watch now

Author Topic: SEAMAN / OFW: lagi na lang sinasabi mapera  (Read 78424 times)

whitelady17

  • Guest
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #100 on: July 14, 2011, 12:52:54 pm »
nakaka relate po ako not because one of us are working in a ship / cruise, but 2 of our aunt is working as a nurse overseas. Pinaka panganay eh hindi na nag-asawa. Since nauso ang Facebook, si tita nag open ng account niya at nag post ng" I will be coming home on December 2010, please leave your wish lists as pasalubong"

Hala ke barbaridad, ang mga pinsan ko sa probinsya ng Mindanao ba naman ang top 3 na hiningi hah:

1. Laptop
2. PSP
3. iphone

Hala noong nabasa ko talaga mga post nila sobrang naiinis ako sa kanila, sobrang kapal ng face na ang manhid pa, makahingi parang may patago. Ayun sobrang nabigla ang tita ko, hindi tumuloy ng uwi last year. Puro sila hingi, pag andito sa Pinas mga tita namin hindi nga makapag silbi eh, lahat nagtatago, kapag bigayan ng pasalubong marinig mo pa nagrereklamo.. "Eto lang"? super talaga, instead maging thankful at na alala, reklamador na wala sa lugar.

Kaya mga sis, siguro alalayan ninyo mga hubby ninyo pagbalik sa Pinas, kasi minsan baka hindi sila makapag pigil eh manlibre ng wala sa oras.

betty

  • Guest
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #101 on: July 14, 2011, 05:10:55 pm »
nako sis di na bago yung sila taya pag may inuman hehe

swit_squiggle

  • Guest
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #102 on: July 16, 2011, 08:36:43 am »
yeah..hindi na bago yang ganyang ugali nila. lalo na kapag merong maraming kabarkada. maluho sa kaibigan. kung papayagan lang maaaring ubos ang pera nila hindi pa nasisikatan ng araw kinabukasan.

zheane0127

  • Guest
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #103 on: July 19, 2011, 10:39:37 am »
kaya maraming nagsasabi na ang mga seaman one day millionaire.. ang husband ko nung [textspeak!] p kmi anak sige ang gastos nya lalo na pag inuman na.  Pero nung nagka baby na kami natuto na siya.

swit_squiggle

  • Guest
Re: SEAMAN / OFW: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #104 on: July 19, 2011, 02:49:27 pm »
zheane0127 hahaha..ganyan talaga sa buhay, matututo rin.

xilac

  • Guest
Re: SEAMAN / OFW: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #105 on: August 19, 2011, 08:45:52 am »
hala nung nabasa ko to nabahala ko :(

bago lang kasi si hubby sumkay ng barko any tips mga sis? hay ayoko ng bilmoko.. bkit ganun mga ibang tao mapag samantala..

rianne_mallows

  • Guest
Re: SEAMAN / OFW: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #106 on: August 20, 2011, 07:25:53 am »
^best move would be to have a simple lifestyle..  paano manghihingi or magrerequest magpabili kung wala naman sila nakikita na bonga diba? pwede mo barahin.. iphone? ako nga wala nun eh tapos hihingi ka.. catch my drift? ;)

xilac

  • Guest
Re: SEAMAN / OFW: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #107 on: August 20, 2011, 07:36:36 am »
@ sis rianne_mallows.. tama sis... naku kung ako yan kaya nga nag work eh diba pinag hirapan ni hubby di sana kung maganda ang buhay dito di na kelangan lumayo pa.. nakakatawa nalang mga ganun tao hindi nag iisip pag hihirap nung nag wowork abroad..

rianne_mallows

  • Guest
Re: SEAMAN / OFW: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #108 on: August 20, 2011, 07:42:28 am »
^hay naku.. sis ko seawoman.. lagi nahihingan kasi ang dami nakikita sa kanya.. dlsr, laptop, iphone.. etc.. name it meron siya.. ayun ang dami nagpapauwi sa kanya  ::) tapos dadain sakin nauubos pera niya.. binabara ko hehe..

si hubby ofw sa japan.. walang nanghihingi kahit hiram from both sides kasi wala naman sila nakikita.. kapag may nagtatanong ng sweldo, sinasabi ko sapat lang.. phone ko, hindi naman latest.. usually luma nji hubby kasi free yun kapag line ka.. wala sila makita extravagance eh.. edi wala ako problema hehe..

lagi lang nila pinupuna gamit ng baby ko.. doon kasi ako splurge talaga :P.. for me kasi investment ang good items like bottle etc.. especially milk formula.. another reason kung bakit walang mag-attempt manghiram, kasi alam nila malaki gastos namin kay baby

xilac

  • Guest
Re: SEAMAN / OFW: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #109 on: August 20, 2011, 09:18:12 am »
@ sis rianne_mallows aww, ganun naman pala kasi, baka dalaga pa sya sis?

si hubby kasi bago palang sya, i mean mag 3 months palang sya sa barko, yung salary nya tlagang nakalaan for me & our daughter kasi i'm still schooling pa.. sapat lang din talaga.. sya na kasi pay ng tuition ko then lahat ng expenses ng daughter namen..


true yan sis kahi ako sa daughter ko, sakanya ko nag iinvest tska kung papakita mo talaga sis na mapera ka diba.. maganda kasi yung simple lang..

hay! nahihirapan nga po ako pero need para sa future namin.. ngaun unang sakay nya wala siguro ipon kasi samin halos mapupunta pero kahit papano kada my salary or padala sya talagang nag tatabi ako.. hindi din naman ako ganun kagastos, unlike before.. alam ko na yung value ng pera halos ayoko nga mag labas ng pera eh kung pwede lang wag.. kaya sobrang budget talag.. diba sis? :)

rianne_mallows

  • Guest
Re: SEAMAN / OFW: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #110 on: August 20, 2011, 01:40:32 pm »
^oo sis magtabi ka.. mas okay yun kesa asahan mo si hubby mo ang magtabi pa..

xilac

  • Guest
Re: SEAMAN / OFW: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #111 on: August 20, 2011, 08:11:25 pm »
@ sis rianne_mallows: oo nga sis kasi lagi din nya pinapadala lahat ng pera nya pag my uuwi.. thanks sis ha kasi ikaw lang nag reply bait mo :)

thebratinella

  • Guest
Re: SEAMAN / OFW: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #112 on: August 21, 2011, 11:26:09 pm »
akala talaga ng ibang tao madali lang work ng seaman/OFW kaya kung makahirit ng mga pabiling gamit, ganun-ganun na lang. kailangan din talaga magsave. yung father-in-law ng cousin ko seaman dati. hindi na nakasakay kasi nakita na may prob sa lungs. buti na lang simple lang lifestyle ng family nila kaya kahit papaano may naipundar. hindi naman kasi tayo nakakasiguro sa buhay kaya dapat nagtatabi kahit konti. isa pa, yung ibang mahilig manghingi, pag ikaw naman nangangailangan, nawawalang parang bula.  >:( yung cousin ko dati tuwing baba niya galing barko, ubos ang pera sa mga luho. buti when he got married, tumino at natutong magtipid. nalulungkot din kasi siya pag sumasakay ng barko dahil lumalaki mga kids niya wala siya.  :( nagtayo na lang sila ng business ng wife niya since tumatanda na rin siya. hindi na sana siya sasakay this year kaya lang kasama sa barko yung cousin ng wife niya so tutulungan lang niya.

xilac

  • Guest
Re: SEAMAN / OFW: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #113 on: August 22, 2011, 10:20:01 am »
@ sis the bratinella: oo nga sis tama ka dyan, yung tita nga ng hubby ko matagal ng nasa ibang country super work pa sya dun samantalang matanda nadin biruin mo sobrang ipon [textspeak!] sya pag andun pag andito sarap buhay mga kapatid tska mga pamangkin puro hingi puro utang, hindi nila alm hindi masarap buhay sa ibang bansa yung lungkot at pagod.. ang hirap kaya ng malayo lalo n twing my occasion..

swit_squiggle

  • Guest
Re: SEAMAN / OFW: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #114 on: August 22, 2011, 11:10:22 pm »
walang ibang tutulong kundi ang sarili din lang. magsisimula ang pagbabago sa sarili. aja mga sissies

whitelady17

  • Guest
Re: SEAMAN / OFW: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #115 on: August 23, 2011, 09:36:04 am »
mga sis, I think dapat before pa umalis ang mga kamag-anak hubby ninyo / natin eh dapat i educate na rin natin sila sa mga possible na mangyari, let say choose any of the mentioned statements here, tapos ipabasa ninyo sa kanila, then ask them kung gusto ba nila mangyari sa kanila ang ganoon, para pagbalik nila in a year or so, aware na agad sila sa magiging sitwasyon. Para wala ng excuse na hindi alam or na homesick sila.

thebratinella

  • Guest
Re: SEAMAN / OFW: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #116 on: August 23, 2011, 03:45:02 pm »
^true. dapat discuss ang priorities and plans niyo para maisip ng mga OFW/seaman na madaming puwedeng mangyari kaya dapat prepared for the future. akala lang ng iba dahil dollars ang suweldo, bongga na. hindi nila alam sobrang lungkot at pagod ang tinitiis nga mga OFWs para lang kumita ng pera. isama pa ang adjustment sa ibang culture/beliefs ng mga kasama nila sa work. yung cousin ko inaabot ng 2 months minsan na nandito sa phils because he wants to spend time with his sons. nalulungkot daw siya everytime aalis siya tapos naiisip niya na hindi man lang niya makalaro mga anak niya. lumalaki sila na through phone calls and emails lang sila nakakapagcommunicate. nakuwento din niya yung malalaking waves saka threat ng pirates. grabeng sacrifice talaga. sabi ng friend ko yung iba naiinggit sa mga nagwowork abroad kasi mukhang sosyal but they haven't realized that the lucky ones are those who find no need to work abroad because they're doing well here. iba pa rin ang kasama ang pamilya. kaya sa mga wives na may asawang OFWs, deadma na if nagmumukha kayong kontrabida sa mga relatives and barkada ng husbands niyo. hindi naman sila ang nagkakandakuba sa pagwowork no.

xilac

  • Guest
Re: SEAMAN / OFW: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #117 on: August 23, 2011, 10:05:15 pm »
true mga sis.. ako nga ngayon [textspeak!] alam nila lalo na sa side nila hubby na hindi naman ganun din kalaki sahod ni hubby though wala pa naman humihingi padaing daing kaya lang sympre pamilyado na kme kelangn na mag save para sa fture ng daughter namin..

aljondegz

  • Guest
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #118 on: August 27, 2011, 11:55:40 am »
toinks naman yan! ako lagi ako sinasabihan ng kapitbahay namin na ako lang daw ang asawa ng seaman na pulube! Hindi man lang daw niya ako makita kahit minsan lang na magka HEPA (naninilaw dahil sa alahas), haler! as if naman gusto ko yun. Hindi ako mahilig sa alahas (or even gadget na uso now). Kuntento na ako kung ano ang meron ako, ang alahas ko kwintas na bigay ni hubby nung mga bf/gf kami, wedding ring, at pulseras na bigay ni mil. Ayoko kasi yung may isusuot tapos tatanggalin ako, tamad talaga ako sa ganoon. CP ko dati 3310(unang labas) until 2010 na kung hindi lang nadukot sa akin until now yun pa rin ang cp ko. Kainis lang kasi kabuwanan ko ng time na nadukutan ako di ko man lang naramdaman. Ayaw ko sana bumili pero hindi pwede dahil yun lang ang communication namin ni hubby kapag nasa barko siya.

Sabi ng kapitbahay ko, bakit di daw ako bumili ng bumili kapag darating ang alote ng mister ko, as if naman maganda ang buhay now. Hanggat  maari nga kung pwede mag-ipon mag-ipon na para magkanegosyo at hindi na sumakay ng barko hubby ko. Ang seaman mapera kapag nasa barko, pero kapag nasa lupa na lahat ng pera palabas wala ng pumapasok lalo na kung walang negosyo. Kaya sa mga seaman at pamilya ke bagong sakay o hindi dapat matuto mag ipon dahil hindi sa lahat ng panahon pwedeng sumakay ng barko hindi natin hawak ang panahon at pagkakataon, mabuti na ang handa.

Sa mga graduate ng seaman, tiyagaan lang sa pag-aaply dahil sa dami ng grumaduate, swerte mo kapag nakapasok ka agad. and make sure kapag nakasampa, mag impok na simula pa lang. Sabi nga ng hubby ko at mga kasamahan niya sa barko "akala niyo masarap maging seaman, akala niyo lang yun" kapag nakasampa na kayo malalaman din ninyo kung bakit nasabi nila yun

hanga ako sayo chasiderwin. ganda ng pananaw mo sa buhay, seaman din ako tulad mister mo. makikisingit lang sa kwentuhan nyo ah, hehe. Sa mga sinabi mo, kitang kita na mahal mo tlg mister mo, ganyan dapat lahat ng babae, napaka swerte sayo ng asawa mo, karamihan kasi indi ganyan sayo. nag iisip ka ng paraan kung pano makakatigil sa pag babarko ang mister mo sa pamamagitan ng pag nenegosyo, para naman mag sama sama nalang kayo, karamihan kasi ang alam lang gumastos, mga 80 to 90 percent  na aswa ng seaman hindi  nag iisip mag ipon para makatigil na mister nila, sila pa nga nag tutulak na umalis na, lagi yan kwentuhan namin sa barko, share share kame ng problema sa buhay dun kasi nga wala naman tlg ibang mapag lilibangan dun. kung mag allotment sila sa pamilya nila mababa ang 1k USD iba pa [textspeak!] mga special allotments, pero wag ka pag dating nila sa pinas may utang pa sila dadatnan, ano ba naman un? tama ba yun?maraming ganyan. san ka kukuha ng trabahong lokal na susuweldo ng 50 k pesos per month? pag ganyan ang sweldo mo dito sa pinas bigatin ka na nyan,supervisor or manager ka na nyan ng magandang kompanyan. bat [textspeak!] pamilya na kumikita lang ng 20 k per month may naitatabi pa? bat [textspeak!] mga misis nitong mga kasma ko sa barko wala?ano ang nangyayari?... kaya tuwang tuwa ako sa mga sinabe mo, dahil bihira ang ganyan sayo.. mabuhay ka po,, sana dumami pa ang lahi u..hehe..para sa asawa mo... SWERTE MO DRE!!!!

betty

  • Guest
Re: SEAMAN / OFW: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #119 on: August 27, 2011, 12:54:56 pm »
ganon?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close