Okay ladies, I'm so back!

Ang haba ng na-BR ko! kumusta naman! Pero wala na point para bumalik sa mga topic at Thread 10 na! Grabe, going strong talaga tayo!

Re driving to Trinoma - ayos, nakaya ko! and syempre upon your recos sa Mindanao Ave Parking ako pumasok, medyo nataranta ang brain cells ko pagpasok! Haha!

Pero nakaya ko naman, buti na lang nga we're early. I thought ang konti ng tao kase Tues, pero susme! Karambola at may job fair!

Re pauwi, sobrang nagaalala si hubby kase mga 4PM eh nasa Trinoma pa kame. So ang mokong (since 1 lang naman car namin) eh nag MRT papunta Trinoma at tinext ako na nandun na daw siya

In short, sinundo kame! kumusta naman! Nagaalala na baka daw uminit ulo ko if ako mag-drive pabalik kase rush hour na

Well, nung pabalik naman, nag U-turn kame sa may tapat Landmark para sa road going to Quezon Ave na kame pumasok then Edsa na. Mas okay nga, no traffic

Re Shopping - Nakapamili ako ng few shirts sa Mothercare 3 packs for 700+ and few pambahay for Y from Landmark paid by my cousin!

Ayos di ba? Wala pa daw siya nabibigay kay Y since birth kaya siya na nagbayad. Gusto niya bilhan si Y ng few DVD's din (yan ang di ako nakaimik)

Since no TV nga si Y di ba? buti na lang di niya nahanap yung Brainy Baby na DVD. Nag-pull out daw sabe sa Landmark

Di nadisgrasya ang bulsa ko
Re Pediped - wala mga recos ni marose! Yun kase ang hinanap ko talaga, ang pangit nung nasa Hobbes and Lande
Re EB - sino sino pa ba ang dadagdag? Magsabe na at ili-list ko in a while ang headcount. Pasensya na at ang Secretary of Affairs eh naka out kanina
