watch now

Author Topic: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6  (Read 79008 times)

MauiGS

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #80 on: April 13, 2011, 10:23:45 pm »
Aba, medyo lielow mommies dito... kakaiba!  :D
Pia, sasali kami ni B sa Cold Storage stroller chase yung event posted ni kaye last time hehe

RE: online shopping- Before ako nanganak & infant pa lang si dear daughter... naadik din ako dyan- amazon, babies 'r us, diapers.com, osh kosh, pediped etc pero pinapa-package ng sis ko from US to SG ngayon na meron ng shoes si B hanggang kinder (Exagg description lang ng asawa ko kasi mega-allowance talaga yung iba) behave na muna, baka next month na lang  :P hahaha

reb_woods072683

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #81 on: April 13, 2011, 10:51:01 pm »
mga sis, i need your opinion about my daughter's yaya.

Nagpaalam siya today na pupuntahan daw niya ang brother niya sa bacoor cavite para ibigay ang nbi clerance and sss niya. Pinapa apply daw kasi siya ng brother niya somewhere. Nagsabi na rins iya na aalis na siya sa amin but I told her na hintay muna siya ng kapalit bago siya umalis. So yun nga, hanggang ngayon wala pa sa bahay namin dahil tinanong ko ang hubby ko. Ang worst, nung nagtext ako dahil paalis na ako papuntang work, ang sabi hinihintay daw yung sup dahil may ituturo daw sa kanya. Super nainis ako. I feel na nabastos ako by applying sa ibang work while she is still working for us. Tapos, iniwan niya sa bahay namin ang gf niya na naghihintay din at sabi niya sa text na ang gf niya daw muna ang magbabantay sa baby ko habang wala pa siya! Super galit na galit talaga ako ngayon and I don't know if need ko siya kausapin bukas at kung ano ang sasabihin. Pinipigilan ko talaga magalit sa text at sine save ko para pag nagkita kame bukas paguwi ko. Help sis. I need your POVS.

liyapot

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #82 on: April 13, 2011, 11:02:34 pm »
ay ganyan din ako... i bought most of gianna's "i-stuff" online... babiesrus and ebay di pa ako marunong mag amazon non.... i sometimes i find amazon mahal...
regarding shoes naman.. di ako masyado bumili ng shoes pang baby online kasi tinatamad ako i figure out ang size ng paa ni gianna.. kasi maliit lang sya.. so ayaw ko yung pagdating ng shoes di kaagad masusuot kasi malaki LOL..
 panay sa mothercare ko binili yung shoes nya...sayang yung iba kasi hardly used.. yung iba kasya pa kaso soft soled sila..so walang rubber traction delikado na nya ipanglakad at ipangtakbo..
ang lagi nya ngayon nagagamit yung salt water sandals nya tsaka yung havaianas nya.. i recently bought her shoes na may flashing lights!!!
nakakita ako finally ng type ko sa payless sa festival! (syempre sumimple din ako ng para sa akin) ang cute.. brown and pink na may slight heel.. wedge type. (i know! too early for her) pero slight lang naman.. and nung sinukat namin keri nya! hala! lakad paroon parito.. paikot ikot sa bahay nakakatawa!

sa papabili ng propolis ointment po.. pwede PM nyo naman ako? para ready ko na yung list?

marose..
haaay! at least dispatched na ang old helper mo.. good riddance sa kanya..sya naman ang nawalan ng trabaho...

re taal...a

i guess the alerts are meant for the nearby towns in batangas where the volcano is.. ang layo ng tagaytay city
http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/regions/view/20100608-274578/Taal-acting-up-Phivolcs-raises-alert-level-to-2/

reb
lesbian yaya mo?
maski ako magagalit..kasi ayos ang pakikitungo mo sa kanya tapos mag aapply sya ng ibang trabaho.. so standby job ang pag yaya sa inyo.. tsk! kausapin mo na lang ng maayos..ang puso! ang wringkols

simplykristine08

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #83 on: April 13, 2011, 11:22:10 pm »
lisa, thanks. Pasensya na sa abala, palage :(

Pia, mother dear! Dati singapore airlines ako. Kasi wala akong makuha na emirates at cathay. Maganda plane nila, in fairness ha. Hehe. Naku, eto ha. Confirmed na ni hubby na yung friend nya (gf talaga to ng friend and officemate nya) ang kumuha ng pera. Binigyan si hubby ng confirmed booking tapos tinangay ang pera. Andito na yun sa Pinas eh. Manganganak na sya. I met her pa once, nung kinuha ko padala ni hubby. Ang kapal! May K pa mangamusta. Sorry, asar talaga ako! Sama ng ugali kasi. Magnanakaw! Ngayon, yung pang birthday ni K, yun muna gagastusin nya pambili ng tix nya para makauwi. So ewan ko pano gagawin namin neto. Hay. I was so into party planning kahit kapos ang oras at budgeted ang pera, sana wag naman sumablay at mapunta sa wala ang lahat.

liyapot

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #84 on: April 13, 2011, 11:30:08 pm »
oh no tin! sorry to hear that!
di ba pwedeng obligahin yung gf na ibalik ang pera?? di rin biro yon ha!?

lisa..
does zappos accept phil. issued credit cards?

simplykristine08

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #85 on: April 13, 2011, 11:47:59 pm »
Lia, nakakainis talaga noh! Paguusapan pa daw nila ng officemate nya pano mababayaran yung pera. Eh to think na next week na ang birthday ni K. Hindi nga sya makakauwi sa friday eh, baka sunday na. Hassle talaga ang ngyari. I'm so mad talaga na dahil dun sa ngyari napapahamak ang birthday ng anak ko. I don't have enough money din naman para ituloy yung party kung nagkataon. Grabe! Naiiyak ako for K :(

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #86 on: April 14, 2011, 12:30:00 am »
Lia, sasabihin ko nga sa pamilya ko na malayo ang taal warning sa tagaytay. i still want to go kasi. syempre kasi kasama nanaman si b at yon nga, diba kasi nas-senti ako na di ko na makikita ng madalas sisters ko kasi nga wala na house ng parents ko. feeling ko we need this bonding session eh. pero if ever naman ayaw talaga nila tumuloy, we're going to the spa and having dinner din naman this weekend.

zappos pwede philippine account na paypal. pag di paypal di pwede yata. paypal ako nagbayad. may gusto don ngayon para kay b nanaman syempre. this and this. stride rite and sale water. gusto ko talaga bilhin! di pwede!

napaisip ako sa sinabi mo about soft soled shoes. kasi lahat ng shoes ni b ngayon ganon. eh ang liit ng paa niya.  :( size 0-3 pa din eh 5 months na siya. may 6-12 months na shoes akong binili na syempre super laki pa sa kanya ngayon.

tin, tama ba intindi ko? yung friend na kumuha ng pera ay kakapanganak lang? basta buntis? napakagandang example niya sa anak niya kamo. kaya di umaasenso ang pilipinas eh dahil sa mga nanay na tulad niya. pero sabagay, baka dala din ng pangangailangan niya para sa anak niya. pero di pa din magandang example yon. sana masingil niyo yan.

reb_woods072683, kung ako ikaw, paalisin ko na si yaya. unang una, security breach ang pagpunta sa ng girlfriend niya sa bahay niyo. di niyo kilala, hahawak ng bata eh marunong ba. kung siya gagawa ng trabaho ng yaya, sabihin mo sa yaya di mo s-sweldohan sa araw na yon. at ayaw ko ng pinipilit magstay. kung ayaw eh di huwag. minsan nga lang mahirap kasi mawawalan ka pero kesa naman may mangyaring di maganda sa pagpilit sa kanya.

re online shopping - di lang ako sa ganitong klaseng shopping addict. lahat ng klase. kahit shopping na hindi para sa sarili ko, yun gsasamahan ko lang kunyari ang friend na bumili ng whatever, enjoy na ako don. pero ayaw ko talaga sa divisoria.  :( kakaibang high ang nararamdaman ko pag nagsh-shopping ako. hyper ako, mabilis maglakad (eh lahat ng taong kilala ako alam na mabagal ako maglakad at tamad ako maglakad), di ko napapansin ang gutom at wiwi, kaya kong bumitbit ng madami, lalakarin ko kahit malayo basta naka-comfy shoes ako.

simplykristine08

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #87 on: April 14, 2011, 12:41:34 am »
^ lisa, nakuha mo sis yung text ko? :)
Yes sis, buntis sya, due date nya ata next month. Grabe sama ng ugali. Tumpak lahat ng sinabi mo! Huhuhu.

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #88 on: April 14, 2011, 12:51:59 am »
Tin, yup nakuha ko. nagtext na din siya sakin and i replied na din.

anyone who has come across the cuppy puppy cake maker? nice din  mga gawa niya pero nicer pa din yung kay bunny baker. pero itong si cuppy puppy ean ko kung paano nakakauha n madaming good reviews yan kasi di sumasagot sa inquiries! 2x ako nagemail dyan last year for the binyag sana. walang reply. binigyan ko ng isa pang chance now, nag inquire ako ulit for the birthday, wala pa din. parang pumipili ng customer? nakakairita. pero kung ayaw niya eh di huwag. i'd rather pay good money to someone else who deserves it.

kay nadin naman na ako talaga, nag-inquire lang ako dito baka ok din ang prices. ok na ok naman sakin mga gawa ni nadined pero di ko masyadong gusto yung mga gawa nya na may face ng tao, like disney princesses.

Grayce

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #89 on: April 14, 2011, 01:38:46 am »
Night shift as always ;D

halos buong araw kami nasa labas ni baby ngayon. para akong nakawala sa hawla :P sa damit ako medyo nagwala this time. no cosmetics. mababatukan na talaga ako ng asawa ko ::)

tin, nakupo, pag sakin ginawa yan baka nasugod ko ng bongga yan. parang ako pa ang nagngitngit and nagalit for you eh noh... dibale, alam mo naman ang motto sa ganyan, hi tech na si tita carmi and obviously those people don't know that :P and i got you some samples pala. pm mo sakin mailing details mo :) wala lang akong anti ageing creme dito kaya wag masyadong magpadami ng wrinkles sa kunsumisyon regarding the plane ticket! ;D charing hehe :P

lisa, akala ko ba no gastos muna? ;D ang hirap magpigil noh? mas nagpipigil mas magwawala after e. why can i soooo relate... :-X

kim, yung stinging sensation, gawa ng vitamin c yan. after nyan you have to apply something pa after mo ipadry. kasi d cya moisturizing. another tip i got from kiehls.com is you squeeze a litle amount on your ring finger and rub it para painitin then before mo apply to activate the ingredients daw.

marose, ok lang no problem. napadala ko na pala :D and congrats sa bagong maid, hopefully mas ok yung new maid nyo. hirap talaga makahanap ng ok na kasangbahay nowadays. kaya i really prefer na walang maid and ako nalang kaysa sa mangunsumi ako.

grace, creepy naman, as in confirmed na kulam? :o i guess it really shows lang talaga na totoo ang black magic. pray mo lang safety nyo ni baby, ask for God's covering para hindi kayo mapahamak specially si baby :)

pia, malaki price diff ng powder/foundation sa duty free @ changi. nasa $67 lang ata yung bili ko ng matte lumiere and vitalumiere ko. yung lipstick d ko na maalala ang price. basta yung foundation, sa pinas it costs around 3k. and re: chika, PMed you :P

re: helpers, naalala ko tuloy yung helper namin sa pinas, mga major tamad yung maids kasi sa compound namin and my dad naman naaawa na palayasin, ultimo yung dogs namin di na nga marunong magalaga, d pa marunong magsabi kung may vitamins pa etc and all that then pati yung mga accessories ng dogs ko nawawala nalang ng parang bula. what ticked me off big time dun sa isang maid is nung umuwi ako ng pinas around august, okay pa yung isang dog ko (she had demodex) tapos nung umuwi ako my brother called and told me dinala na naman daw sa vet, only to find out na ubos na pala yung vitamins ng dog ko and ni d man lang nagsabi eh madalas ko iremind yun and i always ask din the maids! >:( sa lahat talaga ng ayoko is yung mga d na nga marunong magtrabaho, tamad pa >:( to make the story short, our dog died :'( kaya nung huling uwi ko ng manila as in kinausap ko talaga yung maid na yun, heck la na akong paki that time kung pagalitan ako ng dad ko or magsumbong cya sa dad ko. may pagka abusado rin kasi mga HH ng dad ko ::)

yapeegurl

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #90 on: April 14, 2011, 01:40:45 am »
Maui, anong chase yun? hahaha kakaaliw! pwede pa ba kami? :D 3 pala tayo nila shawie na may mga ate sa US kaya nakaka tempt talaga lalo na pag sale sa kanila noh?

Brendz, same question.. lalake yaya mo? sa akin naman, ok lang na mag apply sa iba while she's working with you given na meron paalam and meron time lang dapat.. hindi pwedeng sa oras na gusto lang nya. Compromise dapat.

Lia, ang cute naman!! naka wedge na agad ha.. hahaha.. isa ako sa papabili sayo.. wait, PM kita ngayon..

Tin, asar yun ah!!!! grabe kapit na sa patalim! sobra naman yun... ang sama sama.. considering na kaibigan ha... in dire need kasi siguro manganganak pero naman wag naman magnakaw di ba? working naman asawa nya eh.. hayaan mo ang party.. basta makauwi si hubby..

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #91 on: April 14, 2011, 01:44:41 am »
lia, yung seventh generation na dishwashing liquid na binibili mo yung free and clear ba? what size? may nakita akong 25oz and 48oz yata.

grayce, oo nga eh. nagsimula ito sa amazon gift card tapos nagj-justify na lang ako. shoes and happy baby lang naman. 4 pairs yung gusto kong shoes pero di ko mabibili yan lahat kasi di papayad si hubby so 2 lang don, yung kaya ng gift card.  ;D

pero yes, tama ka, mahirap magpigil. basta no big ticket purchases and wala na din yung minsanang trip sa mothercare tapos 5k agad. tapos unplanned pa. yon ang ayaw ni hubby na ginagawa ko. yan ang dapat di na muna gawin.  ;D
« Last Edit: April 14, 2011, 01:50:02 am by clueless »

Grayce

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #92 on: April 14, 2011, 02:29:15 am »
^aha! gumagawa ng dahilan! ;D bakit kaya sobrang can relate ako!? :P ;D parang gusto ko makisabit sa amazon na yan, pero behave dapat ::) pero ang sarap magbrowse around sa amazon! :(

speaking of online shopping, online shopping mode day 3 na ako :( trying to take advantage na meron akong friend na pupunta dito ng holy week so medyo namamakyaw kuno ako ng mga nursing tops and anything nursing paraphernalia na makita kong okay. so happy kanina i met up with this seller na binebenta nya medela swing nya for only $230 with 1yr warranty pa, she used it for barely a week lang daw kasi mas gusto nya yung freestyle. Nakatipid na rin kami ng mga $100 ni hubby for this. sterilizer nalang ang kulang :)

saw the playtex liners at takashimaya, parang ang flimsy pala nya... and kailangan ng madaming rubber bands or bag clips to secure it. so far i found nanny milk bags, and blue egg milk bags sa mga local blogshops dito. i might consider this muna habang wala pa yung friend ko but sinamantala ko narin magpahanap ng milk bags sa pinas sa parents ko para menos gastos if ever sa akin at ayokong manghingi sa asawa ko muna.


reb_woods072683

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #93 on: April 14, 2011, 02:35:05 am »
siya ay lesbian. her gf texted around 1am at sinabing nakauwi na daw siya. I will really talk to her tomorrow when I get home dahil I feel na nabastos talaga ako. o OA lang ako mag react? Ewan ko!!! Naku!!!


yapeegurl

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #94 on: April 14, 2011, 03:08:00 am »
Grayce, konti lang pala price diff sa clinique.. kasi $52 ata ang bili ko ng powder ko.. salamat sa PM.. mwaaah!

Brendz, ang late na ng uwi ah! 1am? para sa pag apply? Talk to her na nga.. dapat lang yun.

Grayce

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #95 on: April 14, 2011, 03:53:11 am »
^basta wag ka bibili sa mall nung powders, lipsticks konti lang price diff kung d ako nagkakamali. sorry epidural moment d ko maalala ???

^^di ka oa-han yan, bastos naman talaga yung sasabihin nya sayo na nagapply cya ng work tapos may trabaho pa cya supposedly sayo diba? kung naghahanap cya ng ibang work she should've been more discreet nalang sana hindi yung sasabihin pa nya sayo. kung sa corporate world yan, nakuuuu :P at talagang kinonnect ko sa office work? :o

marose, van, lisa, may question pala ako sa inyo re: breastfeeding. pahingi naman tips kung paano kayo nagdadala ng expressed milk pag lalabas, nagdadala pa kayo ng cooler? si hubby d ko alam kung excited or ano pero nagaatubiling bumili ng cooler pinigilan ko lang kanina kasi sabi ko sa kanya baka d naman kailangan. ??? and natry nyo na yung jingle jungle milkbags? are they good?
« Last Edit: April 14, 2011, 04:27:37 am by Grayce »

marose17

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #96 on: April 14, 2011, 06:03:29 am »
Pia, hindi ako sure sa prices ng Chanel sa Sg pero meron siyang site so check mo na lang.  Basta, mas mura talaga sa DF.  Sa DF dito, na galing daw sa Sg, mas mura ng at least P1000.  Ang laki, di ba?

Grayce, bale yung Avent ISIS duo pump ko, may kasamang tote bag na may 2 insulated milk bags na kasya ang bottles.  May cooling gel ice packs thingy din na nilalagay ko sa freezer tapos malamig pa rin ang milk pag-transport.

Yung Medela may cooler bag din and ice packs.

Puwede mo rin gamitin ang Playtex fridge to go - eto lagi kong nababasa. 

Puwede rin cooler na Igloo tapos buy ka ng blue ice pack at doon mo ilagay.

Re storing milk sa milk bags, huwag mo masyadong punuin kasi nag-eexpand pa siya when frozen.

Brendz, kausapin mo ang maid.  Dapat mahinahon pero firm. Hindi puwede ang inasal niya.

Tin, pagdating ni hubby, kausapin ang friend.  Kasehodang buntis siya.  Stealing ang tawag kamo sa ginawa niya. 

yapeegurl

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #97 on: April 14, 2011, 06:08:50 am »
Marose, dyan sa atin, magkano yung powder and lipstick na RA?

simplykristine08

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #98 on: April 14, 2011, 06:13:44 am »
Grayce! ngayon lang ako nakabisita sa thread. confirm na na hindi makakauwi si hubby sa friday :( nakakainis talaga. galit ako pero ayaw ko kasing ako ang mauna. pero kung ako lang, gusto ko ng sugurin noh! ako pa! lol. batang kanto lang. joke. nakakainis kasi yun. sobrang nagiisip ako kasi parang nakapalno na, tapos naaawa ako sa anak ko sa mga ngyayari. imbes na maluwag sana si hubby ngayong uwi nya, eh di kakapusin kame! ang mahirap nyan, hihingi ng tulong sa inlaws, ako pa ang masama. sige, will pm you my address. sobrang salamat sis ha! haha. kakahiya, pero kapal ko pa rin. LOL

Pia, mother dear! naku, nakakainis kasi nung ngusap kame ni hubby, kumbaga napasok sa option ang hindi nya paguwi on K's birthday. sabi nya, wag nalang daw kaya sya umuwi sa birthday, mga may nalang daw kaya kapag nabayaran na ng friend nya yung pera. sabi ko naku, hindi. i asked him if he wants na simple celebration nalang, like konting salo salo with family lang. ayaw nya, kasi nakaplano na at nakapangako na kay K. pero sakin, okay na as long as uuwi sya at magkakasama kameng maganak. pero sabi nya wag na ako kumuha ng photog, since hindi pa ako nagddown dun. so ako, sige ok lang. pero sabi ko kapag nagsponsor si cuz ng photog, grab ko na. imbes na clothes, toys or shoes. okay na sponsor nalang ng stuff na magagamit for K's birthday. sabi nya sya nalang daw ang kukuha, eh di wala sya madalas sa pics? ang akin kasi, yan nalang ang maaalala at makikita ni K. pero bahala na kung anong mngyayari, basta gusto ko lang magkakasama kame sa birthday ni K, simple man or yung naprep ko na. if ever kasi na hindi na magpaparty, magbabayad nalang ako ng parang 'loss' nung suppliers especially kay Nadine and Chocoheaven kasi nakakahiya yung abala ko din sakanila. Basta, i'll let you know.

Marose, gusto ko talaga sis awayin at gerahin! pero parang ayaw na ni hubby, basta mabayaran sya, okay na yun. what she did pa pala was, umutang ng umutang dun sa dubai. at yung mga cheke ng asawa nya ang ginamit, then tinakbuhan nya. so umalis sya ng dubai bitbit ang mga inutang at mga ninakaw nya. hindi nya inisip ang pangalan ng asawa nya na naiipit. sobrang panget na example talaga nya sa anak nya. Swindler!

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #99 on: April 14, 2011, 06:37:17 am »
marose, van, lisa, may question pala ako sa inyo re: breastfeeding. pahingi naman tips kung paano kayo nagdadala ng expressed milk pag lalabas, nagdadala pa kayo ng cooler? si hubby d ko alam kung excited or ano pero nagaatubiling bumili ng cooler pinigilan ko lang kanina kasi sabi ko sa kanya baka d naman kailangan. ??? and natry nyo na yung jingle jungle milkbags? are they good?

Grayce, when we go out, I bring my nursing cover and 1 bottle of expressed milk which I put in a thermal bag with ice packs. Madalas I nurse her directly.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close