We use cookies to ensure you get the best experience on FemaleNetwork.com. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.
Remember Me
Oops! Sorry!
A message has been sent to
johnjones@gmail.com
Click on the link in the email to set a new password.
Click on the link to activate your account.
toinks naman yan! ako lagi ako sinasabihan ng kapitbahay namin na ako lang daw ang asawa ng seaman na pulube! Hindi man lang daw niya ako makita kahit minsan lang na magka HEPA (naninilaw dahil sa alahas), haler! as if naman gusto ko yun. Hindi ako mahilig sa alahas (or even gadget na uso now). Kuntento na ako kung ano ang meron ako, ang alahas ko kwintas na bigay ni hubby nung mga bf/gf kami, wedding ring, at pulseras na bigay ni mil. Ayoko kasi yung may isusuot tapos tatanggalin ako, tamad talaga ako sa ganoon. CP ko dati 3310(unang labas) until 2010 na kung hindi lang nadukot sa akin until now yun pa rin ang cp ko. Kainis lang kasi kabuwanan ko ng time na nadukutan ako di ko man lang naramdaman. Ayaw ko sana bumili pero hindi pwede dahil yun lang ang communication namin ni hubby kapag nasa barko siya.Sabi ng kapitbahay ko, bakit di daw ako bumili ng bumili kapag darating ang alote ng mister ko, as if naman maganda ang buhay now. Hanggat maari nga kung pwede mag-ipon mag-ipon na para magkanegosyo at hindi na sumakay ng barko hubby ko. Ang seaman mapera kapag nasa barko, pero kapag nasa lupa na lahat ng pera palabas wala ng pumapasok lalo na kung walang negosyo. Kaya sa mga seaman at pamilya ke bagong sakay o hindi dapat matuto mag ipon dahil hindi sa lahat ng panahon pwedeng sumakay ng barko hindi natin hawak ang panahon at pagkakataon, mabuti na ang handa.Sa mga graduate ng seaman, tiyagaan lang sa pag-aaply dahil sa dami ng grumaduate, swerte mo kapag nakapasok ka agad. and make sure kapag nakasampa, mag impok na simula pa lang. Sabi nga ng hubby ko at mga kasamahan niya sa barko "akala niyo masarap maging seaman, akala niyo lang yun" kapag nakasampa na kayo malalaman din ninyo kung bakit nasabi nila yun