mommy, ganun ka pala mag sinigang noh. ako naman, baboy at tubig, pakukuluan ko muna. pag kumukulo na tubig tsaka ko lagyan asin tsaka gabi, gusto ko kasi creamy yung gabi pag kinain ko. tapos timplahan ko na ng sinigang mix. lagay pechay or kangkong sa huli.
sabi kasi ni sil, parang almaya daw yung sinasabi nila sa satwa, puro pinoy goods ang tinda. kailangan mapuntahan para malaman. hehe.
hay buti nalang at mawawalan ng kayabangan panandali dito sa bahay. uuwi kasi sa pinas mamayang gabi yung asawa ni sil. :-) tamang tama sa bakasyon.
hehe, mommy, berat ba? kami din ng sister ko super close. 1year lang tanda ko sa kanya, pag nagkakasama kami nun, inom, libot, kain sa labas. kasama mga anak namin. close din mga anak namin. madalang na nga kami magkasama nun dahil nasa angeles ako sila naman nasa cabanatuan, ngayon mas lalo pa napalayo. masaya naman ako at magkakasama kami nila jay, pero nakakamiss din pala yung mga naiwan.
wow naman! kelan uwi mo mommy? bakit nag uuwian lahat, kami dito lang sa house. hehe. baka next year pa kami uuwi.
ging, magkakasundo talaga tayo sa pagkain noh. :-) okay na sana kung madaldal lang e, pero meron talagang taong ma PR na mayabang pa. buti nalang ako e hindi madaldal, dito lang sa parlor. sa personal, mabibilang mo sasabihin ko. hihi. diba?
lyn, pagka ganun na nagyayabang siya, pumapasok na ako sa kwarto. ayokong madinig at baka mapacomment pa ako ng di oras. nung minsan nga e nagyayabang nanaman, palagi daw siya nananalo nun sa ... (nakalimutan ko na kung saan siya nananalo), tapos hindi ko napigil sarili ko, sabi ko, "ikaw na! ikaw na ang winner!". natawa si hubby tsaka si sil. hehe.
mav, kami din ng mom ko, akala magkapatid kami. bata lang kasi si mommy, 16 lang siya nung pinanganak niya ko. hindi naman sa pagmamalaki, babyface kasi siya. hindi siya mukang losyang kahit na housewife siya, wala pa kaming katulong.
tsaka parang kami ni jing. palagi kami napapagkamalan na magkapatid o kaya e tita daw ba ako. nagugulat sila pag nalaman na ako ang mommy. iniisip siguro kung paano nanggaling sakin si jing. napakalaking bulas ng bata na yun. malalakihan pa kami. nalakihan na nga yung boobs ko e. lost na ko! :-)