watch now

Author Topic: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 9  (Read 73613 times)

liyapot

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 9
« Reply #100 on: May 12, 2011, 10:01:59 am »
tin,
pasensya na.. on mobile lang ako last night on facebook nakita ko lang yung message mo mga 1am na eh nakaalis na kami sa wifi zone  kaya di na ako naka reply..will pm you the price..nakalimutan ko na kung magkano hanapin ko pa receipt..alam ko mura lang yon eh.

lisa,
pinagtatawanan mo ako ha! hahaha! labo ko kasi kausap eh!

anyway re surot... i asked the maid kung may surot sila sa room nila..wala naman daw.. hay and upon checking yung insect bites ni gianna.. pa isa isa lang and hindi dikit dikit..so i hope di nga surot..


yapeegurl

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 9
« Reply #101 on: May 12, 2011, 10:13:20 am »
Weng, salamat sa info!!!! eto nag message na ako sa officemate ko.. night shift sya kaya mabuti naman 38hrs pa..

Lia, on surot, nung nabiktima ako nyan, grabe ang dami!!! ang in ang dami! tapos ang tagal mag fade ng bite marks.. malas ko that time at di pa ako marunong mag GT.. hahaha.. pero calamansi and emu oil worked slowly...

sachism

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 9
« Reply #102 on: May 12, 2011, 10:24:13 am »
rata, 11 mos na si V kaya 2 full meal na daw... haist.. napressuer ako pakainin...ano pa kaya pwede kong ipakain?

ginutom din ako sa tuyo :)

liyapot

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 9
« Reply #103 on: May 12, 2011, 10:30:34 am »
jai
try mo sinigang, nilaga... hit yan kay gianna kasi masabaw.. sinasamahan ko na ng minced gulay ang food nya at that age.. masipag kasi sya ngumuya e

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 9
« Reply #104 on: May 12, 2011, 10:33:38 am »
Weng, mr kurosawa sa resorts world? Di ko type. Madaming mas masarap na mas reasonably-priced. Di ko din nagustuhan ang service.

Maui, Pia, 7pm ang EB pero ok kang dumating ng maaga.

Tong mga groupons nato, tatarantahin ka bumili tapos ie-extend. Hay.

Pia, 8 vouchers binili ko.

Meron sa pakyaw ngayon lolo dads ah. Ok kaya? Set menu eh.

Si b naninibago sa lola. Umiiyak daw kahapon. :( sabi ko nga sa mom ko isa lang ibig sabihin non - wag na siya mawawala ng ganon katagal. 3 weeks din eh.
« Last Edit: May 12, 2011, 10:39:54 am by clueless »

sachism

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 9
« Reply #105 on: May 12, 2011, 10:48:13 am »
wow mukhang masarap nga yang mga yan.. thanks liya.. try ko yan.. babaguhin ko ulit menu namin.. LOL

lisa, marunong na mangilala? LOL... :)

grayce.. ikaw pala ang make uo GUru..ano ba ang magandang blush on at eye shadow? i look so pale :( LOL
« Last Edit: May 12, 2011, 11:09:57 am by sachism »

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 9
« Reply #106 on: May 12, 2011, 11:02:23 am »
Jai, siguro. Baka kailangan ng warm up din. Pero hindi pa naman siya yung nangingilala na with matching stretching of arms para magpakarga sa iba.

So wait, sa 11 months pwede na table food sa baby? Yan next question ko eh. Now kasi 2x a day siya ng pureed veggies. Kelan pwede mag table food na?

sachism

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 9
« Reply #107 on: May 12, 2011, 11:12:52 am »
oo nga konting cuddle cuddle and pacute si lola kay B ok na yan ulit.. talagang ayaw nila na binigla sila.. kasi si V dati binigla sya.. tinanadaan yung isa nyan tita, tuwing nakikita nya, ayaw na nya.. hahaha pero sana mawala din yun lol

re food, sabi ng lola doc ni V. ok lang daw.. yun nga lang less/if possible none at all ang seasoning tsaka naka enfa na rin daw sya so matibay na daw tummy nya.. susundin ko lang sya at baka mapagalitan ulit ako ng pedia.. hahahaaha.. medyo upset pag hindi dumadagdag timbang si V  :'(

liyapot

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 9
« Reply #108 on: May 12, 2011, 11:18:52 am »
jai...isa pa sa fave ng anak ko..miswa soup... patok yan sa kanya.. tapos later on super gusto na nya ang pancit.. she likes the gulay.. pinupulot nya pa sa plato..

mr. kurosawa is marvin agustin & co. di ba?
is it like john and yoko? yung john and yoko kasi noong umpisa masarap eh.. lately di na masarap ang food.. eh fave pa naman ni hubby yun.. disappointed sya nung last kain namin doon.

di ko pa na try mag lolo dads... anong branch yan lisa? sa 6750 or yung sa leon guinto? teka matignan nga mga groupons ngayon.....

tinignan ko ang stroller pads nyo... mag fit ba ang maclaren pads sa chicco liteway? 5 point harness sila pareho so yung butas is the same di ba?

nag table food na kami at age 11 months yung walang seasonings... maaga sya nagsawa sa pureed veggies and fruits eh...
bale ginawa namin.. she started with veggies, fruits, + combo veggies and fruits..
tapos nag luto kami ng gulay na may sabaw.. yung gisa gisa lang without any seasonings..
i forgot at what age kami nag intro ng protein/meat eh.. basta ginawa ko nung gisa ng ground lean beef in garlic, onion tomatoes .. tapos either lagay pechay, or sayote, or squash or combo nila ng gulay.. we intro miswa na din.. i gave her whole wheat fusilli pasta with simple tomato sauce and ground beef..
naglaro ako sa recipes nyang time na yan eh.. pakonti konti lang.. hanggang sa minsan nagtatakam takam sya sa kinakain namin na sinigang so pinatikim ko eh nagustuhan.. from then on nag instruct ako sa cook na ipagtabi sya ng nilutong ulam namin ng walang seasoning... ngayon eh maski na anong ulam namin..may seasoning o wala kinakain na nya...

yapeegurl

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 9
« Reply #109 on: May 12, 2011, 11:19:47 am »
Ang anak ko naman there was a point na naging favorite nya ang pasta.. lalo na spaghetti noodles na walang sauce.. as in yun lang ang pinapapak nya..

I will try dumating ng maaga sa EB.. target ko 6pm.. Meron ako errands sa Paranaque area.. magbabayad ako ng mga property tax kaya sana wag nila ako pahirapan :(

Kami din naexperience namin ang pangingilala stage specially when he turned 6months up to maybe 1yr 3months.. eto main reason ko kaya at 18months pinasok ko na sa playgroup..

Lisa, at 13months pinag table food ko na si kyle.. hindi pa lang sya sanay til now mag juice (sa school lang sya nakakatikim which is apple juice).. ang liquid lang nya is water, milk, and yakult at times.. other than that, he eats anything.. ang junk food like Lays, chippy, nakakatikim pag meron kami sa bahay.. favorite nya ang cheetos :D

sachism

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 9
« Reply #110 on: May 12, 2011, 11:24:12 am »
wow.. andaming food lia thanks. anong sahog mo sa miswa? haha.. i think i should stop buying magic sarap na LOL para talagang walang reason si HH na gumamit.. pwede namansiguro yung mga herbs ng mccormik no? :)

LOL... pati ang aming food magiging healthy na din. LOL

re lolo dad's hindi pa ko nakakain dyan  :-[

wengerts

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 9
« Reply #111 on: May 12, 2011, 11:29:57 am »
as much as possible iwas muna sa seasonings. little salt pwede pero as in konti ha, tapos use iodized salt (think: LA Lopez commercial noong panahon ni Fidel Ramos haha)

lisa kami din we started giving table food at around 11 months. since wala naman food allergies. what i did was normal na luto ng ulam then magtatabi na ako for chloe ng walang seasoning. then saka ko timplahan for our consumption :)

now, mahilig sya sa sinigang, beef nilaga, spaghetti, and ampalaya :) -- sana wag ma jinx haha!

sachism

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 9
« Reply #112 on: May 12, 2011, 11:36:32 am »
hahha.. napaakanta tuloy ako nung commercial ni LA  ;D

wow naman ang bait ni Chloe :) ampalaya kung ampalaya.. sana si V maging ganyan din :) hahahaha..

so sa resto for example, when nyo inallow si baby na pakainin nung inorder na food?

emeenem

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 9
« Reply #113 on: May 12, 2011, 11:38:22 am »
pag sa restaurants, inoorder ko na food yung pwede sa kanya. kung wala, i make sure i order mashed potato or fries.


redrose

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 9
« Reply #114 on: May 12, 2011, 11:42:22 am »
Naku, keep the food for babies coming mga mommies! Dami ko natututunan  ;)

Ngayon kase 4 na klase pa lang naibigay ko kay Y...rice cereal, potato, avocado, squash and now pa lang, bibigyan ko naman ng kamote. Next in line ko naman ang carrots, sayote and papaya. Sa fruits naman, apple pa lang napa-try ko sa kanya sa munchkin feeder. Siguro pag natapos ko na yung last 3 na bigay sa kanya, mag food combi na ako  ;)

Medyo may sinat na naman si Y pero as is, active pa din naman. Sabi ng mom ko baka daw lagnat hangin or lagnat lakim ???

ratacutie

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 9
« Reply #115 on: May 12, 2011, 11:44:16 am »
hindi ko maalala yung LA commercial na yan ah.

Si G - table food at 12 months, pero tamad ngumuya so hinahand blender namin. So sure na she had protein, carbs and vegetables.  Pero now, namimili ng vegetables. She likes okra, lettuce, carrots, and sayote (we call it green carrots).

Si I - since matakaw and masipag ngumuya, 8 months pa lang ata table food na.  He likes vegetables too.

Seasoned food nila, as in what we eat they eat.  ;D

They eat food sa resto also.

Jai - parang ok lang naman timbang nya ah. Hmmm...chineck mo sa growth chart?  3 full meals na ata si I nung 8 months.


liyapot

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 9
« Reply #116 on: May 12, 2011, 11:46:19 am »
kinarir ko kasi pagluluto noon.. nag OC oc-han pa ako..iba ang pot ng lutuan..iba ang knife, iba ang peeler iba ang kutsaron..basta may sarili sya gamit sa food prep nya na di pwedeng gamitin ng cook sa food namin.. hahaha!

nagbabad ako dun sa wholesomebaby food website..tapos hanap ako ng hanap ng simple recipes for babies sa allrecipes.com basta pwede kong i-simplify ang recipe ginagawa ko... ang di ko lang napakain sa kanya eh yung pesang bangus or tinolang isda.. takot kasi ako sa isda.. baka matinik kasi.. eventually pinapakain na namin sya ng fish.. fried nga lang..

ang minsan halo ng miswa ground beef at patola.. minsan plain lang..
ay nung isang araw molo soup ulam namin..ang dami nyang nakain! sabaw lang yun tsaka yung molo wrapper.. di ko pinakain ang meat sa kanya.

ok yung herbs and spices meron akong nabasa na wag matakot mag intro ng spices sa bata sa ibang countries daw na mahilig sa maanghang na pagkain pinapakain din ang mga bata ng spicy.. at least yun hinde msg at natural na herbs and spice talaga..

si gianna may junk food din... she likes lays, ruffles, yung taquitos, ang m&ms kumakain din yan.. hahaha! basta kinakan namin di maaring di nya titikman.. im currently bingeing on pretzel chips.. hayun kain din sya.. pinapatikim ko sa kanya lahat para di maging picky.. ang rule ko ngayon pwede kumain kahit ano basta di lalabis

at age 11 months yata napatikim ko na ng fries.. she did not like spaghetti then kaya fries lang... unti unti yon... basta usually pag lumalabas kami at kasama sya yung place na may either chicken, pancit, spaghetti or sabaw ang kakainan namin

sachism

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 9
« Reply #117 on: May 12, 2011, 11:49:02 am »
rata.. seasoned food since they started table food? :) i like the term na green carrots LOL

OK lang naman weight ni V pero kasi sanay si lola doc na lagi sya mas mabigat for her age.. sabi ko nga buti din yun may reserba sya para pag teething time (like right now :P ), hindi ma underweight kundi patay talaga ako  :'( sabi pa nga baka daw junk food pinapakain ko... LOL...

marcia, do you bring your own eating utensils para ke baby?
« Last Edit: May 12, 2011, 11:52:38 am by sachism »

yapeegurl

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 9
« Reply #118 on: May 12, 2011, 12:03:30 pm »
Mashed potato ng KFC kahit walang gravy fave din ni Kyle.. :D mura pa :)

When we eat out, nung una bring our own utensils pa kami.. pero in time yung baby plates sa resto na lang ginagamit namin.. pag walang pang baby, hihingi ako ng disposable plates/cup/etc nila..

pero ang kalat ng resto noon pag kumakain yan! haha.. nakakahiya nga minsan sa waiters kasi ang dami nilang ligpitin... ngayon semi makalat na lang.. hindi ako strict sa makalat kumain noon.. ngayon na nakakaintindi na, napagsasabihan naman na..

neszreyes

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 9
« Reply #119 on: May 12, 2011, 12:05:49 pm »
at 8 mos table food na si baby.. :) sabi kasi ng pedia ok na kasi payatot din baby ko.. iwasan lang mabulunan :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close