Author Topic: The Stress/es of living with your future in-laws  (Read 12520 times)

rjaye_2000

  • Guest
Re: The Stress/es of living with your future in-laws
« Reply #20 on: April 21, 2011, 09:36:17 pm »
Iniisip ko pa lang, natatakot na ako.. This is one thing na hindi ko madirecho ng sabi kay h2b. After the wedding, sa kanila kami titira. Siya and his mom nalang kasi ang nakatira sa house nila pero everyday, nagpupunta yung eldest sister niya dun kasama yung mga pamangkin niya. Honestly, hindi ganito ang pinangarap kong married life. Gusto ko sana kung wala kaming sariling house pa, nakabukod sana but the thing is, medyo matanda na yung mom ni h2b, and takot mag-isa sa house so ayokong lumabas na kontrabida. Isa pa, nag-iisang lalake si h2b kaya sa kanya "raw" ipapamana yung bahay nila. At isa pang isa pa, ayaw ng mga sisters nya na iwanan ni h2b ang mom nya. Ang dilemma ko lang, hindi ako sanay ng setup sa kanila.. I mean, pag weekends, sanay ako na nasa room lang, magcocomputer, magrerelax, pahiga-higa sa kama. Hindi ko maimagine yung sarili kong gumagawa ng chores sa kanila. Masyado ba akong maarte? I can do the dishes naman as long as pinagkainan lang namin ni h2b ang huhugasan ko, I can do the laundry as long as yung sa amin lang din. Nakakaparanoid kasi pag naiisip ko, pano pag nagkaron ng misunderstandings? pano ko masasabi yung mga gusto ko? hindi kasi minsan maiiwasan yung nakikialam ang in-laws, lalo na pag sa kanila ka nakatira.. :(

sis dhee-dhee - i can totally relate to this. difference lang natin sis eh si [textspeak!] halos makakasama ko sa house nila dahil si MIL eh sa Cebu nakabase. meron din silang 2 kasambahay. kaya parang di ko rin maiwasang mag-isip na baka maging uneasy din ako sa pagtira sa kanila.

I've been living with h2b for half a year now since their place is so big and once a year lang umuuwi here ang parents niya from abroad while his elder brother lives in a condo with his family and the eldest is just outside our village.  For almost 2 months now, in-laws are here na and I can say na paghihirapan mo in a sense na makikisama ka talaga kahit you already have a maid. I wasn't born from a well-off family kaya sanay din ako sa house chores kaya kapag times na merong gathering here sa bahay nila tumutulong talaga ako. After office, when  we get home at nakahanda na ang dining table, we eat dinner ng sabay-sabay (mom, dad, h2b and me, minsan kasabay ang maid). Then after, tumutulong ako magligpit kung minsan i'm doing the dishes na dahil si maid inaasikaso ang lola ni h2b na may alzheimer's na sa kwarto niya. This may not be every bride-to-be's dream pero I can say na it's a fulfillment on my end winning the hearts of h2b's family, lovedones especially his parents. Ganun din siya whenever we have a chance na pumunta sa side namin, susunduin niya ng car parents ko, etc.

It's a give and take relationship sisses. Kung hindi niyo pa kaya na bumukod, IMO, don't push for it. May bahay nga kayo na sarili pero the day-to-day living naman and expenses, kung hindi kayo short, sakto lang. Mas mahalaga na mapaghandaan mabuti.

After the wedding, tuloy ang ipon namin. Either for another car or a unit (may unit pang hinuhulugan si h2b for a family business condo near Abs-Cbn.)

Konting tiis lang sa simula. Parang ganito lang yan. Kapag nakitira ang hipag niyo or bayaw niyo sa bahay niyo, expected niyo din na makikisama siya ng maayos.  ;D

Be on your own. Educated naman tayo para malaman what's proper and what's not. Huwag lang over the top na pakikisama baka kasi isipin kaplastikan lang.. hehe..

nice comment, sis ruthie. ang plano namin ni h2b tuloy din ang ipon pero para sa business muna and din kung magtagumpay we'll buy a place of our own.  ;D

Beccanichard

  • Guest
Re: The Stress/es of living with your future in-laws
« Reply #21 on: April 22, 2011, 07:10:51 am »
virtual hugs and kisses to all the sises na may ganitong problem. As I always said to myself if anything negative will come into my mind is to look at the bright side, at least you will be with your husband, you can keep your promise naman to one another in any place, any time, or any scenario diba. Second of all if love your husband dearly, kailangan mahalin mo din ang mahal nya (family) it's like package deal he he he.

coni428

  • Guest
Re: The Stress/es of living with your future in-laws
« Reply #22 on: June 25, 2011, 08:10:37 pm »
Hello mga sis, share ko lang ang experience ko living with my mom-in-law...

I've lived with them for almost 4 years, di pa kami kasal ni hubby nun, nung kinasal na kami saka pa lang kami bumukod. In general, hinde masaya makisama sa inlaws parang restricted ka sa galaw mo, tsaka hinde mo maf-feel maging reyna ng tahanan mo.

In 4 years, I'm proud to say na hinde kami ngkaron ng conflict ng mga inlaws ko believe it or not. "BUT" it took me a lot of patience living with them for 4 years until I decided enough is enough.

First, we stayed in a rented apartment & since kami lang ni hubby ko ang nagw-work, mas malaki ang share namin sa expenses. 80% of all expenses kami ang ngsh-shoulder, rent, meralco, nawasa, gasul, maid etc etc. And since konti lang naman ang share nila, maaksaya sila sa paggamit ng mga utilities.

Second, uuwi ako from the office after 8-10 hours of stressful work, just to see my mom-in-law na nakahilata sa room namin, ngpapaircon at nanonood ng tv. Alangan naman paalisin ko di ba, ang problema napakainsensitive di man lang makaramdam.

Third, pag may cravings ka sa food like ice cream, or gusto mong magpadeliver, di ka pwedeng bumili ng para sa inyo lang ni hubby kase parang ang damot mo naman, so laging para sa lahat pag namili kami. And guess what pag di mo kinain agad at pinatagal mo pa sa ref, baka ikaw mismo hinde makakain dahil inubos na nila.

Fourth, nakakailang tumambay sa sala, kase teritoryo nila un, hinde mo maf-feel na ikaw ang reyna sa tahanan mo. So ang ginagawa ko na lang nakakulong ako sa kwarto maghapon pag walang work.

Fifth, ang mother in law ko bungangera lagi silang nagaaway nung sister in law ko so magigising na lang ako dahil sa ingay nila, di man lang nila maisip na nakakahiya sa mga taong tulog pa.

Those are just some of the things na pinagtiisan ko nung magkakasama kami, and now kahit makita sila ayoko na.

Ang nagiisang advantage na naisip ko, hinde ko prinoblema noon kung ano ang uulamin for the day di tulad ngayon nakakastress magisip ng menu for my husband. Pero I'm enjoying it, finally I had my life back.

glamorosa_09

  • Guest
Re: The Stress/es of living with your future in-laws
« Reply #23 on: June 28, 2011, 04:48:59 pm »
^wow bow naman ako sayo sis. In four years, natiis mo yun. Napaka patient at humble mo naman. Hindi ko kaya yung ganung set-up.

Ngayon nga one block away lang kami sa in-laws ko. Ok lang if once a week lang sya pumunta dito to visit her apo. Pero pag more than that, ayoko na. Ayaw kong lagi syang makita. Ok lang [textspeak!] ko, ka-personality nya hubby ko. Pero MIL ko, ayaw ko.

yes, we're living in their property. but we can always live naman in my aparment unit given to me by my parents. Si hubby dito gusto. Pero, we want to have our own house din, siguro, in two years time.

coni428

  • Guest
Re: The Stress/es of living with your future in-laws
« Reply #24 on: June 28, 2011, 05:53:36 pm »
^Yup sis sobrang laki talaga ng pagtitiis ko nun. Galing naman,  1 block away ka lang from your in laws tpos once a week lang sila pumunta sa inyo, samantalang sa amin we're living in Makati, yung in laws ko sa Cavite, pero once a week din magpunta dito sa bahay. Siyempre as usual mangongolekta ng rasyon, feeling donya kase ayaw magtrabaho kaya asa na lang sa bigay ng anak nya. Ang worry ko, we bought a house in Molino, e medyo may kalakihan yung bahay, baka mamya nyan, madalas siya magsleep over dun. Di ko kase masabi sa hubby ko na naiirita ako sa presence ng nanay nya, mahal na mahal nya un e, tsaka ayoko naman na yun pa ang pagawayan namen. Gusto ko sana kusa na lang maramdaman ng mother in law ko na hinde ko siya gustong nakikita. Possible ba yun o sadyang manhid lang sila?

glamorosa_09

  • Guest
Re: The Stress/es of living with your future in-laws
« Reply #25 on: June 29, 2011, 11:22:26 am »
^sis hindi nga once a week eh, madalas more than nun eh. Yung MIL ko, naramdaman nyang hindi ko sya gusto, pero hindi ko naman yun sinasadya, magalang pa rin ako sa kanya. Kaya after nun, hindi ko na makuhang ngumiti sa kanya, kasi alam na pala nya. Ayaw ko namang masabihang ngiting aso or plastic. Pero magalang ko pa rin sya iaddress.

Ako, nasabi ko talaga sa hubby ko na hindi ako comfortable sa presence ng mom nya at hindi ako nag-eenjoy pag andyan sya. Hindi ko nga rin alam kung bakit naiirita ako pag binubuhat nya baby ko, hays. Mahal din naman ni hubby mami nya, pero lumaki syang hindi close sa kanya at may issues (pero naaddress nya na yun). Kaya si hubby, mas nasa side ko. At tska history repeats itself lang. Yung MIL ko hindi nya rin gusto yung nanay ng [textspeak!] ko, kaya naiintindihan din ni hubby. Actually kahapon lang kami nagka heart to heart talk about dun.

Mahirap nga yang sayo, medyo risky, kasi mahihurt si hubby, nahurt ko din si hubby. Pero nagsorry ako, and told him, ganun kasi yung nararamdaman ko. Hindi ko naman ininflict sa sarili ko yun. I tried to like her even before we get married, pero hindi ko alam bakit ganun pa rin. Siguro sadyang pareho lang kami ng personality. Ayun sinabi ko kay hubby, para hindi kami laging labas ng labas. Good thing lang naintindihan nya ko kasi ganun nga din mom nya dati.

Hindi ko kaya yung ginagawa mong pagiging matiisin, gusto ko talagang ivocalize sa hubby ko. Grabe nuh, from cavite nagagawa nyang mag once a week. oo nga, may possibility na mag sleep over sya kasi layo pa ng uuwian ng MIL. Ay naku, good luck sayo sis.

sofabyou

  • Guest
Re: The Stress/es of living with your future in-laws
« Reply #26 on: June 29, 2011, 12:55:40 pm »
mukhang dapat pala ay mag-adjust na ako habang maaga pa. like our other sis here, I'll be living in MIL house after our wedding since bunso si hub-2-be and sa kanya na talaga ang bahay. ok naman kami ng mom niya, ang siguro need ko paghandaan ay iyong mga kapatid na malapit lang sa bahay, kase for sure kahit problema nila eh problema na din namin. knowing hub-2-be na matulungin. good thing napapag-usapan na namin habang nasa wedpreps and sabi ko nga ok lang as long as my limitation din. eh si MIL pa naman kapag nagluluto, kasama sa servings 2 kuya niya na nearby lang nakatira. kaya tiyak yung pamimilihin namin hindi lang pang-3 tao.  :-\

super bratinella

  • Guest
Re: The Stress/es of living with your future in-laws
« Reply #27 on: June 30, 2011, 02:45:03 am »
Nakaka stress talaga pag nakikitira sa inlaws although kahit walang gap parang ang hirap maintain ang good relationship lalo na kung hindi masyado magaling makisama ang wife..Mas ok talaga na tumira muna for the meantime sa mga parents or inlaws for sometime to get to know each other pero dapat bumukod din..hehe

When we got married nakitira muna kami sa inlaws ko for a few months then we move out right away din, kaso harap lang ng house nila ang apartment na nilipitan namin, kaya pag may times na busy ako, nag complain ang mga inlaws kung bakit hindi ko makuha pumunta to drop by sa kanilang house...so kahit lumipat na kami may nagagawang issue pa rin.

So now we move in to our own place medyo malayo layo na sa inlaws ko at least malayo sa issue kasi minsan lang magkita mas walang stress.. hehe

glamorosa_09

  • Guest
Re: The Stress/es of living with your future in-laws
« Reply #28 on: June 30, 2011, 10:03:09 am »
ay naku totoo yan... nakakastress pag madalas mo makita sa isang linggo ang in-laws mo. specially MIL. Like ko  naman [textspeak!] ko kaya no prob.

younis

  • Guest
Re: The Stress/es of living with your future in-laws
« Reply #29 on: June 30, 2011, 10:13:11 am »
mukhang dapat pala ay mag-adjust na ako habang maaga pa. like our other sis here, I'll be living in MIL house after our wedding since bunso si hub-2-be and sa kanya na talaga ang bahay. ok naman kami ng mom niya, ang siguro need ko paghandaan ay iyong mga kapatid na malapit lang sa bahay, kase for sure kahit problema nila eh problema na din namin. knowing hub-2-be na matulungin. good thing napapag-usapan na namin habang nasa wedpreps and sabi ko nga ok lang as long as my limitation din. eh si MIL pa naman kapag nagluluto, kasama sa servings 2 kuya niya na nearby lang nakatira. kaya tiyak yung pamimilihin namin hindi lang pang-3 tao.  :-\

hehe wait ka lang pag nagka-anak na kayo... kung ngayon di ka pa naiirita, pag may anak ka na, dyan na magumpisa yan hehe... good for you kung maging ok kayo pa rin kayo ng byenan mo, pero tingin ko out of 100 masuwerte na ang 10 na nagiging ok sa mga in-laws nila... =)

biro nga ng isang kaibigan kong single, pag sya daw nag-asawa, sisiguruduhin nyang ulila ng lubos har har har!
« Last Edit: June 30, 2011, 10:15:07 am by younis »

glamorosa_09

  • Guest
Re: The Stress/es of living with your future in-laws
« Reply #30 on: June 30, 2011, 11:04:03 am »
^sis totoo, ako nga naiirita na eh... huhuhu... kahit one block away lang kami sa kanila. Parang feeling ko gusto nyang magkaron ng active part sa buhay ng baby ko. Hindi ko pa alam how will I address that.

Dhee-Dhee

  • Guest
Re: The Stress/es of living with your future in-laws
« Reply #31 on: July 08, 2011, 08:04:09 pm »
coni: hi sis! karamihan sa nabanggit mo, naiimagine kong mangyayari sa akin. :( buti nakatiis ka ng 4yrs. galing! :) sana magawa ko rin yan. actually, ikakasal pa lang kami on august 6, malapit lapit na.. malapit lapit ko na maranasan yan, LOL! ang iniisip ko nalang, magpapakasal ako sa taong mahal ko, kaya kasama dun yung makisama ako sa mga taong mahal niya. kung sakaling dumating yung time na hindi ko makayanan, siguro saka nalang ako magdecide na bumukod kami. :)

bilib ako sa mga sis nating nagawang umalis sa puder ng mga inlaws nila! clap clap! :)

purplesassy

  • Guest
Re: The Stress/es of living with your future in-laws
« Reply #32 on: July 08, 2011, 10:32:16 pm »
Just got married last December and 7 months na ko nakatira sa inlaws ko. Actually compound yung house nila, kahit isang bahay kami may division so may sarili kaming space ni hubs, we have our own bedroom, restroom, sala , dining and kitchen kaya kahit papaano may privacy kami. Sanay din ako sa maid kaya kumuha si hubby ng sarili kong maid. Work from home din ako kaya dito lang sa bahay and buti na lang may division kase kung wala, di ko din gugustuhin na dito tumira, siyempre iba pa din yung may sariling space.

Mabait naman MIL ko, close sila ng mom ko kaya wala ako problem. Ang problem ko lang nun talaga eh di ako domesticated at wala pa sila maid, buti na lang I have my own maid na, 7 months pregnant din kase ako.

Sana tumagal ako dito LOL :)

Periwinkle25

  • Guest
Re: The Stress/es of living with your future in-laws
« Reply #33 on: July 08, 2011, 10:37:17 pm »
pajoin sis..ako din ikakasal on october..bunso si h2b so we're bound to settle sa house nila kasi sa kanya "daw" yung bahay.(with the catch na kami daw ang bubuhay sa parents niya when things get worse).nameet ko na mga  in laws to-be ko and i can say naman na love nila ako..kaso sometimes my mga bagay talaga na magkakaiba ng pananaw especially with MIL and SIILs..another thing, since bunso c h2b, minsan they're texting me kung kasama ko daw ba siya..haist..

the good thing there is ofw naman ako so yearly ko lang sila makikita..kaso by 2013, like na ni h2b na sa pinas muna kami..pero siguro weekends ko lang sila makikita kasi malayo naman work ni h2b from their house, nka-apartment siya ngayon..kahit medyo malayo pa yung pagkakasama namin, i made it clear ky h2b na like ko, we will have a place na amin talaga..kasi family house pa rin yun..plus sinabihan daw si h2b na if ever ipaparenovate yung house, yung 2nd floor and roof lang ang gagalawin..kaya sabi ko, hindi na lang namin gagalawin kasi mahirap talaga magdecide pag hindi pag-aari..im planning na mag-abroad na lang kami together ni h2b para peaceful ang life.mabait naman sila pero mas ok talaga kapag kami lang muna..

mommamymy!

  • Guest
Re: The Stress/es of living with your future in-laws
« Reply #34 on: July 09, 2011, 12:59:43 am »
My husband and I have been married for almost 4 months now. Before we got married, naghanap na kami ng lot para patayuan ng bahay namin, Kaso, sinabihan si hubby ng mom and dad niya na sa kanya mapupunta 'yung bahay kaya wag na daw kami bumili dahil sayang nga. So, in short, sa kanila kami nakatira. May division naman kaya everything from food to electricity, kami nagbabayad so technically, parang nakabukod din kami.

Wala naman akong problem sa family niya. As a matter of fact, feel ko naman na love nila ako. Si MIL pa nga nag-suggest ng maid for us kasi nakikita niya na pagod ako lagi kapag galing sa work tapos ako pa nag-pprepare ng dinner namin. Not to mention, buntis pa ako. Kaso, syempre, since ako 'yung bago, ako ang makikisama. Ingat ako lagi sa gagawin ko kasi syempre, ayoko naman may masabi against me. Medyo ma-criticize pa naman si MIL, hehe.

So far, may mga little things na akong napapansin sa family ni hubby na hindi kapareho ng sa akin pero okay lang naman, as long as hindi apektado relationship namin. Pero honestly, gustong-gusto ko na talaga magpatayo ng sarili naming house. Balak namin ni hubby, magpapagawa talaga kami ng bagong bahay pero malapit lang sa in-laws ko. Bahala na, okay pa naman kami eh. Pero marami na ring nagsasabi na, there can only be one queen living in a castle. Hay, tignan natin paglabas ni baby if ma-cchange ang POV ko tungkol dito. Sana wag naman kasi ayoko ng stress sa bahay. Stressed na nga ako sa work, stressed pa sa bahay.

Ah basta, okay kami ng family niya. For now. :)
« Last Edit: July 09, 2011, 01:19:23 am by mommamymy! »

super bratinella

  • Guest
Re: The Stress/es of living with your future in-laws
« Reply #35 on: July 09, 2011, 02:04:47 am »
When we are still living with my in laws, then after a few months we decided to move to an apartment just across their house, my in laws even convinced us not to move kasi sayang daw ang rent, malaki naman ang place tapos ang gastusin sa araw araw baka hindi namin kayanin dahil totally nakabukod na kami so baka mahirapan kami magbudget, then my [textspeak!] even said na dun masusubok ang pagiging housewife ko sa pagbudget ng daily needs namin mag asawa then I took it as a challenge, bumukod pa rin kami, since I really want to be the only queen of the house, and that my hubby and I can manage our family the way we want it to be.


Then when we are renting, we decided to get a house and lot, when we are planning to do that pinigilan na naman kami ng in laws ko at ang advise nila is to use the money that we have instead of getting our own house is to just share it to pay for their house and lot dahil sa hubby at kapatid din naman daw ni hubby mapupunta ang house, but I rejected the offer, sabi ko kay hubby na ang house and lot nila ipamana na lang sa kapatid niya and we will get our own place, good thing hubby understands me kasi naman that is reallly my goal na magkaroon na place that is really ours, kami ang nag invest.


I am happy with our decision, it is very fulfilling at kahit challenge kami financially dahil sa mga investment namin thankful pa rin ako dahil achievement lahat and we are learning everyday together. Sometimes others (others not all) chose to live with their in laws just to live the comfort financially (no rent, share sa electric bill etc) kahit na sacrifice ang privacy and family management.  Ang katwiran ko talaga is hindi mapapalitan ang privacy at ang comfort living freely and deciding and doing whatever you want na walang nakikialam.


glamorosa_09

  • Guest
Re: The Stress/es of living with your future in-laws
« Reply #36 on: July 09, 2011, 12:00:38 pm »
^wow sis that's also my goal.

Buti ok lang sayo na minsan pnipigilan kayo ng IL's mo when it comes to family decisions. Baka ako, hinigh-lood na ako nyan. I grew up free to make my own decisions, so hindi ako sanay nang may say ang IL's ko. Well, aminado akong hindi ako magaling makisama. Pag di ko trip, civil lang talaga ako.

Ok din kami ni MIL nung preggy pa lang ako, kaya lang nung dumating ang baby na-stress na ko sa kanya.

younis

  • Guest
Re: The Stress/es of living with your future in-laws
« Reply #37 on: July 09, 2011, 10:04:16 pm »
isa lang masasabi ko

"hindi talaga pwedeng 2 Reyna sa isang kaharian!"

har har har! kaya good luck ng bongga sa mga sisses nating kasama ang inlaws nila  ;)

purplesassy

  • Guest
Re: The Stress/es of living with your future in-laws
« Reply #38 on: July 10, 2011, 07:33:58 pm »
Ako din, not sure kung pano na mangyayari paglabas ng baby, malamang mawawala na privacy namin dito hay nako!

mikaela325

  • Guest
Re: The Stress/es of living with your future in-laws
« Reply #39 on: December 09, 2012, 04:20:45 pm »
I agree. There should only be one queen in a castle.

Kahit pa sobrang bait mil ko. I say sobrang bait kasi 2 lang anak nya both boys bunso asawa ko. Gusto nya palaging magkaka dikit kami ng sil at bil ko. They live in the province but if there's a chance they come here at sa amin sila natutulog. Kasi sabi ni mil di daw sila welcome sa sil ko.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close