Now lang to nangyari:
We have a driver na nagbakasyon last dec. sabi babalik siya ng 27th while we're out of town nila Hubby & dawtah. Pag dating ko sa bahay sabi ng mga kasamahan namin di pa bumabalik si Driver. so kami ni hubby worried baka nagkasakit o ano pa man so tiatawagan namin siya pero di sya nasagot ng phone until now pag tinatawagan ko ayaw sagutin ang phone.
Ang siste eh sa isang kasamahan namin nag sasabi ang mga conditiones nya.
1. Babalik daw siya pero di nya alam kung kelan. Kung makapag anatay daw kami good kundi hindi naman eh kuha na muna daw kami ng kapalit nya hanggat makabalik siya.
ME:
Kelan pa nagkaron ng batas sa business world na ang empleyado ang nagbibigay ng conditiones sa Amo? Di naman siya isang perfect driver para masabi kong mamamtay ako pag di siya ang magmamaneho ng kotse ko.
di rin naman siya psychic na pagsakay ko ng kotse alam na nya san ako pupunta. anong kailangan ko parang maging baldado ako pag di sya ang nagdala sa akin sa pupuntahan ko.
Antayin ko siya kung kelan siya pwede BAKET?

?
2. Pagdating daw nya here sa house gusto lang daw nya hatid sundo sa anak ko at wala ng iba.
ME: Ang pasok ng anak ko is from 8am to 4pm anong gagawin nya maghapon? magtotongits habang pinapasweldo? Pag uwi nya dito sa bahay eh siya pa pinagsisiblbihan ng 2 kasamabahay ko. Tatawagin siya para kumain. Di man lang makapaghugas ng kinainan nya. Manonood sa SKYCABLE, matutulog sa malambot na kama with libreng kunot at unan. Maliligo na gamit ang libreng sabon, shamppo at conditioner at papa swelduhin ko para lang sa isang pasadang hatid sundo araw araw?
No bazaar Weekends maghapon siyang nakakulong sa kwarto o nanonood ng tv.
3. Napupuyat daw siya so ayaw na nya magmaneho sa gabi pag may lakad kaming mag asawa.
No bazaar days Hubby, D and I don't go out often. pag weekends madalas kami nalang ang lumalabas walang driver kasi marunong mag drive si hubby at ako. WE wanted privacy. Siya nakatunganga maghapon.
Sometime 3 to 4 days a week nakatambay siya sa house, walang ginagawa kahit mag garden bihirang bihira ko siya makitang gumagawa sa bakuran namin. Isang beses lang ata nung bago palang siya.
Pag bazaar days (start ng sept) yes napapagod siya pero hindi lang naman siya kundi ako din na amo nya dahil ako din nagbubuhat ng gamit for short we are both KARGADOR pag bazaar days. After ingress nakatambay na yan antay ng 12noon kakain at tatambay na ulet. pagka egress karagador na ulet kami.
I just learned from the 2 kasambahays that he's mostly on the phone in most evenings kausap ang asawa nya. Kundi siya makatulog di ko naman ata kasalanan yun
Eto pa every alis namin ng bahay may pack lunch yan or di kaya basta alam naming aabutin kami ng 2hour or more we give extra money for miryenda or food. Napadalas nga ang Jollibee at Mcdo nya eh.
Tapos aangal pa?
Oh by the way may day time driver kami who comes 5days a week but goes home at 6pm dahil may 2nd job pa siya.
Sabihin nyo sa kin mga sis. Sobra ko ba syang pinapagod?

Making me galet!!!!