I'm back and I am so tired. Nakakapagod mga sis. Tagtag ako sa byahe at super nadisgrasya ang bulsa at credit card ko pero I can honestly say na
I had fun. 
Ayaw pasamahin ng mom ko ang anak ko. It was her way to spite me. Baka daw makalimutan ko na may kasama akong bata at mawili ako sa kwento. Sh!t. Ganun ang tingin niya sa akin, isang walang kwentang ina.

As if naman kakalimutan ko ang anak ko eh mahal na mahal ko ang baby ko & ang dami naming pinagdaanan mag-ina. Nakakainis ang mom ko pag ganun. She thinks I am dumb.

If sasama ko daw ang anak ko at ayaw kong makinig sa kanya, bahala daw ako. Edi sinama ko since pumayag naman ang dad ko. Bwisit siya.

Galit pa kase siya sa akin regarding sa issue namin ang favorite daughter niya.

At least nakasama ng anak ko ang mga Auntie's, Uncle Lola's & Lolo's niya sa side ni Hubby.

First time namin mag-ina na magouting ng hindi kasama at malayo sa Mom ko.

Yung walang matang nagbabantay ng mga galaw ko, waiting for me to make a mistake para mapahiya niya ako.

Madami kami, kala ko family lang. MIL, DIL & SIL's (with anak & asawa). Nadagdagan with Uncles in Law & Aunt in Law & BF ng isang SIL.
From the first & expected count na 11, naging 15 then naging total of 16 kami lahat. Na-shock ako nung aalis na kami kase sinama ni SIL bf niya, nashock din si Hubby & lahat ng IL's ko. Sabi kase pamilya lang tapos may ibang tao. Kase the expected number of 11 okay na since immediate family lang, then nabanggit sa mga kapatid ni DIL kaya sinama narin sila at naging okay na sa akin yun as of the day na aalis kami. Then while naglalagay na kami ng things sa mga sasakyan, biglang parating si SIL with her BF. Sabi sa amin ng kuya niya na isasama niya ang "friend" niya. Hindi naman kami bastos at ayokong maging bastos kaya "sige" lang ang sagot namin ni hubby BUT when MIL found out, nagalit siya. Pero sinama parin ni SIL.

The food was great since nasunod lahat ng luho sa food, mula sa breakfast hanggang sa dinner the next day. We were supposed to eat at an upscale resto nung pauwi but gutom na si hubby kaya sa fastfood nalang pero okay lang since if sa isang resto kami eh di dagdag gastos again...
Hindi ako namamalengke pero nung sumama ako sa palengke ang daming fresh seafoods... sabagay, dagat yun eh. We bought pusit tapos nung inihaw, ang sarap & lambot.
Hindi na ako sumama nung bumili sila ng lunch for the next day, pero sarap din ng crabs & shrimps... sayang wala ng pusit na nahuli kinabukasan kaya hindi ako nakapaguwi.
Ang ganda ng beach! Ang sarap ng tubig.
My son had fun. He even wants to go back. Kahit na napagastos kami, kahit na pagod sa byahe & super sakit ng katawan ko ngayon eh super sulit naman lahat kase:
1. My little boy had
lots of fun.
2. Nakapag bonding & relax kaming 3.
3. Walang matang nagbabantay ng mga galaw ko, waiting for me to make a mistake para mapahiya
ako.
Rating ko sa outing is 9 out of 10 kase hindi naman perfect yung outing.

Damge is less than 20k.
