ysa, alamo naman dito sa house. lahat ng posts ko e pinupuna. akala nila e para sa kanila lahat ng posts ko. sabagay, oo nga naman, "ang guilty, kahit dimo pangalanan, kusang magsasalita.". haha!
kaye, first morning wiwi, sa bandang gitna ka kumuha. i suggest pacheckup ka na sa ob para hindi tayo napapraning, okay. :-)
nakalimutan ko mag entry kahapon.
berat si mil kahapon e. dont know why. kahit nasa kwarto lang kami ng mga bata, nadidinig ko mga ginagawa niya sa labas. nadidinig ko nagdadabog nanaman dahil may mga tambak na hugasin sa kusina. e sila naman ang nag iwan dun nun. kaya nagdadabog, kasi siya ang maghuhugas lahat nun dahil wala si sil kahapon. hehe.
tapos nadinig ko yung plantsa, siguro wala na sila maisuot ni f i l kaya magpaplantsa na siya.
tapos nung before lunch, lumabas kaming 3, kasi bibili kami ng food na iluluto ko, e dirediretso kami sa pinto, siya din keber kahit nakita mga bata (dati dati tinatawag niya para may kasama siya sa sala). deadma din ako. pati yung dalawa naman hindi rin pinansin yung mama nila, baka akala pa e tinuruan ko. plastic naman ako kung sasabihin ko sa 2 na, "ay ayun si mama niyo, batiin niyo", pwe!
pagbalik namin, inayos ko na groceries namin sa kusina. siya din pumunta dun at maglalaba. e pagbukas niya ng WM, andun pa pala yung nilaban niya na pants nung isang araw pa, walang nagsampay (kung sino naglaba, siya magsampay). haha! ayun na po, dahil malalim yung WM, sa bwisit niya, kumuha ng spatula, sinungkit yung pants, tsaka binalibag yung spatula, nagulat ako. sabi ko sa isip ko, "aba, aba, aba! may sapi nanaman ng pagkademonita ito ngayon.". hindi ko nga pinansin, lumabas ako ng kusina. dati nagpapatulong sakin yun, "anak abutin mo nga sandali, hindi ako makayuko". :-) so wala talaga siya sa mood. deadma na rin ako.
tapos hindi siya mapakali, tawag siya ng tawag kay f i l. pinapauwi yata. haha! naghahanap ng saklolo? nadidinig ko habang nagluluto ako na sinisigawan si f i l e, tapos binabagsakan ng telephone. ilang beses yun. hihi!
nung nagluluto na ako ng lunch, siyempre wala si sil, wala kasama kakain si mil, inoffer ko ng food namin, sabi ko, "mommy gusto niyo rin po ng porkchop?", sabi niya, "hindi anak, busog ako. thank you". edi sige, hindi ko na dinagdagan niluluto ko at dun na kami kumain sa kwarto.
pagpasok namin sa kwarto, yung busog, nagpapainit ng makakain sa microwave. hay! mahirap ba sabihin na ayaw niya ng porkchop? sinong impokrita ngayon? :-)
so ayun, gabi na nung lumabas kami sa kwarto kasi dumating na si hubby. hinihintay ko na may kumausap sakin, baka kako kung ano nanaman sinumbong e.
yun lang. today is another day, pero andito na si sil. mas malakas ang demonita force. hihi.