watch now

Author Topic: SEAMAN / OFW: lagi na lang sinasabi mapera  (Read 78383 times)

jetbastes

  • Guest
Re: SEAMAN / OFW: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #120 on: October 14, 2011, 08:18:24 pm »
Tama yan nasa subject. Mahirap kumita ng pera sa abroad. Lalo na kung magiipon ka para sa kinabukasan. Kung makakapag ipon ka, mas maganda kung tangible sya tulad ng bahay atbp.

babyrose

  • Guest
Re: SEAMAN / OFW: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #121 on: November 18, 2011, 01:37:51 pm »
pajoin po..

@jenybasti: naku sis dami din ako kakilala na ganyan problem sa side ng husband. kausapin mo na lang si hubby mo na since may family na siya, dapat kayo ang priority. okay lang tumulong sa family nya basta hindi kayo kinukulang. :)

pastelpinkchic

  • Guest
Re: SEAMAN / OFW: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #122 on: November 22, 2011, 12:13:44 pm »
I know right? Ewan ko ba. Haha.. Tho I don't have any relatives na seaman. That's what I have observed from some people however. :D

pinkberries

  • Guest
Re: SEAMAN / OFW: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #123 on: November 23, 2011, 12:31:03 am »

mapera naman talaga sila, it's just how they spent their money lang that drains their savings fast.  kung masyadong mataas ang sweldo, mas madalas marami din ang binibili agad ng (condo, pagawa bahay, car, mamahaling gamit etc) and minsan, sabay sabay lahat yan.   marami din ang aasa pag may naka-abroad sa pamilya.  may nakita akong documentary sa tv, kahit DH lang, buong pamilya niya umaasa.  pero syempre, happiness nila yon.   maswerte pa din sila because they were able to earn that much, compared to people who opted to work here sa pinas na malamang P12K ang minimum. 

mdy

  • Guest
Re: SEAMAN / OFW: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #124 on: December 14, 2011, 10:51:31 pm »
Hindi naman lahat ng OFW automatic mapera na. Siguro tumaas ng konti yun standard of living pero that also means na tumaas din yun cost of living/expenses. Depende din siguro sa work ng OFW. Kung nurse ka abroad, most specially sa US, Canada or UK, oo naman. Bonggang-bongga mapera na. Lalo na kung matipid and financially-wise yun tao. But the problem with most relatives, ugaling-talangka. At dun sa mga relatives na ganon dapat maging wary ang mga OFW/seaman.

besmail23

  • Guest
Re: SEAMAN / OFW: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #125 on: December 20, 2011, 02:12:09 am »
ang mahirap pa sa pagiging asawa ng seaman... lahat ng kelangan ng mga magulang ng asawa mo at mga kapatid... lahat naka depende sa nag se-seaman..... kahit na me sariling pamilya ang seaman... sustendado lahat ng mga kamag-anak...  :-[..... hindi mo tuloy alam kung kelan matatapos ang responsibilidad ng isang seaman.... kaya kelan mo masasabi na mapera ang seaman/ofw kung lahat ng kapamilya mo e nasa balikat ng seaman lahat....  :-[

babyrose

  • Guest
Re: SEAMAN / OFW: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #126 on: December 20, 2011, 11:29:21 pm »
agree ako dyan sis besmail23! :) pansin ko din yan, kapag may inaasahan kasi na OFW/seaman ang dami din ng naiisip na pagkakagastusan ng mga kapamilya kahit hindi na ganun kaimportante..to think na sa barko ang hirap ng buhay, hirap kitain ng pera..kung makagastos ang mga kapamilya kala mo pinupulot lang ang pera! :(

skyrimgal

  • Guest
Re: SEAMAN / OFW: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #127 on: December 06, 2012, 11:24:23 pm »
at yung mga pinapabili ng relatives eh yung mga mahal din kahit sa ibang bansa like iPad, laptop, jordan etc. nakakalukaret. akala nila mas mura sa abroad yun? eh ganun din presyo, i-convert lang ang currency. lol

and i agree, hindi lahat ng OFW/Seaman mapera. depende rin sa sweldo nila.

Myealexis21

  • Guest
Re: SEAMAN / OFW: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #128 on: December 12, 2012, 06:54:39 pm »
I think its how you handle your relatives... 8yrs na akong abroad pero ni minsan walang lumapit sa aking kamag-anak para mangutang, or magpalibre or manghingi ng pasalubong.  My parents were OFW din nung kabataan nila at bilin nila sa akin never daw dapat sanayin ang mga kamag-anak sa pasalubong at libre-libre, kase kapag nasanay at wala ka nang maibigay ikaw pa masama at madamot.

Never kong diniscuss ang sweldo ko sa kanila kaya siguro since sa office lang naman ako nagtatrabaho hindi din ganon kalaki ang expectation ng mga kamag-anak ko sa akin... and I leave it that way, di ko sila ikino-correct sa akala nilang yun :)

Saka may pagkasuplada rin kase ako...and most of all I don't care kung masabihang madamot or kuripot.  I know myself, and I am quite generous to people who I value and love - that is my immediate family and a couple of uncles who have been with us during tough times.  Thankful naman ako sa kanila kase they never ask so much from me, walang bilin bilin about pasalubong.  Basta makauwi ako ok na sa kanila.  Kaya lalong ang sarap pasalubungan kase they don't expect anything extravagant from me.

Lastly, simple lang ako kase and tahimik.  Di ako show-off with things I have.  And I don't post so much sa facebook about my lifestyle. 

rkempis

  • Guest
Re: SEAMAN / OFW: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #129 on: December 13, 2012, 07:56:38 am »
 

oo nga d naman lahat may mga sinuswerte siguro pero d kami kasama dun. ganyan din ang nararanasan namin ngayon lalo na at andito na rin ang asawa ko sa jp. pero d pa rin sapat ang kita naming dalawa. at d maintindihan yun ng mga tao sa pinas.. bat kaya ang kikitid ng utak nila  :-\


dumadating pa kami sa point na nagpapautang kami jan sa ph pero ang unang isasagot eh "bat ka pa mangungutang eh nasa ibang bansa naman ang anak mo" ganun ba dapat yun porket nasa ibang bansa d na pwedeng mangutang.. nakakastress ang mga taong ganyan  >:(

nikki09

  • Guest
Re: SEAMAN / OFW: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #130 on: January 21, 2013, 04:27:12 am »
Hay naku, parang 5 years na naming struggle ni h2b yung mga tita nya  :'(

Imagine 6 years ng seaman si h2b eh wala pa sya masyadong ipon. Last year lang sya hindi nahiritan ng mga tita nya kasi sinabi na nyang bibili na kami ng future home namin. The other years, hay naku puro iyak na lang ginagawa ko, kesyo yung lupa daw nung mga tita nya eh baka daw makuha ng bangko o maremata kaya yun may apat na siyang lupa sa probinsya nila pero hindi pa nalilipat sa name nya kasi sabi ng mga tita niya eh sya na dapat sumagot sa gastusin for transfer of title  :o

Instead na pambili sana namin ng bahay, nawala pa. Landing namin pre-selling townhouse na 18mos to pay yung downpayment tapos bank financing after, turnover date mid 2014 pa. Ang daming RFO townhouse na mas okay ang location pero wala naman kaming malaking cash on hand. Gagapangin at pagpapawisan pa namin yung pang down payment ng bahay plus yung pang kasal pa namin.

Ang gastos pa ng trainings and reviews nya. Sana matauhan naman mga tita nya  :-\

little_princess

  • Guest
Re: SEAMAN / OFW: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #131 on: January 24, 2013, 09:57:42 am »
my hubby works offshore in an oil vessel and there are a lot of pinoy crew there. he said that some of them maskina cook or deck hand lang, complete with iphones, ipads, laptops, nice clothes. i think this is a testament that they can afford it kasi salary wise, they are earning much more than the average pinoy. but it will all depend on how they spend or save the money that they earn.

fionnah325

  • Guest
Re: SEAMAN / OFW: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #132 on: May 06, 2015, 03:10:57 pm »
oo nga mga sis eh akala yata nila pag partner nasa ibang bansa..anyway sana po okay lang sa inyo na nakipost po ako dito baguhan lang po kasi ako dito eh

AVIDGOLFER

  • Guest
Re: SEAMAN / OFW: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #133 on: June 07, 2015, 08:07:29 pm »
oo nga mga sis eh akala yata nila pag partner nasa ibang bansa..anyway sana po okay lang sa inyo na nakipost po ako dito baguhan lang po kasi ako dito eh

Wow ha baguhan ..LoL ..pero naka 268 post ka na so di ka na baguhan...

Anyways......Ganyan talaga ang mentality ng pinoy pag nasa abroad eh kala nila nagkakamal na ng maraming pera pero di lang nila alam na naghihikahos din ang tao sa abroad mapa seaman o OFW pero meron din naman nasa abroad na nakaka angat ng buhay kahit papano.

Pero sa Seaman na kapag nasa Officer level ka eh mataas talaga sweldo at hindi yan maikaka ila compared sa AB Seaman na mababa di hamak ang kita.

fionnah325

  • Guest
Re: SEAMAN / OFW: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #134 on: June 08, 2015, 08:32:49 am »
^ tama ka....hala eto kasi yong unang natry ko magpost eh sa thread na ito bago ako nakicomment sa ibang thread at gumawa ng sariling topic ko...


jesusadusa

  • Guest
Re: SEAMAN / OFW: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #135 on: June 10, 2015, 05:52:38 pm »
hubby's an OFW.  komo malaki sahod ang dali dali nya magpa utang ng mga kasamahan.  at masaklap pa dito, tinatago nya sa akin.  nagsabi lang nung hindi na sya binayaran.  at hindi pa rin nadala.  his reason was sila sila na lang daw kasi magtutulungan dito.  sinabihan ko nga na kaya ka nag abroad para sa pamilya mo.  hindi para tulungan yang mga taong di mo naman ka ano ano.  eh mga bilmoko naman mga pinapautang.  daig pa kaming pamilya nya sa mga gadgets.  imbierna!  ewan ko kung hanggang ngayon utangan pa rin sya ng bayan.

snowberry

  • Guest
Re: SEAMAN / OFW: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #136 on: June 13, 2015, 04:02:04 pm »
^ how about if you suggest na kumuha kayo ng something where you can invest your money at budgeted talaga para hindi siya basta basta magpautang.

vocalista

  • Guest
Re: SEAMAN / OFW: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #137 on: August 01, 2015, 03:42:50 pm »
Sissy... Pillows14gurl... ask ko lang kung saang company nag wo-work [textspeak!] hubby mo?? my fiancé is planning na lumipat another company kc.. thanks in advance!

lovely_carrot

  • Guest
Re: SEAMAN / OFW: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #138 on: August 01, 2015, 05:38:26 pm »
Hahaha its true for seaman though. Talaga namang mapera KUNG nagiipon at di magastos. May daughter's dad is a seaman usually ang uwi nyang pera kada bakasyon nasa 200K plus pero laging ubos, bakit? E di marunong maginvest at magipon e.. Up to now wala syang house na hinuhulugan meron lang sya brand new na motor and a fee gadgets.. I keep telling him to invest like to get a house for himself or his mom at least yung may napupuntahan ang sahod pero wala pa din sya property. I can only do so much, the rest is really up to the OFW

girlush

  • Guest
Re: SEAMAN / OFW: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #139 on: October 13, 2015, 12:25:13 am »
Hi mga sis,
My advice lalo na sa mga may relatives na seaman at wala pang ipon, don't wait until it's too late para magstart mag save.

Thank you sis for this. Share ko to kay boyfie.
hindi naman talaga habang buhay na sakay barko.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close