watch now

Author Topic: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)  (Read 50242 times)

Leven

  • Guest
Re: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)
« Reply #200 on: June 14, 2013, 12:01:47 pm »
wala ka sa helper ko...package sila ng tomboy niya..dahil palagi daw nilang namimiss ang isa't isa..magaling naman kasi siya sa pagyaya ng baby kaya pumayag nalang kami..tulog na sila 6pm palang ang mas huli pang gumisi kaysa sa amin..pag gising nila nakaluto na yong almusal kasi mister ko ang nagpreprepare ng almusal namin..naiinis na talaga ako at ang kakapal ng mukha

iceheaven31

  • Guest
Re: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)
« Reply #201 on: June 14, 2013, 02:06:37 pm »
Wala kayo sa ex helpers namin before:

ex helper 1)
-mangangapitbahay dala ang wireless phone (landline) para pag tumawag si mama iisipin na nasa bahay lang. ewan ko kung naisip niya na hindi naman aabot sa kapitbahay ang signal nung wireless phone. ahahaha.

ex helper 2)
-mas pipiliin pa niyang mamaho kesa mangitim ang kilikili kaya hindi siya gumagamit ng deodorant.
-nagdemonstrate sakin kung paano maglagay ng hickey sa bubey.
-adik kay nick carter ng bsb
-pala english. in fairness, marunong naman. salutatorian pa nung high school.
-medyo nakikialam sa private affairs ng family namin resulting in the biggest gulo we had in the house.

ex helper 3)
-lahat ata ng klase ng beauty products, ginagamit kaya mas maputi ang mukha kesa sa ibang parte ng katawan
-manicurista, so pati mga kapitbahay sineservican nya (we don't mind naman, until she wants na yung binibili naming nail polish kanya na lang after namin magamit once)
-gagasgasan yung non-stick pan para magkaron ng grounds yung nanay ko na ipamigay na lang (ang masama lang, yung latest na non-stick pan na nasira was regalo ko sa mom ko and jusko. pinaghirapan ko yun at iniingatan ko yun tapos gagasgasan lang?  >:()
-pinatira sa bahay ang asawa at anak. o diba. plus two extra mouths to feed.

ex helper 4)
-matanda na, in fairness luminis yung kusina namin (yung left over soaps ginawa niyang soap ball, natanggal niya yung mga itim-itim sa mga kaldero, kawali, at kalan namin), masipag naman siya, kaso
-sinigawan nanay ko. ayun. babay.

angelzero

  • Guest
Re: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)
« Reply #202 on: June 14, 2013, 03:28:29 pm »
wala ka sa helper ko.. unli ang pagrereklamo pero immune na kami kasi matagal na sya sa min. at una palagi sa chismis at pagsusumbong.

missing_out

  • Guest
Re: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)
« Reply #203 on: June 14, 2013, 05:22:02 pm »
wala ka sa helper ko!!! Sa December pa daw siya mag deday-off at after 3 months ko na daw ibigay ang sahod niya.Siya pa pinapadalhan ng parents niya ng pera.

Red Rack 21

  • Guest
Re: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)
« Reply #204 on: June 19, 2013, 02:42:16 pm »
wala ka sa helper ko kung maligo sa banyo nakasara ang ilaw...e wala kayang bintana dun kaya kailangan mag ilaw kahit sa umaga. misteryosang househelp kung ano ano tuloy naiisip ko hindi kaya balat ahas sya at ayaw nya yung makita...ang weird. :o

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)
« Reply #205 on: June 19, 2013, 10:20:26 pm »
^Creepy naman nyan

iammechelle

  • Guest
Re: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)
« Reply #206 on: June 25, 2013, 04:27:53 pm »
Wala ka sa helper ko,

Lakas lumaklak ng shampoo ;-)
Grabe mag-brainwash sa isip ng anak ko.
Kung maka-kanta, rinig hanggang kanto.
Nakapa-[textspeak!].
Atribida.
Feeling Close.
Higit sa lahat, grabe maka-jaforms, daig pa ako!

mrsamurao

  • Guest
Re: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)
« Reply #207 on: July 03, 2013, 05:48:35 pm »
Wala ka sa helper ko..

One time we were at Cha Time and out of courtesy, I asked her what she wants. Thinking she's not familiar with Cha Time, I suggested a drink. To my surprise she told me "Ayaw ko po, Ate. Chocolate Mousse po ako, less sugar, more ice!"

Tinginan na lang kami ni husband. Haha! :)

micci

  • Guest
Re: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)
« Reply #208 on: July 05, 2013, 10:37:32 pm »
wala ka sa (ex-)helper ko..

-kapag inutusan ko sa nearby supermarket,magbibihis pa at todo polbo/pabango..and when i say magbibihis,naka-leggings at see-through sequined blouse with matching furry flats  8)
san ang gimik friend? ;D

-mga 45mins maligo at twice a day pa..daig pa kami..minsan may kausap pa sa cellphone habang nasa banyo

-nagna-nap sa hapon ng 1pm-3pm..bongga di ba?

happyfemme

  • Guest
Re: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)
« Reply #209 on: July 08, 2013, 04:18:22 pm »
speaking of lumelevel-up na HH, heres my story:

1. Eat kami buffet sa sambokojin. Si yaya hindi kumakain ng prepared food sa sambokojin. Gusto lagi maki at grill na meat, i told her to eat nalang prepared food since she is looking after my son and baka tumalsik lang ang mantika sa anak ko. Aba ayaw talaga paawat, when she saw the grill na wala pang apoy, tinaas agad ang kamay at tumawag sa waiter

YAYA: "Waiter! yung grill ko walang pang apoy!"

2. She refuse na to wear her uniform at nag sususuot ng short shorts ha.

3. She doesnt want to eat my sons tirang food sa restaurant.

Lumelevel up na si ate... tignan natin kung ilelevel up ko pa sahod niya....

kiz_me1109

  • Guest
Re: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)
« Reply #210 on: July 18, 2013, 05:00:36 am »
Hindi gumagalaw unless utusan or sabihin mo. Hindi kumakain ng breakfast. So kami lang ang kumakain. After namin kumain, deadma lang siya. Ayaw magkusang ligpitin ang kinainan namin and hugasan. As in nanonood lang siya ng TV. Kung hindi mo siya uutusan e talagang nakupo lang siya the whole day and nanonood ng tv.

dropdeadgorgeous

  • Guest
Re: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)
« Reply #211 on: July 18, 2013, 02:51:06 pm »
ex helper namin, kinuha sa province. ang sumbong sa kamag anak sa probinsya, minamaltrato daw namin.
binubugbog at ewan ko kung ano pang sinasabi. pero wag ka, parang boksingero naman ang built ng katawan, sino di matatakot don.
bago umalis, nag inspection din kami ng gamit niya, doon ko nakita yong nawawala kong blouse na type niya at lotion na pampaputing gamit ko. kaya pala di ko makita, naligaw pala sa kanya.

MrsCaancan

  • Guest
Re: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)
« Reply #212 on: October 01, 2013, 01:55:31 pm »
Wala kayo sa helper ko...

Tunganga na sa TV pag naka ON na.. Naka kalimutan ang dapat Gawin! Pati ang Tignan ang anak ko May time na nauntog na si baby sa kakapanood ng tv!

Aba ang sarap ng tulog sa tanghali man at gabi.. Tulog na siya ng 10am deretso na hangang 5pm un and normally 8pm NASA room na kami aba siya din NASA room na at relax na gising ng 7am! Akalain mo un ako nga walang tulog sa tanghali kasi nagbabantay ako ng bata!

Hindi marunong magluto! Kaya madalas ayaw ko na magluto kasi nga parang ako pa ang katulong sa dami ng Gawain ko!!!

Mali Mali sa ginagawa! Naka kasunog ng damit pag nagplantsa. And minadali ang paghugas ng feeding bottles ng baby ko!

Pag kasama mo sa labas(mall) akalain mong ikaw pa ang magaayos ng mga gamit kasi Tunganga talaga madalas! Parang namasyal Lang!

Hilig tumunganga.. Kala mo naman nakukuha ang mga bagay na tinitignan niya un pala.. Wala din!

Hay... Mali Mali na.. Tatamad tamad pa.. Slow pa.. Di pa reactive! MAryosep!! San pa kayo!

swtgrl_bee

  • Guest
Re: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)
« Reply #213 on: October 02, 2013, 03:08:37 am »
Wala ka sa helper namin, hindi kumakain ng plain na Gardenia for breakfast kailangan naka toast  :P

Diane

  • Guest
Re: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)
« Reply #214 on: October 17, 2013, 10:30:20 am »
wala ka sa yaya ko, gusto mag FB at magtext ng magtext.

anliit daw ng house namin pero wag ka di nya malinisan kung naliliitan sya. SA dati nya daw amo, malaki ang bahay, ayun 2 mos wala syang sweldo kaya sya umalis


 

Latest Stories

Load More Stories
Close