Weng, leave ako sa friday at work from home si mike. Grado yung headphones na binili niya.
Jen, may bibilhin ka na ba soon?
Re maid na nagkakalat ng kung ano ano paguwi, biktima din ako niyan.
Yung 2 na maid ko dati yung isa no read no write ang hirap bigyan ng instructions, engs talaga, sorry. Yung isa naman may pagkabastos. At habang kumaian kami pupunta sa sala at io-on ang tv tapos uupo sa sofa. O diba. Pianuwi ko sila. Nagkalat ng tsismis na grabe daw ako magalit at nagugutom daw sila at eto ha, bored sila!
Eh kung kumain parang construction worker, ga-bundok ito. So ordinary bigas ang kanila. Ang kanin ko sa isang buong araw eh isang meal lang sa kanya o baka nga less pa. Alangan naman jasmine rice din pakain ko diba. At ang lakas sa tubig. Alangan naman wilkins din painom ko diba? So may sarili silang drinking water at bigs. At eto pa. Gutom daw eh ang daming biscuits dyan - mga rebisco choco sandwich, hansel, hi-ro, cream-o, mga ganon. With juice pa ha, yung malalaking powder juice sa s&r ang binibili ko at more than 1 flavor para may variety. Tapos nagugutom sila!!!! At bored daw! Sa hapon kasi wala nang masyadong tarbaho so minsan natutulog sila. At sa gabi nga habang nagd-dinner, nanonood ng willing willie! Sa sofa. Naka cross legs pa yan manood at ang lakas tumawa. Tapos pag kailangan ko ng tubig, sasabihin pa teka lang at aantayin mag commercial. Jusme talaga.
I agree din that we need treat to them well pero sa akin, somehow they need to know their place din. Binabayaran ko sila para magtrabaho.
Nung narinig nung mga matagal nannaming workers yung tsismis na matapang daw ako at nagugutom daw sila, dinefend naman ako. Sabi bakit daw sila ilang years na sila sa family ko di naman ganon. Siguro daw may ginawa siyang hindi maganda kaya napapagalitan. Ayon. Ewan ko ba.
Sa farm ang food namin noon pag lunch ay same ng food ng farm workers. Kung gulay lang, gulay lang. Kung sardinas, sardinas. Naaalala ko pa ayaw ko kumain ng sardinas noon. Pinalo ako ng daddy ko. Eh yon pa naman pag namalo, pag lalo kang umiyak, papaluin ka ulit. Eh paano ka titigil umiyak eh ang sakit ng palo diba. Mula non kumakain na ako ng sardinas. Hehe. Pero pag dinner, nanay ko na nagluluto non kaya iba na food namin. The most number of maids we've ever had was 7 plus gardener pa and boy pa and driver pa. So iba talaga ang food nila!
Now my maid and yaya eat the same as what we do kung ang food ay mga tipong adobo, sinigang, ganon. Pero pag steak or roasted chicken, or lamb chops, kung konti ang tira, ipapakain na sa kanila. Pero kung madami pa, pwedng namin ulitin. Kung walang tira, theybhave gulay or delata. Yung wow ulam na delaye, gustong gusto nila yon. Yon ang fallback ulam nila in case wala kaming tira. Minsan kasi ang sarap diba? Or like pag porck chop or fried chicken, i ask them to cook lang yung enough, 1 each kami. Ayaw ko kasi ng reheated na fried food.