gusto ko lang mag vent out ng inis ko mga sis na i stress na din kasi ako dito lalo na preggy pa ko... actually inis namin to ni hubby...
enrollment is coming up na kasi uli, may pinapaaral kami na pamangkin ni hubby... the thing is medyo naiinis kami sa tatay nun ngaun... sa totoo lang madame kami gastos ngaun, mababa pa dollars, eldest namin nag schooling na, i will give birth pa plus yung binyag and we're paying our monthly amortization sa house namin sa cavite, then yung monthly expenses din, but still we want to help his son kahit man lang sa tuition para makabawas and ma fulfill pa din ni hubby yung promise nya sa late ate nya...
we don't have any problems naman dati but last school year, recognition day na mismo, bigla sila naningil na di pa daw nababayaran yung tuition for 6 months, eh si MIL di naman nya maalala kung ano na yung naiabot nya, eh sabi naman ng pamangkin ni hubby nabayaran na daw yun... kahit nga field trip sa amin din sinisingil... naiinis kasi kami bakit kung kelan recognition day na dun lang sasabihin na may need pa bayaran, so medyo nag doubt na kami ni hubby... parang there's something fishy... si MIL kasi oo na lang ng oo eh, inaako kasi nya lhat ng bayarin sa school then di naman nya namomonitor kung ano yung mga nabigay na nya, parang napapaikot nila si MIL kasi maawawin sya sa mga apo nya... sabi nga ni hubby wag na daw bigyan nung 6 months na sinasabing kulang kasi di na sya makapaniwala na ganun, pero still si MIL abot pa din... so wala na kami nagawa ni hubby...
then now, medyo may ibang hinala na kasi kami ni hubby... naiinis kami kasi sya nagpapakahirap sa barko then tong tatay ng pamangkin nya nasa bahay lang nagbabarkada, inom lang, nag gf ng may anak at kung ano-ano pa... parang wala kami nakikita progress sa kanya, imagine 2 anak nya, pareho na schooling pero nakatunganga lang sya inaasa nya pag papaaral sa amin ng anak nya, sana man lang mag work sya di yung ganun... lumalaki na mga anak nya, di naman forever masasagot namin dahil may sarili din kaming family.... tumutulong lang din kami para mas gumaan ang dinadala nya pero ang nangyayare iaasa nya sa amin lahat...
nag-usap na kami ni hubby sabi namin di pwedeng ganito lague... dapat matuto sya, may pension sila ng mga bata san nya dinadala... last time kasi nandun si MIL, inisa isa na uli yung mga babayaran, eh si MIL inako na naman uli lahat... pati gamit ng mga bata sya ang bibili, di man lang sabihin na sige kami na lang bibili ng mga gamit wag nyo na intindihin yun, pero wala kami narinig na ganun... pati yung books sinabi na din kung magkano basta lahat ng gastos sinabi na nila... kaya ayun sa sobrang inis namin ni hubby sabi namin tuition na lang at gamit bahala na sila sa books at sa ano pa kelangan.. di na pwede ganun ang ginagawa nila... na iiasa sa amin lahat... dapat matuto sya na maging responsable sa needs ng mga anak nya...

okei lang sana na sagutin namin lahat yun pero kung mas lalo walang ginagawa yung tatay nila mas mabuti na i limit na lang din namin yung help na binibigay namin kahit na naaawa kami sa mga bata para matuto syang gumawa ng way para maibigay nya yung dapat nya ibigay sa mga anak nya, kasi pag sinagot namin lahat yun uli wala na naman mangyayare, nakatunganga na lang sya dahil alam nyang wala syang dapat intindihin na gastusin...
pasensya na medyo napahaba...