ysa, masama talaga ugali nun.
biruin niyo, nagluto ako ng sinigang na baboy, hinapag ko sa dining table. hindi naman ako nagsasalita, sabi ni mil, "ako anak hindi kakain, busog ako e.". hindi ako kumibo, kumain na kami nila jing at jade, sa kwarto namin, hindi sa dining.
tapos hindi pa man kami natatapos kumain, tumayo na si sil. kasabisabi, "mau, iluto ku naba ing pasta?", sabi naman ng nanay, "wa nang! maranup naku". nagluto agad agad tsaka sila kumain. napaka plastic naman talaga noh. hindi nalang sabihin kung ayaw ng sinigang.
tapos sumabay pa tong jing na to. kabilin bilinan ko kasi, lahat ng pinagkainan at pinag inuman niya, hugasan na agad, ayoko ng kung sansan pa niya pinapatong. tutal isang baso at plato lang naman yun, kutsara/tinidor, hindi naman mahirap yan. e naabutan ko nanaman sa lalabo, nagalit ako kay jing, nasa kusina din si mil at sil. kasabisabi ba naman nung mag ina kay jing, "kaya mo ba jing?" sabay tawa. hindi ko alam kung pinaglololoko ako nung mag ina na yun. muntik ko ng masabi kay jing sa harap nila, "wag kang gumaya sa mag ina na yan na akala mo may yayang nakasunod sa kanila palagi, ano ka donya?!". buti nakapag pigil pa ako kundi mababastos ko talaga yung mga yun.
lyn, nag atlantis pala kayo. sila jing din nagpunta dun nung december, hindi kami sumama ni jade kasi hindi ko feel ang mga kasama, tsaka may work nun si hubby.
kami naman nag ibn battuta mall kahapon. hinatid kami ni f i l dun kasi nagwork si hubby, e sa tabi lang ng mall yung site nila. tapos sila nila mil nag dubai mall. 10pm na kami nakauwi.
may sariling mundo yung asawa ni sil e kaya ganun. pareho sila. parepareho sila!
mommy, fast five neh. hehe. gusto din namin pumunta ng iceland and wild wadi. mas masaya sana kung marami noh. kung kaming 4 lang na mag anak, masaya din naman, pero iba din yung may kachika. hehe. e pero naman kung si mil at sil lang, wag na! kahit kaming 4 nalang. hay! kumukulo talaga dugo ko ngayong araw na to.
hi kaye!