watch now

Author Topic: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6  (Read 79102 times)

satumom

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #60 on: April 13, 2011, 02:56:07 pm »
naku kala ko maling thread napasok ko at about problem sa yaya halos hahahaha :)

sali din ako sa pobox :) kaso san ba titingin ng bibilihan? sa amazon lang? di ko pa na-try mag ganito e, virgin pa ko dito hehe.  pero sige sali din ako ng pagbili

grace, natakot ako sa kulam kulam.  Lahat din ng old clothes ko binigay ko kay yaya.  E parang may narinig ako na kinuwento nya before na meron sa kanila.

pia, mother papabili ako ng colgate mouthwash :)

jen, ano mga bibilihin mo? san ka nagtingin?

tin, naku excited ka pa naman sa pag uwi ni hubby sana bukas.  Naayos na ba nya? pano na sya uuwi?

going to tagaytay - delikado ba daw talaga? nagbabalak din kami next week e.  Ano ba ibig sabihin ng alret level 2?

redrose

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #61 on: April 13, 2011, 02:59:54 pm »
MauiGS - (how do I call you, Mau ba), sorry di ko na maalala sis. Pero wow na-check ko Kids Ave Print, meron nga!  ;D Thank you so much!  ;D

Grace - ako dati nung wala pa kame anak wala talaga HH na stay IN. I have stay out maid who cleans my house 2X a week. Laundry kase I can do it since Automatic naman ang washing machine ko. Cooking, I do it too kase ayaw ni hubby luto ng iba  ;) Even now, ako pa din cook, pero ang basic na prito - I asked my HH to do it. It was only in my last tri na nagdecide kame to get a stay In kase nga parating na si baby. Pero kung ako lang, ayaw ko ng HH (kung kaya ko lang). I have a friend who doesn't have a HH, pero nakakaya naman nya with 2 kids. Kaya ko din yan for sure pag nagsawa na ako mag-work. Pag mayaman na ako  ;D

Luz - wala pa nga ako maisip na bilhin sa dame ng gusto ko! ano ba yan! LOL! Pwede sa amazon sis, tingin tingin ka lang  ;)
« Last Edit: April 13, 2011, 03:12:26 pm by redrose »

liyapot

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #62 on: April 13, 2011, 03:21:49 pm »
as per my mom.. who is in tagaytay (they live there)
wala pong extra ordinary na nagaganap doon..except for the weather na malamig kahit na summer season na..malakas daw ang ihip ng hangin..

wala din silang nararamdaman na tremors, earthquake or aftershocks..parang usual lang daw.. we are going to stay there for the holy week.. panata na kasi namin yun every year na mag bisita iglesia

grace..
oo nga pala nabasa ko yan sa domestic thread...
hay.. nakakatakot..
pero di ba di daw tinatablan ang masamang damo?? eh masamang damo ako eh LOL..

online orders..
hay ako madaming naiisip bilhin..meron pa laman ang cart ko sa amazon hahaha..sa victorias secret din

yung current box ko inabot ako ng red box sa POBOX!! $50 value nung box... ang dami ko pala natipon.. haay.. puro vitamins din kasi ang laman.. at seventh generation na dishwashing soap

bumili ako ng trunki!!!!! on amazon.. wala lang.,. lagi ko kasi tinitignan yun sa SM.. mura sa amazon so i took the plunge mga 1k++ yata sya.. eh dito 2k++
tapos my sister in law bought tips for her cake deco stuff and edible pens haha..

MauiGS

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #63 on: April 13, 2011, 03:27:24 pm »
^^Si Maui po pala ako hehe
Parang ang ganda ganda no... nag-inquire ako sa kanila-Printavekids last month, yung package 3- P6,200 so parang ok na, gusto ko na lang sanang i-check yung materials na gamit sa output mismo :)

Sa mga pwede pong sumagot: Pano ba mag-order sa POBOX? Mag-issue sila ng US add sa'yo na magagamit mo on ordering online tapos sila na maga-ayos nun sa box na ipapadala sa PH address mo? panong charging?

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #64 on: April 13, 2011, 03:29:30 pm »
Grace, scary naman yan. Buti you're ok na.

We give old stuff to maids and farm workers. So far no bad experience naman. Pero these people have worked for my family for generations, mula sa lolo ko at mula sa lolo lolo nila. Minsan yung mga asawa nila na mga dayo (not from our barrio talaga) eh yon ang mga nagrereklamo about us pag pumasok sang maid samin. Wala kamin history kasi sa kanila. At alam naman natin may ibang maid talaga ngayon na ang yayabang.

Yung isa kong maid na pinaalis ko na nagkalat ng tsismis, sa galit ng mom ko pinapa-evict niya. They live on our land kasi.

Pia, uy thanks for the offer. Might take you up on that in case di matuloy tong pobox.

Luz, pwede ka magorder sa kahit anong online store na tumatanggap ng credit card natin. Amazon ako madalas pero natry ko na din ebay.com (if the seller accepts paypal), zappos (paypal din), old navy (pero phone order kasi US shipping using philippine card), fuzzibunz store. So far yan pa lang. Toysrus abd babiesrus dont accept our card.

So you order and pay using your card then have the items shipped to CA, don sa address ng pobox. Pag nakuha na nila yung items mo, pack nila sa box then you pay for the cost of shipping the box to manila tapos wait ka na.

Lia, pwede natin to gawin maybe once a quarter or so? Tapos eb na din para sa distribution ng goodies?

Weh. Di ako pwede mamili ng madami.

Jen, sige, ayusin natin details kung naghahati sa food. Yung happy baby puffs magkakaron daw si marcia eh pero yung melts hindi.

Yung green grocer sa beeconomic eh pre-selected na pala na veggies yung kasama don sa 600. Eh di ko naman gusto yung iba. Bibili na lang ako ng tingi. Baby carrots 1/2 kilo 32.50 lang. Para kay b.

She had steamed patatas with milk kanina. Nadamihan ang lagay ng milk, ang labnaw tuloy. But she liked it. I only have half an ice cube steamed per day para sa kanya. We steam it with the rice. How do i know if she's ready for more than half an ice cube?

I will order from green grocer baby carrots, squash, sayote for bianca. Then fruits for us na.

liyapot

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #65 on: April 13, 2011, 03:41:42 pm »
Lisa
Wag kang ganyan... Wag quarterly lol warakan ng budget yang gagawin natin na yan eh nakakatempt kasi sa totoo lang! Pero i like the idea na EB at distribution of goodies ha
Noon araw araw nasa ebay ako... Ngayon ayoko na!!! Lol

satumom

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #66 on: April 13, 2011, 03:46:59 pm »
thanks lisa :) complicated pala mag order online.  Ako kase pag sa multiply or ebay sellers tinatawagan ko na lang tapos deposit payment sa bank.  Hassle sa kin yung may mga forms na fill-up tapos may mga paypal na kailangang i-apply.  Ang tamad ko hehe :)  pero kung malaki ang difference sa pagbili abroad, syempre go na at i-consider.  Check ako sa amazon later.  Ay pano pala sis yung sharing ng pobox? sensya na ha, clueless din.  Dapat ata clueless2 ang name ko, same tayo daming questions sa mga bagay bagay :)

hi maui! long time no post :) kamusta na si baby mo and bday prep?

jen, gastos galore ulit hehe.

btw, 5 days delayed na ko (wiheeee!) pero naka dalawang PT na ko parehong negative :(  wala pa kong sinasabihan kase baka delayed lang talaga lalo ngayon na stress ako.  Sana pag dating ni hubby next week, good news ang ibigay ko. Cant help expecting na sana preggy ako, pero ayoko naman madisappoint ng sobra pag hindi pala :(  secret muna ha...nakakahiya pag negative.  Gusto ko lang may masabihan ng kinikimkim kong excitement :)

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #67 on: April 13, 2011, 03:56:26 pm »
Lia, as if naman may budget din ako kung quarterly. Hehe.

Eh kasi kung as needed naman, iba iba ang needs natin diba so ang hirap ng timing?

Ako madalas amazon, daming laman pa ng cart ko. Pero di din nawawala ang zappos sa akin. Shoes kasi!

May amazon, ebay at zappos apps ako sa iphone para madali magbrowse. Sa amazon pa pwede scan ko lang barcode ng item at hahanapin niya. Very useful mag nasa store ako and want to compare prices with amazon. :)

Luz, sa amazon naman gawa ka lang ng account then register your card, one time setup lang. :) paypal naman pag signup mo, register your card din pero may limit ang pwede mo charge. Iba ito sa credit limit ng card mo, parang ebay imposed limit siya as a security precaution kasi baka fraudulent transaction. Para mawala yung limit, they will charge P100 to you card. Yung merchant name na lalabas sa statement is paypal plus a 4-digit code. Use that code to very your card then tanggalin na nila limit tapos refund nila 100 mo. Parang proof lang na sayo nga ang card. One time setup lang din naman yan. Ang kaso lang sa paypal dapat yung email address mo na naka-register sa store (like sa amazon) should be the same email na naja-register sa paypal. Otherwise, di mo magagamit paypal to pay fir that purchase.

Madali lang promise. :)

simplykristine08

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #68 on: April 13, 2011, 04:00:01 pm »
Luz, congrats! Sana preggy ka na nga :) wiihhheee! Goodnews yan!

Pia, naku mother problema nga. Mukhang ginamit ang payment ni hubby nung friend namin. Bwisit diba? Nakausap ko na sya. Kapag wala daw update today, papabook na sya sa kahit anong airline kasi hinahabol nya ang birthday ni K. Pagbabayarin nya yung friend nya, dahil pinaghirapan nya yung pera na yun. Ano yun swerte nya? Kainis talaga! Irita ako. Kala ko pa naman magkakasama na kame sa friday. So, sana talaga. Pray pray nga ako eh.

Iniisip ko naman dahil mapapagastos si hubby ng malaki sa ticket nya if ever, baka kelangan namin magbawas sa birthday ni K. Hay. Problema talaga!

Grace, naku sis, mahilig ako mamigay ng gamit sa helper. Kahit dati pa, kasi dati akong medyo payat, so alam kong hindi na kakasya sakin, pinamimigay ko na. Nakakatakot yung ngyari sayo. Mom and iba kong cousins, nakulam at nabarang na din :(

MauiGS

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #69 on: April 13, 2011, 04:21:47 pm »
Hi Luz, Onga tagal kong hindi naka-post... hindi ko kasi mahabol ang chikahan dito hehe ok naman ang bday preps, basta booked ko na- venue, video, photog, caterer :) Finalizing pa kami ni Jacque tapos yung iba pang on the side hehe and most important- on budget pa so keribels!
Hayaan mo, kung time na talaga for a new gift (baby) magiging positive din yan... just wait ;)

Tin, hassle naman yang nangyari kay hubby mo... Feel na feel ko pa naman ang excitement mo sa muling pagbabalik hahaha Di bale, basta makarating siya in time for K's bday :) Yung nagastos na pera nyo, i'm sure mababalik din sa inyo yun

maui_chie

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #70 on: April 13, 2011, 04:28:35 pm »
Hello mommies! haba ng backread ko! my gosh! super busy dahil filing week na sa BIR!  ;D

Luz, wow, congrats!!hopefully preggy ka na...ako din delay, pero 1day pa lang..lols!

Tin, kaloka naman si friend ni hubby mo. (friend ba yun?joke!) anyway, singilin nyo na nga lang, sayang din ang money, especially pinaghirapan nya yun. btw, di mo pa nasend sa kin yung hinihingi ko.. :)

satumom

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #71 on: April 13, 2011, 04:38:58 pm »
thanks! naku feeling positive na at nag thank you LOL :)

lisa- susmiyo nanlaki mata ko sa dami ng mabibili sa amazon.  Di ko na nga tinuloy kase sigurado mauubos budget ko ng major major!  pero babalikan ko next month pagdating ni bonus :)  saka kita ulit tatanungin pag nagka problem ako.  Super linaw din ng explanation mo,galing! :)

mauiGS - naku dalawa pala kayong maui dito :)  ok naman ba si jacque? di na mahirap kontakin?  kunsabagay layo pa ng bday.  Galing mo mag budget ah, iwas na iwas ba sa thread ng kiddie parties?

tin,  tama si sis mau, di ata friend ang tawag dun.  Kakainis na may ganyang tao, same as pagnanakaw na din yun kase ginamit nya ng walang paalam.  Lalo pa na pang uwi ni hubby yun para sa bday ni K. 

mau, naka dalawa pala tayong expecting :)  consider na din natin si 1 day delay LOL

« Last Edit: April 13, 2011, 05:00:15 pm by satumom »

kimdimatulac

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #72 on: April 13, 2011, 04:45:38 pm »
lisa, game din pala ako sa hatian sa happy baby pero di pa muna masyado madami kasi di pa naman nagsstart magsolid si katie ngayon. baka mag-expire lang sakin yung iba. nagssolids na si bianca? ilang months na ba siya?

luz, pareho tayo. trying to veer away from looking at items online at baka mawala ako sa sarili, kung ano ano bilhin ko. never pa din ako nagattempt mamili sa mga online stores na yan aside from multiply and ebay.ph where i only have to deposit sa accounts ng sellers.:) i try to be liquid as much as i can.

pia, sige. message me when you go online at turuan mo ako. :)

van, okay yung P/V package mo. Pm me naman their contact details. tia!

grace, i got a sample of kiehl's line reducing/eye brightening kahapon. out of stock eh so the SA just gave me a sample together with the line reducing cream for the face. mukhang okay naman siya when i tried this morning pero meron nga siya parang tingling effect pagkaapply.
« Last Edit: April 13, 2011, 05:12:35 pm by kimdimatulac »

simplykristine08

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #73 on: April 13, 2011, 04:59:27 pm »
Maui, sis ano nga ulit yun? Mukhang nakalimutan ko na kaya hindi ko nasend sayo. Sorry :( medyo praning kasi ako these past few days kaya ganun.

Luz, friend talaga ni hubby yung asawa nun. Ewan ko bakit nagkaganun eh. Nakakainis talaga. Sama ng ugali kung sya nga talaga kumuha nun. Basta sabi ni hubs, kahit magkagalit sila ng kaibigan nya, dapat bayaran yun dahil pinaghirapan nya yung pera na yun.

Lisa, sa next box na ako sasali ha :) hindi na din ako kukuha ng flu vax, sabi ni pedia dapat nga daw maayos ang pagtransport nun. Sorry sis sa abala ha.

maui_chie

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #74 on: April 13, 2011, 05:03:16 pm »
Tin, yung address mo girl. :)

Luz, at talagang consider natin ang 1day ha..lols!

simplykristine08

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #75 on: April 13, 2011, 05:08:46 pm »
^ haha, loka ka sis! Sige sige. Text ko sayo. Onga pala, nakalimutan ko :)

marose17

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #76 on: April 13, 2011, 05:35:19 pm »
Hola girls!

True ba ang alert level sa Taal?  Gusto pa naman ni hubs mag-Tagaytay this weekend.  Day trip lang.  Mahilig kasi kaming kumain sa mga restos doon.

Kaya ako quiet, hindi ako pumasok because of our maid situation.  Si Yaya, bukas na ang uwi sa Iloilo, returning after Holy Week.  Si Maid, hindi pa rin dumating.  Anyway, all's well that ends well.  May nakuha na kong helper.  I hope okay siya.  To be honest, I've had all sorts of experiences with helpers at alam ko na lahat ng tricks nila sa book.  Like Lia, suki na rin ako ng thread na "Anong nakakainis na ginawa ng maid/yaya mo today?" 

Re online shopping, hindi ako mahilig.  Mabuti na lang. ;) 

Luz, congrats! Yup, friends na nga pala tayo sa FB. 

Grayce, hindi ako pumasok today kaya bukas na lang ako pupunta sa BDO ha.

Edited to add:  Nag-finalize na ko kay Gel Colet (Swell Sweets) ng Mickey Mouse Clubhouse cake.  Pasok sa budget ko ang nai-quote niya.  Goodbye muna to Bunny Baker.





« Last Edit: April 13, 2011, 07:40:53 pm by marose17 »

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #77 on: April 13, 2011, 07:39:32 pm »
Luz, pwera usog. Congrats. Plano nyo na ba talaga sundan si y? Malinaw ba explanation ko kahit madaming typo? Hehe.

Last year lang ako nagstart nitong online shopping sa US. Mas mura kasi don ang mga baby stuff. Like yung avent isis duo ko nga $182 lang bili ko sa amazon eh 30k+ dito yon. Dito pa lang sulit na yung $70 shipping fee ko diba?

Kim, b turned 5 months old last saturday. She started solids last week, gave her kamote. So far, so good naman. The pedia said to watch out for some signs eh ok naman so we tried. If ever naman we get happy baby from amazon, matagal pa ang dating kasi 45 days for the box to get here.

Tin, ok lang about the flu vaccine.

marose17

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #78 on: April 13, 2011, 07:53:43 pm »
Van, what happened with your mom?  Bakit hindi mo na tinuloy ang dinner plans for your birthday?

yapeegurl

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 6
« Reply #79 on: April 13, 2011, 09:41:52 pm »
Ate luz, nako sana sana talaga preggy ka... feel ko na gusto nyo na talaga..

Tin, goodness! bat ginamit ang pera? ang hirap ng ganyang di mapagkakatiwalaan sa pera.. Try mo din Singapore Airlines.. May sandali na stopover dito sa SG pero mura pa din sya compared sa emirates.

Maui! long time no post.. ano na pinagkakaabalahan ni B ngayon?

Ok ba si Leodini as magician? Sya ang nirecommend ni Party Time kasi.

Kim, yun lang side effect ni kiehl's.. kelangan light application lang talaga ata.. else, susugat ka.. ganon nangyari sakin..

Marose, namiss ko posts mo today.. yun pala si maid issue at naka leave ka pala.. Buti ka pa nakakakuha agad ng maid.. via agency ka ba? Nilagay ko na sa notepad ang mga recommended items mo for Chanel.. around how much ba iyon para alam ko na magkano prepare kong money.. sa DFS ako dito sa SG bibili.. kaya inaagahan ko pumasok sa airport para makabili.. hehe.

Re: Online shopping.. I was hooked up for a while lalo na nung infant pa lang si kyle.. amazon and ebay SG naman ako.. pero after he turned 1yr old at sandamakmak na ang gifts, I finally stopped.. very seldom na lang unless wala talaga mabili sa market dito.. like ang Sperry and Burt's bees.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close