nakita ko na kung paano umikot si baby kaninang umaga!
nagising ako mga 7, tulog pa siya, nakadapa. nagising ako ulit mga 8, gising na din siya at nakatihaya na.
dinapa ko ulit at sabi ko pakita niya sakin paano siya umikot. umikot naman!

tinawag ko daddy niya para makita din niya. ayaw na. napagod siguro.

meron palang 3500 na host. sana yon na lang imbes na 11500 na alex l? pero sabi niyo worth it si alex l eh so sige na nga.

medyo umiiral nanaman kasi pagka fickle-minded ko at kagabi nagdrama ako na ang mahal ng party. halos 1 annual fee na yon ng VUL kaya nag-guilty ako.

eh naghahanap ako ng mas murang caterer. dito kasi sa clubhouse namin parati kong nakikita na caterer ng parties ay si blue petals so naginquire ako. ang mura ha. iniisip ko para makatipid ito na lang kaya kesa passion cooks.

pero di ko pa sila natry eh. meron bang makakapagbigay ng feedback? mukhang ok naman menu nila. 190++ lang yung for kids, 240++ yung for adults. half the price ng kay passion cooks.

also waiting for other caterers to send me their packages.
ang gulo ko ano? really cannot decide eh. kasi ang importante naman is may party and ma-document yung party. gaya ng sabi ko, gusto ko ng party pero ayaw ko ng mahal na party.

and pala. question regarding fees ni apple. kasi ang nangyari ang ginawa lang niya for me is to book alex l then i'm getting balloon decor for her. nagbayad na ako ng 8k, 3k to book her and to lock in the old rates and 5k to book alex. eh yung balloons na kukunin ko from here 4000+ ang total. bawas ba dyan yung 3k na binayad ko na o bayad pa ako ng 4000+ on top of the 3k?
jen, nagreply na si zoombox. book ko na siya at si marc. at si mychocolateheaven din. itong 3 nato di ko na titipirin. nag-confirm ka na din ng booking sa kanila? pero yung caterer, napapaisip ako talaga. in-email ko na nga din si verleo eh.
kim, the white shoes i got from mothercare yesterday, di ko napansin mas malapad yug isa. as in super halata! same length sila pero mas wide yung isa. weird. will have it replaced on saturday sabay kukuha na din ako ng cupcakes for bianca's 5 months.