watch now

Author Topic: SEAMAN / OFW: lagi na lang sinasabi mapera  (Read 78346 times)

chasiderwin

  • Guest
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #60 on: June 23, 2011, 11:40:29 am »
sis london, hindi lang ang kapatid ng friend mo ang nakakaranas ng ganoon marami pang iba kahit pa may kapit sila, and one more thing super dami na din ang graduate ng seaman, so tiyagain lang niya and pray at kapag nakasampa na make sure, nakatapak parin sa lupa ang paa

anneG

  • Guest
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #61 on: June 23, 2011, 12:19:52 pm »
@chasiderwin- gusto ko lang share, yung Kumare ko na childhood neighbor namin poor lang sila as in poor talaga kaso pag nilapitan aman ng swerte jockpot nga naman! undergrad siya & he met my kumpare maayos naman si kumpare seaman siya, from mahirap na lifestyle nakaangat na si mare ng konti nung pinakasalan siya ni pare kasi di naman poor parang average ata sila. So ayun di nababakante si pare ng matagal sa lupa, nakapag rent sila ng apartment tapos sa private school nag-aaral yung 2 sons then eventually may nakuhang lupa sa bulacan na hulugan siguro sabihin natin na si pare ma diskarte rin kasi naging Engineer siya ng barko kaya mas malaki ang income niya compare sa iba..more or less after 9yrs nakita ko sa FB ni mare last year nag house blessing sila yung lupa sa bulacan napatayuan na ng bahay at may Monterosport na sila at si mare siya ang nakikinabang ng husto kasi yung poor family ni mare (parents niya) tangay tangay niya sa "mansion" nila, yan ang tawag kasi nasa subdivision sila  :) at ang nanay ni mare nagka stiff neck na rin daw, gets niyo why? feeling richness na si madir. kaya siguro ang impression ng lahat pag nakarinig ng "seaman = $" hehe.

jhenrheign

  • Guest
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #62 on: June 23, 2011, 12:32:24 pm »
^haha! natawa ko sa stiff neck sis... okei lang naman yung magkaron sila ng sariling bahay at kotse, maganda yun dahil investment yun eh, pero yung mag fefeeling na mayaman ka, yun nag di maganda... dapat kung ano ka dati ganun ka pa din, di ka dapat magyabang...

chasiderwin

  • Guest
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #63 on: June 23, 2011, 01:15:47 pm »
toinks naman yan! ako lagi ako sinasabihan ng kapitbahay namin na ako lang daw ang asawa ng seaman na pulube! Hindi man lang daw niya ako makita kahit minsan lang na magka HEPA (naninilaw dahil sa alahas), haler! as if naman gusto ko yun. Hindi ako mahilig sa alahas (or even gadget na uso now). Kuntento na ako kung ano ang meron ako, ang alahas ko kwintas na bigay ni hubby nung mga bf/gf kami, wedding ring, at pulseras na bigay ni mil. Ayoko kasi yung may isusuot tapos tatanggalin ako, tamad talaga ako sa ganoon. CP ko dati 3310(unang labas) until 2010 na kung hindi lang nadukot sa akin until now yun pa rin ang cp ko. Kainis lang kasi kabuwanan ko ng time na nadukutan ako di ko man lang naramdaman. Ayaw ko sana bumili pero hindi pwede dahil yun lang ang communication namin ni hubby kapag nasa barko siya.

Sabi ng kapitbahay ko, bakit di daw ako bumili ng bumili kapag darating ang alote ng mister ko, as if naman maganda ang buhay now. Hanggat  maari nga kung pwede mag-ipon mag-ipon na para magkanegosyo at hindi na sumakay ng barko hubby ko. Ang seaman mapera kapag nasa barko, pero kapag nasa lupa na lahat ng pera palabas wala ng pumapasok lalo na kung walang negosyo. Kaya sa mga seaman at pamilya ke bagong sakay o hindi dapat matuto mag ipon dahil hindi sa lahat ng panahon pwedeng sumakay ng barko hindi natin hawak ang panahon at pagkakataon, mabuti na ang handa.

Sa mga graduate ng seaman, tiyagaan lang sa pag-aaply dahil sa dami ng grumaduate, swerte mo kapag nakapasok ka agad. and make sure kapag nakasampa, mag impok na simula pa lang. Sabi nga ng hubby ko at mga kasamahan niya sa barko "akala niyo masarap maging seaman, akala niyo lang yun" kapag nakasampa na kayo malalaman din ninyo kung bakit nasabi nila yun

yndy

  • Guest
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #64 on: June 23, 2011, 01:33:17 pm »
pa vent lang mga sis...

yesterday kasi late na ako pumasok and may nakasabay ako na seaman and his wife sa shuttle. may ayusin ata sila papers sa makati.. grabe hindi ako nakatulog sa shuttle... sa almost 1 hour ride from marikina to paseo.. wala akong narining kundi ang pagyayabang nilang mag asawa... sabi ko nga sa sarili ko ang yabang dapat nag cab na lang sila papunta makati since 11am naman na yun kung talagang mapera sila.. or dapat may car na sila haist

kaya din siguro andun yun thinking na they are mapera kasi karamihan mayabang talaga... naiiisip ko nga kung may mangdedeclare ng hold up sa shuttle.. ituturo ko talaga sila na sila na lang ang hold upin dahil madami sila pera

jhenrheign

  • Guest
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #65 on: June 23, 2011, 01:53:45 pm »
^imagine ha sa bus pa nila naisipan mag yabang... di man lang nila naisip na madame taong nakakarinig sa kanila na sa panahon uso na ang mga hold up, at kung ano-ano pa... parang niririsk din nila yung mga sarili nila...

natatawa lang kami sa kamag anak ni hubby, kasi mayaman na daw kami kasi nakabili na kami ng bahay, sabi namin, hindi mayman yun, practical lang kami, kesa mag rent kami mas okei na yung binabayaran namin eh mapunta na lang sa sarili naming bahay... ilang taon din namin bubunuin ang monthly amort, pero okei lang kasi alam namin na hindi sa kung saan lang napunta ang pinaghihirapan ni hubby sa barko...

« Last Edit: June 23, 2011, 03:36:06 pm by jhenrheign »

babymom20

  • Guest
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #66 on: June 23, 2011, 02:00:49 pm »
for me naman ang pagiging mapera is depende sa lifestyle. yung 100k sa ibang tao, sobra-sobrang pera na yun. but for others na mas high maintenance ang lifestyle, barya lang ang 100k. kahit 20k lang pera, kung simple living lang, feeling nya ang laki-laki na ng pera nya.

sa mga may kapatid na nangangarap maging seaman naman, advise ko,school days pa lang pagbutihin na nila. magpakitang gilas na. kasi usually may mga scholars na kinukuha ang mga malalaking shipping agencies, mga honor graduates. then after graduation, dire-diretso na yan. may program na ang company sa kanila.

mostly daw sa mga nangarap mag seaman came from poor family. so poor people nakapaikot sa kanila kasi dun nga origin nila. so si seaman na kumikita ng dollar, sya nga naman talaga ang nakaangat na sa angkan nila. di hamak na mas malaki ang kinikita nya sa iba. so yung mga nauungusan, un ang magsasabi na mapera si seaman. kasi ignorante pa sila sa ganung figure of dollars. pero sa mga dati ng mayayaman at sanay ng humawak ng milyon-milyon, hindi pa pera para sa kanila ang kita ng seaman lalo na kung hindi pa officer.

health.gal

  • Guest
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #67 on: June 23, 2011, 02:04:19 pm »
pa vent lang mga sis...
...kaya din siguro andun yun thinking na they are mapera kasi karamihan mayabang talaga... 
karamihan po ba mayabang talaga? maybe it depends on where we were exposed to.

as for me, nasa tao lang naman po siguro yun. ilang beses naman ako na may nakakasabay sa jeepney na call center agents na ang lalaks ng volume ng voice sa pagkwekwento, at sa sobrang lakas ng volume eh alam na ng buong jeep ang office life nila. puro english ng english pero mali naman grammar. (i know call center agents sila based sa pinagkwekwentuhan nila). tapos kung pagtawanan pa nila mga saleslady sa mall regarding sa pagsasalita ng english. as for me, isang form of kayabangan din yun, but i think it would be unfair for me to say na karamihan ng call center agents eh mayayabang kasi nagkataon lang na ilang beses ako may nakakasakay na ganung klase ng tao, pero hindi ko naman alam ang statistics ng profile ng mga cc agents. just my POV.

pero i agree, mayabang nga yung nakasabay mo :)

for me naman ang pagiging mapera is depende sa lifestyle. yung 100k sa ibang tao, sobra-sobrang pera na yun. but for others na mas high maintenance ang lifestyle, barya lang ang 100k. kahit 20k lang pera, kung simple living lang, feeling nya ang laki-laki na ng pera nya....
korek po, i super agree. depende yun sa psychological wallet ng isang tao. kaya, i find it unfair to label people, mapa seaman man yan, mapa manager sa bank, mapa businessman, mapa housewife.
« Last Edit: June 23, 2011, 02:11:42 pm by health.gal »

anneG

  • Guest
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #68 on: June 23, 2011, 02:06:39 pm »
@ jhenrheign - yung stiff neck yan ang nakarating na kwento sa mama ko also from another old neighbor nung una di ko ma gets haha! si Mare naman pa humble pa rin, inaabangan ko nga ang susunod na kabanata kung makikitaan ko na ba siya ng designer bags hehe..

@chasiderwin - tingin ko si mare masinop rin sa pera saka siguro walang bad influence sa kanya kaya ang lifestyle niya hindi nagbago, i mean di siya naging maluho masyado i dunno if talagang di maluho since wala na rin kaming communication. Ang sabi nga niya next target nila ni pare is to have a small business, mas may edad si pare sa kanya siguro nasa 40y/o na rin yun.

@yndy - sa mayayabang na ganyan, minsan i can't help it but to say "hanggang kelan ka kaya nasa barko? (of course kausap ko lang sarili ko hehe) pag sa oras na mawalan ka ng racket sa barko, kawawa ka!"

betty

  • Guest
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #69 on: June 23, 2011, 02:16:23 pm »
i think officials lang naman ang malake ang sweldo, all rank and file employees' salary are comparable to land based ofw too!

and the notion that seamen always have money is so NOT TRUE!!
dami ding utang ng mga yan.

si Mare naman pa humble pa rin, inaabangan ko nga ang susunod na kabanata kung makikitaan ko na ba siya ng designer bags hehe..
why?

jhenrheign

  • Guest
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #70 on: June 23, 2011, 02:23:50 pm »
health.gal-tama ka sis...di lang seaman ang pwede i tag na mayabang... though madame din talaga kami kilala ni hubby na mayabang talaga... yung iba kasama nya ngaun sa barko yung iba nakasama nya dati... and proven yun mga nagyayabang na yun eh wala nararating... siguro dahil ang topic dito is about seaman kaya all about seaman ang napagsasabihan na mayabang...

babymom20-agree ako sa last paragraph mo sis... yan  ang nakikta ko sa mga kamag anak ni hubby... na porke kumikita ng dollars sasabihin mapera na... without realizing na yung kinikita ng isang seaman eh tama lang para mabuhay nila yung sarili nilang pamilya at maiprovide kung ano yung dapat nila maiprovide sa pamilya nila...

health.gal

  • Guest
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #71 on: June 23, 2011, 02:31:19 pm »
health.gal.. siguro dahil ang topic dito is about seaman kaya all about seaman ang napagsasabihan na mayabang...
topic: "Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi  mapera"  ;)

betty

  • Guest
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #72 on: June 23, 2011, 02:36:41 pm »
aren't those nosy people that wait and see how the family of seaman will turn out, the first to say this line, SEAMAN: lagi na lang sinasabi  mapera?

babymom20

  • Guest
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #73 on: June 23, 2011, 02:37:50 pm »
kahit saan nagkalat ang mayayabang talaga. meron din akong kwento sa bus din. merong ale makikipag-unahan sakin sa pag-upo e ako na yung naka standy by talaga para umupo dun sa pababang pasahero. so pasimple syang sumiksik, e nakapwesto na nga ako kaya naipit lang sya. aba! nagalit! naipit daw bag nya. ito dialog nya sakin.. " kung masira ba tong bag ko, MABABAYARAN mo ba to?!?" haha! angas di ba? i look at her bag, look at her, sabi ko naman " oo naman, magkano ba yan?" hahaha. nagulat yata sa sagot ko haha. hindi ko masilip anong brand [textspeak!] pinagmamalaki nyang bag eh. pero sa isip-isip ko lang, kung mayaman ka with branded bag, bakit ka nakikipagsiksikan sa bus!

jhenrheign

  • Guest
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #74 on: June 23, 2011, 02:39:28 pm »
health.gal-i mean nacoconnect yung pagiging mayabang dahil na din sa pera na kinikita ng seaman and about mga seaman kasi yung sa topic kaya di maipasok ang ibang line of work... sorry kulang ang na type ko... :)

jhenrheign

  • Guest
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #75 on: June 23, 2011, 02:47:37 pm »
tama ka dyan sis... nagkalat talaga ang mayayabang... i have this experience din classmate ko before... eh nagkausap kami sa fb,  pinagyayabang na nya na meron syang apartment meron syang business etc, di ko naman tinatanong...


health.gal

  • Guest
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #76 on: June 23, 2011, 02:50:00 pm »
aren't those nosy people that wait and see how the family of seaman will turn out, the first to say this line, SEAMAN: lagi na lang sinasabi  mapera?
i agree. and its just heartbreaking that some people have to equate being "mapera" with being "mayabang".
...ito dialog nya sakin.. " kung masira ba tong bag ko, MABABAYARAN mo ba to?!?" haha! angas di ba? i look at her bag, look at her, sabi ko naman " oo naman, magkano ba yan?" LOL. nagulat yata sa sagot ko haha...
winner!
« Last Edit: June 23, 2011, 02:53:54 pm by health.gal »

yndy

  • Guest
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #77 on: June 23, 2011, 03:00:35 pm »
@ sis health.gal

sis pet peeve din ni hubby yung ibang cc agents kasi nga he finds them medyo may hangin... napapost lang po ako ng inis ko kasi hindi ako nakatulog sa shuttle papasok sa work kasi ang lakas ng voice nilang mag asawa.

siguro sis kaya naeequate to being mayabang yun mapera is minsan kasi may mga taong parang talagang nagyayabang lang. hindi lang seaman, cc, ibang ofw etc... sadyang may mga taong mayabang lang po talaga

minsan naisip ko talaga bang mapera sila? hehe kasi kung ako madami ako pera mag iipon ako. at kung magcocommute ako bakit ko ipangangalandakan na mapera ako, maholdap pa ko. at kung talagang madami ako pera... hindi na ako magcocommute may sarili na akong sasakyan at magnenegosyo na lang ako...

betty

  • Guest
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #78 on: June 23, 2011, 03:03:15 pm »
i agree. and its just heartbreaking that some people have to equate being "mapera" with being "mayabang".winner!
exactly...

chasiderwin

  • Guest
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #79 on: June 23, 2011, 03:09:06 pm »
may nakasabay ako na seaman and his wife sa shuttle. may ayusin ata sila papers sa makati.. grabe hindi ako nakatulog sa shuttle... sa almost 1 hour ride from marikina to paseo.. wala akong narining kundi ang pagyayabang nilang mag asawa

sus ganyan din happen sa akin mag bf/gf  naman sa jeep seaman si lalake (wiper) ang sabi kay gf "nasa $1500 ang sinasahod ko now baby now lang kasi ako nakasampa, dami ko na nabili baby laptop, cp, psp" marami pa siya sinabi na mga gadget na nabili daw niya abroad kapag nagloloading sila, at next na sampa daw niya $2k na daw ang sahod niya in 1month, at marami pa siyang kayabangan na sinabi.

di ko alam kung nagyayabang sa amin o sa gf niya, nakakainis lang ang lakas ng sound ng jeep sumasabay pa ang boses niya, trapik pa naman (from taft to guadalupe) galing kasi kami sa office na hubby ko. Narindi na ako sabi ko sa driver "mama pakihinaan naman ang radyo ang sakit kasi sa tenga" e nagwawala na baby ko sa init narin at ingay di makatulog sa lakas ng tugtog at boses nung lalake. tapos binalingan ko sila mag bf/gf sabi ko "excuse me seaman din ang asawa ko at ab ang rango niya, pero never pa  na nagpasahod ang mga company ng $1000 na bagong sampa lalo na kung oiler or wiper ka pa lang, anong company ka ba at masabihan ko na lahat ng oiler at wiper lumipat sa kumpanya niyo", sabay baba kami ng jeep, dahil puregold na. Ewan ko kung ano sinabi noon dun.

Ok lang naman magyabang pero make sure lang na walang makakarinig sayo na may alam din ng gawain mo diba? Good thing hindi maluho si hubby ko, at kapag nasa lupa at tinanong kung ano work ang sagot "sa bukid parin since elementary"

 

Latest Stories

Load More Stories
Close