Hello mga sis, share ko lang ang experience ko living with my mom-in-law...
I've lived with them for almost 4 years, di pa kami kasal ni hubby nun, nung kinasal na kami saka pa lang kami bumukod. In general, hinde masaya makisama sa inlaws parang restricted ka sa galaw mo, tsaka hinde mo maf-feel maging reyna ng tahanan mo.
In 4 years, I'm proud to say na hinde kami ngkaron ng conflict ng mga inlaws ko believe it or not. "BUT" it took me a lot of patience living with them for 4 years until I decided enough is enough.
First, we stayed in a rented apartment & since kami lang ni hubby ko ang nagw-work, mas malaki ang share namin sa expenses. 80% of all expenses kami ang ngsh-shoulder, rent, meralco, nawasa, gasul, maid etc etc. And since konti lang naman ang share nila, maaksaya sila sa paggamit ng mga utilities.
Second, uuwi ako from the office after 8-10 hours of stressful work, just to see my mom-in-law na nakahilata sa room namin, ngpapaircon at nanonood ng tv. Alangan naman paalisin ko di ba, ang problema napakainsensitive di man lang makaramdam.
Third, pag may cravings ka sa food like ice cream, or gusto mong magpadeliver, di ka pwedeng bumili ng para sa inyo lang ni hubby kase parang ang damot mo naman, so laging para sa lahat pag namili kami. And guess what pag di mo kinain agad at pinatagal mo pa sa ref, baka ikaw mismo hinde makakain dahil inubos na nila.
Fourth, nakakailang tumambay sa sala, kase teritoryo nila un, hinde mo maf-feel na ikaw ang reyna sa tahanan mo. So ang ginagawa ko na lang nakakulong ako sa kwarto maghapon pag walang work.
Fifth, ang mother in law ko bungangera lagi silang nagaaway nung sister in law ko so magigising na lang ako dahil sa ingay nila, di man lang nila maisip na nakakahiya sa mga taong tulog pa.
Those are just some of the things na pinagtiisan ko nung magkakasama kami, and now kahit makita sila ayoko na.
Ang nagiisang advantage na naisip ko, hinde ko prinoblema noon kung ano ang uulamin for the day di tulad ngayon nakakastress magisip ng menu for my husband. Pero I'm enjoying it, finally I had my life back.