Wala ka sa helper ko, hilig lumabas ng bahay ng di nagpapaalam, nung hinanap ko nung nakaraan, pagbalik, dahil sa makailang beses na niya ito ginawa eh itinext ko sa kapatid niya na ganun na naman.
Aba, pagbalik ng HH ko, halos wasakin na ang gate namin, at pagpasok eh bigla na lang nagsisigaw at nagwawala, pagdating sa kwarto, pinaghahagis niya mga gamit sabay sigaw at bulyaw sa akin na wala naman siya ginagawang masama, at sabay bulyaw na lalayas na ako talaga dito, ang sabi ko naman, wala ka ginagawang masama, eh yung 4 na kawali at 2 kaldero at mga plato nakatambak duon sa lababo gang ngayon di pa nahuhugasan, hala ang HH ko, di paawat, lalo lumakas ang sigaw, sa buwiset ko, sinigawan ko na din at sinabing lumayas ka na talaga, wala kang utang na loob. sabay abot ako sa knya ng ticket niya pabalik ng bacolod.
Matagal na to gusto paalisin ng hubby ko, dahil medyo naawa ako dahil 22 pa lang eh may 2 anak na sa probinsya nila, pinagbigyan ko ng matagal, kahit sangkatutak na kasalanan nagawa niya, worst is
kakatext niya nung naggrocery kami, nawala niya anak ko na 2 years old pa lang, sakin pa niya hinanap nun eh sa knya ko pinababantay, buti na lang at nanduon sa may noodles section lang ang baby ko kun san ko huling nakita...
second was napatay niya yung male pekingese namin na pang stud which is pure bred and with papers, dto na nagdecide hubby ko nun na palayasin, ako namang naawa, ayun.. umabot sa ganun,
kya nun linggo lang eh talagang pinalayas ko na at wala akong ibinigay ni singkong duling maliban dun sa tiket niya pauwi ng probinsya nila na sa 21 pa ang departure.
ang nakakaloka, yun mga kapatid niya sige
[textspeak!] sa akin na kesyo pananagutan ko daw nangyari dun dahil pinalayas ko at di ko pa daw binigyan ng pera, eh sa laki ng utang nun, pasalamat nga sila at ibinigay ko pa ticket niya, at higit sa lahat eh di ko winasak nguso nun sa kakasigaw at bulyaw niya sa kin sa loob ng pamamahay ko...
