Author Topic: The Stress/es of living with your future in-laws  (Read 12504 times)

Dhee-Dhee

  • Guest
The Stress/es of living with your future in-laws
« on: April 16, 2011, 07:24:31 pm »
Iniisip ko pa lang, natatakot na ako.. This is one thing na hindi ko madirecho ng sabi kay h2b. After the wedding, sa kanila kami titira. Siya and his mom nalang kasi ang nakatira sa house nila pero everyday, nagpupunta yung eldest sister niya dun kasama yung mga pamangkin niya. Honestly, hindi ganito ang pinangarap kong married life. Gusto ko sana kung wala kaming sariling house pa, nakabukod sana but the thing is, medyo matanda na yung mom ni h2b, and takot mag-isa sa house so ayokong lumabas na kontrabida. Isa pa, nag-iisang lalake si h2b kaya sa kanya "raw" ipapamana yung bahay nila. At isa pang isa pa, ayaw ng mga sisters nya na iwanan ni h2b ang mom nya. Ang dilemma ko lang, hindi ako sanay ng setup sa kanila.. I mean, pag weekends, sanay ako na nasa room lang, magcocomputer, magrerelax, pahiga-higa sa kama. Hindi ko maimagine yung sarili kong gumagawa ng chores sa kanila. Masyado ba akong maarte? I can do the dishes naman as long as pinagkainan lang namin ni h2b ang huhugasan ko, I can do the laundry as long as yung sa amin lang din. Nakakaparanoid kasi pag naiisip ko, pano pag nagkaron ng misunderstandings? pano ko masasabi yung mga gusto ko? hindi kasi minsan maiiwasan yung nakikialam ang in-laws, lalo na pag sa kanila ka nakatira.. :(

kaice

  • Guest
Re: The Stress/es of living with your future in-laws
« Reply #1 on: April 16, 2011, 07:30:21 pm »
*hugs* dhee dhee.. from the start eh eto ang ayaw ko talaga. aside sa malayo ang house ni h2b sa office ko eh pinilit namin na magkaroon ng place of our own talaga. i am very independent kasi.. makipag usap thru text nga lang eh di ko ma-express ang sarili ko during the wedpreps eh yun pang wala akong control kasi di ko house yun.  maybe you should talk about it as a couple. maybe while you are saving up to have a place of your own eh make things clear, what are the expectations when you move in with them, who pays the bills, who does the chores, etc. then tell your h2b on how you feel and make a compromise that if things don't work, you will have to have your own place...

kaice

  • Guest
Re: The Stress/es of living with your future in-laws
« Reply #2 on: April 16, 2011, 07:42:34 pm »
sis! don't stress yourself too much muna... enjoy the wedpreps.. communicate properly with h2b and cross the bridge when you get there. baka di mo ma enjoy ang moments when you worry to much! we are always here sis! mwah!

Dhee-Dhee

  • Guest
Re: The Stress/es of living with your future in-laws
« Reply #3 on: April 16, 2011, 07:48:09 pm »
hay.. thank you sis! kayo na ang parang barkada ko.. :D wala rin ako ibang mapagkwentuhan. enjoy ko nalang din muna ang preps. tama, i'll cross the bridge when i get there.. goodluck sa akin :)

raven03

  • Guest
Re: The Stress/es of living with your future in-laws
« Reply #4 on: April 16, 2011, 08:17:03 pm »
^As much as it is easy to cross the bridge, I suggest you get the discussion regarding your "love nest" out of the way. Mamaya niyan you end up having a great wedding but a nightmare of a marriage dahil lang sa living arrangements.

How far away is your wedding date? May time ka pa ba to do "due diligence"? Survey mo yung bahay, yung rooms, yung set-up ng day-to-day living nila doon. Then deduce how you can make their arrangements work for you. Sabi mo nga mahilig kang maghilata, kung mukhang hindi mo na talaga magagawa, eh magsanay ka na na mababawasan yun. One of the sacrifices you gotta do when married.

Also, hindi lang naman kasi ang issue dito eh kung sa inyo lang na labahan/pinagkainan ang gagawin mo eh, hindi ba hassle din if kailangan mo magalaba, yet may naglalaba na. Bahay din nila yun, and of course, expectation nila ikaw ang lagi magbibigay. I assume, chances are, sabay-sabay din kayo kakain di ba? Hindi naman siguro maganda kung magkanya-kanya pa kayong hugas.

If you can, get a planchadora or labandera, then maybe you can make concession na idamay yung labahin ng mom-in-law mo (basta siya lang ha) at least parang you've done your part pero hindi ka maha-hassle ng husto. BTW, are you not getting a maid? And wala ba silang maid ngayon? Who's doing the household chores then?

So there, once you've decided what adjustments you can make on your own, kausapin mo naman si hubby on expectations that you have, unfair kasi na wala kang sasabihin na reservations mo ngayon tapos lalabas din sya kapag napuno ka na. If the ILs tend to watch tv on hubby's room which will be your future room too, ask him to consider na kung pwede eh i-lock na yung room, para may privacy kayo and tell him beforehand, you might discourage the kids coming into the room.

Basta find as many issues as you can, try to get them out of the way. And subtly hint that having to live with your in-laws is a favor on your part. Mamaya nyan super happy si hubby na okay na okay ka sa arrangement nyo in the onset, tapos surprise! surprise! ;-)

GeRi Sp!cE

  • Guest
Re: The Stress/es of living with your future in-laws
« Reply #5 on: April 16, 2011, 08:45:20 pm »
ang pag-aasawa sa umpisa lang yan mahirap. katagalan, pahiraap ng pahiraaap ng pahiraaaaap...just kidding sis. kaya mo yan. we are here to give you unbiased advice. :)

GeRi Sp!cE

  • Guest
Re: The Stress/es of living with your future in-laws
« Reply #6 on: April 16, 2011, 08:55:17 pm »
^ay oo. narinig ko nga din yan. lol

sexy_07

  • Guest
Re: The Stress/es of living with your future in-laws
« Reply #7 on: April 17, 2011, 08:04:54 am »
Naku! ako as much as possible ayoko talaga tumira sa mga inlaws ko. Ang dami ko kasing pakikisamahan. Ngayon pa nga lang hindi pa kami mag-asawa lahat ng sentiments and problem ng parents and siblings niya ako na nag a-absorbs. Hayst! Super nakakastress.

Since wala pa kaming sariling house ni h2b. Ang unang plan namin after wedding mag rent muna kami ng house/condo, kaya lang after 2-3 months alis na naman. Ako lang maiiwan! much better na sa house pa din namin ako tumuloy. Second plan, since saglit lang naman siya dito pwede muna dun sa kanila ng weekdays, advantage din for me kasi malapit sa work ko, and during weekends sa house namin. Tiis-tiis lang muna hanggang sa makaipon pampatayo ng house

Dhee-Dhee

  • Guest
Re: The Stress/es of living with your future in-laws
« Reply #8 on: April 17, 2011, 06:39:59 pm »
^hi sis! ako rin shock absorber ni h2b.. minsan pati ako naiinis na rin dahil sa inaabot nya sa siblings niya. pero ganun talaga, wala namang perfect family. :)

sad naman, after the wedding aalis si h2b mo? tama, sa inyo ka nalang muna pag weekends. ako rin balak ko pag weekends uuwi ako sa amin, kasi feeling ko mas makakapahinga ako pag dun ako sa amin, lol!

iamruthie

  • Guest
Re: The Stress/es of living with your future in-laws
« Reply #9 on: April 17, 2011, 06:52:29 pm »
I've been living with h2b for half a year now since their place is so big and once a year lang umuuwi here ang parents niya from abroad while his elder brother lives in a condo with his family and the eldest is just outside our village.  For almost 2 months now, in-laws are here na and I can say na paghihirapan mo in a sense na makikisama ka talaga kahit you already have a maid. I wasn't born from a well-off family kaya sanay din ako sa house chores kaya kapag times na merong gathering here sa bahay nila tumutulong talaga ako. After office, when  we get home at nakahanda na ang dining table, we eat dinner ng sabay-sabay (mom, dad, h2b and me, minsan kasabay ang maid). Then after, tumutulong ako magligpit kung minsan i'm doing the dishes na dahil si maid inaasikaso ang lola ni h2b na may alzheimer's na sa kwarto niya. This may not be every bride-to-be's dream pero I can say na it's a fulfillment on my end winning the hearts of h2b's family, lovedones especially his parents. Ganun din siya whenever we have a chance na pumunta sa side namin, susunduin niya ng car parents ko, etc.

It's a give and take relationship sisses. Kung hindi niyo pa kaya na bumukod, IMO, don't push for it. May bahay nga kayo na sarili pero the day-to-day living naman and expenses, kung hindi kayo short, sakto lang. Mas mahalaga na mapaghandaan mabuti.

After the wedding, tuloy ang ipon namin. Either for another car or a unit (may unit pang hinuhulugan si h2b for a family business condo near Abs-Cbn.)

Konting tiis lang sa simula. Parang ganito lang yan. Kapag nakitira ang hipag niyo or bayaw niyo sa bahay niyo, expected niyo din na makikisama siya ng maayos.  ;D

Be on your own. Educated naman tayo para malaman what's proper and what's not. Huwag lang over the top na pakikisama baka kasi isipin kaplastikan lang.. hehe..

iamruthie

  • Guest
Re: The Stress/es of living with your future in-laws
« Reply #10 on: April 17, 2011, 07:52:43 pm »
HI sis dhee-dhee! 

Thanks. If I may add also:

Don't expect everything to be perfect. May times super OK and you feel like you are so bonded with your inlaws, may times na may "mood swings" din sila just like you. Ikaw ang mas bata, ikaw ang mas nakakaintindi.  Isipin mo na lang, mahal sila ni hubby mo kaya dapat mahalin mo din sila.  ;D


natalia

  • Guest
Re: The Stress/es of living with your future in-laws
« Reply #11 on: April 17, 2011, 08:19:15 pm »
Ako din I'll be living with my in-laws when we get married. Dinedread ko din sya. Kaya naman namin bumukod pero mas makakasave daw kami if we stay with the in-laws first. Kaya ko pakisamahan inlaws ko. Hindi lang talaga ako domesticated. Sabi nga ng future MIL ko, "Sanay ka talaga ng may katulong no?" Sinabi ko talaga yung totoo na, Oo, tita, sanay ako sa ganun.   Para malaman na nya kung sinong pakakasalan ng anak nya hehe. Ayaw ko magpanggap. Mabuti na yung magkaalaman na.

Ideally, sisses, how long is too long to be staying with in-laws? Ayokong habangbuhay kami dun. Gusto ko din bumukod shempre.

ReservoirDogs

  • Guest
Re: The Stress/es of living with your future in-laws
« Reply #12 on: April 17, 2011, 11:11:52 pm »
Eto rin ang dilemma ko. :) I'll be getting married next year. H2b and I wanted to rent a condo, but his parents insisted na we live muna at their house para makatipid sa commute ni h2b.  Parents lang ni h2b ang nakatira sa house nila kasi his siblings are either married or living abroad.  Their house is pretty spacious; may main house and may small separate house na up-and-down where h2b stays to sleep (upstairs) or work (downstairs).  Wala nga lang kitchen or sofa sa separate room. 

Super nice ng parents ni h2b, pero I work at home kasi. I'm very uncomfortable na I'll always be at home while h2b is out.  Baka feeling nila puro hilata lang ako, lol.  May maid si h2b, pero nakakahiya naman hindi tumulong sa household chores. I know that when I get to live in h2b's house I need to help with the household chores.  I don't know, I'm still undecided.  We can afford to live on our own, but the problem is h2b is going to be posted abroad in 2-3 years from now (kasama syempre ako), so sayang naman if magrerent pa kami if we're leaving in 2 years time.

raven03

  • Guest
Re: The Stress/es of living with your future in-laws
« Reply #13 on: April 17, 2011, 11:22:13 pm »
^^Hi dhee-dhee, mukhang nagkikita tayo sa ibang thread ha! =)
O basta galingan mo ha, and its great that they notice naman pala the good in you, mahirap kasi yung puro puna, nakakapikon yung ganun lalo na kapag dindaan sa parinig, gayan kasi experience ko sa nanay ni hubby. Hahaha! Now you know my pinaghuhugutan.

Beccanichard

  • Guest
Re: The Stress/es of living with your future in-laws
« Reply #14 on: April 19, 2011, 08:58:54 am »
Iniisip ko pa lang, natatakot na ako.. This is one thing na hindi ko madirecho ng sabi kay h2b. After the wedding, sa kanila kami titira. Siya and his mom nalang kasi ang nakatira sa house nila pero everyday, nagpupunta yung eldest sister niya dun kasama yung mga pamangkin niya. Honestly, hindi ganito ang pinangarap kong married life. Gusto ko sana kung wala kaming sariling house pa, nakabukod sana but the thing is, medyo matanda na yung mom ni h2b, and takot mag-isa sa house so ayokong lumabas na kontrabida. Isa pa, nag-iisang lalake si h2b kaya sa kanya "raw" ipapamana yung bahay nila. At isa pang isa pa, ayaw ng mga sisters nya na iwanan ni h2b ang mom nya. Ang dilemma ko lang, hindi ako sanay ng setup sa kanila.. I mean, pag weekends, sanay ako na nasa room lang, magcocomputer, magrerelax, pahiga-higa sa kama. Hindi ko maimagine yung sarili kong gumagawa ng chores sa kanila. Masyado ba akong maarte? I can do the dishes naman as long as pinagkainan lang namin ni h2b ang huhugasan ko, I can do the laundry as long as yung sa amin lang din. Nakakaparanoid kasi pag naiisip ko, pano pag nagkaron ng misunderstandings? pano ko masasabi yung mga gusto ko? hindi kasi minsan maiiwasan yung nakikialam ang in-laws, lalo na pag sa kanila ka nakatira.. :(

his sis, dilemma talaga yan, big change sa buhay mo, lalo na sa routine nang buhay malaki ang magiging pagbabago. Pero sana set mo na yung mind mo na pag kinasal ka na, di na puro ikaw ang iisipin mo, kayong dalawa na nang hubby mo ang iisipin mo and remember sis sa isang palace iisa lang ang reyna and as long as you live under the roof your husband's mother susundin mo sya yun talaga and disadvantage nang di nakabukod. Peron sabi mo nga magisa lang ang mother nya, so might as well be with her on her last days sa buhay nya diba ang eto na yung pagkakataon mo na to bond nang mabuti sa family nang husband. Wag mo muna intindihin ang routine mo sa buhay, because you got married magbabago talaga yan. Like me dati ang mother ko ang nagaasikaso sakin lahat like laundry, food, etc pero ngaun nag asawa na ako, ako na ang lahat and enjoy naman kasi set na yung mind ko sa ganung scenario.

iamruthie

  • Guest
Re: The Stress/es of living with your future in-laws
« Reply #15 on: April 19, 2011, 10:09:28 am »
Hi sis Beccanichard , di ba 2010 bride ka? hehe.. parang nakikita kita sa thread nun e..  ;D

I agree with what you have said. Kapag po kasi nagasawa na tayo, we are one. Meaning, kung sino ang mahalaga at importante sa buhay ni hubby ay siya ding mahalaga at importante sayo. Kailangan magtiis hanggang kaya o kaya we need to be very, very patient and so understanding kung hindi tayo mismo ni hubby ang masisira...

Tama si sis Becca, matatanda na sila. Good thing if your h2b respects and loves them a lot dahil same din ang ipapakita niya sa sarili mong parents.  ;D

sweetscience

  • Guest
Re: The Stress/es of living with your future in-laws
« Reply #16 on: April 19, 2011, 10:29:01 am »
I am hoping na walang maging problem since only child si h2b at wala na dad niya.. at napag-usapan na namin na di din kami puwede magstay sa house nila kasi malayo sa work.. so magrerent muna kami habang nag-iipon pampatayo ng house sa lot ko na malapit lang din at katabing bahay lang namin compared sa bahay nila.. then weekends na lang kami uwe sa bahay niya.. FMIL also mentioned na uuwi na lang daw siya sa province at magpapatao ng maliit na house dun once na mag-asawa na kami.. yun di ko sure kung mangyayari, pero no problem naman with me.. sana maging ok at mag-work ang set-up na yun samin.. :) ayaw din kasi namin na malapit sa in-laws kasi mahirap nga yung ganun, iwas silipan na lang.. kasi diba hindi maiiwasan na mag-away in-laws even sa maliliit na bagay nasisilip pa..

Beccanichard

  • Guest
Re: The Stress/es of living with your future in-laws
« Reply #17 on: April 20, 2011, 08:33:03 am »
Hi sis Beccanichard , di ba 2010 bride ka? hehe.. parang nakikita kita sa thread nun e..  ;D

I agree with what you have said. Kapag po kasi nagasawa na tayo, we are one. Meaning, kung sino ang mahalaga at importante sa buhay ni hubby ay siya ding mahalaga at importante sayo. Kailangan magtiis hanggang kaya o kaya we need to be very, very patient and so understanding kung hindi tayo mismo ni hubby ang masisira...

Tama si sis Becca, matatanda na sila. Good thing if your h2b respects and loves them a lot dahil same din ang ipapakita niya sa sarili mong parents.  ;D

Yes sis iamruthie! I am a 2010 bride, hay naku may wedding hangover pa ako, good thing a lot of my friends are getting married this 2011 and 2012 so todo ang help ko sa kanila.

@ sis sweetscience it is a good thing na both of you will have an ample time pa para magipon. Sa totoo lang sis wala pa akong naririnig na naging 100% silang masaya nung nakatira sila sa in-laws nila (friends). Sabi nga ni Sis iamruthie tiis tiis lang muna di naman siguro forever yan diba.

carmichael18

  • Guest
Re: The Stress/es of living with your future in-laws
« Reply #18 on: April 20, 2011, 08:53:25 am »
ngayon pa lang medyo stress na ako pag nasa kanila, what more pa pag dun na kami tumira.. walang prob sa father nia, si MIL din naman okay, kaso minsan may pagka alam nio na.. only child kasi si h2b.. ngayon pa lang preps, dami ng pinapakialaman.. pero sabi naman ni h2b, ayaw niyang dun kami sa kanila, kasi kahit siya hindi niya minsan kasundo si MIL. mas gusto daw niya sa amin...

ReservoirDogs

  • Guest
Re: The Stress/es of living with your future in-laws
« Reply #19 on: April 21, 2011, 05:13:39 pm »
@sis Dhee, what have you decided na? :) Kasi pag umalis naman ako sa bahay nina h2b araw-araw, baka maging issue pa yun.  Baka rin magtaka mom ko na bakit ako naandito sa bahay namin everyday, lol. Hay, everyday na nga ako nagspespend ng time na naghahanap ng affordable condo.  I told h2b na gusto ko rin naman kasi ma-feel na maging wife, like ipagluto sya or kumain ng sabay. E feeling ko pag nasa bahay ako ng in-laws hindi ko magagawa yun syempre may katulong na sila na magluluto ng food. :D Problema naman kahit pasok sa budget yung pag-rent sa condo, hindi ganun magiging kalaki savings namin for future plans (like having kids, etc.). Kaya parang iniisip ko na i-reconsider yung pagtira sa bahay ng in-laws.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close