaming 1st gen na ipod vid.. bumili ako nung isang araw ng cheap radio/cd player/usb mp3player/ipod dock.. kasi na realize ko ginagawa nilang radio or background music ag tv.. kasi minsan nakikita ko naka on ang tv pero naglalaro sila ng yaya nya..so dun nakalagay na yung ipod vid at don nagpapatugtog si yaya ng music ni gianna.. nilalabas ko lang ang ipod touch during car trips.. pampalipas oras nya yon..ang likot kasi sa kotse grabe!!

trust issues with yayas
kami nakalock ang cabinets..
maramihan din ako mag grocery pero alam ko quantity noon kaya nagtatanong ako kung bakit biglaang mabilis maubos ng gamit... i dont manage the whole household..only yung room namin since nakatira kami sa inlaws ko..
nangyari sa akin na ang diaper ni gianna eh ginagamit ng yaya nya as napkin!!! kaya pala ang bilis maubos ng mamy poko nya eh at that time naka disposables lang sya sa gabi kasi naka cloth diaper pa kami noon. pero hinde sumagi sa isip ko na ginagamit nya as her napkin.. akala ko tamad lang gumamit ng cloth diaper kaya lumakas ang disposables.. mula noon sinali ko na pati napkin sa monthly toiletries ng yaya.. ayako na maubos ang diapers ng bata mas mahal ang diaper kesa sa napkin  no

sachism

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 10
« Reply #229 on: May 18, 2011, 04:41:46 pm »
michelle: si V naka walking wings.. so far so good

liya: kami may listahan for V listahan ng pagdede, pagkain, pagpalit diaper.. nakalgay ang time.. so in a day alam ko kung ilan nagamit.. and and instructions ko every 3 hours talga palit diaper.. kaya more or less alam ko ilan nagagamit :)

i try to control the whole household, gumagawa pako menu plan pero OMG.. hindi ko pa masyado kaya.. naloloka pa din ako... hindi nakalock mga cabinets namin  :-\

wengerts

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 10
« Reply #230 on: May 18, 2011, 04:42:38 pm »
kim, nasa second floor glorietta 5 sya.

lia, hindi michelis, parang mamahalin masyado yun hahaha! ay uminit naman dugo ko dun sa yayang gumamit ng diaper as napkin. sabunutan ko yan.

^^^ ito yung link sa FB group
dali join na haha mapprove ko agad yang membership request :)

hi maui!!! happy BR-ing ;D yan ginawa ko kaninang pagpasok ko e. whew!



redrose

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 10
« Reply #231 on: May 18, 2011, 04:44:51 pm »
Michelle - add mo ang GT Mommies! dun ka na lang mag-add ng mga sisses  ;) Re walker, pina-try namin si Y 2 weeks ago ng walker kasse gusto bilhan ng dad niya. Kaso nung nilagay namin siya, di pa abot ng paa niya ang floor. LOL! Eh ganun daw talaga ang mga walker (SM MOA ito). May iba bang walker na as in maa-adjust hanggang floor? wawa naman anak ko, maliit! LOL! And, worth it pa ba buy ng walker?

Re groceries - ako 2x a month mamili. Wala ako issue sa nakawan ng goodies kase nandito naman ako sa bahay. And, sa liit nitong space...susme! ewan ko na lang san itatago ng yaya maid  ;D

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 10
« Reply #232 on: May 18, 2011, 04:45:39 pm »
Jen, mas mataas naman yata value ng property sa area ng magnolia kesa sa area ng palm grove. Yung amin 2 units 84sqm + 16 sqm laundry cage (2 na 8 each kasi 2 units kami) we got for 2.6mil back in 2006. Hinabol namin ang pre-selling price. Near conpletion na ang building namin non. 5 years na kami ngayong may. Wala lang parking yan. Ito nga ang binayaran ni tifa madre ng cash then we pay her monthly.

May friend ako may unit sa cedar. Mas mahal ng sobra at mas maliit kesa sa unit namin.

Re bulk purchases din, si maid naman hindi grabe gumamkt. Tama lang. By now kasi kabisado ko na din gaano katagal tumatagal dapat ang stuff so pag mabilis naubks, may explabation dapat. Say nandito parents ko so mas madaming labahin.

Lia, natawa ako. Mamy poko ginawang napkin!

Jai, pareho tayo mega-lista sa activities ni baby. At pinapasulat ko kelan nagbukas ng bagong can ng milk o pack ng diaper.

Rata, offer free toiletries to your maids. Syempre within reason. Para iwas muha sayo. May maid ako dati nagpabili ng cologne. Eh naman. Shampoo, soap, toothpaste, napkin, deodorant lang sagot ko. Happy na mga yan sa silka.

ratacutie

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 10
« Reply #233 on: May 18, 2011, 04:47:45 pm »
Lia/Jai - kaya nga kami lo-lock namin MB plus CCTV! haha. Tapos my Mom plans to do spot visits na hindi na sya titimbre ha, we will give her keys to all the doors to the house.

Michelle - yung binili namin dati yung Chicco. Forgot the brand.  But, the yayas still opted for the lampin around the body. Minsan, bath towel.  :D

Lia - ang init naman ng diaper para gawing napkin! haha funny naman ni yaya!

Lisa - hmm. eh kung naka lock, di sila makakakuha? sabagay baka gamitin pa yung mga soap ng kids.  Sige discuss ko yan kay M.

wengerts

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 10
« Reply #234 on: May 18, 2011, 04:48:50 pm »
ako may bad experience sa walker, as in the old school andador. sa taba ng anak ko, hindi kinaya ang weight nya, sumubsob sya. ayun duguan ang bibig! nirush ko sa ER ng makati med. yung walking wings parang okay, i was given yung isang version nya, moon walk ba yun? basta yung sa baby company, masakit sa braso at sa likod.

lisa, oo nga silka! bakit nga ba gusto nilang pumuti ano?

marose17

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 10
« Reply #235 on: May 18, 2011, 04:49:28 pm »
Michelle, we introduced the sippy cup around 6 months, right at the time when my children started drinking water.  They could hold their head na rin that time kaya sippy na.

Hindi nag-walker or walking wings ang mga kids ko.  Bumili lang kami ng floor mats (yung puzzle mats) para kapag nadapa, malambot.

Lia, ang weird ng yaya na gumamit ng diaper!  Ang bulky kaya ng diaper.

Jai, re menu plan.  Tuturuan kita.  Sa akin, simple lang.  Si husband ang namamalengke at ako ang nag-go-grocery.  I make the weekly menu plan every Sunday.   Malapit ako sa kitchen kapag ginagawa ko para madali kong ma-inspect kung ano-ano nakalagay sa pantry and fridge.  Generally, ang mga gulay na madaling malanta like leafy green veggies, sa early part of the week namin kinakain.  Mostly fish and veggies ang ulam namin, though I incorporate meat 2x a week at chicken once or twice a week.  Pati baon namin ni husband, naka-lista din, usually left-over sa gabi na masarap pang kainin the following day like adobo or menudo, or yung madaling lutuin sa morning like steamed fish or beef tapa and the like.
 
Edited to add:  Ayaw ni Dr. S and Dr. B ang walker.  The wrong muscles daw are used when a baby walks using a walker.  And dangerous to boot (see marcia's post).
« Last Edit: May 18, 2011, 04:52:04 pm by marose17 »

milette

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 10
« Reply #236 on: May 18, 2011, 04:51:19 pm »
kim - aahhaha... nagulat din ako. parang konti na-trabaho ko the whole day. na-hook ako sa kakasagot. hehe.

thanks mommies for your inputs re condo/house&lot.

jen - gora na!!! house/condo hunting na. san ba maganda maghanap? i work at manila area, si hubs naman makati.  :)

buti wala ako prob sa yaya since my mom take care of M while hubby and i are at work... kaya lang minsan if my mom needs to do something, pinapabantayan kay HH pero nasa crib naman. e minsan si HH hindi nag-a-alcohol tapos hahawakan si M. nasabihan ko tuloy si mom.   :-\


milette

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 10
« Reply #237 on: May 18, 2011, 04:53:08 pm »
nag join na ko ng FB group. pa-approved naman ako.  :)

redrose

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 10
« Reply #238 on: May 18, 2011, 04:55:32 pm »
Lisa - ayos yun ah! Mababa pa back then noh?

Re free toiletries sa maid - ganyan si yaya maid ko. Free ang toiletries (soap, shampoo, toothpaste, toothbrush, napkin, deodorant). One time, gusto daw ng Likas Papaya soap! kumusta naman noh?! Eh sabi ko, ay naku luho na sa katawan yun, kaw na bumili. LOL!  ;D

wengerts

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 10
« Reply #239 on: May 18, 2011, 04:58:37 pm »
jen, yung yaya ko, creamsilk naman ang luho ;D sya din bumibili, basta ako sagot ko shampoo. nung nag duty free kami, mura yung mga suave na shampoo+conditioner, yun binilhan ko. natuwa naman. yung silka papaya, sya din bumibili nun. minsan kaya nakikita ko mga resibo nun sa 7-11, nakuuuu chichirya pinagbibibili. no no kasi sa bahay namin yun hehe! i just buy crackers, bread mga ganun for meryenda nya, kaya pala hindi nagagalaw, gusto junk food. bahala sya haha!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close