watch now

Author Topic: SEAMAN / OFW: lagi na lang sinasabi mapera  (Read 78362 times)

pinkk

  • Guest
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #40 on: May 11, 2011, 11:10:48 am »
For 12years walang naipon ang seaman na may asawang "toxic", naloko ng usd10k sa online forex si girl, naloko sila ng developer sa condo na mabaho at madumi sa bangkal makati(nag-rent nalang ng 7k).nawalan ng usd8k sa airport ang lalaki (daw)nag-membership sa boracay ng 100kpesos si girl, di naman nagamit,mga negosyong,sugal talo at pautang ng walang balik.

sad.

jhenrheign

  • Guest
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #41 on: May 11, 2011, 11:27:27 am »
^awww... asawa nya na ba yun sis? grabe naman yung girl... sana inisip nya muna bago sya naglabas ng naglabas ng pera...

pinkk

  • Guest
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #42 on: May 11, 2011, 12:57:26 pm »
^awww... asawa nya na ba yun sis? grabe naman yung girl... sana inisip nya muna bago sya naglabas ng naglabas ng pera...
yes, they are legally married but physically separated(sila pa rin,although sa barko nagluluko yung guy, si girl dito rin nagluluko,sila pa rin)
Dakila? yes. bartolin and tulo? Yes!

but this is really a true story.

guilleanne

  • Guest
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #43 on: May 11, 2011, 11:25:03 pm »
sis pinkk yun ang seaman na mapera kasi infairness ang laki ng nalustay na pera ng wife nya, and possibly nilulustay parin to date.  officer siguro ang seaman na to.

anyways sad naman yung ganun story.

grabe ang baba ng dollars sana tumaas taas man lang bago mag allotment. habang nagmamahal ang mga bilihin bumababa naman ng bumababa ang sweldo ng hubby ko dahil sa dollar rate. now sino ang seaman na mapera?? hehe...

blooming

  • Guest
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #44 on: May 12, 2011, 05:58:55 am »
oo nga, at pababa pa nga raw.

pero looking at the philippine economy, pababa din ang peso. so in the end, pababaan nalang sila.

jhenrheign

  • Guest
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #45 on: May 12, 2011, 06:05:34 am »
^^ grabe ang mag-asawa na yan... yan yung mga di nag-iisip sa pera na kinikita na gastos dito, gastos doon... no wonder di sila nakakaipon o nakapag invest...nasa seaman din talaga at nasa asawa o pamilya na din yung paano nila ihahandle kung kinikita nila...

^grabe, almost 2K-3K nabawas sa allotment ko dahil dyan sa pagbaba ng dollars compared sa last contract nya na nasa 44-45 pa yung dollars... sana nga tumaas naman...


chasiderwin

  • Guest
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #46 on: May 12, 2011, 08:50:38 am »
korek ka sis jhenrheign, mas mataas pa now ang canadian $ compare mo sa us $  :(, mabuti pa kay erap noon 1$ = 56pesos  ;D, ganda sana, pero base sa economy di daw maganda, now daw maganda dahil mababa ang dollar, pero para sa atin na tumatangap ng allotment monthly hindi dahil bawas sa atin :'(

jhenrheign

  • Guest
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #47 on: May 12, 2011, 11:01:57 am »
^oo nga sis chasiderwin, ganda ng palitan noon...hehe! sana bumalik sa ganun no... or kung hindi man, eh sana kahit mga 45 lang pwede na din yun...

zheane0127

  • Guest
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #48 on: May 14, 2011, 01:49:57 pm »
hi mga sis newbie po ako dito sa thread na ito..

Nakarelate naman ako, seaman din kasi asawa ko.  Recently lang, nagtext ang asawa ko sa akin nanghihingi daw ng pera sa kanya ang one and only sister niya ng 2K pambayad daw ng utang niya.  Nabwisit ako as in KUYA PAHINGI NG PERANG PAMBAYAD KO SA UTANG KO! Alam naman nilang kapapanganak ko pa lang at na CS ako.  Buti na lang yung sahod ng asawa ko sa pag uwi na nila makukuha kaya wala talaga siya maipadala.  At sabi niya sa kapatid niya KAUSAPIN MO ATE MO, SA KANYA KA MAGSABI KASI WALA AKO PERA DITO.  Eh di naman siya nagtetext sa akin at kahit magtext siya di ko siya bibigyan no. 

Graduate yung kapatid niya as CUM LAUDE, laki ng future sana kasi nag apply siya sa Hotel sa Hongkong kasi pinagbakasyon siya dun bilang gift niya.  Natanggap naman siya, pinauwi siya dito sa pinas para asikasuhin ang mga papeles hayun nagpabuntis...Nasira ang future! At ngayon puro hingi na lang ang ginagawa sa mga kuya na nasa abroad.. HIndi mapagsabihan kasi sa sobrang talino niya sarili na lang niya ang pinapaniwalaan niya.

Bago ako manganak binenta din namin yung fishpond namin kasi kulang nga yung allotment na natatanggap ko para sa panganganak ko.  Dapat 49K yun, pero ang pinadala sa akin 31K lang.  Wala man lang sabi2 kung bakit 31K na lang.

Isa pa nilang kamag anak, nangutang sa amin ng 7K nun pang 2008 hanggang ngayon hindi pa bayad.  Seaman din yun at teacher ang asawa.  Pag sisingilin ko yung asawa siya pa ang nagagalit.

Akala kasi nila maalwan ang buhay namin dito sa manila di nila alam na naghihirap din kami.  Kung kanikanino ako nanghihiram sa kamag anak makaraos lang.  Nagsisimula pa lang kasi kaming mag asawa.  Pag bumababa ang asawa ko minsan inaabot ng 7 months sa paghihinintay para sa pagsakay ulit.  Yung 7 months na yun wala kami income, pag nawalan ng pera utang na naman.

Hayz..pasensiya na mga sis napahaba.  Dito lang kasi ako nakakapag labas ng sama ng loob ko.

pinkk

  • Guest
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #49 on: May 14, 2011, 02:16:10 pm »
sis pinkk yun ang seaman na mapera kasi infairness ang laki ng nalustay na pera ng wife nya, and possibly nilulustay parin to date.  officer siguro ang seaman na to.

anyways sad naman yung ganun story.

grabe ang baba ng dollars sana tumaas taas man lang bago mag allotment. habang nagmamahal ang mga bilihin bumababa naman ng bumababa ang sweldo ng hubby ko dahil sa dollar rate. now sino ang seaman na mapera?? hehe...

yes, officer siya at ang kuya (captain)ito ang masinop,may bahay at maayos ang pamilya. A good wife is a prized possesion whilst a bad wife is like cancer to the bones(quote from Miriam Quiambao-twitter)

chasiderwin

  • Guest
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #50 on: May 20, 2011, 01:08:30 pm »
sus kapitbahay namin nangungutang nanaman, grabe sa lahat ng utang niya sa akin di ko na mabilang kung magkano ni piso walang binayaran puro lista sa tubig, ang katwiran niya, di daw ako nauubusan ng pera dahil may alote daw ako, kung bangko nga nauubusan ako pa kaya.

ok lang naman magpautang kung alam ko naman na talagang kailangan nila, pero nakikita ko lagi sa tong-itan, 41, at kung ano-ano pang sugal sa may amin tapos kapag wala ng pera kung kani-kanino na mangungutang. ultimo mga kamag-anak niya ayaw na siya pautanging, may work naman na binibigay sa kanya kahit tigaluto sa tapsilogan 100 per day ayaw dahil ang katwiran di daw marunong magluto, kaya ayaw ko na magpa utang, kasi lagi ko nakikita sa sugalan, tapos sasabihin inupuan lang daw niya si ganito si ganyan di daw niya pera.

tapos tinatanong kung kelan uuwi ng cebu yaya ng baby ko dahil nga may highblood (sabi sa akin ni yaya) ang gusto niya mangyari siya ang papalit, siya kasi ang unang nag-alaga sa baby ko noon na kunsimisyon namin ng asawa ko lalo ng 3mos dito sa lupa mister ko at bakasyon sa barko, kita lahat ng ginagawa niya, naku magresign na lang ako sa trabaho kesa siya uli kunin ko

dapat malaman nila hindi lahat ng seaman / ofw mapera dahil may pamilya din na dapat buhayin at may anak o mga anak na dapat pag-ipunan, at madami ding pangangailangan, kaya nga nagtitiis na mapalayo sa pamilya para  magkaroon ng magandang buhay hindi para ipangutang sa iba lahat ng pinaghirapan nila

jhenrheign

  • Guest
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #51 on: May 25, 2011, 07:35:54 am »
gusto ko lang mag vent out ng inis ko mga sis na i stress na din kasi ako dito lalo na preggy pa ko... actually inis namin to ni hubby...

enrollment is coming up na kasi uli, may pinapaaral kami na pamangkin ni hubby... the thing is medyo naiinis kami sa tatay nun ngaun... sa totoo lang madame kami gastos ngaun, mababa pa dollars, eldest namin nag schooling na, i will give birth pa plus yung binyag and we're paying our monthly amortization sa house namin sa cavite, then yung monthly expenses din, but still we want to help his son kahit man lang sa tuition para makabawas and ma fulfill pa din ni hubby yung promise nya sa late ate nya...

we don't have any problems naman dati but last school year, recognition day na mismo, bigla sila naningil na di pa daw nababayaran yung tuition for 6 months, eh si MIL di naman nya maalala kung ano na yung naiabot nya, eh sabi naman ng pamangkin ni hubby nabayaran na daw yun... kahit nga field trip sa amin din sinisingil... naiinis kasi kami bakit kung kelan recognition day na dun lang sasabihin na may need pa bayaran, so medyo nag doubt na kami ni hubby... parang there's something fishy... si MIL kasi oo na lang ng oo eh, inaako kasi nya lhat ng bayarin sa school then di naman nya namomonitor kung ano yung mga nabigay na nya, parang napapaikot nila si MIL kasi maawawin sya sa mga apo nya... sabi nga ni hubby wag na daw bigyan nung 6 months na sinasabing kulang kasi di na sya makapaniwala na ganun, pero still si MIL abot pa din... so wala na kami nagawa ni hubby...

then now, medyo may ibang hinala na kasi kami ni hubby... naiinis kami kasi sya nagpapakahirap sa barko then tong tatay ng pamangkin nya nasa bahay lang nagbabarkada, inom lang, nag gf ng may anak at kung ano-ano pa... parang wala kami nakikita progress sa kanya, imagine 2 anak nya, pareho na schooling pero nakatunganga lang sya inaasa nya pag papaaral sa amin ng anak nya, sana man lang mag work sya di yung ganun... lumalaki na mga anak nya, di naman forever masasagot namin dahil may sarili din kaming family.... tumutulong lang din kami para mas gumaan ang dinadala nya pero ang nangyayare iaasa nya sa amin lahat...

nag-usap na kami ni hubby sabi namin di pwedeng ganito lague... dapat matuto sya, may pension sila ng mga bata san nya dinadala... last time kasi nandun si MIL, inisa isa na uli yung mga babayaran, eh si MIL inako na naman uli lahat... pati gamit ng mga bata sya ang bibili, di man lang sabihin na sige kami na lang bibili ng mga gamit wag nyo na intindihin yun, pero wala kami narinig na ganun... pati yung books sinabi na din kung magkano basta lahat ng gastos sinabi na nila... kaya ayun sa sobrang inis namin ni hubby sabi namin tuition na lang at gamit bahala na sila sa books at sa ano pa kelangan.. di na pwede ganun ang ginagawa nila... na iiasa sa amin lahat...  dapat matuto sya na maging responsable sa needs ng mga anak nya... >:(

okei lang sana na sagutin namin lahat yun pero kung mas lalo walang ginagawa yung tatay nila mas mabuti na i limit na lang din namin yung help na binibigay namin kahit na naaawa kami sa mga bata para matuto syang gumawa ng way para maibigay nya yung dapat nya ibigay sa mga anak nya, kasi pag sinagot namin lahat yun uli wala na naman mangyayare, nakatunganga na lang sya dahil alam nyang wala syang dapat intindihin na gastusin...

pasensya na medyo napahaba...

tabbru

  • Guest
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #52 on: May 25, 2011, 10:22:57 am »
^ Actually sis, maraming abusado at parasite tao sa mundo. Hanggang may makakapitan sila, kakapit sila. Therefore, hanggang nagbibigay kayo, hihingi yan. At maiinis kayo.

Ako kasi ang personal philosohy ko sa buhay, tutulong ako kung kaya ko. Pero di ko kakarguhin ang responsibilidad ng iba. Kanya-kanyang buhay tayo eh. I understand your hubby, may promise siya sa ate niya na namatay. But sometimes, mahirap talaga ifulfill ang promises na nagawa natin dati (lalo na pag wala tayong choice at napilitan tayong magpromise kasi nga mamamatay na). Marami kasing circumstances along the way. Katulad niyan, lumalaki na rin ang pamilya ninyo. Marami talagang gastusin. Hanggang kelan nyo ba pag-aaralin yung pamangkin, college? Grabe, kakayanin ninyo ba yun? Sana nga kung milyonaryo kayo. Pero tama ka, isa pang factor ang pagbaba ng dolyar eh. Mababa ang value ngayon ng sweldo ng mga seamen.

Dapat firm kayo sa decision ninyo na pang-tuition na lang ang ibibigay ninyo. Kasi kayo rin ang kawawa in the end.

jhenrheign

  • Guest
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #53 on: May 25, 2011, 02:25:30 pm »
^super true ang insights mo sis... kaya i talked to hubby na we need to limit helping them kasi umaabuso na sila almost a month na namin pinag-uusapan about dito...

yun nga eh, ano ineexpect nila hanggang college sasagutin namin yun, di na tama yun... okei na may maishare kami para sa mga bata... yes, me and hubby is firm about this decision... pinag email ko nga sya para maipabasa ko kay MIL, para at least alam nyang si hubby mismo ang nagsabi nun, kasi nung minsan na sinabi ko na bakit mo sasagutin pati gamit di ba sila makabili nun, sabi nya, eh wala naman trabaho yun ano pambibili nun, di na ko nag react sinabi ko na lang kay hubby na ganun sinagot sa akin... kaya si hubby na yung nagsalita this time para wala sya masabi...

sabi nga ni hubby kay MIL, wag mo akuin lahat tapos ako yung pagbabayarin mo... nataon kasi ngaun na nasa barko pa si hubby sa july pa ang uwe nya then nasa site sila kaya di sya makatawag...

thanks so much sis... i appreciate your response...  :) medyo gumagaan na din ngaun yung pakiramdam ko...
« Last Edit: May 25, 2011, 02:29:29 pm by jhenrheign »

Jenivie

  • Guest
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #54 on: May 25, 2011, 02:35:47 pm »
pasali namn po, mejo new palang ako sa forum na to and i like it. Dami pala matutunan anyways nagtry lang kasi ako mag search about seaman kasi hinahanapan ko ng work ang brother ko wala pa syang experience kaya sobrang hirap talga mag apply. Nakakaawa lang everyday sya umaalis ng bhay para mag apply pero til now wala pa din. Sabi ko nga sa kanya hayaan mo darating din yung swerte natin [textspeak!] hindi pa ngayon pero wag ka susuko. Nakakaiyak lang tuwing nakikita ko syang parang nawawalan na ng pag asa.

Kasi ba naman khit yung papa ko nag wowork as chef cook di parin mapapasok si kuya sa company mahina ata dumiskarti si papa. 4yrs. nlang try ng try yung kuya ko mag apply ibang agency. Nagtraining na rin sya ng tesda as welder [textspeak!] parin. Kahit ako nag sesearch nlang ako sa net ng kung ano pwede nya maaplyan. Hahaizt buhay, pati din pala sa mga agency na yan may politika din :(

Anyways, ask ko lang sis jhen kung anong agency yung hubby mo patry ko din dun yung kuya ko.
Sana matulungan nyo ako or khit any advice man lang okey na rin yun.

Thanks!

dasha0326

  • Guest
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #55 on: May 27, 2011, 05:35:48 pm »
sis jenivie may US visa na ba ang brother mo? kasi alam ko mas mabilis makapag apply kung may US visa ka.  Asawa ko 7 months natambay kasi kahit na may agency nang humahawak sa kanya yung mga principals gusto may US visa ang kukunin nila.  Buti na lang kahit wala pa US visa ang mister ko may kumuha pa din sa kanya.  And hopefully sa pagbaba niya aasikasuhin na ng agency niya ang Visa niya.  Try niya apply sis sa YIALOS MANNING AGENCY.  Sa may kalaw malapit lang sa Magsaysay.

guilleanne

  • Guest
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #56 on: May 31, 2011, 02:29:22 am »
@Jenivie kahit ba utility walang tumatangap sa kapatid mo? kasi kela hubby ang umaakyat lang na wala pang experience ay mula sa mga utilities ng opisina/agency nila. pulitika talaga yan, I've heard stories pa nga na yung mga magulang ng baguhan eh nagbabayad pa or suhol sa mga fleet manager para makasampa mga anak nila. pag utility kana pulitika parin, kelangan magaling ka sumipsip kasi hindi sa patagalan sa pagiging utility and labanan, pasipsipan din. yung iba swerte kahit ilang buwan pa lang na utility nakaka akyat na yung iba umaakbot ng taon. mahirap talaga pag wala kang kakilala, kapit or pera.

sa opisina nila hubby pera pera din, yang mga fleet manager din kung sino ang magaling magpasalubong sila yung madaling nakaka akyat or akyat when able, kung kelan nila gusto. si hubby namuhunan rin yan sa mga tao sa opisina nila, nung bago daw sya dun ang laks nya manlibre sa mga bossing, buti na lang now hindi na kasi kilala na sya ng principal plus maboka rin din si hubby so kahit hindi na sya nag aabot ng green na papel chocolates na lang.

sana makahanap na ng work kapatid mo, mahirap talaga pag wala pang experience. mahirap din kumuha ng us visa kasi yung kapatid nga ni hubby 8 years ng nagbabarko bago pa na approve ng visa, 3 times yata sya nag apply.

chasiderwin

  • Guest
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #57 on: June 01, 2011, 09:58:56 am »
mga sis not necessarily naman na pera-pera lang talaga, minsan kung malakas ang baker mo  mas madali kang makakasampa, yung iba utility muna sa office bago maging wiper or oiler sa barko, tiis-tiis lang talaga, hubby ko walang us visa so kapag part ng us ang barko nila, hanggang barko lang siya di siya pwede bumaba, buti na lang din halos napupuntahan nila asia, tapos europe area, kaya no need  na  maglagi lang sa barko, pero mas ok talaga kung may us visa ka, sa dami na din ng nagseseaman now pahirapan na rin, mister ko mula sumakay siya hanggang now hindi pa nagbibigay sa office nila kahit man lang chocolate, katwiran niya, mahirap kitain ang pera, trabaho nila yun kaya wag sila mag hanggad ng iba, sinasahuran naman sila sa trabaho nila e, at hindi lang daw siya ang bumaba meron ding iba, tama ng yung iba ang magbigay di naman daw need na lahat sila mag-abot, so far until now nakakasakay naman siya kasi minsan siya na din ang hinihiling ng kapitan lalo na kung nakasakayan na niya. tyagain lang ng kapatid mo sis pasasaan ba makakasakay din siya PRAY PRAY PRAY

Jenivie

  • Guest
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #58 on: June 22, 2011, 01:56:02 pm »
@all: mga sis thanks sa inyong reply,lagi ako nakaonline pero now ko lang nacheck yung post ko hehheh.. anyway till now [textspeak!] pa din nag try na rin sya ngayon khit utility lang. Nag training na rin sya as welder tesda certified sana khit alin dun mapa seaman or welder local or abroad bsta meron. Im prayig talga lagi. mahal na mahal ko kc kapatid kong yan ee. nakakaworry lang kc nag 29 na sya nung Jun 19 ka bday pa nya si sir hehe. sana before sya mag 30 yrs. old makahanap na sya. malapait na din bumaba c papa.  pag tawag ni papa advice ko nlang na makiusap sya sa captain ng barko tutal for sure close nya yun. Sana nga mga sis makawork na kapatid ko, ako kc sumusuporta pang apply nya ee.
Pray for us. Thanks!  :)

london

  • Guest
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #59 on: June 22, 2011, 08:50:21 pm »
pasali mga sis. recently lang ako naging aware sa mga ganito kasi yung papa ng friend ng friend ko kapitan sa barko then yung kakapasok ko lang na officemate e papa naman niya captain din. then yung isa ko pang officemate, bf naman niya nagbabarko.

mahirap talaga pumasok kasi yung friend ko nga e humingi na ng tulong dun sa friend niya na me papang kapitan pero wala pa rin. kakasampa lang ng papa niya this month uli and kahit daw yung e nahirapan sa mga requirements. dami daw dinagdag. so yun, di na rin naasikaso yung para sa kapatid ng friend ko kasi naging busy din siya. tapos hinihingan nga daw ng experience. e pano nga magkakaexperience e kaka graduate pa lang.

sana may alam pa kayong ibang agency mga sis. medyo late 20's na din kasi tong kapatid ng friend ko. and nakakaawa din kasi pabalik balik sa agency para mag report tas wala naman pala.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close