watch now

Author Topic: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)  (Read 50275 times)

Beng01

  • Guest
Re: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)
« Reply #140 on: March 23, 2012, 05:22:45 pm »
hehe sis natawa ako dito! :-)

when requested to buy ice, she asks: "yung malamig po ba?" he, he, he.

brownpinay

  • Guest
Re: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)
« Reply #141 on: June 28, 2012, 10:37:28 am »
Si helper ko nung bago pa sa amin a year ago, at bago pa ding nagluluto

- pinagluto ko ng ginisang repolyo at longganisa. nung sinerve na sabi ko bakit parang reddish ang sabaw yun pala hinalo nya ang longganisa sa guisado.

a week after....

- nung  inutusan kong magluto ng monggo sabi ko lagyan ng tinapa, nung kahapunan sinerve na ang monggo lasang tinapa naman nung hinahanap ko na ang tinapa kasi wala akong nakikita na tidbits ng tinapa sabi ni helper ito ate o - pagkakita ko natawa agad ako kasi isang buo ang nilagay nya at hindi nya hinimay.

kaya ngayon mas klaro na ako mag utos at sa ngayon OK na sya at masarap na magluto

poisonous_ivie

  • Guest
Re: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)
« Reply #142 on: June 28, 2012, 03:45:50 pm »
yung maid namin sosyal nagtetext siya habang naglalaba lagi pa late nagigising sa umaga nauunahan pa siya ng amo niya gumising,8 na tulog pa rin tapos hindi pa niya alam umalis na pala amo niya pero siya nakahiga pa rin.at eto pa hindi nagsaing ng kanin kahit alam niya nasa bahay yung amo niya lagi kasi nakadikit yung cellphone sa kamay niya.wala daw siyang load pero nakikita mo nakikipagtext nagtetelebabad pa ang lakas pa ng boses parang wala amo niya.okey lang sa akin magcellphone sila pero dapat unahin muna yung trabaho o kaya basta nagtratrabaho sila eh hindi naman lagi pa kailangan pagalitan tapos siya pa yung magagalit.

happyfemme

  • Guest
Re: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)
« Reply #143 on: July 04, 2012, 05:07:30 pm »
Si HH, araw araw adobo ang luto.

Amo: Ano ba yan Inday, sa umaga adobo. Tapos sa gabi adobo na naman?
Inday: (FYI MODE) "Hindi kuya ah, yung ulam nung umaga chicken, yung sa gabi baboy!"
Amo: Pero adobo pa rin.
Inday: (FYI MODE LALO) "Hindi adobo yun kuya, yung ulam nung umaga toyo ang gamit ko, eh nitong gabi oyster sauce naman ang gamit ko"

bubblepop

  • Guest
Re: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)
« Reply #144 on: July 21, 2012, 03:58:14 am »
.,dati pa to nung bago siya umalis

ate:(ako) dito na muna matulog si baby sa kwarto.

yaya: sige, ate pwedi bang mag aircon?ang init kase eh.,

sabi ko whuaaat???di ko matiis sabi ko nalang patayin kaagad.
sabi nung tita ko bakit mukha pang sosyal ang yaya ng baby mo sa inyo tsaka kung manamit kulang sa tela.,tawa ako ng tawa nun

hannie1216

  • Guest
Re: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)
« Reply #145 on: August 05, 2012, 08:32:23 pm »
Me: Dalim muna natin si baby sa ASian (nag lbm kasi)
Yaya: (sabay dabog) Pwede ba bukas na lang ang dami ko pang lalabhan!

toothfairytales

  • Guest
Re: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)
« Reply #146 on: August 06, 2012, 03:54:59 pm »
^HAHA. sarap batukan!

Yung Boy namin, nakakatawa hindi kumakain ng adobong pusit, mukha daw madumi ang sabaw, tapos pinapa-configure pa sakin yung wi-fi ng cellphone nya para makasagap din sa ng internet dito sa bahay! hehe..tapos nanghihingi din ng mga bagong songs, pa-bluetooth daw!  ;D

sachism

  • Guest
Re: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)
« Reply #147 on: August 12, 2012, 10:10:23 pm »
Haha. Feeling close? Hehe. Dko kakayanin yang ganyan. Maloloka ako sa tawa or inis. Lol.

luckymommy88

  • Guest
Re: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)
« Reply #148 on: August 12, 2012, 10:19:32 pm »
Yung helper namin hindi kumakain ng baboy dahil bawal sa religion nila pero kumakain ng pizza na may meat toppings, hotdog at hamburger lol. Hindi matiis kasi masarap.kakaloka hirap ako magisip ng uulamin namin since dami bawal sa kanya pero yang mga yan hindi niya matiis hindi kainin hahaha

Pretty_ava

  • Guest
Re: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)
« Reply #149 on: August 14, 2012, 12:52:21 pm »
yung yaya ni ava, nauutangan ko pag wala akong cash on hand..    ;D

missing_out

  • Guest
Re: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)
« Reply #150 on: August 14, 2012, 05:05:48 pm »
sobrang likot ng kamay,in two months time 4 times na siya nag day off.I'm sure madami dami na siya nakuhang gamit ko, buti na lang mga damit at pagkain  pa lang kinuha niya. Nag day off last Saturday, kaya nag check ako ng mga gamit niya at ayun nga nakita ko relo ko, sandals, at marami pa.. Sunday di ko na pinabalik.Umamin naman na kinuha niya nga daw ang mga gamit ko. Bilang ganti dinonate ko lahat ng gamit niya sa victims ng baha.. Wala siya nagawa, buti di ko pa siya pinakulong. 

sachism

  • Guest
Re: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)
« Reply #151 on: August 14, 2012, 05:15:52 pm »
naku sis, mahirap talaga kapag malikot ang kamay. kami pa naman sa bahay open halos sa lahat :( buti pinaalis mo na. at wala naman angal nung dinonate mo mga gamit nya?

missing_out

  • Guest
Re: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)
« Reply #152 on: August 15, 2012, 05:07:36 pm »
^ hahaha..kakainis no, yung pinaalis ko nga ang takaw as in.Nauuna pa umupo at kumuha ng pagkain sa amin. Minsan ulam namin Sinigang na Bangus nangunguna pa sa pagkuha ng bangus belly. At sa akin ang buntot sa sobrang inis ko di ako kumain sabi ko yun ang ulam niya kinabukasan. Hay naku sinabi ko sa kanya alam mo madaling humanap ng trabaho bilang HH pero mahirap humanap nang matinong amo. Goodluck sa kanya!!!

Banff

  • Guest
Re: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)
« Reply #153 on: August 18, 2012, 01:07:35 am »
My ex yaya :

A) nalaman ko nalang niyaya nya sister inlaw nya to be my second yaya/ assistant yaya. I asked why i needed an assistant yaya. Siya daw may kailangan ng assistant kasi paano daw siya maakatulog pag may newborn sa room. Uhhmm newborn yaya ang pinasukan niya sa akin.

B) dapat ang shoes nya are crocs, and only crocs kasi baka madulas sila ni baby. She wants me to buy her a pair asap

C) ayaw nya may stairs sa house kasi mapapagod daw siya.

I fired her after a week.

Pretty_ava

  • Guest
Re: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)
« Reply #154 on: August 18, 2012, 06:58:53 am »
^susyal ng ex yaya mo sis, talagang di pasado sa kanya ang havs kelangan crocs talaga, buti di Fitflops ang hiningi sa u sis.  ang taray!

Banff

  • Guest
Re: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)
« Reply #155 on: August 20, 2012, 02:39:34 am »
Haha nakakaloka talaga. Manganganak na ako in a week nun, tapos siya pa nakuha ko. Crocs. Humingi pa talaga.

Huntress Krystle

  • Guest
Re: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)
« Reply #156 on: August 20, 2012, 02:58:12 pm »
Wala ka sa helper ko dahil...

(1) Maliligo lang kung kelan nya gusto (babae sya by the way).
(2) Magsisipilyo lang kung kelan nya gusto.
(3) Kapag pinapagalitan mo, tatawa or kakanta-kanta pa pagkatapos.
(4) 5 minutes lang kung maglinis ng kwarto
(5) Kapag pawis, huhubarin ang damit, isasabit sa electric fan, tapos isusuot uli kapag tuyo na. Wala ng ligo-ligo yun.
(6) Yung karne ay sa mismong ref nilalagay katabi yung mga gulay or tubig (imbes na sa freezer ilagay).
(7) Kapag tulog na lahat ng tao, manonood pa ng tv sa sala ng nakahiga sa gitna ng sahig.

Hindi naman sa nanlalait ako dahil ako nirerespeto ko lahat ng tao, ano man ang antas ng buhay nila. Pero ngayon lang ako naka experience kasi ng ganyang klase ng kasambahay. Kaya nauubos yung pasensya at respeto ko. Diko alam kung sang kweba ba sya nanggaling eh. Nabalian pa sya ngayon actually kaya mas lalong naging walang silbi. Thankfully papaalisin na sya soon.

xxmiakaxx

  • Guest
Re: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)
« Reply #157 on: August 20, 2012, 03:22:16 pm »
@ Huntress Krystle

haha  grabe yan  Kasambahay mo ah  Saan Ice Age ba galing yan
di ko masabi kung masyado syang na titipid sa Sabon at  tooth Brush
pati pla sa tubig ....

buti naman at  papalitan na yan sis  mukhang ma ngungunsumi ka ng sobra dyan

Cocoyow

  • Guest
Re: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)
« Reply #158 on: August 20, 2012, 03:58:46 pm »
Naloka ko sa dating yaya ng baby ko..
Namili ako ng hard books na abc, shapes and kung ano ano pa..
Pinakita ko kay yaya, sabi ko yaya basahan mo ng abc si baby once in a while specially pag wala ako and pati ibang books na shapes...
Aba ang sagot sakin, mam hanap nalang kayo ibang yaya, teacher yata kailangan nyo e..
Paramg what!???! Kailangan teacher para makapagbasa ng abc, animals , shapes at kung ano ano pa na pang 4months?!
Edi hanap ako iba.. Hahaha yoko lumaki sa ganun baby ko..

Pretty_ava

  • Guest
Re: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)
« Reply #159 on: August 21, 2012, 09:39:21 am »
^hahaha ang taray ni yaya mo sis.

si yaya si ava, pagdating from divisoria nakakatuwa lang may pasalubong for ava...  love na love nya si ava, so happy!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close