We use cookies to ensure you get the best experience on FemaleNetwork.com. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.
Remember Me
Oops! Sorry!
A message has been sent to
johnjones@gmail.com
Click on the link in the email to set a new password.
Click on the link to activate your account.
Iniisip ko pa lang, natatakot na ako.. This is one thing na hindi ko madirecho ng sabi kay h2b. After the wedding, sa kanila kami titira. Siya and his mom nalang kasi ang nakatira sa house nila pero everyday, nagpupunta yung eldest sister niya dun kasama yung mga pamangkin niya. Honestly, hindi ganito ang pinangarap kong married life. Gusto ko sana kung wala kaming sariling house pa, nakabukod sana but the thing is, medyo matanda na yung mom ni h2b, and takot mag-isa sa house so ayokong lumabas na kontrabida. Isa pa, nag-iisang lalake si h2b kaya sa kanya "raw" ipapamana yung bahay nila. At isa pang isa pa, ayaw ng mga sisters nya na iwanan ni h2b ang mom nya. Ang dilemma ko lang, hindi ako sanay ng setup sa kanila.. I mean, pag weekends, sanay ako na nasa room lang, magcocomputer, magrerelax, pahiga-higa sa kama. Hindi ko maimagine yung sarili kong gumagawa ng chores sa kanila. Masyado ba akong maarte? I can do the dishes naman as long as pinagkainan lang namin ni h2b ang huhugasan ko, I can do the laundry as long as yung sa amin lang din. Nakakaparanoid kasi pag naiisip ko, pano pag nagkaron ng misunderstandings? pano ko masasabi yung mga gusto ko? hindi kasi minsan maiiwasan yung nakikialam ang in-laws, lalo na pag sa kanila ka nakatira..
Hi sis Beccanichard , di ba 2010 bride ka? hehe.. parang nakikita kita sa thread nun e.. I agree with what you have said. Kapag po kasi nagasawa na tayo, we are one. Meaning, kung sino ang mahalaga at importante sa buhay ni hubby ay siya ding mahalaga at importante sayo. Kailangan magtiis hanggang kaya o kaya we need to be very, very patient and so understanding kung hindi tayo mismo ni hubby ang masisira...Tama si sis Becca, matatanda na sila. Good thing if your h2b respects and loves them a lot dahil same din ang ipapakita niya sa sarili mong parents.